Irish Fhrixe's pov
Paalis ako sa parking lot ng apartment nang biglang may humarang na kotse sa daraanan. Nang bumukas ang pintuan sa drivers seat nito napangiti ako nang makita ko si Gainne.
"Hey, how are you," kinindatan niya ako. "Miss Irish?" Halata sa tono nitong nang-iinis.
Napalitan ang ngiti ko ng simangot. "Wag mo akong biruin, baka makakatikim ka ng Mini Max 45. It is small but terrible," pabirong banta ko sa kausap.
Ngumisi siya. "Really!" Umarte pa siyang namamangha. "Just like you?" Pag-iinis niyang tanong.
"You mean I'm-"
Napanguso ako sa inis nang makuha ko kung anong ibig sabihin ng kanyang huling pangungusap. Napatingin ako sa kawalan habang pilit iniwaksi ang salitang nasa isip. Kahit ang aking sarili hindi ko maibigkas ang katagang iyon.
"Don't be serious, I'm just teasing you." Rinig kong sabi ni Gainne.
"Sabi mo yan ha," Curiosity led me to ask questions. "Syanga pala, anong hangin nagdala sa'yo dito? Wala ka bang work?"
"Ahmm... Wala akong trabaho," halatang nag-iisip siya sa susunod na sasabihin. "I'm here for inviting... you!"
Napakunotnoo ako sa aking narinig. Hindi ko ito inasahan. "Inviting me?" Tinuro ko ang aking sarili. "Saan?" Dadag na tanong ko.
"G-gala, shopping." Pag-aalangan niyang sagot.
Shopping? Gusto ko sanang subukan 'yon. Hindi ko pa kasi nararanasan ang mamimili sa isang mall dahil lahat ng gamit ko through online binibili.
I sighed. "Gainne, you know me hindi ako nag-aaksaya ng oras para lang sa gala," malumanay kong sagot.
"Please, yung iba nga-"
I clipped his words. "Sorry talaga pero-"
Naputol ko ang aking pagsasalita nang makita ang isang pamilyar na puting kotseng bagong dating. Pumarada ito sa hindi kalayuan at harap ng aking kinaruruonan.
Bumukas ang bintana sa drivers seat nito at gayoon na lang ang pagsalubong ng kilay ko nang makitang si Redeemer ang nasa loob. Pinakitaan pa niya ako ng kamao habang may ekspresyon siya sa mukha na hindi ko ma-ipaliwanag.
"Fhrixe, you okay?" May pag-aalalang tanong ni Gainne.
Itinoon kong muli ang aking pansin sa nagtanong. "Sige Gainne, sasama na ako sa'yo," walang pagdadalawang-isip na pagpayag ko.
"Kung ganun halika na," Halos abot tainga ang ngiti niya. "ito ka na lang sumakay," sininyasan niya akong pumaloob sa kanyang kotse.
"Sige... ibabalik ko lang ang sasakyan ko," sagot ko na nakatingin sa kinaruruonan ni Redeemer.
Tingnan natin kung gaano mo talaga ako kagusto. Wala naman akong alam sa gala na sinasabi ni Gainne kaya hinayaan ko na lang siyang magpasya kung saan niya ako dadalhin.
Hindi maalis ang aking mga mata sa side mirror ng kotse ni Gainne. Mula pag-alis namin sa apartment ko at hanggang sa kalsada nakasunod sa amin si Redeemer. Hindi ako makapaniwalang nagaganap ang kaninang iniisip ko lang bago ako umuo kay Gainne.
Huminto kami sa tapat ng Golden mall. Daling lumabas si gainne at patakbong nangtungo sa harap ng front seat kong saan ako naroon. Binuksan niya ang pinto rito at nilahad niya ang kanyang palad sa harapan ko. Napakunotnoo naman ako sa kakaisip kong aanhin ko iyon.
"Aanhin ko naman Yan?" Tanong ko habang nakaupo parin.
He smiled. "Gusto lang kitang alalayang lumabas," sagot ni Gainne.
