Marahil ay tatakang-taka noon ang mga ka-banda ko kung bakit hindi ko man lang pinalo ang drums. Nakapako ang mga tingin ko sa noo'y nakangiting Macey. Gustong-gusto kong tagalin ang mga ngiting iyon. Naiingit ako, at alam kong hindi lang ito basta tungkol doon, naiinis, nasasaktan, at nadudurog ako nang dahil sa kanya.
Sa kalagitnaan ng kanta ay napagpasyahan ko nang umalis. Hindi kakayanin ng puso ko ang pagmasdan pa silang dalawa. Dahil alam ko na sasagutin niya si Ross, walang duda. Tinungo ko ang backstage at saka dumiretso sa may exit. Hanggang doon ay rinig na rinig pa rin ang bandang tumutugtog para sa isang proposal.
Naupo ako sa semento at saka pinagmasdan ang langit. Ang saya, nakikiramay ang kalangitan sa nararamdaman ko. Walang ni isang bituin ang makikita mo. Ilang sandali rin akong nakahangad lang hanggang sa marinig ko ang mga yapak na papalapit sa akin.
"Hoy," mahinang tawag ng boses galing sa likuran ko. Agad ko itong nilingon at nakita siyang nag-i-istretching habang papalit sa akin.
"Great, ngayon alam ko na kung bakit Chase ang ipinangalan sa iyo," sarkastiko kong sabi habang naupo siya sa tabi ko.
"Ha ha ha, very funny," sarkastiko rin niyang sagot.
"Ha ha ha, very sarcastic. Go away, Loris," paggaya at pagtataboy ko sa kanya.
"So, si Loris pala ako kapag naiinis ka. Anyways, I like it better when you call me Chase," bungad niya at inayos ang salaming noo'y nakasabit sa kanyang tainga.
I snorted and fixed my gaze once again at the colorless skies. "Whatever, anong ginagawa mo rito?" tanong ko habang inaayos ang pagkakatali ng naka-fishtail kong buhok
"Fetching our little drummer girl na iniwan kami roon at nagpaka-selfish," bale-walang sagot ng katabi ko. He was sitting with one arm hanged on his knee while he used the other to support his body from leaning.
Ma-ooffend na sana ako ngunit napagtanto kong may point naman kasi siya.
"Sorry, I was just... so heart broken," nahihiyang sagot ko at napayuko.
"That's okay, wala namang mali kung mas piliin mo minsan ang nararamdaman mo. You have the right to feel the pain and be emotional. Normal 'yan, so you don't have to be sorry," pag-i-encourage niya.
Minsan ay napapaisip talaga ako kung saan niya nakuha ang talent niya sa pag-encourage. Naisip ko tuloy kung dati ba siyang cheerleader, may naitutulong din naman kasi ang mga sinasabi niya. He was so full of positivity.
"Parang kanina lang sinabi mo na ang selfish," pagsagot ko.
"Minsan 'di ka rin talaga makagets ng joke, noh? Loosen up a little, Reese," anito. Sa puntong ito ipinatong na niya ang kanyang parehong braso sa kaniyang mga tuhod.
If only Ross was that light on me, if only he was as approachable like him, kagaya ng noon. Siguro masaya ako ngayon. Even if he won't return the feelings.
"I saw anger past your pain earlier. What was that?" he curiously asked. Bahagya akong nagulat sa kaniyang tanong. May talent din pala siya sa pagbasa ng tao, nakalimutan kong Psychology student nga pala ang katabi ko.
"It was Macey," pag-amin ko. Ilang beses akong napabuntong-hininga bago nagpatuloy. Nagdalawang isip pa ako noong una kung ikukwento ko ba sa kanya, ngunit hinayaan ko na lang ang bibig ko na magpasya.
"Chase, she was the reason why my brother died," naiiyak kong tugon. There I said it. I just felt na kailangan kong sabihin iyon dahil ang bigat bigat na. Maybe it was not just the pain with Ross that's why I'm hurting, but it was also for my brother. I guess I never moved on, I was still mourning for him. It was a t*****e for me. To see the man I love with the woman who was the reason my brother died.
