HINDI pa sumisikat ang araw ay natagpuan ko na agad ang aking sarili sa comfort room, idinuduwal ko ang kanina pang humahalukay sa aking tiyan. Nakatapat ako sa sink, at nakahawak ako sa paligid niyon upang alalayan ang aking sarili. Nasa likuran ko si Faye, hinahagod niya ang aking likod upang kahit papaano ay maalo niya ako. I hate this morning sickness. Pang-apat na araw ko na yata ito na ang bubungad palagi sa akin sa umaga ay ang pagsusuka. “Sobrang hirap, Faye,” mahinang reklamo ko matapos kong hugasan ang aking bibig. Umayos ako ng tayo. Sa mirror ko lamang nasalubong ang kaniyang concern na mga mata na para bang sinasabi niya sa akin na kailangan kong pagtiisan ito. I know that this is a part of my pregnancy. Na-experience ko na rin ito noon ngunit minsanan lamang, hindi katula

