Bahagyang naging payapa ang mga sumunod na araw. Hindi ko pa nakikitang muli si Audrey kaya't medyo kumalma na ako.
Weekend na naman at nasa bahay kami nila Dexter ng mga ka-banda ko. Sinasagad na namin ang pag-iinsayo pati na rin ang pag-perform-perform sa mga maliliit na resto habang hindi pa gaanong busy sa school. Kapag siguro malapit na ang midterms saka lang muna kami magpapahinga and magfo-focus sa studies.
"Okay, break time!" pag-aanunsyo ni Mario.
Agad akong tumayo at ini-strech ang mga nangangawit kong kamay. Mula sa likod ng drum set ay lumipat ako sa may sofa ng entertainment room nila Dex at duon naupo.
Maswerte talaga kami at naging ka-banda namin si Dexter, dati rin kasing nagbabanda ang mga magulang niya kaya't may ganoon silang silid sa kanilang bahay. Magandang bagay iyon dahil may napagpapraktisan kami sa tuwing hindi school days o kaya'y hindi pwede sa Music Room.
Kinuha ko ang aking telepono mula sa bag at agad na tinext sina Yui at Mama.
To: Yui
Hi babes! What are 'ya doing right now? Okay ka lang ba diyan? Call me kapag may problema o kaya'y if you are not feeling well, okay?
To: Donya sa Bahay
Hi Ma! I miss you. Ingat kayo ni Papa lagi. Tawagan niyo ako kapag may problema.
I typed and pressed send.
"Let me guess, kinakamusta mo na naman sila?" bahagya akong nagulat sa bigla na lang niyang pagsulpot. Sumenyas ito na umusog ako at saka siya tumabi sa akin.
I sighed. Nag-aalala pa rin ako, kahit na sabihin pa nating kumalma na ako at kahit na wala pa namang nangyayari. Ngunit iyon na nga, wala pa. Ilang araw na ang lumipas ngunit nababahala pa rin ako sa mga sinabing iyon ni Audrey at sa mga banta niya.
Just one drop, Maurice. Just one drop. Naalala kong sabi niya sa akin noong una niyang ibinigay ang potion.
Indeed, it took just one drop at nagbago lahat. Nadagdagan pa ang mga problema ko.
Naisip ko rin, what if hindi ko nagamit ang potion na una niyang bigay? What if hindi ko na lang iyon pinansin? What if nakinig ako kay Chase noong sinabi niyang hindi ko dapat iyon gamitin at itago na lang muna?
Magagalit pa rin kaya ng ganoon si Audrey sa akin? Pagbabanta pa rin ba niya ako?
Hindi ko alam ang mga plano niya at kung ano man tumatakbo sa isip niya, hindi ko talaga alam.
"You can't blame me," sagot ko kay Chase habang blankong nakatingin sa kanya.
"Come on, ilang araw na ang nakalipas pero wala namang nangyayaring masama, 'di ba? 'Wag ka na masyadong mag-alala riyan. Paranoid ka lang masyado," he whispered.
Paranoid? Look who's talking.
"Sa ngayon wala pang nangyayari. Pero what if the next day malaman ni Audrey na hindi ko pa rin ginagamit ang potion? What if naubos na ang binigay niya sa aking oras para ibigay iyon kay Ross? Palibhasa kasi hindi naman buhay ng mga mahal mo ang nasa panganib."
He let out of a deep breath at saka ito mas lalong lumapit. Medyo na-guilty ako ng bahagya dahil sa sinabi ko. Mahal nga pala nito si Audrey. At somehow, she will also be affected gaya ng sabi niya. I have to admit that was a bit insensitive.
"Look, I'm sorry. Gusto ko lang naman i-cheer-up ka. Masyado ka na kasing namomoblema tapos broken hearted ka pa, nagmumukha ka tuloy matanda," anito at saka hinimas-himas ang noo ko na para bang isa itong nakakunot na papel. Pilit niya ito ini-expand.
"We agreed to help each other kasi ayaw nating may masamang mangyari sa 'yo, kay Ross, kay Yui and most especially sa mga magulang mo. We agreed kasi ayaw kong mapasama si Audrey, 'di ba?" pagpapaalala niya habang himas-himas pa rin ang noo ko.
Isa rin talaga sigurong dahilan kung bakit biglang gumaan ang pakiramdam ko kay Chase ay dahil I found things na common sa aming dalawa. Isa na doon ang gagawin ang lahat para sa mga mahal namin.
Okay naman pala si Chase e, bakit nga ba nagkaroon kami ng rough start? Dahil ba sa nawiwirduhan ako sa kanya noong una o talagang naging OA lang ako noong mga panahong iyon? Siguro both.
"Yeah, yeah whatever. May pagka-optimistic ka rin pala," sagot ko.
Bigla na lang itong nagpakawala ng isang mahinang tawa. Napatingin naman ako rito. Ang cute kasi ng tawa niya, parang bata, ang gaan sa pakiramdam. It was light pero hindi isang hagikgik. Sobrang gaan na parang walang kahit anong pwersa ang ginamit niya para mabuo ang tunog na iyon. Aywan, ang hirap i-explain.
Napunta ang tingin ko kina Mario, Raven at May at muling napakunot ang aking noo nang makita ang mga malisyosyong tingin na itinatapon nila sa amin ng katabi ko.
"Kayo ha. Noong nakaraang araw lang parang ayaw na ayaw ni Reese dito kay Loris, tapos ngayon may biglang bulungan na nagaganap. Bigla ata kayong naging close," panunukso ng kaibigan ni Chase.