"She was my brother's girlfriend, she was like a sister to me before. Then it happened..." pagpapatuloy ko habang tahimik lang na nakikinig sa tabi ko si Chase.
I could feel a lump on my throat, and I did my best upang makapagsalitang muli. "They were fighting habang nagda-drive si Kuya. Kaya't naaksendente sila. I hate her, she was not even sorry kahit kaunti. Kahit isang sorry galing sa kaniya wala akong narinig. I really really hate her. Ross knows that..." tuloy-tuloy kong kwento.
"Tapos nabigla na lang ako, biglang nagka-something silang dalawa. Minsan nga naiisip ko baka nagteam-up lang sila para saktan ako," sabi ko at saka pinigilan ang mga namumuong tubig sa aking mata. Ilang segundo ang lumipas bago ni Chase tuluyang binasag ang katahimikan.
"Have you heard her side?" mahinahon niyang tanong.
I looked at him with a very confused face. "Ha?"
"I mean, she could have a reason kaya't hindi siya makapag-sorry sa 'yo. Maybe she was really guilty sa nangyaring hindi niya naman ginusto. She was also in the accident, Reese. Baka na trauma rin siya," paintindi niya.
Malalalim akong napatitig sa kanya. Nakakainis siya. Nakakainis siya dahil aminin ko man o hindi ay may point na naman siya. How could he rub such salt to my wounds?
"Hey, you said I can have the right to my emotions and feel my pains," pagrereklamo ko.
"Yeah, but..."
I cut him off and firmly said, "And she chose to hurt me more instead of being sorry for what happened to Kuya na kasalanan niya."
Pinagmasdan lang niya ako at saka ngumiti.
"Here," anito at iniharap ang kanan niyang kamay sa aking mukha.
Tinaasan ko siya ng kilay at itinuro ang kaniyang kamay. "Anong gagawin ko riyan?" tanong ko.
"High five, para gumaan pakiramdam mo," sagot niya. Itinaas-baba pa niya ang kaniyang kila kaya't bahagyang nagulo ang pagkakasabit ng kaniyang salamin.
Natawa na lang ako sa kaniyang kalokohan. 'Di bale na, nag-effort naman siyang samahan ako.
Mahina kong pinalo ko ang kamay nito.
Nauna na akong tumayo at pinagpagan ang itim na jeans kong suot. "Tara na, baka hinahanap na tayo," pag-aaya ko.
"Talagang hinahanap na tayo," sagot niya.
Papasok ay nagulat ako nang makasalubong naming pareho si Yui. Papalabas sana ito ng exit at mukhang balisa.
Lumaki ang kaniyang singkit na mata nang mahagip niya ang aking pigura. Napatalon pa ito at mas lalong nagmukhang bata dahil na sa jumper suit na suot. "Reese! I was looking for you!"
"Yui..." I called her name. Gulat pa rin ako kung bakit siya naroon.
She quickly approached me and wrapped me in her arms. Inihiwalay niya ang sarili matapos ang ilang segundo at saka nagsalita, "Plano sana kitang i-surprise na nandito ako ngayon. I was just watching you secretly sa isang table kaso nangyari iyong kanina. I'm so worried," dire-diretso niyang tugon. I just gave her a small smile. Wala talaga siyang preno minsan kung magsalita.
Biglang nabaling ang tingin niya sa lalakeng nasa likuran ko.
"Siya iyong keyboardist and vocalist kanina, 'di ba?" tanong ni Yui.
"Yep, bago naming member," sagot ko at nilingon ang naiilang na Chase.
She eyed me and crossed her arms. "You seem close," pang-aasar niya at nagbigay ng makahulugang tingin.
"Reese, puntahan ko lang sina Mario," paalam ni Chase bigla, sinagot ko naman siya kaagad nang tango.
