Irish Fhrixe's pov
Si Redeemer ang uri ng taong lahat gagawin mainis lamang ako. Nahihiya man akong aminin, pakiramdam ko espesyal ako sa kanya bawat sandali na ginagawa niya ito. Alam kong mali, alam kong hindi puwede! Pero paano ko mapipigilan ang aking damdamin?
Marahas kong binuksan ang pinto sa front seat at pumasok roon. At nang naging plastado na ako sa pag-upo binalibag ko ang pagsira ng pinto at ni-relax ang sarili sa backrest.
"Alam mo... Ang arte mo," pabulong kong pagpaparinig.
Inilagay muna ni Redeemer sa backseat ang mga pinamili ko bago pumasok sa driver seat. Binalibag rin niya ang pintuan pagsira habang nakabusangot ang mukha at kumunot ang noo ko dahil dito. Akmang magtatanong sana ako sa kanya nang natigilan ako dahil sa mood niya. I guess he was annoyed, dahil ang tahimik niya. And base on his reaction it's obvious, he doesn't want to talk too.
Pinaandar niya ang makina ng sasakyan at agad pinatakbo. Nasa kalagitnaan kami ng kalye nang mapansin kong nag-iba ang ruta namin. Napakamot ako sa ulo habang naglalaro sa akin ang pagtataka. Ano na naman kaya ang iniisip nito?
Lumilinga-linga ako sa labas. "Where are we going, Redeemer? Hindi naman ito ang daan patungo sa apartment ko ah."
Redeemer chuckled mischievously. Wala sa plano akong napalingon sa may hawak ng manobela kasama ang isang masamang tingin kaya agad siyang natahimik.
Lumunok siya. "May date tayo," aniya.
A date? Napatanga ako dahil sa narinig kong sagot mula kay Redeemer. No way, I'm not going in a worthless date!
"What!? Sino namang nagsabi na sasama ako sa date nayan?" I asked with a bit shocked.
Redeemer whistled a cheerful tune. Nginusuhan ko siya habang nasa daan ang kanyang attention. "Ako," pagmamalaki niyang anunsyo.
"Wala ka nang magagawa dahil papunta na tayo dun ngayon," sabi niya.
"No!" Protesta ko. "Ibaba mo ako, ngayon na!"
His brows puckered, it seems he didn't understand my last words. Sa lakas ng boses ko sigurado naman rin akong narinig niya iyon.
I was slightly angry. "Ibaba mo nga ako sabi eh!"
His mouth gave a slight pout like he's hiding a smile. Tumindi ang galit ko sa kanya dahil dito. Pakiramdam ko kasi pinagkakatwan lamang niya ako.
"Bumaba kang mag-isa. Hindi ko naman sinabi sayong pumasok ka dito," he drawled.
My tongue-tied. Parang nilukob ako ng kahihiyan sa sagot niya. Iniwas ko ang aking paningin sa kanya, lumilinga-linga ako sa paligid at sa kahabaan ng daan. Kung ayaw niya akong ibaba, ako ang gagawa ng paraan para makababa. Damnit! Bakit kasi ako pumasok sa sasakyan ng ibang sasakyan?
Mahina ang pagpapatakbo ni Redeemer. Mahina rin ang daloy ng trapiko kaya alam kong madali lamang gawin ang binabalak ko. Ang kailangan ko lang ay tiyempo para hindi ako masagasaan paglapag ko sa gitna ng kalsada. I opened the door carefully. At nang nakahanda na akong tumalon, bigla na lamang bumilis ang takbo ng sasakyang sinasakyan ko. Halos liparin nang hangin ang aking ulong nakadungaw sa labas dahil dito.
Shit! s**t!
Balibag kong isinira ulit ang pinto at madilim na tumitig kay Redeemer. Naging palinga-linga siya sa akin at sa kalasada.
"Putchangyinang tao ka!" Singhal ko dito.
"Baliw ka ba? Gusto mong mamatay!?" His voice hardened by worry and little anger.
"Diba gusto-"
Hindi ko natapos ang sasabihin ng pabiglang huminto ang sasakyan sa gilid ng kalye. Pagmamadali niyang kinalas ang seat belt sa kanyang katawan at yumakap sa akin na parang katapusan na nang mundo dahil sa higpit nito.
Habang yakap niya ako rinig ko ang lakas ng pintig ng puso niya. Rinig ko ang kanyang buga ng hininga na nagpapahitag ng kaginhawaan. At Ramdam ko ang pangangatal ng kanyang kamay. Nakaramdam tuloy ako ng pagsisisi sa sarili kung bakit ko iyon ginawa. Is he really worried?
Kumalas siya sa akin. "I'm sorry, nagbibiro lang naman ako eh."
Dumapi ang kanyang mga palad sa bawat pisngi ko, "wag mo nang gagawin yun hah? Tinakot mo ako..." Malambing niyang tanong.
Alam kong nagkakagusto na ako sa kaniya, tanggap ko na iyon sa'king sarili. Pero ang hindi ko matanto, bakit sa kanya pa?
