Irish Fhrixe's pov
I began to wonder extremely. My mind construct questions regarding happened lately. Kagaya nang bakit inutos ni master iyon? Wala na ba siyang tiwala sa akin? hindi na ba siya naniniwala na kaya kong tapusin ang misyon ko?
Matapos ang lahat na nangyari hindi ako makapaniwala na walang nahuling buhay ang mga batas nang dumating sila. Ang lahat ng napasakamay nilang tauhan ni master ay puro patay. May nabuhay rin naman pero nakatakas ang mga ito. Mabuti na rin dahil kung nagkataon na may nahuli sila sigurado akong iiimbestigahan nila ito at sapilitang paaminin kung kanino ito nagtatrabaho.
Wala na sana akong balak sumama kay Redeemer sa mansyon nila dahil sa mga nangyari. Pero mapilit siya kaya sumama na lang rin ako. Kaya ito ngayon naghahapunan ako kasama ang mga Villarica.
Halos hindi ko maigalaw ang pagkaing nasa aking plato dahil sa mga gumugulo sa aking isip. Hindi parin mawala-wala sa aking isipan ang nangyari kani-kanina lang. Marahan akong napaiktad ng biglang pinisil ni payatot ang aking hita. Sumimangot akong lumingon sa kanya na nasa kanang gilid ko nakaupo.
I rolled my eyes. "Ano?" Anas ko.
"Eat, putot..." Pabulong na sagot niya.
Namalayan niya sigurong lumilipad ang isip ko kaya niya iyon ginawa. Bumuntong-hiniga ako, umarte ng natural habang Pinagtuunang muli ang aking pagkain. Ngunit nang susubo na sana ako'y naudlot ito dahil sa pagsasalita ni Luksurio.
"Anong pangalan mo, ija?" Tanong ni Luksurio sa akin.
Gusto kong isigaw na ako si Irish Fhrixe Silvanna, ang taong pinagkaitan nila ng pagmamahal ng isang ina at kapatid, pati na rin pagmamahal ng ama. Pero hindi ko ito gagawin dahil masisira lamang nito ang aking planong paghihiganti. Ibinaba ko ang kutsara at binalingan si Luksurio. Naabutan ko siyang naglalagay ng kanin sa kanyang pinggan.
"I'm Ir-"
"She's Irish Barquin," agaw linya ni Carrie. "Napagkwentuhan na namin siya ni Fryck, dad."
Bakit naman nila ako pinagkuwentuhan? Ano naman kaya ang pinag-usapan nila tungkol sa akin? Binaling ko ang aking paningin kay Carrie, naabutan ko siyang nakatingin sa akin. Tinapunan ko siya ng isang malabong ngiti saka nangsalita.
"Yes! you're right," was my assured reply.
Sinigurado ko na ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko, bawat galaw ay wala silang mabusisi tungkol sa tunay kong pagkatao. That is me, not just an assassin, but also a best actress!
Carrie smiled cheerfully at me. "Yeah, I know...by the way I'm Carrie," tinuro niya ang babeng nasa kanyang kaliwang gilid. "This is my tita Esmeralda." Binalingan niya ang kanyang hintuturo sa batang nasa kanyang kanang gilid. "My beautiful niece, liayra."
Isa-isa kong nginitian sila. Pakitang-taong ngiti, to be exact. Lumingon ako sa dereksyon kung saan naroon ang padre de pamilya nang marinig ko ang tanong niya.
"Kilala mo ba si Rainne Barquin?" Rinig kong tanong ni Luksurio. "Owner ng Heavenly international airport."
"He's my uncle," Agad at mahinahon kong sagot.
Actually, si Rainne Barquin ay hindi ko talaga totoong tiyuhin. Ama siya ni Gainne. Ito lamang ang naisip na paraan ni master upang walang maghinala sa totoo kong pagkatao. Ang ipagpanggap ako na pamangkin nito na nanggaling sa ibang bansa. At hindi rin siya ang may-ari ng Heavenly, pagmamay-ari mismo iyon ni master. Isa lamang siyang tauhan na pinagkakatiwalaan ng ama ko.
Marahan na ibinaba ni Luksurio ang kutsara at tinidor na hawak at tuwid na tumingin sa aking mga mata.
"You know about the rumors of Heavenly?" May kaosyosohan niyang tanong.
Ang tinutukoy ba nito ay ang tungkol sa cocaine? Kung ganoon wala kang makukuhang impormasyon tungkol doon. Sinigurado kong maging maayos ang aking pagsagot. Kinuha ko ang table napkin na nasa aking lap at pinahid ko ito sa aking bibig.
