"Don't you dare use that." Gulat na gulat ako sa sinabi niya. Narinig kaya niya lahat?
"Te-teka..." Pagpupumiglas ko mula sa kaniyang hawak. He was wearing glasses, ngunit hindi nakaligtas sa akin ang mapagbanta niyang mga mata sa likod ng mga salaming iyon na siyang nakasabit sa matangos niyang ilong. There was also something more. May halong pag-aalala ang kaniyang mga mata.
"Huwag na 'wag mong gagamitin iyang laman ng bote na 'yan. Naiintindihan mo?" he whispered but with a strong tone, and then tightened his grip. Medyo kinilabutan ako sa ginawa niya, he was a stranger after all.
"Hey noob, sumagot ka!" usad niya noong mapagtantong nakatulala lang pa rin ako.
Ano ba ang pinaglalaban ng isang iyon? Is this person a gay? May gusto rin ba ito kay Ross kaya ayaw niyang gamiton ko ang bagay na iyon? And how dare he call me a noob! Bwisit lang.
"Teka nga lang kuya..." I paused and searched for his ID. Nakasabit pa ito sa kanyang Maroon na sling. Yumuko ako nang kaunti upang mabasa ang mga letrang nakasulat doon.
Chase Loris Clemente
"Chase..." I continued. "First of all, pwedeng bitiwan mo 'ko? Kung hindi mo napapansin ang higpit na nang hawak mo at nasasaktan na rin ako." Itinuro ko ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko. Agad din naman niya itong binitiwan, ngunit naroon pa rin ang pagkabagabag sa mukha niya.
"Kung nag-aalala ka na baka gamitin ko itong gayuma or whatever you call this thing, then you can calm down kasi wala naman akong plano gamitin ito. At naniwala ka talaga sa lahat ng kahibangang narinig mo mula kay Aud... I mean doon sa babaeng kasama ko? Dude, nagjo-joke time lang iyon. Relax, chill," I explained and tapped his shoulders. Ilang beses akong napalunok at sekretong hiniling na isawalang bahala niya ang mga narinig.
I was surprised to see him roll his eyes. Aba!
"You don't have to hide her identity from me. I know she's Audrey, I know her better than you do. Fine, I'm sorry." His tone was no longer harsh compared earlier. Itinago niya ang parehong kamay sa mga bulsa ng jacket na suot.
"Iyon naman pala, kilala mo naman pala siya. Ang weird mo lang makareact, Kuya, ano?"
So magkaibigan pala ang dalawa. No wonder parehong weird at creepy, bigla na lang sumusulpot out of nowhere. And why am I having a long conversation with a guy I barely know by the way?
"Baka mapahamak pa ako sa mga kemikal na pinaglaruan ni Audrey. Anyways, itatapon ko nala—" Maglalakad na sana ako patungo sa pinakamalapit na basurahan nang pigilan niya ako.
"Huwag!" Bigla niyang sigaw.
Napatigil ako sa aking mga hakbang at nilingon siyang muli. Bahagya pang nakabukas ang aking bibig noon at nakakunot ang noo. "Ang g**o mo rin, noh? Ayaw mong gamiton ko ito tapos ayaw mo ring itapon ko? Wow," sarcastic kong sabi.
"Malalaman niya. Keep it. Just... just don't use it," he said convincing me. Seriously, sobrang weird nilang magkaibigan. Kagaya ko rin kaya itong hindi pa nagdi-dinner? Epekto ba ito sa kanila ng pagiging stress sa academics?
"Fine," sagot ko na lang para matapos na ang usapang iyon. Nagugutom na kasi talaga ako at sinasayang ng Mr. Clemente na iyon ang oras ko.
He nodded. "Okay then. Let's go," sabi niya saka ako hinila palabas ng CSM.
Teka nga lang, anong "let's go?". Saan niya ako dadalhin?
"Hoy, teka sa'n tayo pupunta? Alam mo namang maraming CCTV dito sa school, 'di ba? Pinapaalala ko lang sa 'yo in case may plano kang i-salvage ako." Ngunit hindi niya ako sinagot at diretso lang ang lakad. Nadaanan namin ang guard na nagbabantay sa may entrance ng building at sumaludo pa siya rito. Kumaway na lang din ako kay Kuyang Guard bilang paalam.
Bahagya siyang natawa habang hila-hila pa rin ako. "Hoy," pagtawag ko sa kaniya.
"Hoy," nakaprolong kong tawag sa kanya. At silent mode pa rin si Kuya. Pinagmomonologue ako, walang hiya.
"Hoy, Kuya Chase. Kuyaaaa," pagtawag ko sa hindi ko na bilang kung ilang beses. Malayo-layo na rin ang nalakad namin. Nalagpasan na namin ang mermaid statue sa may entrance ng CSM grounds at malapit na kami sa SOM building kung saan ko siya unang napansin. Ilang metro lang din ang layo noon sa school dormitory na tinutuluyan ko.
"Tsk. I never thought you could be this annoying and loud," komento niya.
What does he expect me to do? Dapat nga ay sinuntok ko na ito given na hindi naman kami magkakilala. He's dragging me to somewhere and he might have evil plans. Pero hindi ko ginawa kasi mukha naman siyang matino at disenteng tao.
"And please stop calling me Kuya, I'm a year younger than you," bigla niyang dagdag. He was secretly smiling. Parang aliw na aliw ito sa mga nangyayari.
Medyo napahiya naman ako. Okay, ikaw na bata, ako na matanda. Malay ko ba na freshman pa pala ang isang iyon. Hindi ko naman na kasi binigyang pansin ang simula ng student number niya sa ID.
Sa university kasi namin magsisimula ang student number mo sa kung anong taon ka freshman. Bali ito ang nagde-determine kung anong batch kayo, kunwari 2015-*****, ibig sabihin batch 2015 ka.
He let go of my hand at saka ko lang napansing nasa harap na pala kami ng dorm. Ang bilis at lalaki rin ng mga hakbang nito kaya't medyo hiningal pa ako noong nahinto kami.
"Eat dinner, then rest," he instructed saka ako iniwang nagtataka.
How on earth did he know na nagdo-dorm ako? At alam niyang hindi pa ako nagdi-dinner! Nasabi ko kaya iyon ng malakas kanina? Kumulo kaya ang tiyan ko habang nag-uusap kami?
Weird, I guess. Ang weird ng araw na iyon.
I did what that weird guy instructed. I ate dinner saka napagpasyahang magpahinga, mabuti na lang talaga at wala pa gaanong dapat problemahin sa acads.
Chineck ko muna ang phone ko para siguraduhing naka on ang alarm nito. There was one unread message noong nai-unlock ko ang screen.
It was from Macey, nambubwisit as usual at nagre-remind tungkol doon sa homework namin sa BIO9. She also added na magkanya-kanya na lang kaming gawa at kung kanino ang may pinakamagandang output, iyon ang ipapasa.
Fine by me. Mabuti naman at nagamit niya rin sa wakas ang utak niya.
Patulog na sana ako nang mapansin kong umilaw ulit ang telepono ko. Naisipan kong basahin na lang muna ang text.
That was actually a wrong move.
From: Ross
Good Night.
Goodness, paano pa ako makakatulog?
Dahil nga sa Good Night na iyon, first subject pa lang ay inaantok na ako. Feeling ko centuries na noong huli ako nai-text ni Ross, and it was a freakin' good night from him! How can I possibly sleep? Buong gabi ko lang namang pinag-isipan ang meaning ng good night na iyon. Sa kakaisip kong 'yon, hindi na ako nakatulog.
I glanced at Ross who was two chairs away from my right. Busy ito at seryosong nakikinig sa prof. Kung hindi lang sana ako naantok pareho kami ng ginagawa ngayon.
Napangiti ako habang nakatitig sa kaniya. Lalong lumakas ang appeal nito dahil sa brown polo shirt at black jeans na suot. Bagay na bagay sa fit at toned niyang katawan.
Gusto ko pa sana siyang pagmasdan kaso hindi ko na talaga kinaya, ibinagsak ko na ang aking ulo sa plastic armchair at umidlip.
Nagising na lang ako noong may biglang sumigaw. Nang igala ko ang mga mata ko sa buong klasrum hindi ko naiwasang mapamura.
"Nagdismiss na five minutes ago," rinig ko sa kanyang malalim na boses.
Namilog ang aking mga mata. I turned to my right and yes, it was Ross. Agad naman akong nabahala at sinuklay-suklay ang nakalugay kong buhok gamit ang aking kamay. Kaagad kong inalala kung nakapag-apply ba ako ng lipbalm noong araw na iyon at kahit mascara man lang.
Kaming dalawa na lang kasi ang naiwan sa classroom and there he is, sitting next to me. Bakit nga ba nandito pa ito?
"Who is it?" tanong niya. Wala pa ring emosyon ang kaniyang mukha kagaya ng usual at parehong nakatiklop ang braso habang nakasandal sa silya.
I stared at him, confused.
"Iyong kausap at ka holding hands mo kagabi," he added habang diretso lang pa rin ang tingin.
Ka holding hands? Wala naman akong nakaholding hands, ah. Baka kamukha ko lang iyong nakita niya.
Napansin kong may ibinulong siya sa sarili at bigla na lang bumuntong-hininga.
"Kalimutan mo na lang ang sinabi ko, baka hindi ikaw 'yon. Late ka na nga pala sa susunod mong klase. I have to go, susunduin ko pa si Macey," dire-diretso niyang sabi. Kinuha niya ang itim na bag mula sa sahig at tuluyan nang lumabas ng silid.
I sighed. Si Macey na naman.
***
Gaya ng napag-usapan namin noong nakaraang araw, sinundo ako ni Ross pagkatapos ng gig namin para sabay na kaming umuwi.
Ten-thirty na ng gabi nang makasakay kami ng bus. Mabuti na lang at naabutan namin ang last trip ng air conditioned na bus. Mas komportable kasi sa ganoong klase ng bus compared sa regular ones, lalo na't tatlong oras ang byahe sa amin.
Unfortunately, nakalimutan kong magdala ng jacket. Tanging maliit na backpack at drumstick lang ang nadala ko.
On the other hand, I thought that would be the longest three hours of my life kasi katabi ko sa bus si Ross. Iyon na siguro ang pinakamatagal na nagtabi kami ulit.
Nag-isip ako ng mga topic na pwede naming mapag-usapan ni Ross, para naman hindi kami mabagot sa byahe. Kaso nang lingunin ko siya, napakahimbing na ng kanyang tulog.
Hindi ko maiwasang isipin na baka sinadya talaga niyang matulog kaagad. Siguro ay sobrang tinitiis na niya noon ang presensya ko.
Neglecting those pessimistic thoughts, baka naman pagod lang talaga siya.
Ni-look forward ko pa naman ang araw na iyon. Dahil wala naman akong magawa, I rested my head on the window and decided to sleep.
"Reese, we're here," paggising ni Ross sa akin.
That was fast, on contrary to what I had expected. Ni hindi man lang ako nagising sa three-hour ride na 'yon. I glanced at my watch and it's already 1:35 am. Mabuti na lang talaga walking distance lang ang bus stop sa subdivision namin. Kung sakaling ako lang mag-isa umuwi hindi na masyadong delikado at hassle.
Pareho kaming tahimik habang binabaktas ang daan papasok. Inayos ko ang jacket na nakasabit sa aking balikat.
Sh*t.
Jacket.
Tinignan ko ang nasa unahan kong si Ross at hindi na nga nito suot ang jacket niya.
Kailan kaya niya 'to isinabit sa balikat ko? Bakit hindi ko man lang napansin?
Hindi ko talaga siya maintindihan. Mas weird siya lately. Tinutulak niya ako palayo tapos biglang parang magiging okay kami sandali tapos biglang magagalit na naman sa akin. Gulong-g**o na 'ko, ang dami kong gustong itanong pero wala akong ibang nagawa kung hindi tahimik na pagmasdan ang likod nito.
"Ross," tawag ko sa kanya noong nasa harap na 'ko ng bahay namin habang siya naman ay papunta na rin sa katabing bahay.
Huminto siya sa kaniyang mga hakbang at saka hinintay kung ano man ang sasabihin ko.
"Ross, why? Bakit ba galit na galit ka sa akin?" My voiced cracked. Hindi ko na napigilan.
He sighed. "I'm not angry with you, Reese," aniya habang nakatalikod pa rin.
"Then why all the hate gestures? Kasi alam mo Ross ang sakit na, ang sakit sakit na. Okay naman tayo noong high school 'di ba? Why can't you just tell me what is freakin' wrong para maayos," I said with so much frustration. Napakatahimik ng paligid kaya't sigurado akong rinig na rinig niya ang mga iyon. Pati na siguro ang frustrations sa boses ko.
"Unfortunately, hindi lahat ng bagay naayos, Reese. Hindi lahat pwede mong ibalik sa dati. That's one of the saddest facts you have to know." Kalmado lang ito habang sinasabi ang mga salitang iyon, ngunit hindi niya pa rin ako magawang lingunin.
"Ross, how can I unlove you? Ross, I'm so tired. Gulong-g**o na ako," I said as a tear escaped.
"You will never understand, Reese, ever," humarap na ito this time.
He shook his head and added, "Forget about me, forget about your feelings. Please, try harder, Reese."
Masakit pala talaga. Sobrang sakit pala talaga kapag ang taong sobrang importante sa 'yo na mismo ang humiling na kalimutan mo na siya. Parang unti-unti nitong ginigiba ang mundo mo.
"I'm sorry If I'm hurting you," dagdag niya. Hindi nakaligtas sa akin ang sumilay na lungkot sa kanyang mga mata.
Makalipas ang ilang taon, noon ko lang ulit siya nakitang ganoon ka lungkot. The last time was during graduation, nang malaman niya ang ginawa ko.
"We're hopeless, Maurice," he said and turned his back at me once again.
No, we're not, Ross. I'll make sure of that.