"I'm really sorry, Reese."
Ayon na naman siya. Ang g**o-g**o niya, magsosorry siya tapos iiwan ako? Ni hindi ko na nga nagawang itanong kung para saan ang sorry na iyon.
Sa mga oras na iyon ang pinaka ayaw ko ay ang mag-assume, baka masaktan lang ako lalo.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Wednesday na kaagad at deadline na ng homework namin sa BIO9. Nakalimutan ko nga pa lang kausapin si Macey tungkol doon noong weekend.
Itinext ko ang babaeng salot habang hawak ang folder na pinaglagyan ko ng ginawang paper.
To: Macey
Let us see each other's work. Kailangan na nating mag-submit.
Agad naman siyang nakapag-reply wala pang isang minuto.
From: Macey
No neeed. Naipasa ko na kay Ma'am ang gawa KO. Oh, don't worry, hindi ko naman nakalimutang ilagay ang pangalan mo kahit hindi ka tumulong. :)
I dropped my things dahil sa nabasa. Libro, bag at pati na iyong folder.
Is she for real? Ugh! Nakakainis, sinasadya talaga akong bwisitin ng babaeng iyon! May smiley pa siyang nalalaman. If I know sarcastic naman talaga ang dating no'n.
Kahit hindi ka tumulong? Seryoso talaga siya sa mga pinagsasabi niya? Siya mismo ang nagsabi na magkanya-kanya kaming gawa pagkatapos ay ikukumpara namin ang mga ito.
Lalo lang niyang pinatunayan na isa siyang peste sa buhay ko. Nakakagigil!
Nag-beep muli ang telepono ko at ibabato ko na sana iyon nang marealize kong hindi na pala galing kay Macey ang mensahe.
From: Mario
Emergency band meeting. To the Music Room N.O.W.
PS. Alam ko ang sched niyo at alam ko ring free time ninyo ngayon.
Bad timing, kung kailan bad trip ako saka nagpatawag ng meeting. Ano kaya ang meron at bigla itong nagpatawag ng importanteng meeting. May sasalihan ba kaming battle of the bands?
Agad kong pinulot ang mga nahulog kong gamit at walang ganang tinungo ang CHSS building.
***
"Anong meron? Kanina pa tayo kumpleto, 'bat hindi ka pa riyan nagsisimula?" pagtatanong ni Raven kay Mario. Nakasandal lamang kaming apat sa mahabang sofa habang si Mario ay pabalik-balik ang lakad sa kanyang kanan at kaliwa.
"Teka, sandali na lang. Parating na 'yon," nag-aalala niyang tugon.
Nagkatinginan kaming apat sa sinabi niyang iyon. Sino ba ang tinutukoy nitong parating na?
Bagot na bagot na ako sa kakanhintay. Si May ay pinili na lang na magbasa muna ng libro, si Raven ay busy sa kaniyang phone habang si Dexter naman ay sinusubukang i-french braid ang maiksi niyang buhok. Ilang sandali pa ay nagbukas ang pinto ng Music Room at napatingin kaming lahat dito.
What on earth is he doing here?
"Oh! He's here!" masiglang sabi ni Mario saka niya hinila ang lalakeng kapapasok lang at iniharap sa amin.
"Guys, welcome our new band member!" masaya niyang anunsyo. Mabilis niyang pinulot ang kanyang bag mula sa sahig at may kinuha sa loob. Laking gulat na lang naming lahat nang mapagtanto kung ano iyon. Hindi ko inasahan ang isang malakas na putok na sinundan nang paghulog ng makukulay na mga papel.
Party Popper at confetti lang naman ang inilabas ng asungot.
Napanganga lamang ako sa mga ginawa ni Mario. Ilang segundo ring natahimik ang tatlo bago rumehistro sa amin ang mga sinabi niya.
"What?!" sabay-sabay naming tanong.
"Hindi naman na natin kailangan ng bagong member ah!" reklamo ni Dex.
"Manager natin?" tanong ni Raven.
"Nagpa-audition ka ba na hindi namin alam?" baling ni May
"Bakit siya?" hindi makapaniwala kong tanong.
Sa aming lahat, ako ata ang may pinakawirdong na tanong. Napalingon ang bagong salta sa direksyon ko at binigyan ako ng "anong-problema-mo-sa-akin" na tingin.
Kung kukuha lang man din ng bagong member si Mario, sana naman iyong hindi wirdo ang playlist. Baka mamaya niyan Twinkle Twinkle Little Star lang ang alam nitong tugtugin.
