"Ross, saan mo 'ko dadalhin?" pagtatanong ko. Patuloy lang pa rin siya sa paghila sa akin at sobrang higpit ng kaniyang hawak.
"Sa next class," agad niyang tuon.
Lalo akong nagtaka sa kaniyang sinabi.
"Ross, may one hour pa," mahina kong sagot. Sigurado ako noon na may isang oras pa talaga bago ang ODE class namin.
Sandali siyang napahinto at dahan-dahang binitiwan ang kamay ko. Nagpatuloy pa rin ito sa paglakad, ngunit hindi na mabilis kagaya ng kanina. Ako naman na medyo nalilito ay sunundan lang pa rin siya.
Humabol ako sa kaniyang mga hakbang at pinantayan ito. Bigla ay marahan niya akong hinilang muli at inilipat sa kaniyang kanan. Hindi napigilang isipin na baka ginawa niya iyon dahil nasa side ko ang daraanan ng mga sasakyan. "Birthday ko the day after tomorrow," paalala niya na para bang hindi ko ito kilala at naging kaibigan ng ilang taon.
Ini-adjust niya ang pagkakahawak sa kaniyang bag habang palagpas na kami roon sa may mermaid statue ng CSM. "Let's go to an amusement park," anito.
I was lost for words. Bakit niya ako biglang niyaya? Hindi 'bat si Macey dapat ang una niyang sinabihan noon?
"May modeling gig si Macey bukas so we'll celebrate the day after tomorrow," sagot niya na para bang narinig niya ang tanong sa aking isipan.
He stopped on his tracks and faced me. "I'll see you at the bus stop bukas, 5 PM sharp."
Totoo ba lahat ng iyon? Si Ross, niyaya ako?
Napagtanto kaya nitong oras na para magkaayos kami? Na oras na para ibalik ang dati?
CHASE'S POINT OF VIEW
Sinubukan kong hanapin si Audrey sa loob ng library ngunit hindi ko na siya mahanap. Hindi ko rin siya mahagilap noong sinibukan ko siyang hanapin sa labas. Nawala na naman siya. Napakadaya niya, malamang ginamit na naman niya ang Transverse spell niya, lagi na lang sa tuwing iniiwasan ako.
Naisip ko ulit iyong payo ni Reese tungkol sa school records ni Audrey. Kaso hindi naman ganoon ka daling makuha iyon, napaka confidential ng data na iyon at hindi basta basta ipapamigay iyon ng registrar.
Wala rin akong kilala na medyo ka-close niya sa college para mapagtanungan. Kahit organizations na sinalihan niya mukhang wala.
Audrey, why are you such a runner? Nasaan ka ba?
Bahala na nga muna, may exam ako na dapat kong problemahin kinabukasan.
Kinabukasan, isang ngang madugong exam ang sumalubong sa akin. "Dude, anong sagot mo doon sa number five?" tanong ng kaklase ko.
"50.7 to 87.8," sagot ko at saka isinabit ang draw string bag sa aking balikat.
"Ano? Hindiiii," pagsisisi nya na para bang sa tanong na iyon nakasalalay ang kaniyang buhay. Bahala siya, aalis na ako sa classroom na iyon, sumakit ulo ko sa exam.
Pagkalabas ay nahagip ng mga mata ko sina Reese at Mario na nasa hallway. Kagagaling lang din ata sa klase nila. Mas madalas ko silang nakikita sa tuwing after ng Stat 11 class namin. Hindi naman masyadong nakakasurpresa, nasa college kasi nila ang classroom ng klase namin sa general subject na iyon.
Biglang nahulog ni Reese ang mga dala-dala niyang papel. Lalapit sana ako rito upang tulungan ito ngunit naunahan ako ng hiya.
'Wag na, nandoon naman si Mario para tulungan ito.
Gusto ko silang lapitan kaso naiisip ko naman na para akong tanga na umeepal lagi sa harap nila.
Wala namang mali doon. Mga ka-banda mo sila. Pwede ka rin naman magpanggap na magpapatulong sa Math kasi nahihirapan ka.
Talagang natatangahan ako sa sarili ko dahil kinakausap ko itong mag-isa. At nagkikipag debate pa talaga ako sa hindi naman gaano ka halagang bagay. 'Di bale na.
"Pre, anong ginagawa mo riyan? Tara na," aya ng isa kong kaklase. Tumango ako at sumunod na rito pabalik sa college namin.
Naisip ko ulit iyong sitwasyon ni Reese habang paalis. Nakapagtataka kung minsan kung bakit ganoon na lang siya itaboy ni Ross. Dahil sa totoo lang ay para naman itong magnet na kahit anong pilit na lumayo ay bumabalik pa rin sa kanya. Marahil ay hindi iyon napapansin ni Reese.
Napakahirap basahin ng lalakeng iyon, but I sense a reason. Marahil ay malalim ang dahilan nito kaya't sinasaktan nito ang dating kaibigan.
Si Reese rin naman minsan ang sarap nang i-untog sa pader para magising. Malamang ay matagal na iyong gustong gawin ng insik na mestiza niyang kaibigan.
Minsan I find Reese's thoughts and actions odd. Or maybe she's just too in love? She's too in love na minsan masokista at irrational na ito mag-isip. Siya mismo sa sarili niya ay naguguluhan din. But then maybe she's just too hurt too. People are easily driven by actions na produkto ng emosyon nila.
Despite her flaws pagdating sa romantic na pagmamahal, she's a good friend. A very good one actually, she's too caring.
Napasobra ang pagmumuni-muni kong iyon, hindi ko namalayang nakarating na pala agad kami sa susunod naming klase.
Wala pa ang prof kaya't pascroll-scroll na lang muna ako sa cellphone ko. Nagtext bigla si Mario.
From: Mario
Tol, kailan nga ulit birthday mo? Hehe, nakalimutan ko. Ilalagay ko lang sa profiles ng banda natin.
Nag-reply ako sa kanya at saka inibaba ang telepono ko.
Teka, birthday...
Birthday ni Audrey kinabukasan.
Alam ko na kung saan siya hahanapin.
***
At as expected, tama ako. I found her there.
At the very same river kung saan siya pumupunta sa tuwing kaarawan niya.
Gustong-gusto niya ang view roon. Walang masyadong tao at tanging ang maingay na agos ng tubig lamang ang maririnig mo. Hindi gaanong malayo ang lugar na iyon galing sa City proper ngunit tago at wala masyadong nakakaalam. Napapalibutan ito ng malalaking puno at mangilang malalaking bato sa paligid.
I never knew the place even existed until she showed it to me before. Akala ko nga noong una ay gawa lang iyon ng salamangka niya. But the place was real. It's like a nature park in the middle of the city.
It was also the bridge to their world. It's like a portal papasok sa Witching World. Iyon nga lang ay hindi na sila makakabalik dahil sa nangyari noon. Nakakalungkot lang dahil hindi na nakuwento ni Audrey ang tungkol doon. Ayaw niya rin namang magkwento.
Maybe it was also one of the reasons kung bakit lagi siyang bumabalik sa lugar.
"Found you," mahina kung tuon. Napalingon siya habang nakaupo sa isang bato.
"Hey," malumanay niyang sagot. Kalmado na siya noon at aakalain mong hindi ito ang Audrey na nakaharap ni Reese.
"Happy Birthday," I greeted her at saka naupo sa kaniyang tabi.
She silently smiled, "Thank you," and whispered.
Pareho kaming nakatingin sa kaharap na ilog. And maybe I was also letting her know and feel my presence.
"Loris," she called. Ngunit hindi iyon pagtawag para kuhanin ang atensyon ko. Sinambit niya ang pangalang iyon na parang pinag-aaralan ito.
"I used to hate that name, you know. Ang kulit mo kasi. Nakikipagkaibigan dati kahit hindi naman tayo close," nakangiti niyang sabi.
"Kaya nga nakikipagkaibigan hindi ba, kasi hindi close?" pabiro kung tuon.
Muli siyang ngumiti. Ito iyong mga ngiti niyang genuine at mala anghel. Not the creepy ones Maurice used to see. That was my Audrey there beside me. I missed her.
"Minsan nakakainis talaga ang pagiging sociable at friendly mo. Everything about you is just so care-free and genuine, Loris," komento pa niya.
I partly combed my hair and gave a nostalgic smile. "No one can resist my charms," pagbibiro ko.
"Yeah, it's even more powerful than my magic," medyo natatawa niyang baling.
That really was my Audrey. She's there beside me and I'm watching her talk and reminisce our stuffs. She isn't pushing me away nor running away from me.
"Loris, I promise, after this I won't be using my magic anymore. You don't have to worry," anito at saka hinanap ang mga mata ko. She meant what she said. I saw sincerity in her eyes.
"I won't be pushing you away anymore. I'm sorry for doing that though. Alam ko kasing hindi ka titigil sa pagkumbinsi sa akin. Napakagaling mo pa naman doon that people always gets swayed." She tucked her hair as she let out of those words. Pagkatapos ay niyakap niya ang sarili at saka napangiti.
Muli akong napangisi dahil sa kaniyang sinabi. But then it easily faded when a thought entered. "But why can't you stop a little earlier, Aud? At bakit si Reese?" pagtatanong ko.
Her heart-shaped and cosmetics-free face began to frown. "Are you protecting her?" tanong niya.
"I am protecting you. Isa pa, she's a friend. And she's already in really deep pain now. Please stop doing this," pangugumbinsi ko.
Sandali siyang natahimik at ilang ulit na bumuntong-hininga. It gave me an impression na hindi naman niya gustong idamay si Reese.
"I did not want her to get hurt. And I'm sorry for getting your friend involve with this, Loris," sincere niyang sabi.
"So, bakit, Aud?"
Ilang sandal ulit siyang natahimik bago muling nagsalita.
"I found him, Loris," anito. She then stared blankly ahead. Sinundan ko ang kaniyang mga tingin at tanging nahagip lamang ng mga mata ko ay ang mabatong ilog. Muli kong ibinaling sa kaniya ang aking atensyon at ganoon lang pa rin ang ginagawa niya. Para itong nakatingin sa isang lugar na siya lamang ang nakakakita.
Noong una ay medyo naguluhan ako sa kaniyang sinabi. Saka lang nagsink-in lahat nang makita kong napalitan ang malumanay niyang emosyon ng galit.
Si Ross ba ang tinutukoy niya?
"I saw him here. In the mortal world not too long ago," biglang kwento niya sa akin habang nanunood ng pustahan sa perya.
"Ha? Sino?" tanong ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa mga naglalaro. Itinaas ko pa ang aking leeg upang makita ang resulta nito.
"The reason why we are suffering in this world, at ang dahilan kung bakit hindi ko kasama ngayon si Tatay." May halong pait ang tono ng kaniyang boses.
"I swear I'm going to find him and get even," dagdag niya pa.
Bago pa ako makapagtanong muli ay bigla na naman niyang ginamit ang kanyang Transverse spell upang agad na tumungo sa kung saan man niya gustuhing pumunta. Bigla na lang siyang naglaho na parang bula. I should have known when I saw her eyes turned violet once again.
Kung ganoon, kung hindi ako nagkakamali, si Ross ang lalakeng iyon? Ngunit bakit siya? Paanong siya ang naging rason ng mga nangyari kina Audrey?
I know Audrey. Noong sinabi niyang hindi niya naman planong saktan si Maurice, I knew she meant it. Tinatakot niya lang siguro ito... because she's using her to get back at Ross.
Kaagad akong nag-dial sa telepono ko para tawagan si Maurice. Mabuti na lang at naisipan kong hingin ang number niya.
Naka ilang ring at tawag na ako ngunit hindi pa rin ito sumasagot.
Sh*t. I need to find her
MAURICE'S POINT OF VIEW
We went to an amusement park kagaya ng napag-usapan. Pagkatapos ay napagdesisyunan naming maglast-full show sa sinehan.
Ilang oras na kaming magkasama ni Ross, ngunit hindi pa rin mawala ang kabang nararamdaman ko.
Why does he always have to make me feel this way?
"Ross, CR lang muna ako," paalam ko at iniwan muna siya para bumuli ng movie tickets.
Pagkapasok sa CR ay pinakalma ko muna ang sarili. Magchi-check sana ako ng oras sa relo nang marealize ko na hindi ko pala ito suot. Nakalimutan ko siguro sa sobrang kaba.
As much as I tried to keep myself from thinking it that way, but it's really like he asked me on a date.
Minsan hindi ko na alam kung nananaginip ba ako o totoo talaga ang lahat ng nangyayari.
Kinuha ko ang cellphone mula sa shoulder bag para i-check ang oras. Saka ko lang napansin na sobrang dami na pa lang missed calls galing kay Chase.
Naisip kong baka importante iyon kaya't tatawagan ko na sana ito nang mag-ring muli ang phone ko.
Kaso hindi iyon galing kay Chase kung hindi sa isang unknown number.
"Hello?" sagot ko.
"Hi!" masiglang pagbati ng nasa kabilang linya. Nanginig ako nang marinig ang pamilyar niyang boses. Naitukod ko nang dahil doon ang sarili malapit sa lavatory sink.
"S-sino 'to?" I shakily asked.
I heard that person cleared a throat first and then spoke, "Opps. Sorry, my bad. Hi! It's Audrey." Ramdam ko ang mga ngiti niya noon.
"Guess what? I'm at your house!" sobrang sigla niyang anunsyo.
"Ano!" sigaw ko na siyang ikinagulat ng mga babaeng kasama ko sa CR.
Agad akong lumabas patungo sa rooftop parking lot ng mall. Mabuti na lang dahil nasa parehong floor lang ito ng sinehan.
"Say hi to your parents!" she exclaimed like she was on an entertainment show.
"Reese! Who is this crazy girl?"
"Anak, call the police for us!"
Narinig kong sabay na sigaw nina Mama at Papa sa telepono.
"Audrey, don't hurt them!" I tried to find a less crowdy area ngunit nabigo ako kaya hindi ko naiwasang makahatak muli ng atensyon. I held tight to my denim blazer dahil sa kaba.
"You know what to do, Reese." Ang noo'y creepy na ngiting-ngiti niyang boses ay napalitan ng seryoso at mas nakakatakot na tunog. She sounded like she could kill a thousand lives in just a snap.
Ilang beses akong napalunok at naiiyak bago nakasagot.
Why is this happening to me? Why now?
"F-fine."
"Good girl. And don't trick me, okay? I'll know kung hindi mo pa nagagawa ang gusto ko," nagbagong muli ang boses niya at bumalik sa kaninang parang nakangiti.
"Just one drop of that love potion, Reese. Your family won't get hurt and he'll be yours eventually. Easy," she instructed and laughed like a mad woman.
I'm sorry, Ross.