My last subject for the day ended. Sumulyap ako sa aking relo at eksaktong alas cuatro pa lang ng hapon. Sa pagkakaalala ko, four-thirty ang practice namin.
Napagpasyahan ko na dumiretso na lang sa Music Room kung saan kami nagpapractice. Nasa College of Humanities at Social Sciences building pa iyon kaya't mas mainam na maaga kong simulan ang paglalakad. Palabas ng College of Science and Mathematics building, hindi ko napigilang silipin ang isa sa mga silid na nadaanan ko.
I26-Laboratory Room 2. Basa ko sa signage na nakapaskil sa ibabaw na parte ng pintuan.
Sinilip ko ang silid at wala namang klase na nag-o-occupy nito. Wala rin naman si Audrey roon.
Napailing na lang ako. What was I even thinking? Ganoon na ba ako ka desperado? Halata namang pinagloloko lang ako ni Audrey.
I erased the thought at saka dumiretso na sa CHSS.
Si Mario pa lang ang naroon pagdating ko. Marahil ay may klase pa iyong iba naming ka-banda.
Tuluyan na akong pumasok sa malawak na silid. Triple ang laki nito kumpara sa mga normal na classroom sa loob ng university. Para na rin itong auditorium na may mga musical equipment at isang mahabang sofa sa gilid ng mini stage. "Uy," bati ko kay Mario.
"Yow. Nagtext nga pala si Dexter, malalate raw siya. May exam sila ngayon sa Psychology," baling niya sa akin habang busy sa kanyang gitara. Nasa parehong taon kaming halos lahat sa banda maliban kay Dexter na mas matanda sa amin ng isang taon. Pareho sila ni Mario na naka-assign sa Rhythmic Guitar.
"Sina May at Raven?" pagtatanong ko patungkol sa dalawang lovebirds. Si May ang vocalist habang ang nobyo naman nito ay toka sa Bass, tapos ako naman sa drums.
"May LQ iyong dalawa ngayon, pero magpapractice 'yon. Susunduin lang daw ni Rave si May pagkatapos ng klase nito," natatawa niyang sabi at nag-inat ng kanyang braso.
I nodded at naging tahimik na ang mga sumunod na minuto. Busy si Mario sa pagtotono ng kaniyang gitara habang ako naman ay paikot-ikot lang ang tingin sa loob ng silid. Binibilang ko lang noon ang kabuuang numero ng mga silya sa loob ng Music Room.
"Okay na kayo ni Ross?" biglang tanong ni Mario. Saan naman nito nakuha ang impormasyong iyon? Sana nga lang ay totoo.
Walang malay kong sinuklay-suklay ang magulo kong bangs saka umiling sa kanya ako bilang sagot. Kaklase ko nga pala noong high school ang kakambal ni Mario kaya't kahit papaano ay may kaunting alam ito tungkol sa amin ni Ross. Nakwento siguro sa kanya ng kapatid niya. Kalat ba naman kasi sa buong batch namin ang nangyari.
"Talaga? Nakita kasi kayo ng kakambal ko kahapon. Sabi ni Clara sabay raw kayong nagdinner tapos tinititignan ka rin daw nito habang kumakain," aniya na para bang sobrang naiintriga siya sa buhay namin. Mas chismoso pa ata 'to sa kakambal niya.
Pero ano raw? Ako? Tinititigan ni Ross habang kumakain? Bakit wala man lang nabanggit si Yui sa akin? Ito ba 'yong ibig niyang sabihin doon sa sinabi niyang ang lakas magbigay ni Ross ng false hopes? Nakayuko lang din kasi ako the whole time kaya hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo si Mario.
Pero nakakainis kasi pinaasa ako ng sinabi niya'ng iyon.
Pero ano naman ngayon kung tinignan ka ni Ross? Malamang kasi may mata siya. Pinapaasa mo lang ang sarili mo, Reese. Pagkontra ko sa sarili.
Ilang sandali pa ay dumating na rin ang mga ka-banda namin. Agad ko ring itinali ang katamtamang haba kong buhok, kinuha ang drumstick mula sa bag at nagsimula na kaming mag-practice.
Alas otso na nang matapos kami. Medyo napahaba ang practice namin, nakalimutan na nga naming mag-dinner.
Palabas na kami ng building nang biglang hindi ako mapakali.
"Reese?" pagtawag sa akin ni May. Nagtataka ang napakaamo niyang mukha.
"Ah, mauna na lang kayo. May titignan lang ako sandali sa college namin," balisa kong sabi. Hindi ko namamalayang mahigpit na pala ang hawak ko sa drumstick sa kaliwa kong kamay.
"Samahan ka na namin," alok ng nobyo ni May. Mabilis akong napaangat ng tingin dito at sumenyas gamit ang dalawa kong kamay na huwag na.
"Hindi, okay na. Bye!" dire-diresto kong sabi at saka patakbong itinungo ang CSM building. Iniwan ko roong nagtataka ang mga kasamahan ko.
Hindi ko namalayang dinala na pala ako ng mga paa ko sa harap ng Room I26. Hindi ko alam kung bakit pinipilit ko ang sarili na pumunta rito. Nababaliw na 'ba ako? Siguro dahil sa gutom lang 'to.
"Hi!" bahagya akong nagulat. Hindi ko napansing nasa harap ko na pala si Audrey. Kahit nakapatay na ang karamihan sa ilaw sa loob ng CSM building ay kapansin-pansin pa rin ang porselana nitong balat.
"I... I shouldn't be here. Alis na 'ko."
She let out of a soft chuckle. Namaywang pa ito saka dumiretso sa loob ng silid. "Nagtataka ka kung bakit dinala ka pa rin ng mga paa mo rito kahit na a part of you is telling na this is all a nonsense, 'di ba?"
Napakunot ang noo ko.
Tumawa ito ulit dahil sa reaksyon ko. "Reese, kapag sinabi ko'ng meet me, you have to meet me whether you like it or not." Her smiles sent shivers to my spine.
Okay, that sounds creepy. Really creepy.
"Natakot yata kita," ani nito at ngumiting muli.
Really, is she a mind reader?
"Come here," saka ako nito hinila papasok sa Lab Room.
"Here," nakangiti ito habang iniabot sa akin ang isang mini bottle na may kulay asul na likido sa loob. Ginawa niya itong pendant sa isang kwintas. Kapansin-pansin din sa loob ng bote ang parang mga silver dust na nakahalo sa likido sa loob. Kumikinang kasi ito.
"It only takes one drop, Maurice. One drop of that on Ross' drink or even food at paniguradong mahuhulog ang loob nito sa 'yo. Paniguradong hihiwalayan agad nito si Macey," pag-eexplain nito habang nakangiti pa 'rin.
She seriously thinks I would buy this crazy idea? She is definitely one weird and crazy woman. And where on Earth did she get those info?
Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng laboratory room ng Biology Department. Hinanap ng mga mata ko ang mga kemikal na maaring pinaglaruan ni Audrey. Ngunit noong nabigo akong hanapin ang mga iyon ay sumuko na lang ako at muling ibinaling sa kanya ang atensyon.
"This is crazy... and funny. I bet hindi ka rin nakapagdinner kagaya ko. Come on-" mag-aaya na sana akong umuwi ngunit napatigil ako dahil bigla itong nag-pout.
Hindi lang pala siya baliw, childish din.
"You have to believe me." In an instant parang gusto ko agad maniwala. Her words got me at hindi ko maipaliwanag paano iyon nangyari.
I paused for a moment.
"Sigurado ka ba rito? Baka mamaya niyan may nilagay ka pa lang lason," tanong ko habang sinusuri ang maliit na bote sa mga kamay ko. I, myself even wondered bakit parang pumapayag ako at itinanong iyon.
"Of course. C'mon, wala namang mawawala sa 'yo kung susubukan mo 'di ba? You might want to thank me sa mga susunod na araw," pangungumbinsi niya. Itinukod niya ang kanang kamay sa desk at pinagmasdan naman ang mga kuko sa kaliwa. Akala mo ay nababagot ito dahil sa tagal kong maniwala sa kanya.
"I don't know. It's weird, you can't even explain to me scientifically kung paano nito," sabay turo ko sa boteng hawak, "...mapapahulog ang loob ni Ross sa 'kin. Let me guess, another failed love potion? Ang dami nang nag-try gumawa ng mga ganito. In fact, this is a one hell crazy idea!" pagrarason ko. I'm finding a way na hindi maniwala sa kabaliwan na 'to.
"Well, ikaw bahala. Like what I've said, wala namang masama kung susubukan mo. Just one drop, Maurice..."
Wala namang masama kung susubukan.
"Just one drop of that, Maurice, and things will be different. The way you always want it to be. Make Ross fall for you..." Her stares were telling me that she can guarantee that would happen.
"Also, don't you think it's about time to make it even? Make Macey kneel in front of you," Audrey suggested.
Make Ross fall for you. Make Macey kneel in front of you. And those were the words my ears have been waiting to hear. Ang mga salitang iyon ang nakakuha ng atensyon ko. 'Yon naman talaga ang gusto ko in the first place, iyon din ata ang mga dahilan kung bakit naroon ako sa silid na iyon, kaharap si Audrey kahit na nawiwirduhan ako rito.
"Pag-iisipan ko," I replied to get it over with.
Kahit pa bahagyang nakumbinsi ako ni Audrey sa mga sinabi niya sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, hindi naman ako ganoon ka tanga para sakyan ang kalokohan niya.
Pero nahawaan ata ako ng kaunting kabaliwan ng isang iyon. Makapaghapunan na nga lang. Marahil ay epekto ito ng gutom. Nakakabaliw talaga kapag gutom ka.
Habang binabaktas ang corridor, may bigla na lang humila sa aking braso. Mabuti na lang dahil hindi ako gaanong matatakutin, kung hindi baka napasigaw na ako. Siguro ay confident lang din ako dahil mayroon namang guard sa loob ng building.
Pero aaminin ko, nagulat ako, at mas nagulat ako nang marealize kung sino ang humigit sa braso ko.
Si kuya na may weird playlist.
"Anong..."
"Don't you dare use that," sabi nito habang suot ang hindi ko maintindihang ekspresyon sa mukha.