Tiningnan ko siya nang masama. "Gainne, hindi ako babaeng lampa," maangas kong tugon.
He pouted his lower lip for begging. "Please, kahit ngayon lang..." Pamimilit niya sa akin.
I rolled my eyes, "Okay, fine."
Marahas kong ibinigay sa kanya ang aking palad. Nang nakababa na ako agad ko rin itong binawi. Hell, so awkward!
Pagpasok namin sa mall agad akong kinaladkad ni Gainne papunta sa ladies department. Naging sunod-sunuran na rin ako sa kanya habang pumipili siya ng mga damit roon.
"Aanhin mo ba 'yan?" Tanong ko kang Gainne. "Ang dami."
Nakatingin sa hawak na mga damit ng saleslady. Pinukulan niya ng nag-iisip na tingin ang mga damit na nasa kamay ng saleslady.
"Mga yan? Para yan sa'yo," sabi niya habang abala sa pamimili.
My brows puckered. "No way! Ayaw ko sa mga yan, ang eksi. At yung iba kulang sa tila!"
"Babe, ito bagay sayo!"
Napalingon ako sa bandang likuran nang may marinig akong pamilyar na boses. At ganoon na lang ang panliliit ng aking mga mata nang makitang tama ang hinuha ko na si Redeemer ito. Kasalukuyang nakatingin siya sa akin na may pilyong ngiti at kumaway pa ito.
"Putchangyinang payatot na ito! May babe na may pa-Ai layk yu, Ai layk yu pa sa akin!" Anas ko. "Lagot ka sa'kin!"
"Miss, ito po yung uso na mga design ngayon." Rinig kong sabi ng saleslady.
Nginiwian ko si Redeemer, sunod baling sa saleslady. "Talaga? Akala ko naubusan nang tila ang gumawa niyan." Sarkastiko kong sabi.
"Hindi po ma'am," seryosong sagot ng saleslady.
"Fhrixe, this one. Bagay to sayo," ani Gainne.
May itinaas si Gainne na isang blouse na pink at itinapat niya iyon sa katawan ko. Sasagutin ko sana siya nang maunahan ako sa pagsasalita ni Redeemer.
"Babe, this black bagay 'to sa'yo," si Redeemer.
Halos marinig ng buong mall ang katagang ito ni Redeemer. Halatang sinasadya niyang lakasan ang kanyang boses.
"Fryck, you know me, I hate black!" Rinig kong sagot naman ng babaeng kasama niya.
"Buti naman babe, kasi alam mo may kilala akong babae na palaging nakasuot ng itim. Hay naku, para siyang palaging pupunta ng lamay!" Si Redeemer ulit at mukhang nagpaparinig.
Nagpakawala si Redeemer nang isang halatang peking malakas na buntong-hininga. Hindi naman maipinta ang mukha ko habang nakikinig sa kanila ng kanyang kasama.
Alam kong ako ang tinutukoy ni Redeemer pero sa halip na mainis sa kanya pinakalma ko ang aking sarili. Sa halip na makipagbulyawan sa kanya, sinulyapan ko na lang siya at nginitian. Sagad na sagad na talaga ang pasensiya ko sa payatot na ito!
Biglang tumunog ang cellphone ni Gainne na nasa kanyang blusa. Ibinigay niya ang blouse na hawak sa saleslady at sinagot ang tawag. Ako naman ay hinayaan siyang demestansya.
"Hello, dad." Mute for a few minutes. "Yes dad, expect me to go there."
Gainne cancelled the call. Tumingin siya sa akin na dismiyado. I looked at him too with an enquiring expression.
"I'm sorry," Entro niya sa pakikipag-usap sa 'kin. "We have to go, kailangan ako ni dad."
"Ahmm... Mauna kana lang, Gainne. May bibilhin pa kasi ako," ang naging sagot ko sa aking kaibigan.
Nandito na lang rin naman ako lubus-lubusin ko na ang shopping na ito. Pagkatapos nito babalik na ako sa tunay kong buhay. Sa aking mission.
Dinukot ni Gainne ang kanyang pitaka sa bulsa at may kinuha siya rito. Mayroon siyang inabot sa akin na black card. "Gamitin mo at bilhin mo rin lahat ng napili ko," Utos niya.
"No Gainne, I have my own money," I said. "Don't worry."
Inilayo ko sa aking harapan ang kanyang inabot. Kinuya naman ni Gainne ang aking palad at pinatong niya dito ang card. I don't really want to accept the card, pero mapilit siya.
"No. Gamitin mo na," pamimilit niya.
Umismid ako. "Okay, fine."
Isinuksok ko ang card sa bulsa ko. Pumayag ako dahil hindi siya makakaalis kung hindi ko ito tatanggapin. Hindi parin talaga siya nagbago, matigas pa rin ang ulo.
Lakad-takbo ang ginawa ni Gainne palabas ng mall haggang hindi ko na siya matanaw. Mukhang emergency nga ang itinawag ng kanyang amang si Rainne Barquin. Ano kaya iyon?
"Paki-dala nalang yan sa counter, susunod ako." Utos ko sa saleslady. Ang tinutukoy ko ay ang mga damit na hawak niya.
"Okay, miss..." Sagot ng inutusan ko, at agad itong umalis sa aking harapan.
Hinanap ko ang men's department, mahagilap ko ito nasa bandang likuran ko. Pumili ako roon ng t-shirt na black at habang abala sa pamimili ay may biglang humawak sa aking balikat. Alisto kong kinuha ang kamay nito at binaliktad kasunod humarap ako sa mapangahas na kung sino man siya.
"Ouch! Masakit," reklamo niya. Redeemer grimaced because of pain.
Dahan-dahan kong binitawan ang kamay niya. "Bat ka kasi nanggugulat!?" Pabulyaw na tanong ko.
Mariin niyang isinubsob ang kanyang mukha sa aking harapan, sa tangkad niya medyo napayuko siya. Bahagya naman akong napatiyad para magkaroon ng distansya ang mga mukha namin.
"Bat ka rin nakikipagdate sa iba!?" Pabulyaw rin niyang balik tanong.
Iniwas ko ang aking paningin sa kausap. "Ikaw nga may babe eh."
Gusto kong kastiguhin ang sarili ko dahil sa mga katagang lumabas sa aking bibig. Pero kahit kastiguhin ko pa ang sarili tiyak namang hindi ko na mababawi ang sinabi ko. I glanced at her and I caught his broad smile appears. Anong tawa-tawa nito?
He touched my cheeks lightly. Dali kong tinampal ang kamay niya kaya muli niya itong binaba. Iiwan ko na sana siya nang bigla siyang nagsalita na kinalukot ng aking noo.
"Nagseselos ka ba?" He asked playfully.
Sumiwang ang labi ko sa inis dahil sa tono ng pananalita ni Redeemer. Iniisip niya talaga na nagseselos ako!? Saan naman kaya niya nakuha ang idea na iyon?
"Me," dinuro ko ang aking sarili. "Nagseselos sa babaeng yun? Sa babaeng may mukha nga pero para namang nasubsob sa harina! mahaba nga legs wala namang laman, at maputi nga pero halatang daang bote ng glutathione ang nalaklak! At mukhang pati bote nilaklak!" Walang preno-prenong tugon ko.
Tell me, in my state right know, nagseselos ba ako?
Mariin akong napapikit nag matantiya ang aking mga pinagsasabi habang kagat ang babang labi sa sisi. Bakit ba hindi ko pinigilan ang sarili na ibigkas ang mga nakakasukang salitang 'yon?
Umiling-iling pa siya, "hindi ka nga nagseselos," pagsabi niya'y ngumisi ito.
Inayos ko ang aking sarili, habang si Redeemer ay may kulimlim na mukha. "Lumayo ka sa akin!"
Nilampasan ko siya at malalaking habang na nagtungong counter. May babe ka na nga may palapit-lapit ka pa rin sa akin. Putchangyina mo!
"Putot, wait." Sigaw ni Redeemer.
