Chapter 13: Rival

2225 Words
Redeemer Fryck's pov Dumilim ang aking paningin sa Gainne na ito nang marahas na sumayad ang kanyang balikat sa akin na kinamuntikan kong matumba. At alam kong sinadya niya iyong gawin. Lumingon agad ako sa bagong dating na si Gainne na ngayo'y nakaupo na sa kama, sa gilid ni Irish at tiningnan niya ang sugat nito. Pino ang bawat galaw niya habang tinataas ang damit ng kanyang pasyente. Ngumiwi si Gainne na parang ramdam niya ang kirot na nararamdaman ni Irish. "Fhrixe, I'm here, don't worry I take care of you," puno ng pag-aalala ang kanyang tinig. Irish inhaled with pain. "Alam ko," Her tone was warm and sweet. "Go ma sseum ni da..." "Chun ma ne yo, my lady," Gainne smiled sweetly. Nakagat ko ang taas kong labi sa irita. I could only stand there while listening their warm and sweet conversation. Akala ba nila nagseselos ako!? Big no. They're just pestering me! Mapakla akong ngumiti. "Bakit mo ako sinagasaan?" He gave me a confused look. "Hindi ko iyon sinadya," banayad na sagot niya. Bistado ko na ang acting mo Gainne, maagmaangan over load! I clenched my fest. "No, you pestering me!" I shouted. Pasimpleng tumayo siya at humarap sa akin. Buong tapang ko rin siyang sinalubong na nakataas ang noo. Hindi ako magpapatalo sa iyo! Don't you ever try to snatch Irish from me, I'll fight on you even in hell! He looked at me from head to foot and then smirked. "Dud, wala akong oras na makipag-ayaw sa isip bata," banayad pa rin niyang sabi. "Ano?! Anong sabi mo-" "Gusto nyo bang magreferee pa ako sa inyo?" Si Irish. Sabay kami ni Gainne na lumingon kay Irish. Nakaupo na siya sa kama at nakatingin sa amin. Sapu-sapo parin niya ang kanyang sugat. Mapakla siyang ngumiti. "Carry ko pa naman ang kirot ng sugat ko." Irish added. Her eyes filled of anger and disappointment. Sa isang pikit mata naglaho ang selos at galit ko nang marinig ko ang tinig ni Irish. Napalitan ito ng lubhang pag-aalala. Lalapitan ko sana siya kaya lang naunahan ako ni Gainne. At dahil dito wala akong nagawa kung hindi tumayo na lamang na parang nangugat habang nakatingin sa kanila. Patagilid na pinahiga ni Gainne si Irish. "Mian hamnida, my lady." Marahan na itinaas niya ang laylayan ng suot ni Irish hanggang sa sugat nito. Nangat-ngat ko ang aking ngipin sa irita habang dahan-dahan na lumantad ang maputing balat ni putot. Gosh, ba't ba ako na iinis na makita nito ang balat ni putot? Really, Redeemer! This kind of situation... "Just cure me, uisa!" Malumanay na sagot ni irish. Nang mapag-isipan kong Hindi na ako kailangan sa kuwartong iyon, matamlay akong humakbang palabas ng pintuan. Hindi ko kayang makitang ganoon sila ka sweet sa isat-isa. I went directly to the sitting room. Bumuntong-hininga ako kasabay ang laglag kong pag-upo sa pang-isahang sopa. At nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip kay Irish ay biglang tumunog ang sikmura ko. Saka lang sumagi sa isip kong hindi pa pala ako nagtatanghalian, pati rin si putot. I took a peek at my watch. "1:45pm," dinukot ko ang aking cellphone na nasa aking jeans pocket at nag-order na lamang ng makakain namin sa online. I sighed of relief. "Buti na lang may application na ganito," I sank myself into a couch. After fifteen minutes, tinungo ko ang pintuan ng may kumakatok roon. Pinagbukasan ko ito, ang pinadeliver kong pagkain ang dumating. Binayaran ko agad ito at tinanggap ang order. Pinatong ko ang order sa mesang nasa gitna ng mga sopa. Egsakto rin ang paglabas ni Gainne sa kwarto ni Irish. Sinalubog ko agad siya para tanungin tungkol sa kalagayan ni putot. Isang peke kong ngiti ang lumitaw. "Kumusta siya?" "Come on, wag ka ng makipagplastikan sa akin..." He smiled genuinely. "By the way she's okay. Ikaw na bahala sa kanya kasi may emergency ako sa hospital." On that, he stepped boldly toward the door. Lately, he acted like a perfect gentleman. But now, ang yabang! Huminto siya sa gitna ng pintuan. "Syanga pala, Kung gusto mong magustuhan niya umayos ka, wag kang umasta na parang bata." Kinuyom ko ang aking kamao, nilalaban ang sarili upang hindi madakmal ang Gainne na ito. Ayaw ko nang magkaroon ng bad record kay putot. As the thought ran through my mind, I immediately entered on her room for confirmation. Hindi ako mapalagay kung hindi nakikita ng dalawang mata ko na ayos na siya. At Pagpasok ko sa kwarto kakatapos lamang niyang magpalit ng pang-itaas na damit. Humarap siya sa akin at malaming na tinitigan ako. Nginitian ko rin siya bilang tungon. Her stare transformed a stern face. "Are you bulshitting me!? Muntik mo na-" she cut her words in her own. She look better, parang walang sugat sa katawan na iniinda. Umaandar na nga ang pagiging brusko. "Ahh, ehh... Wala akong balak mangbuso, nandito ako para kumustahin ka." I answered honestly. Brusko siyang humakbang palapit sa akin. At sa hindi ko inasahan bigla siyang yumakap sa akin. I shook my head then embraced her back with a smile. "Dahil ba ito sa sugat mo kaya bigla kang nangyayakap? O talagang namiss mo na ako agad," biro kong sabi. "Hindi mo pala ako mamiss kasi may Gainne ka eh." Bakit nga ba ako nagseselos? Wala naman kaming level! God. Napangiwi ako nang maalala ang pagiging sweet niya kay Gainne kanina. At sa halip na sagutin niya ako, lumihis siya ng paksang pag-uusapan. "Ito na ang huli nating pagkikita," Aniya saka bumitiw sa akin. "Ano? Dahil ba sa Gainne na yun kaya mo ako pinapalayo sayo?" Kunot-noo kong tanong. Tumalikod siya sa akin bago ako sinagot. "Wala akong dapat na explain sayo kaya umalis ka na at wag ka nang magpapakita sa'kin." Kumurap ako sa pagkabigla at para na rin mapigilan ko ang luhang gustong tumulo sa aking mga mata. Hindi naman siya nararapat na iyakan. She just broke my heart... Bakit ko naman siya iiyakan? "Ang sama mo," pagsabi ko ay agad akong lumabas sa apartment niya. Irish Fhrixe's pov Pinili ko ang layuan siya, pinili ko ang saktan siya dahil ito ang tama. Kaylangan kong pigilan ang nararamdaman ko bago pa lumala. Hindi ako papayag na ito ang maging dahilan na mabigo ko si master. Hindi ako papayag na tuluyan akong mawalan ng puwang sa puso ng akin ama. Napangiwi ako nang kumirot ang sugat ko at napasinghap ng magbalik sa aking utak ang nangyari kani-kanina. Isang tao lamang ang may kayang gawin ito, iyon ay si Francia. Parang bulkan na sumabog ang galit ko at nanginig ang aking kamao dahil dito. Marahas akong naglakad palabas, hindi alintana ang kirot ng aking gilid. At dumeretso sa mansyon para kompruntahin si Francia tungkol sa nangyari kani-kanina. Marahas kong binuksan ang pinto ng mansyon at dere-deretsong pumasok sa sala. Niliwaliw ko ang aking paningin, hinagilap ang taong pakay ko dito pero nang hindi ko siya nakita tumingin ako sa corridor. "Francia, baba!" Sigaw ko. "Bumaba ka dyan!" Hindi ako aalis sa bahay na ito hanggat hindi ko nasasapak ang babaeng iyon! "Oh, nandito ka na pala. Bakit ngayon ka lang?" Sumikdo ang puso ko at nanlaki ang mga mata dahil sa pamilyar na boses na nanggagaling sa bandang kanang ko. It can't be him, he's in Korea! "Jal jinesseoyo?" Dagdag nito. Lumingon ako sa pinanggalingnan ng tinig at nagtama ang mga mata namin. Nagsimulang mangatal ang aking mga kamay sa nerbeyos at wala sa oras akong bahagyang yumuko pero naaninag ko parin siya. Bakit siya nandito? "Master..." Anas ko. Master has a faint smile on his lips, with amazement. "Hindi ka rin masaya na makita ako?" His smile transformed a grim expression. "How's your wound? Still painful?" "Ahmn..." Faster, think instantly. "P-papa, let me e-explain--" "And who give you permission tawagin akong ama? Wala kang silbing anak!" Singhal niya. Master walked aggressive approaching me. At nang nasa malapit na siya sa akin isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Ramdam ko ang pamamaga nito pero mas nararamdaman ko sa aking puso ang sakit nang bulyawan niya ako. "M-master, a-ang akala ko kasi si Francia ang nag-ut--" another slapped hits my cheek. "T-that woman w-want to destroy my plan," pinilit ko ang aking sarili na maituloy ang sasabihin. "Your revenge plan!" I accidentally raised my voice. Umigting ang bagang ni master. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya sa subrang galit. Tumalikod siya habang iniinog-inog ang kanyang kamao. Bumuntong-hininga rin ako para roon kumuha ng lakas-loob sa aking ilalahad. "Gusto niyang sirain ang plano, gusto niyang tigilan ko ang paghihiganti." I said bravely. "Meron akong ipapagawa sayo. Prove that you're better than Francia. Patunayan mong karapat-dapat kang naging anak ko." Master said. "Alam mong lahat gagawin ko para sayo, master." Sabi ko. "Good," ngiting aso siyang humarap sa akin. Umangat ang kanyang kamay at Marahas niya itong idinapo sa aking balikat. "Kill Dr. Dex TY. Owner of TY Pharmacitecal." Bagong misyon, bagong pag-asa na mapapalapit ako sa puso niya. Isang accomplished, kapalit nito ay isang ngiti na sisibol sa labi ng aking ama. At para sa akin sapat na ito upang sabihing naging mabuti akong anak sa kanya. I was just smiled heavenly. "It's my pleasure to accomplish your wish, master!" "That's my Irish!" He gave a loud laugh, then turn around with joy. "I prove to you that I'm not just deserving, I am most deserving as your daughter," murmured. Umalis ako ng mansyon dala ang isang misyon na nakapatong sa balikat. Sa pagkakataong ito hindi ko hahayaan na mabigo ko siya. Hindi ko na yata kayang marinig ang salitang walang silbing anak. "Hello, Gregorio?" Panimula ko nang sinagot ni Gregorio ang aking tawag. "Meron akong bagong ipapatrabaho sayo. Bigyan mo ko ng buong detalye tungkol kang Dex Ty." Paused for awhile. "I need it know!" Then call ended. Lumabas ako ng sasakyan habang sapu-sapo ko ang aking sugat at agad pumasok sa aking apartment. Pagkarating ko sa tanggapan ng bisita isang supot ang sumalubong sa aking mga mata, nakalapag ito sa mesa. Nilapitan ko ito at kahit malinaw sa akin kung anong laman nito dahil sa nakaprint sa harap ng supot ay sinuri ko parin. Napangiti ako nang makita ang laman. Ngunit naglaho rin ito nang maalala ko ang taong posibling naglapag nito dito at kung ano ang tunay na pakay ko kanya at sino ako. The truth behind untruths; I'm an assassinator, my destiny is to bury a bullet in his brow. Kinuha ko ang supot at binitbit patungo sa trashcan na nasa gilid ng pintuan ng kuwarto. Inihagis ko ito rito saka deretsong pumasok sa loob ng aking silid. I need rest for my new and usual mission! Hihiga na sana ako sa kama nang biglang may kumatok sa labas ng apartment. Binuksan ko agad ang pinto sa pag-aakalang so Gregorio ito ngunit nang makita kung sinong nakatayo roon napasinghap na lang ako sa gulat. It was Redeemer, he was so drunk, the reason why he can't stand straight. He took a step near then embraced me tightly. "Please... Wag mo naman akong itaboy," nanlilikot ang kanyang kamay sa aking likod. Takot na takot. Nanuot sa aking ilong ang amoy ng alak. Napangiwi ako dahil ito, kasama na rin ang kiliti at ilang na nararamdaman ko sa tuwing dadampi sa aking leeg ang kanyang hininga. "Ano bang- bitiwan mo nga ako hindi ako makahinga." Pagdadahilan ko. Wala, hindi parin niya ako binitiwan.Tinulak ko siya ngunit lalong lamang niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin. Napaigik ako nang marahas na sumayad ang katawan niya sa sugat ko. "Ouch! Ang sugat ko ang sakit," anas ko. Parang napaso si Redeemer na binitiwan ako habang mayroong subrang pag-aalala. Bahagya niyang itinaas ang aking damit at umuko upang suriin ang sugat ko. Tumayo na lamang rin ako ng matuwid, at hindi na umangal sa ginagawa ni payatot. Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawang pag-ihip sa aking sugat. "Masakit pa ba?" Tanong niya. Itinoon ko ang aking mga mata sa kanya at naabutan ko siyang nakatingala sa akin. Dali kong iniwas ang aking mga mata saka umiling. Nang makita na niya ang sagot ko'y ibinaba rin niya ang aking damit bago muling tuwid na tumayo. "Umuwi kana," utos ko. "Lasing ka, Redeemer." Mapait ko siyang nginitian. "No," umiling siya, pinapahiwatig niyang hindi siya sang-ayon sa akin kasunod ay pilyong ngumiti. "Nakainom lang. Puwede ba akong matulog dito? Please..." Bagsak kong ibinaba ang aking mga balikat saka umiling. "Hindi puwede, umuwi ka na- s**t!" Naputol ko ang sasabibin at tili ang pumalit nang marahas niya akong kinarga. Magpoprotesta pa sana ako pero sa pag-aalalang baka madapa kami ay napayakap na lamang ako sa kanyang leeg. Suray-suray siya habang buhat ako. Kung tutuusin kaya kong makababa, ngunit iwan ko kung bakit kahit kunting galaw sa katawan ko'y hindi ko magawa. Ibinaba niya ako pagdating sa loob ng aking silid at ipinaupo niya ako sa gilid ng kama. Hinubad niya ang kanyang pag-itaas na damit saka palaglag na humiga sa gitna nito. Kasunodnbigla niyang hinila ang laylayan ng damit kong suot kaya napahiga ako sa kanyang tabi nang wala sa oras. Umusog ako para dumestansiya sa kanya dahil sa subrang dikit namin bago ako tumalikod. "Putot?" Si Redeemer. "Talaga bang gusto mo ang doktor na yun? O gusto mo lang magkaroon ng boyfriend na doctor? Kasi halata naman na mas gwapo ako dun eh."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD