“YOUR ex-husband is fine now, isn’t he? I bet he remembers now his fuckin’ debt to me. He stole my wife. Kinuha niya sa akin si Ariyah. Don’t you know that?” Ipinikit ko ang aking mga mata at dahan-dahan akong huminga upang pakalmahin ko ang aking sarili. Hanggang ngayon ay nagpapaulit-ulit ang mga katagang iyon ni Mr. Saldivar sa aking isip at pandinig. I don’t understand what he said. Sa lahat ng kaniyang sinabi, iyon ang pinakatumatak sa akin. Yosef stole his wife? What do he mean by that? Naiwan akong naguguluhan. Nang makaalis siya ay matagal bago humupa ang paninikip ng aking dibdib. Hindi ko inaasahan na pupuntahan at kakausapin niya ako sa mismong opisina ko. He wanted a deal? Gusto niyang makipagtulungan ako sa kaniya upang hindi magkita sina Yosef at Ariyah? Bakit? Ano ang dah