Sinundan siyang tingin ni Yui at nang mawala na itong tuluyan sa aming paningin ay bumalik ang mapanuksong mukha ng aking kaibigan.
"I like him, he seems nice. He's pretty decent looking at toned din ang body niya. Casual lang manamit but he has an appeal. Then although I am certain he has a bad eyesight because of his glasses, gwapo pa rin naman and bagay actually sa kanya," tuloy-tuloy niyang komento. Kitams, wala talagang preno.
Nagulat ako sa pinagsasabi ng kaibigan ko. Hindi ko akalaing ganoon agad ka rami ang napansin niya sa lalakeng iyon sa maikling panahon.
"Pinagsasabi mo? Hindi naman ganoon ka kapal ang glasses niya, parang reading nga lang iyon eh. But yeah, he has a bad eyesight." Natawa si Yui sa balik kong komento.
"Move on ka na kay, Ross? Wala na ba akong dapat ipag-alala?" pagbibiro niya. Nakatanggap siya ng pandidilat mula sa akin dahil sa sinabi.
"He's just a bandmate, and a year younger. Baka ikaw type mo, dami mo agad napansin sa kanya," balik kong tukso.
"No, thanks. I already have Carlos. Anyways, nag-aalala talaga ako sa iyo. Not just because of now. You don't seem like yourself lately," pag-aalala niya. Marahil ay napansin niya ang mga inaakto ko the past few days nang dahil kay Audrey.
I bit my lower lip out of guilt. "Stressed lang siguro. Lahat naman tayo dahil sa school and other stuffs lage e," sagot ko at nagbigay ng tipid na ngiti.
"Fine, but tell me if something is wrong, okay?"
Tumango ako. Sorry, Yui, I'm in a mess right now at hindi ko man lang masabi sa 'yo.
Pagkabalik ko sa holding area ng backstage ay naabutan kong nagpapahinga ang mga ka-banda ko.
"Hey, you okay now? Sabi kasi ni Mario kanina ka pa raw najejebs kaya ka nanginginig at biglang umalis," pangungumusta ni Dexter. Nahulog ang panga ko dahil sa narinig.
Walanghiyang Mario. Isa siyang hampas lupa, sa lahat ba naman ng pwedeng gawing lusot, iyon talaga ang ibinigay niya kina Dexter, May at Rave.
Binigyan ko ng nakakamatay na tingin ang suspek at nagbigay lang ito ng nakakalokong mukha, nag-peace sign pa. Ngunit 'di bale, mabuti na rin at pinagtakpan niya ako kahit na nakakahiya ang sinabi niya. Ayaw ko naman i-broadcast pa sa iba naming kabanda ang magulo at madrama kong lovelife.
Natapos ang gabing iyon na payapa at ngiting-ngiti ang mga kasama ko dahil sa sweldo namin at pabaong mga pagkain galing sa resto. Pa-bonus daw iyon ng may-ari. Mabuti na rin dahil karamihan sa amin ay nagdodorm. May makakain kami kinabukasan. Masyado talagang mahirap ang buhay college.
Dahil sa mga dala naman, kahit papaano ay nakalimutan ko ang masamang bangungot na nangyari sa gabing iyon. Hindi ko na rin naman nakita sina Ross at Macey bago kami umuwi.
Kinabukasan ay kasama ko si Yui sa library habang nag-aaral at gumagawa ng Problem Sets sa subject naming Linear Programming.
Tahimik at busy lang kami ng noo'y katabi kong si Yui sa isang round table na may tatlong silya. Mayamaya ay may biglang naupo sa nititirang bakanteng silya sa table namin.
Pati si Yui ay nagulat at inikot ang kaniyang mga mata sa buong student lounge ng library. Ginaya ko siya at napagtantong punuan ang library noon.
Sinubukan kong huwag na lang itong pansinan kagaya ng nangyari nuon nang maki-table siya sa amin ni Yui sa cafeteria. Pansin ko namang hindi rin mapakali si Yui.