Humahabol si Redeemer sa akin.
Pagdating ko sa counter sinalubong ako ng saleslady. Inabot niya sa akin ang isang katutak na paper bag. Magtatanong pa sana ako kung magkano ang mabbayaran ko nang naunahan niya akong magsalita.
"Ma'am ito na po! Tapos na po siyang bayaran ni Sir Fryck." Ani ng saleslady.
"Ang bilis mong maglakad-"
Marahas akong humarap kay Redeemer na kakarating lamang. Naputol ang dapat niyang sasabihin at tumikop ang kanyang bibig dahil sa uri ng tingin ko sa kanya. Bakit ba ang hilig mong makialam!?
Tinuro ko ang mga paper bag na hawak ng saleslady, "Bakit mo yan binayaran?" Tanong ko.
Sumimangot siya. "Sino bang gusto mong pagbabayarin ng mga yan? 'yong lalaking may pahawak-hawak sa'yong kamay?" May pagseselos ang kanyang tinig.
Kinuha niya ang mag paper bag at marahas siyang pumulupot sa baywang ko kahit na halatang nahihirapan na siya sa mga bibit niya. Para siyang takot na itakbo ako nang iba. Siniko ko siya pero hindi parin siya bumitaw sa akin kaya humantong ito na hinayaan ko na lamang siya.
Gumagala ang aking mga mata sa paligid ng mall dahil sa mga taong pinagtitinginan kami. Ibat-iba ang mga expression ng mga ito, parang may naiinggit, nagagalit at nakangiti na parang nasisiyahan sa nakikita. At ayaw ko ng ganito, nagiging sentro ng atensiyon.
"Ang sweet nila," rinig kong sabi ng isang costumer sa kanyang kasama.
"Si sir Fryck yan di'ba? Girlfriend ba niya Yan?" Tanong saleslady sa kapwa niya saleslady.
Sa mga naririnig ko mas pursigido akong makalayo kay Redeemer. Pero siya wala yatang balak na pakawalan ako. Ano bang nangyayari sa taong ito? Hindi naman ako tatakbo kapanghahayaan niya akong maglakad na mag-isa.
"Bitiwan muna ako, pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Nanggagalaiti kong bulong.
Humigpit ang pagkapulupot ni Redeemer sa akin. Nagpalaya ako ng maasim na ngiti habang sinusubukan ko pa ring makawala sa kanya. Kung wala lang talagang nakatingin sa amin sinikmuraan ko na 'to, eh! He should be grateful to them.
"Just ignore them. Inggit lang yan sila sa'yo kasi kasama mo ang isa sa pinakaguwapong lalaki sa balat ng lupa." Bulong niya sa tainga ko.
Ang hangin niya, mas mahangin pa sa bagyo!
I glared at him. "Hindi ka lang ubod ng kapilyuhan, mayabang ka rin pala no?"
Siguro kailangan ko talagang aminin na kapag hindi ako gagamit ng dahas nagiging isang ordinaryong babae ako na mahina, kagaya ng karamihan. Siguro kaya isiniksik ni master sa aking alimpatakan na hindi lamang ako basta babae dahil ayaw niya akong maging mahina.
"Hindi ako mayabang, nagsasabi lang ako ng totoo. At saka ang pagiging mischief ko'y charm ko yun," paliwanag ni payatot.
Lumabas kami nang mall na nakapulupot pa rin si Redeemer sa akin. Pagdating namin sa tapat ng kanyang kotse tinadyakan ko ang paa niya saka lamang siya bumitiw sa akin habang nakangiwi sa sakit na natamo.
"Diba sabi ko bitiwan mo ako, hindi ka nakikinig e!" Singhal ko.
"Sapat na ba ang yakap na 'yon para ganituhin mo ako." Namilipit siya sa sakit ng kanyang paa. "Isipin mo nga, sapat na ba ang nagawa ng isang tao para saktan mo?"
Nabuwal ako sa kinatatayuan, napa-isip sa naging tanong ni Redeemer. Is one mistake enough to hurt a person?