chapter 9: Plan

2029 Words
Irish Fhrixe's pov Kung totoo nga ang tinuran ni Redeemer na may gusto siya sa akin magagamit ko ito sa mga plano ko. My plan would be easier because of him. Yumugyog ang kama sa kakalikot ko sa taas nito. Ilang minuto na lang ang bibilangin mag-aalas dose na pero itong utak ko buhay na buhay pa rin, kahit saan-saan napapadpad. Mapangahas akong umupo sa aking hinihigaan habang sapu-sapo ang aking ulong sumasakit. Ginusot ko ang aking matang kanina pa gustong pumikit at lalo pa akong nabuhayan nang biglang tumunog ang cellphone kong nakalapag sa night stand. Dali kong kinuha ito at nang mapagsino kung sinong tumatawag dali ko rin itong sinagot. Alam ko naman kung anong sadya niya pero hindi ko mapigilang magtanong. Tumikhim ako. "Bakit, Gregorio?" "Nasa bar si Carrie." Deretsong sabi ng kausap. Parang may sariling utak ang aking labi na gumuhit ang mabangis na ngiti. It would be the cause of her death: too much fun on the bar. "Oh, really?" Hindi ko na hinintay ang sagot ng kausap. "Kunin mo ako dito." Mando ko. Hindi ko na muling inantay ang sagot niya, pinatay ko na agad ang tawag at binalik ang cellphone sa pinagkunan. Patalon akong umalis ng kama para magbihis. Kumuha ako sa kabinet ng back tshirt, black pants, ito ang ipinalit ko sa aking suot na pampatulog. Pagkatapos magbihis, kinuha ko ang aking itim na sumbrero na nakasabit sa likod ng pinto at bapaliktad ko itong isinuot. Isinunod ko na ring sinuot ang boots kong nakasandal sa gilid ng pintuan. Kasunod kong kinuha ay ang Extra IV Buena na baril, nakatago ito sa lilim ng kama. Isiniksik ko ito sa aking gilid sabay kuha ko sa cellphone at agad na lumabas ng kuwarto. At Egsaktong paglabas ko nang building ay may dumating na itim na van. Batid kong si Gregorio ito kaya lumapit agad ako dito. Hindi nga ako nagkakamali. Pinagbuksan ako ng pintuan ni Gregorio mula sa loob ng back seat. Nang pumaloob na ako roon agad siyang lumabas at tumakbo patungong front seat. "Let's go," Utos ko sa driver nang marinig ang pagsira na pinto ni Gregorio. Kaagad rin itong tumalima. Medyo malapit lamang ang bar na tinutukoy ni Gregorio kaya mabilis kaming nakarating dito. Nakatingin ako sa bunganga ng bar habang may nakanguso. Hindi ko inasahan na papasok ako sa ganitong lugar. "Mauna kang pumasok, susunod na lang ako sa'yo." Saad ko. "Sige boss." Ani ng kausap. Lumabas siya ng sasakyan at diretsong lumusong sa paroroonan. Nakasubaybay ang aking paningin sa mga nangyayari sa paligid, nilibang ko nalang muna ang sarili sa pamamagitan nito para hindi ako mabagot sa kakahintay ng twenty minutes bago sumunod kay Gregorio. Sumapit ang oras na hinintay ko. Madalian akong lumabas ng sasakyan at tuwirang humakbang papasok sa bar. Hinagilap ko sa loob si Gregorio at nakita ko siya sa front bar, nakatayo siya roon na may hawak na drinking glass sa isang kamay at ang isa naman ay cellphone. Nagvibrate ang cellphone kong nasa kamay at nang makitang kay Gregorio galing ang mensaheng natanggap binuksan ko ito agad. Gregorio; 'Humarap ka sa kanan mo, pagkatapos umpisa sa table na nasa iyong gilid magbilang ka hanggang lima, sa ikaanim na table makikita mo si Carrie.' Sinunod ko ang guide na minensahe ni Gregorio. Humarap ako sa Kanan, nagbilang hanggang Lima mula sa table na nasa aking gilid. At tama nga siya, naruruon sa ikaanim na table si Carrie, lupaypay ito sa kalasingan. Isang malaking pagkakamali na nagpunta ka dito, Carrie. Malaking pagkakamali! Pinadalhan ko nang mensahe si Gregorio para ipaalam dito ang aking plano. Me; 'Bantayan mo si Carrie dudukutin natin siya paglabas niya.' Agad na nagreply ang katext. Gregorio; 'Sige boss.' Lumabas ako sa bar at bumalik sa van. Hindi talaga ako mabubuhay sa ganoon na Lugar, ang ingay. Hindi ko rin naiibigan ang mga nakikita. Panay ang Bantay ko sa pinto ng bar; tatlumpung minuto na ang nakalipas pero hindi parin lumalabas si Carrie at mukhang matatagalan pa ang paghihintay ko. Halata sa hitsura niya nang