Irish Fhrixe's pov
Pagkatapos nang umagahan napagdesisyunan kong pumunta ng kagubatan para magliwaliw. Nasa bahay palikuran ito. Kinuha ko ang aking rifle gun na nasa baba ng kama saka black jacket na nasa loob ng kabinet bago tuluyang nagtungo roon. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad papasok sa gubat nang mapansin kong merong sumusunod sa akin. I turned around, pero wala akong nakitang tao. Nagpatuloy ako at hinayaan ko kung sino man ang sumusunod sa akin.
Tumingala ako sa taas ng mga kahoy, nagmamatyag kung meron bang ibon na naruruon. Kinuha ko ang baril na nakasakbit sa aking balikat at inihanda ito. I aimed it on the bird perch above the tree. Kinalabit ko ang gatilyo nito at ngumiti nang makita ang nalaglag na ibon na basag ang ulo. Someone clapped at my backside. Lumingon ako sa aking likuran kung saan nanggaling ang palakpak. Ngumiwi ako nang makita si Redeemer. Nakabihis na ito. Saan kaya niya galing ang damit niya?
He grinned. "Good job! Galing talaga ng putot ko."
Inilahad ko ang aking kamao sa kanya na may pagbabanta. Kasunod tinalikuran ko siya at inis na pinulot ang ibon. Ibinato ko ito kay Redeemer at sinalo naman niya ito.
He frowned. "Aanhin ko ito?"
Walang buhay na tingin ang pinukol niya sa akin. "Gusto mong sumama diba? Dalhin mo," inis kong sagot na muling isinakbit ang baril sa balikat.
Nagpatuloy ako sa paglalakad, nakasunod rin sa akin si Redeemer. Ganoon na lamang ang gulat ko nang mapansin kong patakbong humabol siya sa akin at hinuli niya ang aming mga palad.
I gave him a questioning look. "Takot ka?" Bumaba ang tingin ko sa kamay namin na nakasaklop.
Ngumiti siya. Inis ko namang hinablot ang kamay ko na kinatigil niya sa kakangiti. Naunang naglakad siya na bakas sa reaksyon niya ang dismaya. I feel, I am the reason why he is upset. Hinabol ko siya saka walang sere-seremonya na hinuli ang kanyang kamay. Nakaramdam ako ng ilang pero tinapon ko iyon. Honestly, I really want to hold his hand too, even a while.
Huminto siya sa paglalakad, ganoon din ako saka kami humarap sa isat-isa. "Ang iyong malambot na kamay ang isa sa pinakapaborito kong parte ng katawan mong nahawakan ko," he emotionally said.
Pagsabi niya, parang may sariling utak na sumalpok ang kamao ko sa dibdib niya. Magkahawak pa rin ang aming mga kamay habang napangiwi siya sa sakit na ibinigay ko. Pakiramdam ko kasi binabastos niya ako sa pahayag niyang iyon.
He winced because of pain. "Sakit ha!"
Babawiin ko sana ang aking kamay nang biglang hinigpitan niya ang kanyang paghawak dito. Pinilipit niya ang aking kamay sa kanyang kilikili na parang ayaw na niya itong bitawan.
Nginusuhan ko siya saka tumingin sa malayo. "Masakit? Edi problema mo yan!" Singhal ko. "Bat ka kasi sunod ng sunod sa akin?"
Sa halip na sagutin ako hinila niya ako paloob ng kagubatan. Palihim akong ngumiti habang nakatingin sa kamay kong sipit-sipit pa rin ng kanyang kili-kili. How romantic he is!
"Alam kong nakangiti ka," sabi niya. "Nararamdaman ng puso ko."
Tumikhim ako saka tumingala sa mga puno. Sinusibukan na ilayo sa kanya ang aking isip. This is not good for me!
"Pwede ba akong magtanong tungkol sa family mo?"
"Oo naman, anong tanong mo?" Agad na sagot ko.
"Saan ang parents mo?" Tanong niya.
"They're died in a car accident when I was five years old." Tumikhim ako saka pinagpatuloy ang sasabihin. "Kaya si Tito Rainne Barquin na lamang ang nagpalaki sa akin."