"Yes! Sabi nila sa Heavenly daw dumadaan ang mga illegal drugs na nanggaling sa iba't ibang bansa." I smiled a faint. "I know my uncle very well sir, he is incapable to do their accusation," My assured reply.
Oo, inaamin ko sa Heavenly International airport dumadaan ang mga products galing sa ibat ibang bansa. Ito ang pangunahing negosyo ni master, buying illegal drugs from other countries and selling it here in the Philippines.
So, yes, for the seek of master I need to be a credible liar. Why? Because he's my father and I do everything to protect him even I would be sinful.
"Those are not accusations, tsismis lang di'ba?" Sabat ni Esmeralda. "At kung hindi totoo walang sismosang magkandarapang ikalat ito."
Mapait akong ngumiti kay Francia. "Accusation or rumor, still dinungisan nila ang pangalan ng Tito ko."
Tumikhim si Redeemer. Halatang sinandaya niya iyon upang putulin ang tensyon na nangyayari sa amin ng kanyang ina. Yumuko ako at nagpatuloy sa pagkain. Gustong gusto ko nang umalis sa pamamahay ng mga Villarica dahil kunting-kunti nalang sasabog na ang pagtitimpi ko. Lalo na kay Esmeralda na kanina pa may madilim na titig sa akin.
Kahit sa kahuli-hulihang sandali ng pagtapak ko sa mansyon ng mga Villarica sinisigurado kong wala silang paghihinala tungkol sa tunay kong pakay sa kanila. I never let them know, they will die first. Habang nag-uusap ang dalawang magkapatid, dahan-dahan rin kaming naglakad patungong parking area. Umakto na lamang akong hindi naririnig Ang kanilang pag-uusap habang napagitnaan nila ako.
"Ate Carrie, ihahatid ko muna si Irish, pakisabi na rin kay mom and dad." Paalam ni Redeemer na napakgitnaan amin ni Carrie.
"Okay, be careful... Basta magpasama ka sa mga bodyguard," paalala ni Carrie.
"Yes ate, got it."
Pagdating namin sa parking area huminto kami sa tapat ng kotse ni Redeemer at humarap ako kay Carrie. Ganoon din siya sa akin.
Ngumiti si Carrie sa akin. "Thank you miss Barquin for visiting us," sabi niya. "Syanga pala pinasasabi ni dad na sorry dahil hindi ka na niya mapapasalamatan, medyo sumakit ang ulo niya."
"It's okay, pakisabi na rin salamat sa pag-imbita niya." I responded.
Carrie is a good person. Pero patawad na lang sa kanya dahil naging anak siya ni Luksurio Villarica.
"I'm so really happy to meet you, Miss Irish."
Nagdadalawang-isip ako nang inabot niya ang kanyang palad para makipagshakehands pero kalaunan tinanggap ko rin ito. Ngumiti siya sa akin habang hawak ang palad ng bawat-isa.
"Me too, Ms. Carrie." Ako rin ang unang bumawi sa kamay ko.
"Tayo na," Yaya ni Redeemer.
Binuksan niya ang pinto sa front seat, at haggang pagpasok ko inalalayan niya ako. I let out a long sigh for relief. I'm not really good controlling temper, but thanks hell, I survived.
Hindi ko inasahan na napangiti ako sa pagiging maginoo ni Redeemer. Kung hindi ko pa nakita sa side mirror ng kotse ang sarili ko wala akong kamalay-malay na tinatraydor na pala ako ng aking sariling.
"Ngayon ka lang pa pinagbuksan ng pinto sa kagaya kong guwapo?" Tanong ni Redeemer.
Hindi ko man lang napansin ang pagpasok niya roon. Naglaho ang ngiti ko at pagtiim ng bagang ang pumalit. Pakiramdam koy iniinsulto niya ako sa tanong niya.
"That's it! That's true!" Pag-aasar niya.
Mura ang tangi kong naisagot dahil sa wala akong salitang nahagilap sa utak. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kanyang Oo, lalo lang akong aasarin niya.
He gave a loud, silly laugh. "Admit it, putot." Pag-iinis niya.
Tuloy parin ang kanyang tawa kahit haggang nasa gitna na kami ng kalye. His silly laugh caused of infuriating me.
"Stop laughing, hindi na ako natutuwa!" Pikon ko.
Sinaway ko siya sabay takip ko sa aking mga tainga, nagbabakasakaling hindi siya marinig. Pero bigo ako. Umiingting sa aking pandinig ang tawa niya. Sagad na sagad na talaga ang pambubweset nya sa akin!
"I said, tumigil kana sa kakatawa. Tatakpan ko ang bibig mo!" Pagbabanta ko.
