"Maurice, gising na!" rinig kong sigaw ni Mama mula sa kusina.
I glanced at the wall clock habang kusot-kusot pa ang kanang mata.
Five-thirty pa lang ng umaga. Sa tuwing nasa bahay talaga ako ang aga kong nagigising dahil sa aking ina. Lagi pa nga nitong nauunahan ang alarm clock ko. Wala naman akong ibang choice kung hindi ang bumangon at gawin ang aking morning routine. Kapag kasi sinabi ni Mama na gising na, gising ka na dapat.
Noong elementary ako, minsan niya akong nabuhusan ng isang tabong tubig. Tinatamad kasi akong bumangon noon kaya iyon ang napala ko.
Pagkalabas ko mula sa kwarto, naabutan ko si Papa na nagkakape habang busy naman si Mama sa paghahanda ng agahan.
Lumapit ako sa aming 6-seater table at naupo sa katapat na silya ng kay Papa. Itinali ko sa isang magulong bun ang aking buhok at saka hinila paitaas ang magkabilang sleeves ng oversized shirt kong suot.
"Good morning, Pa," bati ko sa aking ama.
"Good morning, Ma," dagdag ko nang makalapit si Mama at inilapag ang isang plato ng itlog sa mesa.
"Dapat kasi hindi mo na muna ginising si Maurice, alam mo naman na kaninang madaling araw lang 'to dumating," sabi ni Papa gamit ang malambing niyang boses. Ngunit inirapan lang ito ng aking ina at sininghal ang makitid niyang ilong na siyang minana ko mula sa kanya. Napakunot ang aking noo sa nakita.
Inilapit ko ang sarili sa aking ama at bumulong dito, "Ang sungit ata ni Mama ngayon. LQ kayo, Pa?" pagtatanong ko.
Tumawa siya bilang sagot at inibaba ang mainit na baso na kanina ay nakatakip sa kaniyang bibig. Noon ko lamang napansin ang ilang namumuting buhok ng aking ama pati na ang mga balbas niya.
"Wala lang iyon, Anak. Dapat kasi hindi ka na muna umuwi last weekend, dapat nagpa-miss ka muna sa Mama mo. 'Di ka tuloy nilambing ngayon," pagbibiro niya at nagpakawala ng tawang halos ay katunog na ng kay Santa Claus.
True enough, kaya siguro hindi pa ako gaanong nami-miss ni Mama. Wala rin naman akong choice, naiwan ko kasi ang laptop sa bahay last week kaya napauwi ako nang wala sa plano.
Padabog na lumabas si Mama mula sa likod ng asul na pader na siyang naghahanti sa aming dining area at kusina. "Heh! Sinisi mo pa si Maurice," daing ni Mama at saka naupo sa tabi ng aking ama. Naupo ito sa duluhan ng mesa kaya't katabi ko na rin siya noon. Sa bahay kasi, si Mama ang nauupo sa dulo, hindi ang aking ama kumpara sa karaniwang table setting.
"Kung hindi mo kasi sinira ang favorite 'kong measuring cup, bati sana tayo ngayon," pagmamaktol niya habang nililipat ang ulam sa ceramic na platong hawak.
Napasimangot naman si Papa sa mga sinabi nito. I mentally laughed. Feeling teenagers din talaga minsan kung mag-away itong mga magulang ko.
"Hindi ko naman sinadya e. Ang tanga kasi ng measuring cup mo kaya ayon nabasag," pagrarason ng magaling kong ama.
Ang haba na siguro ng buhok ng measuring cup na 'yon dahil pinag-aawayan ito ng mag-asawa.
Huli atang nagamit ang cup na 'yon noong umuwi ako last weekend. Noong nag-bake si Mama ng brownies, iyong brownies na ipinabaon niya sa akin... at iyon ding brownies na tinanggihan ni Ross.
Si Ross na naman.
Umiling-iling ako at kinumbinsi ang sarili na tigilan na muna ang pag-iisip kay Ross. Sa pag-iling kong iyon, napansin ko ang bakanteng silya sa tabi ko.
"Ma, anong oras tayo pupunta kay Kuya bukas?" Natigil ang dalawa sa pag-aasaran at ilang sandaling natahimik ang paligid.
"Pagkatapos ng misa bukas, Anak," si Papa na ang sumagot. Tumango ako at ngumiti sa kanila.
***
Matapos akong mag-encode ng kung ano-anong requirements sa school ay napagpasyahan ko munang pumasok sa isang espesyal na silid sa aming bahay. Iniregalo iyon sa akin nila Papa noong 16th birthday ko, akala ko nga noon ay stock room lang iyon.
Sa loob nito, naroon ang isang malaking bookshelf, dalawang sofa, at syempre ang pinakamamahal kong drum set.
Napako ang tingin ko kay Kesler, ang gitarang ibinigay ni Kuya Axel sa akin. Matagal na rin noong huli ko itong nahawakan.
"Maurice!" kukunin ko na sana ang gitara mula sa stand nito kaso bigla akong tinawag ni Mama.
Lumabas ako ng silid at tumungo muna sa aking kwarto upang kunin ang cellphone ko sa loob. Kinapa-kapa ko ang bulsa ng aking bag hanggang sa may nahawakan akong maliit at malamig na bagay sa loob nito.
Iyong bote na ibinigay sa akin ni Audrey.
"Maurice!" pagtawag ulit ni Mama. Nataranta ako sa pagsigaw niya kaya't inibulsa ko na lang muna iyong boteng hawak ko.
"Bakit, Ma?" tanong ko habang pababa ng hagdan.
"Pakibigay naman nitong cake kina Ross, Anak. Nagmamadali kasi ako. Ikaw muna ang bahala rito sa bahay." Saka niya hinalikan ang noo ko at nagmadaling umalis.
I sighed. Akala talaga ng mga magulang namin magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon, akala nila naging okay lang kami dati.
Despite everything, despite his treatment towards me, kaibigan pa rin kaya ang tingin niya sa akin? Nahihirapan na talaga akong intindihin si Ross.
Tinignan ko ang maliit na kahon na siyang pinaglagyan ng cake sa ibabaw ng mesa.
"Wala namang mawalala kung susubukan mo."
"Just one drop. Just one drop of that and everything will change."
Kinapa ko ang maliit na bagay na iyon mula sa aking bulsa.
Sh*t.
Just a drop. I promise, just one drop.
***
I found myself standing in front of their door. Tatlong beses akong kumatok sa pinto ng bahay nila Ross bago iyon nagbukas.
I can't help but hold my breath. His hair was messy at naka simpleng white shirt lang ito, but still he managed to take my breath away. Napakalakas talaga ng appeal ng lalakeng iyon.
"Yes?" tanong niya sa medyo husky na boses. Mukhang kagigising lang niya.
"Si... si Auntie Liz?" Teka, bakit ko nga ba tinatanong ang nanay niya? Ibibigay ko lang naman ang cake na gawa ni Mama.
"Pumunta kina lolo," tipid niyang sagot.
And what happened next was unexpected.
Ross smiled.
After two long years, saka lang ulit ito ngumiti sa akin. It wasn't just a grin, it was a genuine smile, hindi ko nga alam kung para saan iyon.
He freakin' smiled na parang walang nangyaring usapan sa amin kagabi. He smiled na para bang all along everything was okay.
How could I ever stop loving him when he's like this?
Mula sa akin ay nalipat ang tingin niya sa hawak kong box.
"Ano iyan?" turo niya roon.
Shems.
"Ah... Ano... pa-pagkain para sa aso," nauutal kong palusot.
He gave me a confused look. A very confused one.
Great. Nicely done, Maurice. Nakalimutan mo yatang allergic sa balhibo ng aso ang mama ni Ross so malamang wala sila noon.
I mentally cursed myself. Ang tanga mo talaga, Maurice. Naturingan ka'ng Dean's Lister pero ang tanga tanga mo.
"Ah, wala. Nagjo-joke time lang ako. Sige, bye!" dire diretso kong sabi.
Ano bang ginagawa mo, Maurice?
Dali-dali kong tinapon ang box at pumasok ng CR. Nilunod ko sa toilet bowl ang bote na may asul na likido sa loob at saka nag-flush.
Right, I wouldn't be tempted anymore. I should have done that earlier.
Bakit ko ba naisipang gamitin ang bagay na iyon kay Ross? Kahit pa hindi ako sure kung totoo ba iyong mga pinagsasabi ni Audrey, hindi ko dapat iyon ginamit in the first place.
Mabuti na lang talaga at na-realize ko ang katangahan ko bago nahuli ang lahat.
Oo, mahal ko si Ross, pero hindi ko rin naman gustong mahalin niya ako pabalik sa ganoong paraan. That was so stupid of me.
I erased the thoughts at sinubukang kalimutan ang lahat. Ayaw ko ng ma-bother tungkol doon lalo na kinabukasan. Baka magtampo pa sa 'kin si Kuya.
Gaya ng sabi ng aking ama, binisita namin si Kuya pagkatapos ng misa. Kasama rin namin sina Ross at ang mama niya, para na rin kasi silang pamilya.
Nag-alay kami ng mga bulaklak at saka ipinagdasal at kinusap ang kapatid ko.
Makalipas ang dalawang oras, napagpasyahan na ng mga magulang namin na umuwi na. Nagpaiwan muna ako habang si Ross naman ay binilinan ni Auntie Liz na samahan ako.
Ipinatong ko sa puntod ni Kuya ang latest album ng paborito niyang banda.
"May bagong album ang Cylinder, Kuya. Ibinili kita kasi alam kong magugustuhan mo," bulong ko at naupo sa damuhan. Katabi ko si Ross na tahimik lang ding naka-Indian sit sa dahuman.
"Namimiss na kita, Kuya," sabi ko rito habang yakap-yakap ang tuhod ko.
Simula noong mawala si Kuya, nawala na rin ang pinakauna kong best friend, ang ka partner ko sa mga bagay-bagay. Para ko na nga rin siyang pangalawang tatay eh.
"Kung hindi sana dahil kay Macey," bulong ko ngunit sapat lang ang hina ng boses kong iyon upang marinig ni Ross.
Naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin.
"Kaya mo ba siya nililigawan? Kaya mo ba siya dini-date kasi alam mong galit at naiinis ako sa kanya? Ganoon mo ba ako ka gustong saktan, Ross?" That time hindi na para kay Kuya ang mga sinabi kong iyon kung hindi para sa lalakeng katabi ko.
Kung sakaling ganoon man, then Ross won. Kasi ang sakit sakit na talaga.
And again, it was all about Ross.
I'm sorry, Kuya. 'Wag ka sanang magtampo.
Ilang beses siyang bumuntong-hininga bago nagsalita.
"This has nothing to do with your past with Macey, Reese," he said in a calm manner.
But still, I hate her. I hate her so much. Kung hindi dahil sa kanya, buhay pa sana ang kapatid ko.
"Kuya Axel," he called my brother's name.
"I'm sorry for making your baby sister cry in front of you."
Napatingin ako rito at seryoso siya habang sinasabi iyon sa puntod ng kapatid ko.
Matapos ang ilang minuto, nag-aya si Ross na bumili ng ice cream. Nagpaalam kami kay Kuya at pumunta sa malapit na convenience store.
Pareho kaming tahimik na naupo sa labas ng convenience store habang kinakain ang binili. Nauna nitong naubos ang sa kanya at nang tignan ko ito ay mukhang malalim ang kaniyang iniisip.
"I'm really sorry, Reese," bungad niya saka umalis.
Naiwan ako roong nagtataka.