Tumungo-tango siya. He was satisfied for my answer. Tuloy ang pag-gala ng aking mga mata sa itaas ng mga puno. Naghahanap ng ibon na babarilin.
"How about Leiy, he's your half-brother, right?" Natahimik siya ng ilang minuto, parang hinihintay ang sagot ko. "Paano mo siya naging half-brother? I mean—"
Pinutol ko ang kanyang sasabihin nang matantiya ang kanyang gustong malaman. Hindi ko na kailangan na marinig ang susunod na mga salita niya, nahuhulan na'to ng aking utak!
"Ikalawang asawa ni dad si mom. Ang unang asawa ni dad ay ang ina ni Leiy," ekplinasyon ko.
"Oh," he sighed. "Nakuha ko."
Hurts wrapped my heart. I'm sorry for lying!
Tumikhim si Redeemer at bigla itong huminto sa paghakbang at lumingon sa akin na hindi ko namalayan. I was shocked when her lips pressed into mine. Bahagyang umawang ang bibig ko at palaki nang palaki ang aking mga mata.
Napahawak ang isang kamay ko sa laylayan ng suot niyang t-shirt. I blinked when her lips moved. At para akong mabubugtuan ng hininga sa pagpipigil na huminga habang walang galaw na nagaganap mula sa akin.
Ilang sigundo, pinakawalan niya ang labi ko nang may ekspresiyon siyang hindi ko mapangalanan. Hindi ko alam kung anong ipupukol ko na ekspresiyon sa kanya kayat ngumiti na lamang ako. Napangiti na rin siya.
Little by little his lips draw near on mine. Agad kong pinikit ang aking mga mata at taas-noong inantay ang kanyang labi. When his lips slightly touched mine, agad ko itong sinakop.
He kissed me with tender and gentle. Sinuklian ko ang halik niya gaya ng kanyang halik. Magkadikit pa rin ang aming mga labi ng binuksan ko ang isa kong mata nang maramdamang tumigil siya sa paghalik sa akin. Ang kanyang ekspresiyon na punong-puno ng pagmamahal ang aking nasilayan.
Pumulupot ang kanyang braso sa baywang ko at bahagyang inangat kaya napatingkad ako. Muling gumalaw ang kanyang labi, muli ko ring pinikit ang aking mga mata.
"Putot... I love you," Daing niya sa gitna ng aming halikan. "Mahal kita..."
Minulat kong muli ang aking mga mata, at kakaibang ekspresiyon ni Redeemer ang aking nakita. Tumingil siya sa paghalik sa akin at tinitigan niya ako ng matiim.
I was on the way for responding his word, nang biglang kumulimlim ang paligid. Napatingin ako sa langit at umawang ang aking labi sa natuklasan. Ang araw ay natakpan ng dark circle dahil nasa gitna nito ang buwan.
Ang gandang tingnan!
"Redeemer," sumulyap ako sa kanya at agad muling ibinalik ang mga mata sa eklipse na nagaganap, "tingnan mo, eclipse!" Paghahanga kong sabi.
"Anong paki ko, hindi naman yan ang dapat mong pagtuunan ng pansin." Maktul niya.
Hindi ko man alam kung bakit siya umasta ng ganoon— hindi ko na lang siya pinansin. Nakapako ang aking paningin parin sa itaas hanggang sa muli kong narinig ang boses niya sa pasigaw na paraan.
"Putot, mahal kita!" Sigaw niya habang nakatingala sa buwan at araw na nagsasanib. "I love you! I love you!" Dagdag nito.
Parang sasabog ang puso ko sa kasiyahan. Hindi ko mapigilan na matawa dahil dito. Binalik ko sa kanya ang aking pansin, nakatingin parin sa eklipse na nakangiti.
Lumunok ako. "Redeemer, I love you too," sagot ko sabay nakaw halik sa kanyang pisingi.
And for that, muling lumiwanag ang paligid. Babawiin ko na sana ang aking labi sa kanyang pisngi, ngunit hindi pa man lang ko ito nailayo ay bigla niya akong inangat. Nalaglag ang rifle na nakasikbit sa aking balikat sabay ang hindi ko inasahan na pagpulupot ng aking mga hita sa kanyang balakang at ang paghawak ko sa kanyang bawat balikat.
Akala ko muli siyang hahalik sa aking labi pero dumiritso siya sa aking tainga. Narinig ko ang marahan niyang pagtawa bago niya hinalikan ang tangkay ng aking tainga.
"Tayo na ba?" Maaninag sa boses niya ang kasiyahan sa naging tanong niya.
Patago kong kinagat ang aking babang labi, humalungkat ng sagot sa aking isip, ngunit pati ito'y walang naiisip na magandang isasagot. Tumitig ako sa kanya na kasalukuyan rin siyang ganoon sa'kin habang bakas sa mukha ang paghihintay sa magiging tugon ko.
"Hindi ko alam," sabi ko sa pabulong na paraan at ito'y talagang totoo.
Hindi ko alam kung nanliligaw ba siya sa'kin. Hindi ko alam kung nanliligaw dapat ko ba siyang sagutin. Hindi ko alam kung tama ba na sinabi ko sa kanya na mahal ko siya. Kagaya ng pagsanib ng buwan sa araw ganoon ang nangingibabaw sa'kin ngayon. Ang puso kong nagmamahal natakpan ng pangamba.
Umismid siya, napangiti ako sa paglabas ng malalim niyang dimples. I can't take my eyesight on there, mas lalo kasi siyang gumagwapo. Hays!
"Gwapo ka pala no?" Pag-amin ko. "Ngayon ko lang nalaman," panunudyo kong sabi.
"Grabe ka," mayroong pagtatampo sa kanyang boses, "matagal na akong guwapo ngayon mo lang na-notice."
Nag-iba ang kislap ng kanyang mga mata. Parang may gusto itong sabihin na hindi maibigkas ng kanyang mga labi. Ngumuso ako kasunod tumingin sa malayo. Magsasalita pa sana ako nang naunahan niya ako.
"Do you know about the tale of eclipse?" Tanong niya.
Kumunot ang noo ko sabay iling-iling. Paano ko malalaman hindi ako mahilig magbasa ng libro at mas lalong hindi ako mahilig manood ng soap opera or whatsoever.
"Bakit ano nga ba ang tale-tale ng eklipse na 'yan?" Bagot kong tanong. "Meron bang basagan ng noo?" Dagdag ko na hindi nag-iisip.
Para akong pinukpok ng bato sa ulo ng mapagtanto ang aking sinabi nang kumunot ang kanyang mukha. Pinulot niya ang baril kong nalaglag. Isinakbit niya ito sa kanyang balikat at nagpatuloy sa paglakad na karga-karga siya.
Hindi naman siguro ako masyadong mabigat, no?
"Tungkol sa vimpire and wolf na nagmahalan. But sad to say, maraming humahadlang sa kanila dahil nga magkaiba ang kanilang lahi."
"Then what's next?" Bagot kong tanong.
Wala namang exciting sa kuwento niya!
"Kinagat nila ang isat-isa, then when they died the first eclipse was occurred," he sighed, "the end."
"Anong meron sa kwento na 'yon? Wala namang kainte-interest." Tinampal ko ang kanyang balikat, "ibaba mo nga ako!" Bulyaw ko.
"Wag ka ngang malikot diyan," inis niyang sabi.
Nagprotesta ako habang buhat-buhat niya. Napangiwi siya ng konting-konti nalang mabibitiwan na niya ako. At sa ay nakatakas rin siya sa aking mga bisig.
Her wry smile shown. "Ibigay mo iyang baril ko!" Singhal niya sa akin.
Inabot ko sa kanya ang baril saka nilagpasan siya. Gusto ko lang naman na magpaka-gentleman pero parang hindi niya iyon nakikita at nararamdaman.
He snorted. "Manhid talaga."
Nagpatuloy siya sa paglakad at ilang minuto huminto siya na parang may hinihintay. Pagkarating ko sa kanyang tapat ay pabigla niyang sinaklap ang aming mga palad. Bumaba ang aking mga mata sa aming mga kamay . My smile gleamed, my heart flutter and it was saying that I been completely.
Redeemer Fryck's pov
I was so very disappointed. Biruin, nag-effort pa akong magkuwento kahit wala naman akong talent sa pag-narate. Tapos sa kanya wala lang, pinaparamdam pa niyang wala akong kuwentang magkwento. Hays! Ang manhid talaga!