He's still laughing, "Are you threaten me, putot?" He caught a glimpse in me while driving. "Go head, wag mo lang pagsisihan ang maging kabayaran."
Naging makulimlim ang aking mukha dahil sa narinig ko. Tiniklop ko ang aking palad sa kanyang bigbig. Redeemer brake the car abruptly. Kinuha niya ang aking palad mula sa kanyang bigbig at Bumaling siya sa akin.
"It is your compensation," anas niya habang palapit nang palapit ang labi niya sa akin.
Parang nawala ang aking utak sa katinuan habang nakatitig sa mga mata ni payatot. Gulong-gulo ang aking utak, hindi ko alam kung anong gagawin, pipigilan ko ba siya O pabayaan na gawin ang gusto niya.
Bago pa ako makapagdesisyon nasakop na ng labi ni Redeemer ang akin. Napapikit na lamang ako nang marahang gumalaw ang labi niya. Ito'y malumanay, puno ng paggalang. Naging palakas nang palakas ang kabog ng aking puso hanggang sa parang meron nang daan-daang kabayong nagkakarera sa loob nito. Gusto kong supilin ang nararamdaman kong ito pero hindi ko magawa.
"I like you," malambing niyang bulong.
Marahas kong inimulat ang aking mga mata at iniwas ang aking labi nang marinig ko ang mga katagang ibinigkas ni Redeemer na kasalukuyan pa itong nakapikit.
"Anong sinabi mo?" Maang-maangan ko habang nagkatagpo ang mga kilay.
Pinagmasdan ko ang mukha niya, nakapikit pa rin siya habang nakasandal ang kanyang noo sa gilid ng akin. At habang nakatitig ako sa kanya isang tanong ang gumulo sa isip ko. If I'm not Irish Fhrixe Silvana, can I say I like him too?
Marahan na binuka ni Redeemer ang kanyang mga mata at umupo ng maayos. Humawak siya sa monobela at tumingin sa harap ng sasakyan. Kitang-kita ko ang naging reaksyon niya sa aking tanong. Punong-puno siya ng iritasyon, halatang hindi niya ito nagustuhan.
"Bingi ka ba talaga o nagbingi-ngian ka lang talaga?"
A pucker shown between my brows. Ano bang problema nito? Nagtatanong lang naman, bakit parang may nagawa akong mali? Gusto ko lang naman matiyak na tama ang narinig ko.
Umismid ako. "W-what?"
Napalingon ako sa likuran nang marinig ang busina ng mga sasakyan. At doon ko lang napagtanto na nasa kalagitnaan pala kami ng kalsada.
"Bulol naman ngayon." Rinig kong reklamo ni payatot sabay start sa engine at pinausad ang kotse.
Tuwid akong sumandal sa backrest. Iginala ko ang aking paningin sa labas upang maaliw at hindi ko mapatulan ang kaartihan ni payatot.
"Ah... pipi naman," rinig kong muling reklamo niya.
Wala sana akong balak makipag-bangayan sa kanya pero nang marinig ko ang huling mga salitang lumabas sa kanyang bibig umu-ver heat ang ulo ko at ang pagtitimpi ko ay sumabog.
"Ano bang p-"
"Wag ka nang magsalita baka," Lumunok siya. "M-mabasted pa ako." He said unsure.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko upang pakalmahin ang sarili kasunod ay napailing-iling bago ibinalik sa labas ang aking paningin.
Francia's pov
Palabas ako ng underground habang tinatawagan ko ang isa sa mga kakilala ko. "Hello Dr. Dex Ty, Dumating na ang isang daang kilo na drugs, it's devired from Italy."
Paglabas ko ng kuwarto kung saan nakalagay ang wardrobe dumiretso ako sa refregirator. Kumuha ako roon nang dalawang boti ng beer at dinala ko ito sa sala. Nilapag ko Ito sa mesa at marahas akong umupo sa pag-isahang sopa.
"Yes, prepare mo ang buyer, kailangan natin itong maibenta kaagad." Dagdag ko. "Okay thank you, Mr. Ty."
"Your welcome, miss Francia." Anito.
Nawala na agad ang nasa kabilang linya. Malumanay kong ibinato sa sopang nasa harap ang cellphone na hawak, inabot ang beer at itinungga. Sa kalagitnaan ng pagsimsim ko ng beer ay may pumihit sa door handle sa labas. Alisto kong hinablot ang aking baril na nakasuksok sa gilid ko at itinutok sa dereksyon ng pinto.
Halos lumugwa ang aking mga mata nang makilala ko kung sino ang bumukas ng pinto. Mahinahon akong tumayo at ibinalik ang baril sa aking pinagkunan. He's not suppose to be here, masisira ang lahat ng plano ko.