"You didn't saw her say 'Yes'," mahinang tugon ng lalakeng nasa tabi ko. Napakahina ng boses niyang iyon ngunit eksakto lang upang marinig namin ni Yui ang sinabi niya.
I noticed Yui clinched a fist kaya't agad ko itong hinawakan upang huminahon. Sunod ko ring sinubukang pakalmahin ang sarili ko.
"You should have seen her, she smiled like it was the happiest day of her life," anito. Napaangat ang tingin ko sa kanya, habang siya ay nakayuko lang kaharap ang librong binabasa. Hindi ko mawari kung bakit niya sinasabi iyon. Ganoon na lang ba talaga ang galit niya sa akin? Bakit ang g**o-g**o niya? At bakit kahit ganoon ay mahal ko pa rin siya? I am doomed.
Natigil ako sa pagmumuni kong iyon nang mahagip ng mga mata ko ang isang babae sa di kalayuang silya. Nakatingin ito sa amin, at nakangiti. Naramdaman ko ang biglang mas paglamig ng aircon sa loob ng library.
Has she been watching me for the past days? Is she following us? Biglang akong nabalot ng takot at pag-aalala. What am I gonna do? Baka saktan niya sila.
Naputol ang atensyon ko kay Audrey nang biglang may nagpatong ng isang libro sa mesa kung nasaan kaming tatlo nina Yui at Ross.
"Bro, sorry. Ako kasi nakaupo riyan kanina. Kumuha lang ako ng libro," mahina niyang sabi.
Ilang segundo siyang pinagmasdan lang ni Ross at saka ito tumayo.
"Sorry, I didn't know," matalim na sagot ni Ross saka mabilis na umalis.
"I'm really starting to like him," bulong ni Yui. She was eyeing Chase who was then settling himself at the vacant chair.
"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gusto mo pa rin iyong isang iyon kahit ganoon ka niya tratuhin," mahinang komento ni Chase nang maupo ito.
"You'll never understand how deep this girl has fallen. Yui by the way, hindi tayo pormal na nakapagpakilala kagabi." Pabulong lang pa rin ang pagkakasabi ni Yui noon dahil nasa library nga kami. Inilahad niya ang kamay sa lalake at tinanggap naman ni Chase iyon.
"Chase," balik naman ni Chase.
"Hey," pag-agaw ni Chase sa atensyon ko. Noon ko lang napagtantong medyo balisa pa rin pala ako dahil sa nakita. Nilingon ko ulit ang dating kinaroroonan ni Audrey ngunit wala na ito sa kanyang pwesto.
Bumali k na si Yui sa pagbabasa habang ako naman ay kumuha ng sticky notes mula sa aking bag. Palihim akong nagsulat doon at iniabot ito kay Chase.
I saw her, 3 tables in front of us. Pero nawala siya bigla.
Pagkabasa niya noon ay agad siyang tumayo at sumenyas na hahanapin niya ito.
"Anong nangyari do'n?" pagtatanong ni Yui.
"May emergency siguro," pagsisinungaling ko naman.
Sinubukan kong bumalik sa pagsasagot ng Problem Sets ngunit hindi ako mapakali. Hindi nagtagal ay naisipan ko na sundan si Chase.
"Yui, may emergency rin ako. Sorry, bye," mabilis kong paalam kay Yui.
Pagkalabas ko ng library ay isang kamay ang humigit sa akin.
"I don't like him," pasimple niyang tugon habang hila-hila ako. He was leading the way habang hawak ang kamay ko.
I held my breath as he lessen the distance between us. Mas inilapit niya ako sa kaniya ngunit patuloy pa rin siya sa paghila sa akin. Likod niya lang ang kaharap ko noon. "Ross anong..."
"He's no good for you," patuloy niya. His voice was so deep and so firm.
Nabigla ako sa ginawa niya. Bakit niya sinasabi iyon? Bakit niya hawak ang kamay ko at bakit niya ako hinihila?
Ayaw kong paasahin ang sarili ko, ngunit... nagseselos ba siya?