makita ko siya na gustong ubusin ang alak sa loob. Nagkasalubong ang kilay ko nang may makita akong lalaking patakbong pumasok sa bar. At mariin kong nakuyom ang aking kamao nang makilalang si Redeemer ito. "hindi ito maaari! s**t! s**t!" Sunod-sunod na mura ko habang nagpapadyak sa inis. Dali kong binuksan ang cellphone ko at pinadalhan ng mensahe si Gregorio. Me; 'Nagbago ang isip ko, wag ng galawin si Carrie. Nandito si Redeemer sa bar.' Akala ko mapapadali ang lahat dahil sayo Redeemer, hindi ko naisip na maging hadlang ka rin pala. Redeemer Fryck' pov Halos nahalughog ko na ang buong mansyon pero walang Carrie na nahagilap. Napahinto ako sa gitna ng hagdanan pababang sala ng tumunog ako cellphone kong nasa bulsa. Dali ko itong dinukot at binuksan ang mensaheng natanggap. Binasa ko ito. Unknown number; 'You're Redeemer Villarica, right? Ang iyong kapatid na si Carrie ay nasa Meadowsweet bar. Hurry! baka hindi mo na siya makikitang buhay!' Nangatal ang kamay ko dahil sa huling sentence na nabasa. "Dad!" Tawag ko sa aking ama. "Alam ko na kung nasaan siya!" Halos talunin ko na ang pagbaba ng hagdanan na kanina ay naudlot. "Dad!" Tawag kong ulit sa ama, malalaking hakbang akong nagtungo sa grahe. "Yes!" Sagot ni daddy na bigla na lang sumulpot sa likuran ko at nakasunod sa akin. Kung saan man siya galing, iyon ang hindi ko alam at wala na akong oras para usisain siya. "Dad, nasa bar siya. Kailangan ko siyang kunin—" "No Redeemer!" Angal ng ama ko. "Mga tauhan na lang natin ang kumuha sa ate mo." Tumigil akong humakbang sa gilid ng kotse ko at madali kong binuksan ang pinto nito."dad ako na." Kahit walang pahintulot ng aking ama pumasok ako sa loob ng sasakyan at pinausad ito. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag mayroong masamang mangyari sa kanya. Never! Mas pinabilisan ko pa ang pagpapatakbo kaya dagli kaming nakarating sa bar na natukoy sa mensahe. Patakbo akong pumasok ng bar at agad sinuri ang loob nito. Umaasa na sana'y hindi pa ako huli. Abot langit ang pasasalamat na aking naramdaman ng mahagilap ko si Carrie. Pahapay-hapay itong nakaupo at may hawak na wine glass ang kamay. At ang mesang nasa harapan niya ay halos wala ng bakante dahil sa dami nang bote ng alak. Dali ko siyang nilapitan at inawat sa kakainom. "Ate, tama na yan. Halatang marami ka ng nainom." Inagaw ko ang basong nasa kanyang kamay. Hindi pa sana niya ito ibibigay pero ako pa rin ang nasunod sa huli. Tumingala siya sa mukhang ko habang papiyuk-piyok ang mga mata "N-no, give it back. I'm just enjoying my boring life. Kung mamamatay man ako kagaya ni mom dahil sa naging kalaban ni dad gusto ko masaya." Sabi ni Carrie. Medyo malabong intindihin ang boses ni Carrie dahil sa kalasingan. Pilit niyang inabot ang kamay kong may hawak na wine glass, inilalayo ko naman ito. "Ate, Tama na... Kailangan na tayong umuwi, subrang nag-aalala na si dad sa'yo."Inalalayan ko siyang tumayo at pilit na pinahakbang. "You all... are just over acting! Look at me," tinuro niya ang kanyang kabuuhan. "Buo pa rin ako. Walang nawala na parte ng katawan. Please, little fake brother, magsaya muna tayo." Pakiusap niya. Naawang ang mga labi ko dahil sa gulat nang marinig ang naging tawag ni Carrie sa akin. My little fake brother? Pero hindi ko na ito binigyan ng ibang kahulugan, basta ang ina-alala ko ay ang maalis siya sa lugar na ito. At alam kong kaya lang niya ako natawag sa ganoon na mga salita dahil sa kalasingan. Hindi ako nagpatinag sa naging pakiusap ni Carrie. Paglabas namin sa bar hiniga ko siya sa passenger seat ng kotse ko at ako naman ay agad na pumasok sa driver seat. Inistart ko ang sasakyan at pinausad pauwi. Alucard's pov Bumaba ako sa underground upang suriin ang products na ihahatid sa buyer bukas. Naabutan ko si Bruce roon na inihahanda iyon. He was busy packing "Makakalusot ba yan bukas?" Tanong ko. Papalapit ako sa kanya at nang nasa tapat ako ng brief case na pinagsidlan ng illegal drugs inabot ko ang isang pakete nito. Tumayo siya ng matuwid at sumangot. "Sure ako boss na makakalusot 'to." Tuloy ang kanyang paglalagay ng cocaine sa isang brief case. "Natawagan ko na rin ang koniksyon natin. Tauhan niya ang maa-assign bukas sa daan." Dagdag nito. Binalik ko ang hawak sa kinunan. "Good." Tanging naisagot ko. Mabilis niyang tinapos ang kanyang ginagawa at humarap siya sa akin. "Syanga pala boss, ang pinapahanap mong tao natagpuan ko na." "Sino siya, Bruce?" Tanong ko. Sinira muna niya ang dalawang case bago nagalita. "Dr. Dex Ty, owner ng TY Pharmaceutical. Siya ang tumutulong kay Francia dati na makahanap ng buyer sa produkto natin pero hindi siya parti ng organisasyon." Ani Bruce. Tumalikod ako sa kausap. "Sa palagay mo ba may alam siya tungkol sa akin?" Tanong ko dito. "Maaari, close sila kaya puwedeng may alam siya." Rinig kong sagot ng kausap. Dumilim ang mukha ko nang maalala ang mga tinuran ni Francia. Hindi ako makapaniwalang kaya niya akong kalabanin. Ang lakas ng loob niya! "Gusto kong makita ang kanyang katawan na walang buhay. Kill him." I said in a low voice but fierce. "Wait--no." Marahas akong muling humarap sa kausap. At napangiti sa naiisip kong plano. "Hindi ikaw ang papatay sa kanya." Napangiti ako sa naiisip kong balak. "Gusto kong makita kong gaano talaga kataas ang sungay na pinatubo ko sa ulo niya." Si Irish na ang bahala sa Dex Ty na iyon. Francia's pov Nakahiga ako sa gitna ng kama ng biglang may kumatok sa pintuan ng kuwartong kinaruruon ko. At sa sunod-sunod na katok na aking naririnig ay umupo na ako sa hinihigaan. "Tuloy, bukas yan." Pagsabi ko'y agad na bumukas ang pinto. Pumasok roon si Gregorio at tumayo siya sa aking harapan. "Ms Francia, nakauwi na po siya," ulat niya. Mula umpisa pinapadalhan na ako ni Gregorio nang ulat tungkol sa mga pinapagawa ni Irish sa kanya. At kahit nagtatrabaho siya para kay Irish alam kung nasa akin pa rin ang kanyang katapatan. Umupo ako nang maayos sa kinauupuan bago nagsalita. "Magaling, hindi ba siya naghinala sa ginawa natin?" Usisa ko. Tumayo si Gregorio nang matuwid, parang siguradong sigurado siya sa kanyang isasagot. "Paninigurado, wala siyang kaalam-alam na ikaw ang nagtext kay Villarica." Ngumisi siya. "Nakakatawa, para mo lang pinaglalaruan si Ms Irish." "Hindi ko siya pinaglalaruan Gregorio, pinuprotektahan ko lang siya laban sa kanyang sarili." Tumingin ako sa malayo. "Pati ikaw pinuprotektahan ko, kaya sinabi ko sa'yo na ipalam sa kanya ang tungkol kay Carrie para masabi niyang nagawa mo ng maayos ang trabaho mo. Dahil kapag-nakita niyang hindi mo nagagawa ng maayos ang iyong trabaho papatayin ka niya. At iyon ang hindi puwedeng mangyari, kaya bantayan mo siya, wag mong hayaan na madungisan niyang muli ng dugo ang kanyang mga kamay." Nagbalik ang aking paningin sa kausap. "Pangako Ms Francia, kasama mo ako sa mga Plano mo. At kahit buhay ko ay kaya kong ialay para lang kay Ms. Irish." Ani Gregorio. "Salamat, Gregorio," tangi kong naisagot. "Wag kang magpasalamat miss Francia, utang ko sayo ang buhay ko, kung hindi dahil sayo patay na sana ako ngayon. Ito na siguro ang oras na suklian kita." Tama siya kung hindi ako napadaan sa lugar na panigdalhan sa kanya ng mga pulis, siguro na salvage na siya sa araw na 'yon. "Basta, maraming salamat." Ngumisi ako. "At salamat rin sa pagpapatira mo dito." Humagikhik siya. "Bat ba kayo nagpapasalamat? Sa inyo ang bahay na 'to. Ikaw ang bumili nito kaya dapat lang na tumira ka dito." Binili ko ang bahay na ito para sa mga tauahan ko at kahit minsan hindi ko naisip na titira ako dito. Pero nandito ako ngayon, nakikitira. Sininyasan ko si Gregorio na lumabas gamit ang mga kamay ko. "Sige na," mando ko. "Lumabas ka na matutulog na ako." "Sige Miss Francia." Pagsagot niya ay agad siyang lumabas ng kuwarto. Hanggat maari, hanggat kaya ko pipigilan ko ang pagsira ni Irish sa buhay niya. Hanggat humihinga ako ililihis ko siya sa tadhana na gusto ni Alucard para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD