Irish Fhrixe's pov
Umupo kami sa upuan na gawa sa semento na nasa lilim ng malaking puno. Tahimik kami roon na sinasamsam ang mga pinamili niya. Tuwid akong nakatingin sa aking harap habang bahagya siyang nakaharap sa akin.
Para akong matutunaw sa mga titig na pinupukol ni Redeemer sa akin. Nakaramdam ako ng asiwa dahil dito. Iyong pakiramdam na kahit ang aking paggalaw ay kailangan ko pang nakawin. At ang aking paghinga ng maayos ay naka-depende sa sandaling ilihis niya ang kanyang mga mata sa akin.
Sinip-sip ko ang flute sa milkshake ko. Sinadaya kong patunugin ito habang sinisipsip para abalahin ang sarili at ilayo ang attention ko sa kanya. Napaiktad ako na g kalugin niya ang aking balikat.
"Heeyy..." Ngumisi siya. "Wala nang laman milkshake mo!"
Sumulyap ako sa milkshake ko, wala nga itong laman. Hindi ko man lang ito napansin!
"Ano bang nangyayari sayo? Tinawag kita, two times."
I'm just trying to distract myself and forget about my feelings for you even a while!
Dumila ako upang mabasa ang aking mga labi. Pinakalma ko ang sarili at mahinahon na luminga sa kanya. "Meron lang akong iniisip," sabi ko.
It was true! Iniisip ko kung bakit ko siya minahal? Bakit hinayaan kong patayin niya ang diyablo na nananahan dito sa loob ko? Bakit tumibok itong aking hangal na puso.
He take my hand cautiously. "You really okay? Para mong dala ang buong mundo sa bigat ng ekspresyon ng mukha mo," maaaninag ang pag-aalala sa boses niya.
Iniwas ko ang aking mga mata sa kanya. "Okay lang ako," I returned my eyes at him with a bitter smile.
Tinangay niya ang ulo ko at isinandal niya ito sa kanyang braso. Papalag pa sana ako pero pinigilan ako ng kanyang kamay kaya nanatili ako sa ganoong posisyon. At sa pananatili ko sa ganoong posisyon pakiramdam ko nasagot ang mga katanungang nabuo ng isip ko kani-kanina. Napangiti ako habang pumasok sa aking isip ang sagot kung bakit gusto ko ang lalaking ito.
Inabot ni Redeemer sa akin ang milkshake niyang nangangalahati. Binibigay niya iyon sa akin pero hindi ko tinanggap. Ngumuso ako sabay tulak sa kamay niyang may hawak na milkshake pabalik sa kanya ngunit muli niya itong inabot sa'kin.
Ngumuso siya. "Sayo na'to..."
Umismid ako. "Sinipsip mo na yan eh,"
He grinned. "Dont worry nagsisipilyo naman ako three times or more every day... Wala po akong virus..."
Nagdadalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko O hindi ang milkshake. Pero sa huli tinanggap ko na lamang ito dahil tiyak akong kukulitin niya ako hanggat hindi iyon mapapasakamay ko. Ganoon kakulit ang Redeemer na ito.
"Special yan," Pahabol niyang sabi nang hithitin ko ang straw ng kanyang ibinigay.
Anong espesyal dito? Magkasing-lasa lang naman ito sa milkshake ko. Pareho ng hugis ng lalagyan at magkasing kulay ang laman. Maliban na lamang sa kulay ng straw. Kulay pula kasi sa akin, sa kanya naman blue. Nang matapos hithitin ang milkshake hanggang sa kahuli-hulihang laman ng plastic bottle ngumuso ako at nilapag ito sa upuan.
"Magkasing lasa lang naman eh," daing kong tumingala sa mukha niya. "Di naman especial."
"Special yan kasi galing sa akin." Kumindat siya na may kasamang ngisi. "At tingnan mo naubos mo."
Umiling-iling ako sa kahambugan ni Redeemer habang iginala ang aking paningin sa loob ng plasa. Panay ang ngiti ko dahil sa mga batang naglalaro sa gitna nito. Ang saya, iyong sayang parang walang darating na bukas.
"Gusto mong sumali sa laro nila?" Biglang tanong ni Redeemer.
Napangiti ako sa naging tanong niya. "Ano bang akala mo sa akin ba—"
Bigla na lamang niyang dinampot ang kamay ko at itinakbo palapit sa umpok ng mga kabataang pabilog na nakaupo sa carabao grass. Babalik sana ako sa upuang pinanggalingan namin pero hinigpitan niya ang paghawak sa akin. Hindi ako nakapalag at hinayaan ko na lamang siyang gawin kung anong binabalak niya.
"Stay," may dungis ng pagmamando ang kanyang boses.
"Find!" Payag ko.
Ngumiti si Redeemer sa akin bago kinuha ang pansin ng isang dalagita na kasama sa umpok. Kunot-noong lumingon ito sa amin, at pagtataka ang rumehestro sa mukha. Ngunit agad itong napalitan ng matamis na ngiti nang matanto nitong gaano kaguwapo ang lalaking nang-abala sa kanya. Sumimangot akong umayos na humarap sa mga dalagita na nanglalaro ng— iwan. I don't know what the game they play. Wala naman kasi akong alam sa mga larong bata
"Miss, pwede ba kaming sumali sa laro nyo?" Tanong ni Redeemer.
Kinagat ng dalagita ang itaas ng kanyang labi ng may kilig. "Yes po, kuya." Walang pagdadalawang-isip na sagot nito bago sumulyap siya sa akin. "Ang ganda naman ng girlfriend mo kuya..."
Puri niya sa akin?
Natamimi ako sa sinabi ng dalagita, hindi ko alam kung dahil ito sa puri niya o sa sinabing nobya ako ni Redeemer. Basta! Lumingon na lang ako kay Redeemer na hiwang-hiwa ang kanyang bibig sa ngisi. Sumilay ang katanungan sa isip ko kung bakit siya nakangisi at ang puso ko ay subrang excited sa kung anong maging sagot niya dalagita.
"Yeah, maganda talaga siya... And yeah, she's my girlfriend." Siguradong-sigurado na sagot niya. "So... Pasasalihin n'yo ba kami sa laro nyo?"
Nakaharap pa rin si Redeemer sa dalagita na lalong kinikilig sa kanyang naging sagot. Ako nama'y kasalukuyang nagbubunhi ang puso.
"Oo naman," sagot ng dalagita.
"Ano ba yang laro n'yo?" Tanong ni Redeemer.
"Spell of the bottle kuya," sagot nito.
"Hummm... Sounds interesting!"
Umurap ako sa bagot habang nakikinig sa dalawang nag-uusap. Tumingin akong deretso sa harap ko nang may naramdaman akong kakaiba. Pakiramdam ko may mangyayaring masama. Lumingap ako sa paligid, wala akong nakikitang kahina-hinala. Kumabog ng malakas ang puso ko nang naging kakaiba ang hambas ng hangin sa katawan ko. Agresibo itong dumadampi sa aking balat.
Tuloy ang panunuri ko sa paligid. Pagbalik ng aking mga mata sa harapan ko biglang sumulpot rito ang taong nakakuha ng aking attention. Isang lalaking payuko-yukong papalapit sa kinaruruonan namin, nakasuot ito ng lahat black, pati ang kalo. Bawat hakbang niya habang papalapit sa aming puwesto ay naging palaisipan sa akin kung sino siya. Nang bahagya niyang itinaas ang sumbrerong suot, nambilog ang aking mga mata nang malamang isa itong koreano at kilala ko siya. He is one of the master's henchmen!
Dumako ang aking paningin sa inilabas nitong blade sa kanyang gilid, nakakubli ito sa jacket na suot. Mapaklang ngumisi siya sa akin kasunod ay pinukulan niya ng masamang tingin si redeemer. Para siyang nagbibigay babala na may gagawin siyang masama dito.
I took a quick look to Redeemer. Nakikipag-usap pa rin ito sa dalagita. Walang kaalam-alam na nanganganib nang kanyang buhay. Habang naging agresibo ang bawat hakbang ng koreano, namuo na sa'king isipan ang gagawin. Nang nasa tapat na siya sa bandang gilid ni Redeemer bigla na lamang—
Everything I did it was just for my mission! No one can stop me even my idiotic heart.
Napangiwi ako habang nanginig ang aking kalamnan dahil sa blade na sumaksak sa aking tagiliran. At pati sa pagbunot nito'y ramdam na ramdam ko ang tulis nito. Tinakpan ko gamit ng aking palad ang sugat na natamo para hindi tumagas ang dugo, at tiniis ko ang kirot nito hanggang sa makalayo ang koreano.
Ngumiti si Redeemer sa akin, bakas sa kanyang mukha na walang kaalam-alam sa nagyayari. Pinilit kong ngumiti rin upang suklian siya pero sadyang mas pumaibabaw ang kirot na aking nararamdaman dahil sa sugat. Hindi ko alam kung paano ko ginawa ang nagawa ko. Basta natauhan na lamang ako na nakatirik ang blade sa aking katawan.
Redeemer's pov
"Spell of the bottle po kuya," sagot ng aking kausap.
Napaisip ako bago sinagot ang kausap. I glanced at Irish. Nasa malayo ang kanyang paningin. Hindi ko na siya inistrotbo at nagpatuloy sa pagkikipag-usap sa dalagita.
"Mm... Sounds interesting! Puwede mo bang explain kung paano ito laruin?" Sabi ko.
"Oo naman ho, it's--"
Kaginsa-ginsa ang naging galaw nang umikot si Irish sa aking kaliwang gilid. Luminga ako sa kanya at yumakap naman siya sa baywang ko habang nakatingala sa aking mukha. Wala akong nakikitang ekspresyon na namutawi sa kanya ngunit ang kanyang kulay-del-carmen na mata ay parang may gustong ilahad? Hindi ako nakakasigurado.
I smiled broadly, my arms bound firmly in her waist. At the touch of my hands, her wince of pain appeared. Kumunot ang noo ko dahil dito at lumala pa ito nang maramdaman kong may kung anong likidong dumaloy sa balat na sumagi sa kaliwang tagiliran niya. Nang siyasatin ko kung ano ito nambilog ang aking mga mata sa nakita.
It is a fresh blood!
Nagpasalin-salin ang aking paningin sa galanggalangan kong may mansta ng dugo at kay Irish na ngayo'y namumutla. Naging balisa ako, hindi alam kung anong unang gagawin.
"P-putot, okay ka lang? M-masakit ba?"
I don't know where I found those nonsense questions. Obvious naman! Ngumiwi siyang isinandal ang kanyang katawan sa akin.
"P-pwede m-mo ba akong dalhin sa apartment ko?" There was a slight tremble in her voice.
"I bring you to the hospital," buo kong pasya.
Nang bubuhatin ko na sana siya'y bigla niya akong tinulak. Irish took one step backward. Takot siya na dalhin sa hospital?
"Nooo... Don't!" Protesta niya. "Dalhin mo nalang ako sa apartment ko."
Sa halip na sagutin ay binuhat ko siya at malalaking hakbang na nagtungo kung saan nakapark ang aking kotse. Pagdating namin ipinasok ko agad siya sa backseat at agad pumasok sa driverseat upang madala siya sa kanyang apartment. I really want to bring her in the hospital but she's unwilling. Kaya, gaya ng gusto niya dadalhin ko na lang siya sa kanyang apartment kahit labag sa loob ko.
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari at kung bakit may sugat siya sa tagiliran. Ngunit isa lang ang tiyak ko, ako ang dapat sisihin kung bakit siya nagkaganito. Kung hindi ko siya dinala sa maraming tao hindi sana ito nangyayari!
Sumilip ako review mirror. Nakagat ko ang aking itaas na labi sa pag-aalala nang makita ang lalong pamumutla ni Irish. She was reclined in backrest while her eyes were closed and her hand still on the wound. Dumukot siya ng cellphone sa kanyang bulsa at may tinawagan. Ako naman ay hindi mapalagay.
"Gainne, I have wound. Puntahan mo ako dito sa apartment ko," sabi niya sa kabilang linya.
Sino ba ang Gainne na iyon? I'm f*****g jealous! Oh, Kailangan ko pa bang magselos sa ganitong sitwasyon? You're a piece of s**t, Redeemer!
A few couple of minutes, she dropped the phone in her lap. And then she grit her teeth, suffering an intense pain. Habang ako naman ay sising-sisi kung bakit ko siya dinala sa plasa na iyon. I am really an idiot!
"Putot... I'm sorry." I murmured.
Umismid siya na parang nakatikim ng mapakla. "Shut up Redeemer, just drive me home. Lalong kumikirot ang sugat ko sayo eh," brusko niyang sabi.
I tried to focus my attention to the car ahead but failed. Sumilay ulit ako sa review mirror. She was still had a grimace of pain and she wasn't moving. I was gasping for breath and forced myself to calm.
"Irish...?" I called her name with tension. Wala akong narinig na sagot kaya tinawag ko ulit siya. "Putot? Wag mo nga akong biruin ng ganyan!"
My heart began to pumping rapidly. I could even hear my loud heartbeat! Patay na ba- no! It can't be! She was the reason why my heart turn into idiotic. I never ever let her lose!
"Tumahimik ka nga payatot!" She has a gritty voice. "Nabubulabog mo tulog ko eh. Hindi ako mamatay sa saksak lang Redeemer!"
Umupo siya ng maayos at dahan dahan na bumuka ang kanyang mga mata. I shook my head with a heartily smile. Kahit nasaksak na ang yabang parin!
"Sorry, akala ko," inagaw niya ang aking linya.
"Nongdamieyo," her voice devoid of emotion.
I gave him a confused look through the review mirror. Tanda na hindi ko naunawaan ang sinabi niya. But Irish just looked at me, coldly. Pagdating namin sa apartment niya binuhat ko siya papasok sa kanyang kuwarto at hiniga sa kama. Agad akong humanap ng first aid kit para kahit papano mapigilan ko ang pagdurugo ng kanyang sugat pero wala akong nahanap.
Biglang bumukas ang pinto sa silid na kinagulangtang ko. Lumingon ako dito. Nanliit ang aking mga mata sa irita dahil sa lalaking nakasuot ng doctor's gown at may dalang medicine kit, patakbo itong humahakbang papalapit kay putot. Hindi ako maaaring magkamali, siya iyong kasama ni Irish kanina sa mall.