"What are you doing here?" Naging tanong ko.
"You're not happy to see me?"
Nakakunotnoo siya habang nasa gitna ng pintuan.
Nang nakabawi na ako sa gulat, masiglang nginitian ko siya.Finally, after many years we saw each other again. "No Alucard, nabigla lang ako." I answered. "Bakit ka pala nandito sa Pilipinas?"
Humakbang siya palapit sa aking harapan. Nakasunod ang tingin ko naman sa kanya, kinuha niya ang isang beer nakalapag ito sa mesa saka tinungga at ibinaba.
"I just here for Irish-for her mission rather."
"I know, ang paghihiganti lang ang mahala sayo hindi si Irish." Pabiro kong sabi.
Ibinato niya ang hawak na bote sa pinakamalapit na pader at mabangis niya akong tinitigan. hindi ko inasahan na mapipikon siya dahil lang dito.
"I'm his father, at wala kang karapatan sa kanya dahil hindi mo siya anak!" Bungad nito.
Hindi ako nagpatinig sa mabalasik na titig sa akin ni Alucard. At sa halip na matakot sa kanya nginitian ko siya nang kay tamis-tamis.
"Alam mo ang totoo kaya wag mo nang linlangin ang sariling mo baka maniwala," Malumanay kong sabi.
Ganoon na lang ang pamimilog ng aking bibig, patalikod na napahakbang ng isang beses sa bigla niyang paghablot ng baril sa kanyang gilid at tinutok niya ito sa bandang dibdib ko. Ever since hindi ko naisip na kaya niya akong tutukan ng baril.
Mabangis niya aking nginitian. "Kung sasabihin mo sa kanya papatayin kita." Pagbabanta niya.
Nanlumo ang puso ko dahil sa kanyang banta. Lahat ginawa ko para sa kanya! Sinira ko ang aking buhay para sa kanya. Bakit parang hindi pa sapat ang lahat?
Namula ang aking mga mata. "Wag kang mag-alala hindi ko sasabihin sa kanya dahil alam ko malalaman at malalaman rin niya ang totoo. Kapagmangyari yon siya mismo ang lalapit sakin." Sagot ko.
"Wag mo akong sagarin, Kathlyn." His voice was low and gelid.
Patago akong bumuntong-hiniga at pinilit labanan ang pag-ibig ko sa kanya. I want him to know that I'm a new version of kathlyn Raz. Bagong bersyon na hinding-hindi niya mauuto.
"Papatayin mo ako?" Mariin akong ngumiti. "Pero bago mo ako papatayin, I just wanna say hindi mo iyan kayang gawin dahil kapag may mangyaring masama sa'kin malalaman ng buong mundo na buhay ka pa, magiging headline ito sa diyaryo..."
"Anong ibig mong sabihin?" Matigas na tanong niya.
I smirked. "Alam kong mangyayari ito, kaya... I hide my last playing card just for you." Hambog kong bulalas. "You like it?"
"Ha-ha! Alam mong kaya kong burahin ang alas na iyan na sinasabi mo, Kathlyn," si Alucard.
"Wag mo nang subukang hanapin dahil kahit ako hindi ko mahanap."
Pansin kong nanigas siya sa galit dahil sa aking sinabi. Para siyang nagtitimpi upang hindi ako masakmal. Humakbang ako nang isang beses palapit kay Alucard para sumayad ang bibig ng baril niya sa dibdib ko at kasunod ay hinawakan ko ang kanyang pulsunan at hinila ko ito papunta sa akin para idiin ang baril kung saan nakatutok.
"Go ahead, barilin mo ako!" Panunubok ko. "Kill me! Hindi mo pala kaya eh," I smirked. "Bear in mind my darlin'..." Maarte kong sabi kasabay ng nagliliyab sa galit na tono. "Hindi na ako ang Kathlyn na baliw na baliw sayo."
I started to walk away from him. Dala-dala ko ang tagumpay, isang tagumpay laban sa pagmamahal ko sa kanya. Sa pagkakatanda ko ito ang unang beses na sinalungat ko ang gusto niya.
Suddenly, I stopped for a while. "By the way, welcome back Alucard Silvana. My friend, my darling...?"
Napangiwi ako sa pandidiri dahil sa huling katagang binitiwan ko. My darling? Siguro noon pero hindi ngayon. At hinding-hindi na ako magpapagamit sa pag-ibig na walang kasiguraduhan.
Bulto akong naglakad papuntang pintuan. Paglabas ko balibag kong isinara ang pinto at nagtungo sa sasakyan na nasa parking area. Paunahan na lamang tayo, Alucard. Meron kang Irish meron naman akong tinagong sekreto. Best plot of plans win!