Tinawanan lang kaming lahat ni Mario.
"Ang OA niyo kung magreact ha. Guys, this is my childhood friend Chase Loris. Loris na lang itawag niyo sa kanya, ang weird kasi ng Chase," saka siya muling tumawa.
Binatukan si Mario ng medyo naiirita niyang katabi, saka napahawak sa kanyang fringe cut hair na halos ay kagaya ng sa mga Korean artists.
"So, kaya mo gustong isali kasi childhood friend mo? Wow," sarkastiko kong sabi.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy lamang sa pag-i-introduce ng kaibigan niya. Kaya pala weird din minsan si Mario, mga baliw ata ang nasa circle of friends nito.
"By the way, naisip ko kasi na walang marunong mag-keyboard piano sa atin at sa tingin ko kailangan natin no'n. Kaya tada! Kinuha ko si Loris. Siya na rin ang magiging male vocalist," pag-eexplain ni Mario. Umakto pa itong itinaas ang kanang kamay habang ang kaliwa naman ay nasa ibaba papunta sa direksyon ni Chase, parang ipinipresenta niya ang kaibigan.
"Papalitan mo na 'ko?" inosenteng tanong ni May.
"Bingi, ang sabi ko male vocalist. Ibig sabihin kayong dalawa ang nakaasign sa vocals," paglilinaw niya.
"Bakit hindi na lang ikaw? Marunong ka namang kumanta, ah" I suggested at itinali ang aking buhok maliban sa aking bangs.
"Ayaw ko, baka madiscover lang ako at dumami ang mga followers ko."
Lahat kami ay nagbigay ng reaksyon sa sinabi ng aming leader. Nakapag-almusal siguro ito ng electric fan.
"Pero ang dami na natin," pagrereklamo ko pa.
"The more the merrier! Saka si Loris na rin ang huli nating member, don't worry. So, okay na?" pagtatanong niya sa aming lahat.
Hindi naman masyadong big deal para sa tatlo kaya't tumango ang mga ito bilang pagsang-ayon. Kahit pa mag-disagree ako wala naman na akong magagawa since pumayag na ang karamihan.
It was settled then. Bali ang arrangement na noon si Chase sa keyboard at vocals kasama ni May, si Raven sa bass, Mario and Dexter sa guitar at ako naman sa drums.
Pero nakakainis, ayaw kong may makasamang weirdo sa banda.
Ewan ko, hindi ko alam kung epekto pa rin ba ng pagka-badtrip ko kay Macey iyong reaksyon ko.
"Play for us," I suggested since dala-dala rin naman niya ang kaniyang keyboard.
Everyone agreed, mukhang excited pa nga si Mario sa suhestyon ko.
Let's see what you've got.
I was expecting him to play some kind of weird song pero hindi ito nangyari. In fact, I was dumbstruck. He was playing my favorite song, Out of My League by Stephen Speaks.
It's her hair and her eyes today,
That just simply take me away...
Pokus kaming lahat habang tumutugtog si Chase. He has a Sam Smith impression pagdating sa expression niya sa pagkanta. He was a tenor too. Not bad, maganda naman pala ang boses niya.
Pumalakpak si Mario matapos ang performance ni Chase. Napakasupportive na kaibigan. Sinundan din naman ito ni Raven at May na nakangiti habang si Dex ay nagbigay ng thumbs-up.
"Loris, dude, that was cool," Dex complimented.
As much as it pains me, I have to agree. May ibubuga rin naman pala kasi siya. Okay, just for the sake of our band kailangan kong tanggapin ang katotohanan na he became an official member.
Wala naman siyang ginawang masama, sadyang nawiwirduhan lang talaga ako sa kanya. At siguro ay masyado lang talaga akong bad trip dahil kay Macey.
I tried to calm myself at nag-suggest na mag-meet na lang ulit kami after our classes.
Dumiretso na kami ni Mario sa aming college building dahil malapit na rin kasi ang kasunod na subject.
"Ano, mauna ka nalang, CR lang ako," paalam ko at dumiretso sa comfort room. Tumango si Mario at nauna nang umakyat sa hagdan patungo sa aming klase.
Bahagyang nagulat ako nang makapasok sa CR.
The ladies' room was surprisingly empty. Minsan ko lang ito matyempohan na walang tao. It was just a bit odd, well at least for me.
Just when I thought I was completely alone, may lumabas na babae sa isa sa limang cubicles sa loob.
"You!" biglang nanlaki ang mga mata niya at may kung anong ekspresyon ito na hindi ko maintindihan.
"A-a-audrey," nauutal kong pagtawag.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? How dare you!" Nanlilisik ang kaniyang mga mata at lumapit ito nang lumapit sa akin. Umatras lang din ako noon hanggang sa nabangga na ng grey straight cut dress ko ang lavatory sink.
Ano bang meron?
"I told you to use that potion! I told you to believe in me pero anong ginawa mo? Sinayang mo! You ruined everything!" sigaw niya. Pansin ko ang pag-yukom ng kaniyang parehong kamay. Wala na ang mapaglaro niyang aura na nakasanayan ko.
I ruined everything? Ano bang pinagsasabi niya? May balak ba siyang masama? Kung ganoon, tama lang pala na hindi ko itinuloy ang pagbigay noong cake na may gayuma kay Ross.
Pero ano nga ba ang meron at ganoon na lang maka-react si Audrey?
Bigla na lang niya akong kinuwelyuhan at hindi kaagad ako nakapagsalita. Hindi ko inakalang napakalakas pala ng babaeng iyon. Kung ibabase mo kasi sa pustura niya, she looks harmless, light weight at kulang sa kain.
"Audrey let go of me!" panlalaban ko.
Hindi ko magawang alisin ang mga kamay niya. Sobrang lakas niya. Ang hindi ko rin maintindihan ay kung bakit parang sobrang bigat ng katawan ko, kahit mahinang tulak lang ay hindi ko magawa.
"A-audrey..."
"Hindi mo alam kung ilang taon kong pinag-aralan iyon. You don't know how much of what is left in me I had put into that potion!" sigaw niya.
May kung ano itong kinuha mula sa kanyang bulsa gamit ang isang kamay. Ipinatong niya ito sa sink saka ako binitiwan.
She pointed at the thing she just placed on the lavatory. Saka lang din ako nakahinga ng maayos, ni hindi ko napansin na hirap na pala ako sa paghinga.
"I'll give you this one last chance, Stupid. Give this to Ross. Desperada ka naman 'di ba? Hindi ka na dapat nagdadalawang isip pa. I'm already giving you the chance to be happy! Use your head and don't you waste everything!" Sa tono ng pananalita niya parang ibang Audrey ang kaharap ko. Oo, weird pa rin ngunit mas nakakatakot siya sa panahong iyon. There's something in her na parang hinding-hindi mo gugustuhing magalit ito.
Napatingin ako sa bagay na inilagay niya sa ibabaw ng sink. It was a small bottle, kapareho noong una niyang ibinigay sa akin.
"Fail me this time and it will cost you your loved ones' lives."
Naalarma ako sa sinabi niya.
What is wrong with this lady? I am certain na may deperensya ito sa utak, nakakakilabot ang mga pinagsasabi nito.
"What makes you think na gagawin ko ang gusto mo? You are insane, Audrey!" Napasigaw na rin ako at napakapit ng mahigpit sa hawakan ng tote bag kong suot.
"Shut up!" malakas niyang bulyaw saka ako kinuwelyuhang muli.
Wala man lang bang biglang papasok para awatin si Audrey? At bakit parang walang nakakapansin na may nagsisigawan sa loob ng CR?
"You are a hopeless, stupid, and desperate woman!"
And then I was stunned.
Biglang naging kulay lila ang mga mata niya, kulay na parang nag-aapoy sa loob.
Takot. Wala akong ibang maramdaman sa panahong iyon kung hindi ang matakot. Parang wala akong ibang kayang gawin kung hindi ang matakot.
Hindi ko alam kung nanaginip ba ako o sadyang pinaglalaruan lang ako ng aking mga mata. Basta't isa lang ang alam ko. I was so scared, at hinang-hina ako.
Dahil sa puting mural at tiles sa loob ng banyo ay kapansin-pansin ang mga maninipis na lilang usok. Hindi ko alam kung saan iyon nagmula ngunit unti-unti nitong binabalot ang silid
What the hell was happening? Ano ba iyong napasok ko? Hindi ko maiwasang isipin kung bakit ako. I did not sign up for it. Hindi ko ginustong bigyan niya akong potion, I did not even ask for her help in the first place. Ni hindi ko nga ito masyadong kilala. Fate must have played a huge joke on me.
Help me, please. Someone, please.
"Audrey, stop!"