Chapter 3: Her Words

1585 Words
Hanggang sa makauwi ako sa dorm, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga sinabi ni Audrey. Nakakacurious at nakakapagtaka lang talaga kasi. Dahil sa sobrang occupied ako sa encounter namin nina Ross, Macey at Audrey, nakalimutan kong may responsibilidad pala akong itext si Yui. Sino ba naman kasing mag-aakalang sobrang daming mangyayari sa araw na iyon. What a day. Iti-text ko na sana si Yui na nasa dorm na 'ko ngunit naunahan ako nito. Biglang lumabas sa screen ng phone ko ang caller ID niya. "Saan ka?" tanong niya. Rinig ko pa sa kabilang linya ang pag-echo ng samu't saring ingay. Isa sa mga nahagip ng tainga ko ay ang tunog ng bola ng basketball at mangilan-ngilang hiyawan. Mukhang nasa gym pa si Yui. "Nasa dorm na 'ko," sagot ko sa kanya ay inilapag ang sarili sa single bed kong kama. "Tara dinner. Baba ka na riyan, papunta na ako sa dorm," pag-uutos niya at kaagad na pinatay ang tawag. Napaka-bossy talaga ng kaibigan kong ito kahit kalian. Nag-text ako na maliligo lang ako sandali at dito na lang siya sa room maghintay. Kaso noong natapos ako, wala naman akong nadatnang Yui na nakatambay sa kwarto. Nagtataka akong nagbihis at saka kumuha ng jacket bago lumabas. Inip na inip na Yui ang sumalubong sa akin nang makababa ako mula sa second floor. Nakatikplop ang kanyang mga braso at diretso ang tingin ng kanyang singkiting mata sa kawalan. "Nakalimutan mo na nga akong i-text kanina tapos ngayon pinaghintay mo pa ako rito at ipinain pa sa mga lamok," pagrereklamo niya at nagsimulang sumayaw-sayaw upang maiwasan ang mga lamok. Natawa ako sa pinaggagawa ng katabi ko. Tinext ko naman siya kanina na sa kwarto na maghintay. "Tinext kita na sa kwarto na maghintay. Baka hindi mo lang nabasa," paliwanag ko. Kinapakapa ko ang bulsa ng suot kong jacket upang masiguro na dala ko ang susi ng kwarto at wallet. "Nabasa ko," pag-amin niya. Nagsimula na siyang maglakad at tinungo ang gate ng dorm na napapalibutan ng Santan. Kaagad ko naman siyang sinundan at sumabay sa kanyang mga hakbang. "Oh? Tapos? 'Bat hindi ka pumasok?" Ibinaling niya ang kanyang tingin sa akin at hindi makapaniwala akong pinagmasdan. "Eh tanga ka rin naman eh noh? Nakalock ang room mo, paano ako makakapasok?" aniya at saka ako binatukan. Napasapo ako sa noo matapos mapagtanto ang katangahan ko. Oo nga naman, paanong makakapasok si Yui, ni-lock ko iyong pinto tapos nasa CR pa 'ko. Pinandilatan ako nito. "Sorry," sabi ko rito at saka nag-peace sign. Umusog ako nang kaunti at mas lumapit sa kanya dahil bahagya akong nakaharang sa harap ng gate. "Sorry mo mukha mo. Tara na nga, gutom na 'ko." Kaagad din naman akong sumunod sa kanya at umakbay dito. Napagpasyahan naming sa cafeteria na lang sa loob ng campus maghapunan bilang mga batang nag-iipon. Mas magastos kasi kapag sa labas pa kami ng campus kakain since kailangan pang magtricycle palabas. Kuripot na kung kuripot. Tumungo kami sa Kalimudan Lane, na ilang metro ang layo mula sa students dorm. Isa itong student center area sa campus na napapalibutan ng iba't ibang stalls maliban sa mga kainan. May mga nagbebenta rin dito ng school supplies pati na mga gamot upang mas maging convenient para sa mga estudyante. Pumasok kami sa main cafteria at as usual ay punuan na naman ito. Mabuti na lang talaga at na-occupy namin kaagad ang huling bakanteng table.  "Hi." Pareho kaming nagulat ni Yui. Sinong mag-aakalang dalawang beses akong lalapitan ng taong 'to ngayong araw? "Sorry, wala na kasing ibang bakanteng table." Halata naman sa mukha niya na wala na talaga siyang ibang choice. Nakaturo siya sa bakanteng silya bitbit ang kaniyang tray. Palihim ko siyang sinilip at halos nakapambahay na rin siya kagaya ko. Nakatali rin ang medyo mahaba na niyang undercut na buhok. Pinandilatan ako ng kaharap ko. Malamang ay binabalaan ako sa maling desisyong gagawin ko. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Ross at dahan-dahang tumango. Paniguradong umikot na naman ang mga singkit na mata ni Yui dahil sa ginawa ko. As expected, hindi si Ross tumabi sa akin. Nakayuko lang tuloy ako, natatakot na baka mahuli ako niya akong nakatingin sa kanya. Pati si Yui hindi ko rin tuloy matignan, katabi kasi nito si Ross. Iyong kaninang madaldal na Yui ay biglang naging tahimik. Paniguradong pareho niya kaming pinapakiramdaman ng kanyang katabi. Sa sobrang katahimikan ay hindi ko na naman maiwasang mapasenti at mapaisip. Bakit ba kami umabot sa ganito? Pagtatanong ko sa sarili. "I'll go ahead. Thank you," binasag ni Ross ang katahimikan at saka nauna nang umalis. "Bwisit iyong lalakeng iyon ah," bulong ni Yui. Hindi pa kasi gaanong nakakalayo si Ross at baka marinig siya nito. Bahagya niyang iniyuko ang sarili na parang bang may sekretong sasabihin kaya't lumapit ako nang kaunti rito. "Lakas makabigay ng false hope. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mo nagustuhan ang kumag na 'yon," sabi niya at itinuro ang direksyon ng hindi pa nakakalayong si Ross.  I sighed. Honestly, hindi ko rin kasi alam ang sagot. Pero sinong niloloko ko? Ang dami, ang daming dahilan na kahit ako ay hindi kayang bilangin iyon. Ross, kalian mo ba marerealize na ako iyong nandito lang lagi para sa 'yo? Eksakto namang may nag-play ang kantang Realize. Nananadya ata talaga eh. Hinanap ko kung saan iyon galing at napagtantong mula ito sa kaharap naming table. Siya na naman? Walang iba kung hindi si kuyang may weird na playlist kanina sa SOM building. Pero in fairness din sa isang ito dahil nag-improve na ang taste nito. May Realize na siyang nalalaman, nakakabwisit nga lang kasi kitang nagsesenti ako saka naman niya naisipang i-play ang kanta. At saka, what is it with this guy and full volumes? "Hoy!" pag-agaw ni Yui sa attensyon ko. "Tama na 'yan, puro ka nalang Ross. Life ko naman ang pag-usapan natin, nakakadepress iyang sa' yo." If there's one thing na expert si Yui, iyon ay ang pagpapagaan ng atmosphere. Hindi ko mapigilang mapangiti. Same old Yui. Pinagmasdan ko siyang isinubo ang kutsarang puno ng kanin bago naisipang magtanong. "How's Rav?" pagtatanong ko tungkol sa kapatid niya. Naaksidente kasi ito last month at kakagising lang nito mula sa coma. Kung pagmamasdang mabuti aakalain mong walang problema si Yui, masayahin kasi. Pero like everyone else, ang dami niya ring pinagdadaanan. Minsan din kasi talagang wala iyan sa laki ng problema. Oo, maaring iba-iba tayo ng pain tolerance, ngunit minsan ay nasa attitude rin iyan ng tao. Kung paano siya mag-respond sa problema niya, kung hahayaan ba nitong kainin siya at sirain ang mundo niya. I envy Yui. One of the toughest women I've known. Walang-wala ang problema ko kung ikukumpara sa kanya, but still she managed to smile and comfort me every now and then. "Ang hilig mo talagang magpasenti ng tao e, noh?" pabiro nitong sabi. I gave her an apologetic smile. "Nakauwi na siya sa bahay last week kaso nakawheel chair pa rin siya hanggang ngayon. Lagi niya ring tinatanong si Gia," biglang naging malungkot ang boses niya nang mabanggit ang pangalan ng kaibigan ng kapatid. Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Narinig ko pa itong bumuntong hininga. "Sorry," sabi ko na medyo nilalakasan ang boses dahil sa ingay na namumuo sa loob ng cafeteria. "Ano ka ba, okay lang iyon. Nga pala nakita mo ba si Carlo ngayon?" I shrugged and sat back on my chair. "Hindi eh, bakit?" "Isa pa 'yang Carlo Jacinto na iyan. Problema," aniya na may kasama pang roll eyes. I let out of a soft chuckle. Ewan ko ba, hindi ko rin minsan maintindihan ang love life ng isang ito. Yui and Carlo are not lovers, they refuse to label their relationship as lovers. Hindi lang din naman sila basta friends, everyone knows that. Neither lovers nor just friends, maybe something in between. Natapos ang araw na iyon na tahimik. Kaya lang pagkagising ko kinaumagahan, pakiramdam ko ay may dapat akong problemahin. Hindi ako mapakali. Dala-dala ko ang pakiramdam na iyon buong umaga, kahit noong nagsimula na ang klase. Natigil ako sa pag-i-ispace-out nang may natanggap akong nakatiklop na papel mula sa likuran ko. Galing iyon kay Ross. Nagdadalawang-isip kong tinanggap ang papel at binasa ang nakasulat dito. Are you going home this weekend? Kung hindi lang sana cold ang pagtrato ni Ross sa akin ay baka kinilig na ako. Nababasa ko kasi ang mga eksenang ganito sa mga nobela. Iyong nagpapalitan ang mga bida ng messages through notes habang nagdi-discuss ang teacher or prof. Kaso sa scenario ngayon, hindi ko maramdaman na may something special kasi wala naman talaga. Oo. Death anniversary ni kuya. Uuwi ako after ng gig namin sa Friday ng gabi. Sinulat ko ito at saka ibinalik sa kanya ang maliit na piraso ng papel. Agad naman nitong pinasa sa akin pabalik ang papel. I know. Okay. Susunduin kita after your Gig. Gusto ni Mama sabay tayo umuwi. Hindi ko mapigilang mapangiti. The thought pa lang na makakasama ko siyang umuwi sa amin halos 'di na akong makapaghintay na mag-Friday. I haven't even notice I was already holding my breath. He was keeping a straight face noong tinignan ko siya. Diretso lang ang tingin sa harap ng board. Thank you. Umasa akong ibabalik niya pa ang papel sa akin, ngunit hanggang sa natapos ang klase ay hindi na niya ako pinansin at wala nang ibinigay na sagot. Pwede naman siyang sumagot ng You're Welcome 'di ba? Sige lang, Umasa ka lang, Maurice, bulong ko sa sarili. "Maurice! May practice tayo mamayang four-thirthy. 'Wag mong kalimutan," paalala ni Mario na blocmate namin at ka-banda ko rin. "Ah, tama! Salamat, muntik ko nang makalimutan. Actually, nakalimutan ko talaga," pag-amin ko at nagbigay ng hilaw na tawa. May practice nga pala kami, nakalimutan ko. Baka iyon ang rason kung bakit parang bothered ako buong araw. Pero sinong niloloko ko? "If you really want him, then meet me tomorrow at the second Lab room. 4 pm, after your last class." Ang mga salitang iyon ang gumugulo sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD