HE never failed to surprise me. Ang galing niya, ang hilig niyang sorpresahin ako. At ako naman, palaging nabibigla. May ititindi pa pala sa sakit na naramdaman ko. May ilalalim pa pala ang sugat sa puso ko, pati na rin ang pighating hanggang ngayon ay nakaukit pa rin dito. Mas lumala, mas naging sariwa, mas bumagat at mas sumakit. Kailanman ay hindi ko inasahan na maririnig ko ang isang bata na tinatawag siyang Papa. Unless it was our own child. Ang akala ko kasi, ang mga magiging anak lamang namin ang puwedeng gumawa niyon. It’s painful to hear that. It’s painful to know what he’s hiding from me — a son from another woman. Kung alam ko lang na ganito pala, sana ay hindi ko na lang ginustong malaman pa. When we lost our child, half of my world nearly died. Noong mawala si Yosef sa akin,