Tinigasan ko ang aking pusong kanina pa natunaw sa malambing na boses niya. Iritable kong kinuha ang kanyang mga kamay na nasa pisngi ko pa at marahan na tinulak siya palayo. Tuwid na sumandal si Redeemer sa backrest habang may ekspresyon siyang hindi ko mapangalanan.
"Redeemer," I called his name.
Humarap agad siya sa akin. "Yes?" He bit his lower lip then smiled a little bitter.
Hindi ko alam kung tama ba itong napagdesisyonan ko. Basta ang nais lamang ng puso ko ay mapangiti siya. At nais kong sundin ito kahit ngayon lang. Pumikit ako sabay buga ng hininga na pagkukunan ng lakas sa aking sasabihin. Tapos ngumiti ako, isang ngiti na hindi ko pa pinakawalan sa buong buhay ko.
"Sasama na ako sa date mo." Naging desesyon ko.
Redeemer Fryck's pov
I shook my head in disbelief. Hindi ako makapaniwalang nabago ko ang pasya niya. Sisiguraduhin kong hindi niya malilimutan ang araw na ito.
A winning smile flash, "Oh, talaga sasama ka sa akin?" Pangisi-ngisi kong tanong. Hindi ko ito mapigilan.
Bumagsak ang kanyang mga balikat at umikot ang kanyang eyeballs. Tumingin ako sa kanya, umarti na hindi naniniwala sa kanya.
"Oo nga. Sasama ako!"
"Reall-"
Pabagsak siyang umayos sa pag-upo, "Dami pang satsat eh." Dama ko ang iritasyon sa boses niya.
I didn't let her mind chance. Wala akong pag-aalinlangang pinaharurot ang sasakyan patungo sa lugar na gustong-gusto kong pagdalhan sa kanya. At pagkarating namin doon nakita ko ang munting lito sa kanyang mukha na nakatingin roon.
Binuksan niya ang bintana at sumilip. "Anong gagawin natin dito?" Tanong niya.
Bahagya akong yumuko upang makasilip sa bintanang nakabukas. "To enjoy..." Sa pag-iisip na baka hindi niya nagustuhan ang round plaza na pinagdalhan ko sa kanya agad ko siyang tinanong. "Ayaw mo dito? Pwede tayong pumunta kahit saan mo gusto."
"No," matingkad ang ngiting kanyang pinakawalan. "Gusto ko dito."
Sa kauna-unahan nakita ko siyang ngumiti ng ganito. Sa Subra ningning, pati mata niya'y tumingkad rin. Talaga nga sigurong nagustuhan niya ang lugar.
Sinuklian ko ng pilyong ngiti siya. "Buti naman."
Ilang minuto rin akong tumitig sa kanya. Kung hindi pa siya lumingiw hindi ako matauhan at hindi ko maisip na pagbuksan siya.
Lumabas ako at pinagbuksan si Irish ng pintuan.Tumayo ako sa gilid ng pinto at nanatili ang mga mata ko sa kanya hanggang sa makalabas siya.
Irish took one simply step ahead then after that she caught a glimpse at me with a strange smile. Sinira ko ang pinto at inabayan siyang lumakad papunta sa gitna ng plasa. Nang nasa gitna na kami inakbayan ko siya at laking ngiti kong hindi siya tumutol.
She was just bend.
Silence makes me feel awkward. Iginala ko ang aking mga mata sa paligid habang naghuhukay sa utak ng puwedeng maging paksa na pag-uusap namin.
Magsasalita na sana ako, naunahan lamang niya. "Bakit hindi mo kasama ang mga bodyguard mo?" Pukaw niya sa katahimikan.
"Tumakas lamang ako," I answered softly.
Kinuha niya ang aking kamay sa kanyang balikat at patakbong nagtungo sa pinakamalapit na duyan na gawa sa bakal. Umupo siya roon at umindayog ng malumanay.
Tumayo ako sa likuran niya at pabiglang inalog ang duyan sa pag-aakalang matatakot ko siya. Pero hindi. She was just laughed so hard. Parang alam niya ang balak ko. And while she was laughing, Ang ekspresyon na puno ng kasiyahan ay ang kumuha ng aking atensiyon. Hindi ko napigil ang sarili na mahawa sa sayang kanyang tinatamasa.
Dinadahan-dahan ko ang pag-ugoy sa duyan, "Are you really happy, ha?" Ngumisi ako.
"Yup," tumikhim siya. "Honestly, I've never laugh so hard before."
I was shocked in disbelief. "You mean-"
"Unang pagkakataon, yes!" Tumingala siya sa akin na may kasamang ngiti.
Sinalubong ko ng ngiwi ang ngiti niya, nagpapanggap na hindi ako naniniwala sa kanya kahit na paniwalang-paniwala niya ako.
Hindi ko man mabibilang kung ilang ngiti ang papakawalan niya sa araw na ito, Isa lamang ang tiyak ko. Her smile is genuine. Walang halo, walang pagkukunwari.
"Hindi ako naniniwala sayo, " I answered, a wide-eyed and unbelieving.
Kung tunay ngang ito ang unang beses siyang tumawa ng ganito, isang kalugud-luhod na ako ang naging dahilan nito.
The irritated look shoot on Irish's face. "Bahala ka jan."
Mag-walk out na sana siya, buti at napigilan ko. Hinuli ko ang kanyang balikat at iginaya siya para muling umupo sa duyan. Hindi naman siya pumalag. I noticed she was acting strange. I grinned while taking her hand on her lap.
"Wag ka nang magalit, nagbibiro lang ako." Pagsasabi ko ng totoo.
Her brows puckered. "Bitiwan mo nga..." It's just a plain words. Wala siyang ginamit na puwersa.
Sa halip na sundin ang nais niya lumilinga-linga na lamang ako sa paligid. Naghahanap ng food cart na pinakamalapit sa amin. Siya naman ay nakakunot-noo nagmamasid sa akin.
"Dito ka muna bibili lang ako ng makakain natin." Paalam ko sa kanya.
Tango ang tanging naging sagot niya. Tinungo ko ang food carts na nakahilira sa tabi ng plasa. Bumili ako roon ng fries, popcorn and milk shake. Tig-isa isa kami sa bawat isa nito. Pagbalik ko, sumalpok sa aking dibdib ang pag-aalala ng makitang wala si irish sa dayon. Nagusot ko ang baba ng supot na pinaglagyan ng pinamili ko dahil sa higpit ng hawak ko dito. Hindi mapigilan ng isip kong mag-isip ng hindi maganda. Where is she?
Sa pag-iisip na baka meron ng nangyaring masama sa kasama, madali akong kumilos para haloghugin ang paligid. Lakad-takbo ang ginawa ko para madali siyang mahanap habang ginagala ko ang aking paningin aa paligid.
I'm too desperate to find her!
"Redeemer...!" Tawag sa pangalan ko galing sa likuran.
Sumikdo ang puso ko sa pamilyar na boses na aking narinig. It could be her? Napatayo ako ng matuwid at agad na lumingon. She is it! Thanks God, she's okay!
Nasapo ko ang aking noo nang matantong si Irish nga. Nakakunot ang noo niya na parang nagtataka habang nakatitig sa akin. Numingning ang ngiti ko at patakbong lumapit sa kanya. And then I embraced him tightly like there's no tomorrow. Ang pag-aalala ko sa kanya ay unti-unting natutunaw. At tuluyan itong lumusaw ng naramdaman ko ang kanyang mga bisig na yumapos sa baywang ko. Ang kanyang mukha nama'y nakabaon sa aking dibdib.
Humagikhik siya. "Ano bang nangyari sayo? Bakit parang alalang-alala ka sa akin?" May panunukso sa boses niya.
"Hey," saway ko sa panunukso niya.
"Alam mo bang subrang takot ako, akala ko ano nang nangyari sayo,"
"Talaga, iniisip mong may mangyari sa akin? Ha-ha!" Her voice was very cold.
Para siyang nainsulto sa huli kong sinabi. Bumaklas kami sa pagyayakapan. I caressed her cheek at the back of my forefinger. "No, ikaw ang pinakabatibot na babaeng kilala ko." Ngumiti ako na halos abot tainga. "My strange lady."
Hinaplot niya ang aking daliri sa pisngi niya at tumawa ng marahan sa huli kong mga salitang binitiwan. I was just stared at her in a serious way, waiting for the response. Taas noo niya akong tinignan sa mata habang tumaas ang kanang pisngi.
"So, babae muna ako ngayon?" Her voice was little but filled of boastfulness.
Damnit, I madly in love with this boastful girl!
Bigla-bigla niyang marahas na hinila paibaba ang laylayan ng damit na suot ko, dahilan na napayukod ako at kinapantay ng aming mga mukha. Nagtagpo ang mga kilay ko dahil sa aking nadamang magkahalong pagtataka at kuryusidad.
I frowned. "A-ano bang g-ginagawa mo?" Utal-utal kong tanong.
Her lips stretched for a glamour smile. "Naneun dangsini jeongmal joayo," her voice is simply and from her heart.
Her voice re-echoed in my auditory. Maraming tao sa paligid namin, pero sa oras na ito tanging boses lamang niya ang aking naririnig. Pakiramdam ko siya't ako lamang ang naruruon sa lugar, na kahit pati hangin ay hindi nag-eexist dito.
After she told me that words, her smile disappeared. Sa sandaling ito walang expression na makikita sa kanyang mukha. Nakatikom ang kanyang bibig at tanging ang kanyang mga matang mesteryoso ang nagungusap sa akin. Parang nais ihayag nito ang ibig sabihin ng huling mga salitang sinabi niya.
Sa hindi ko inaasahan, kagyat siyang humalik sa aking pisngi. Napatanga ako habang ramdam na ramdam ang malambot na labi niya na nakadikit roon. Hindi ko naunawaan ang sinabi niya, pero ang halik na ito ay sapat na upang sabihing ang mga salitang iyon ay espesyal. Minsan hindi kailangan ng mga salita para maramdaman ang pag-ibig. Sapat na ang kumpas ng mga pusong pumipintig.