PINANGHINAAN ako ng loob kanina ngunit itutuloy ko pa rin ang aking plano. I will surprise him about our pregnancy, but not now. I need a little more time. Pag-iisipan ko pa ito kung paano. “Kung mapupuntahan lang kita ngayong gabi diyan, makukurot talaga kita sa singit, Leal.” Napabuntonghininga ako nang muli kong narinig ang boses ni Faye sa kabilang linya. I called her to tell her the thing I had done earlier. “Sa luwag niyang mga turnilyo sa utak mo, nadamay pa ako sa mga kagagahan mo.” Napakamot ako sa aking ulo. Sumilip ako sa may terrace at hinanap ng aking mga mata si Yosef, naroon pa rin siya sa tapat ng gate habang may nililinis sa kaniyang sasakyan. “I’m sorry, Faye. Paano ba ako makakabawi sa’yo?” “Tatanggapin ko na lang ang sorry mo, huwag ka nang magpakonswelo,” asik n