Tumikhim ako at tumingin sa unahan namin. Naging seryoso ang ekspresiyon ko pero ang loob ng aking dibdib ganoon pa rin ang nararamdaman.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong niya. "Sinusundan mo ba ako?"
Tuloy ang paglakad namin. Sumulyap ako kang Irish na kasalukuyang nakatingin sa malayo. I coughed for getting her sight. Tumaas ang mga kilay niya habang ibinigay niya sa akin ang kanyang paningin.
My eyes were dropped, "you're so cute." I murmured.
She stopped walking, "Answer my question, hindi ako nakipagbulahan sayo."
I sighed before respond. "Pagbalik ko galing maligo nakita kitang papunta dito kaya sinundan kita."
Actually, yes I followed him. And straightforward, I'm not totally believe that she's unacquainted of Gusion's death. But I don't really know too, my heart disagree about it!
"Inamin mo rin." Aniya.
"Of course, I am honest with you." I faced her. "How about you, Irish? You have been totally honest with me?" I queried.
I smiled while waiting for her answer but she just keep on staring at me quietly. Ramdam kong parang wala siyang balak sagutin ang tanong ko kaya marahan ko na lang na pinanggigilan ang kanyang pisngi.
Sumunod ang nakakabinging katahimikan habang muli kaming naglalakad. Naramdaman ko ang kamay ni Irish na maginaw at may kunting pangangatal pero hindi ko na lamang ito pinansin.
"Redeemer, what if nakagawa ako ng mali... Mapapatawad mo ba ako?" Agaran niyang tanong
I was surprised by her unexpected question. Hindi ako naging handa sa ganitong tanong. Ano nga ba ang maging pasya ko? Mapapatawad ko kaya siya?
I breathed. "I don't know." Pabulong kong sagot. "May nagawa ka bang mali na kinagagalit ko?" Agad kong tanong.
"Wala naman, nagtatanong lang ako." Irish said, the tone of her voice was so defensive.
I didn't spoke. Pinakawalan niya ang kamay ko at tinutok niya ang baril niya sa itaas ng puno. She pulled the trigger then bird fell down at the front.
Nilapitan niya ang ibon na nalaglag at ibinato niya ito sa akin, buti na lamang nasalo ko. Ngumiwi ako at itinaas ang ibon na halos wala ng ulo dahil rito ito natamaan.
"Dalhin mo yan," Utos niya sa akin. "Ipapa-adobo ko pa yan kang Liey."
Umismid ako. "Ipapaluto mo ito?" Di makapaniwala na tanong ko. "Maawa ka naman, ang liit nito." I said seriously.
Admiration to Irish flash while gazing on the dead bird. Habang nakatitig ako dito ang kuryusudad ay lumukob rin sa akin kung ano pa ang kaya niyang gawin.
Irish stood there, she was watching me without any emotion. Lumapit ako sa kanya at pinisil ko ang tangkay ng kanyang ilong. She instantly frowned at me and I slightly smiled for that.
"Anong nginiti-ngiti mo?" Iritable niyang tanong.
"Mayroon lang ako iniisip." Agad kong sagot.
"Ano naman yun?" Tanong niya.
"Kung ano pa ang kaya mong gawin..." I honestly answered.
Consequently, her boastful expression was shown. "Kaya kong gawin ang lahat, maliban sa isa."
Curiosity ate me, "at ano naman ang hindi mo kayang gawin?" Sabik kong tanong. "Baka ano na yan ha," ngumiti ako.
Nakataas ang kilay ko habang nanghihitay ng sagot niya. Siya naman ay napakaseryoso ang mukha. Mukhang kahit anong gawin kong biro hindi ito mababasag ang pagiging seryoso nito.
"Ang saktan ka." Sagot niya, puno ng pagtitiyak ang tuno ng kanyang boses.
Irish answer made my heart happy with anticipation. Pag-asa na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Gusion. That's it! Hindi niya ako kayang saktan.
I grinned. "Panghahawakan ko ang sagot mo na yan, putot."
Irish was blinked and smiled then start to stepped again. Naging tahimik kami at halos kalahating oras din ito. Panay ang tingala niya sa itaas ng mga puno habang ako naman ay nasa kanyang likuran, inaabangan ang bawat kilos niya.