"Cut the crap, dude. May importante lang kaming pinag-uusapan ni Chase," seryosong sagot ko kay Mario.
Bigla-bigla ay namilog ang kaniyang mga mata at tila nakasaksi ng isang himala.
"Did you just call him 'Chase'?" he asked with a huge 'O' in his mouth.
Napataas ang kilay ko sa kaniyang tanong. Ano namang masama kung banggitin ko ang pangalan ng kaibigan niya? The last time I check wala namang nagsabing bawal.
Nang mapansin niyang wala na akong plano magsalita ay nalipat ang tingin niya kay Chase.
"Wala naman akong sinabing hindi ako pwedeng tawaging 'Chase'," balewala sagot ng katabi ko.
"Dude! I've always wanted to call you that! Nakakaselos, alam mo iyon? Feeling ko wala akong kwenta," pag-iinarte niya. Umarte pa itong nagpapahid ng kaniyang mga luha gamit ang kaniyang denim na panyo.
I rolled my eyes sa kaartehan ni Mario, pati nga rin sina May ay hindi napigilang mapangiwi sa kanyang ginawang mukha.
"Okay, enough with the bromance. Rave, Mar, puntahan na lang muna natin si Dex sa baba. Baka kailangan niya ng tulong sa snacks," suhestyon ni May.
Raven and Mario willingly obliged. Paano't mga patay-gutom iyong dalawa.
"Paano, dito muna kayo Loris. Ingatan mo iyang si Reese, ah," pahabol ni Raven at kumindat pa.
Pareho kaming napailing ni Chase nang mawala sa aming paningin ang tatlo. Mga malisyoso talaga, kung alam lang nila.
"Nga pala Chase, may itatanong ako. Nakakacurious kasi," panimula ko. Itinaas ko ang isang paa at ipinatong sa upuan ng sofang kinaroroonan namin noon. Kasunod ko na ikiniling ang aking katawan at inakbayan ang sandigan ng sofa upang komportable siyang makaharap.
"Ano 'yon?" baling niya sa akin.
"Paanong nalaman ni Audrey na hindi ko itinuloy ang pagbigay ng cake na may potion kay Ross? Tas na itinapon ko iyong bigay niya?" Tinignan muna niya ako bago sumagot.
"I'm not so sure kasi hindi naman ako isang witch. Pero baka kasi galing sa kanila iyong magic na iyon. Especially sa case ni Audrey, gaya ng sabi ko it's her lifeline. Mararamdaman niya siguro or ano," he explained.
"Wow," tangi kong nasabi at napaisip ng ilang segundo.
Ano ba talagang binabalak ni Audrey?
"Either way kung hindi ko man ginamit iyong potion malalaman din niya. Magagalit pa rin kaya siya sa akin? This is so frustrating, why is this happening to me!" pagrereklamo ko at inihilamos ang aking mukha gamit ang libreng kamay.
"As the saying goes, be careful what you wish for. Aminin mo Reese, kaya nakipagkita kay Audrey at kaya ka na tempt na gamitin iyon dahil gusto mo rin naman, 'di ba?"
Guilty. Iyon ang naramdaman ko nang sabihin niya ang mga salitang iyon. Tunay nga siyang Psychology student.
"Kahit na, hindi ko deserve ito," pagrarason ko.
Tumawa lang siya sa isinagot ko. "Alam ko, pinapagaan ko lang ang pakiramdam mo," sabi niya. Inikot niya ang aking katawan upang maayos ang aking upo at saka umakbay.
"Paano na iyan?" Pakiramdam ko ay para ako noong batang nagrereklamo.
"Sa ngayon gaya ng sabi ko sinusubukan ko nang hanapin at i-trace ang ina ni Audrey pati na rin ang ate niya. Hindi kasi sila nagbilin saan sila lumipat. Maybe they can help us. I can't get a hold of Audrey, hindi ko siya mahanap lately," sagot niya.
Siya rin pala. Mas natatakot tuloy ako, baka kung ano na ang pinaplano ni Audrey.
"How about her school records, I'm sure nandoon ang address nila," suggest ko.
"Right, that can help."
Sana talaga makita agad namin ang nanay at kapatid nito bago pa may masamang mangyari. At sana may maitulong ito, because I find speaking and pleading for Audrey alone helpless. Pakiramdam ko hindi magandang ideya iyon.
***
Nasa backstage kami noon ng isang resto na siyang kumuha sa amin para magperform sa gabing iyon.
"Guys, tara na. Nag-cue na iyong manager," anunsyo ni Dexter. Umakyat kaming anim sa isang mini stage at saka inayos ang mga intrumento at mga equipment na gagamitin.
"Hi. I hope we all have a good evening," pagbati ng vocalist naming si May sa mga customer. Punuan halos ang mga round table sa loob ng resto sa gabing iyon.
"So, we ought to give you good music tonight. Sana ma-enjoy ninyo. By the way we are the Silver Rubber Band," pakilala niya sa amin.
My gaze landed on Chase na siyang nasa harap ko. Napansin kong nagpipigil ito ng tawa.
Yeah, right. First time nga pala naming isinama si Chase sa gig, iyon rin ang unang pagkakataon na marinig niya ang pangalan ng banda. Ni minsan kasi walang nagbanggit sa kanya ng korning pangalan na iyon. I can't blame him, may pagka-weird at lame ang band name. Kasalan iyong lahat ni Mario.
It was the end of our fourth song nang may biglang nag-abot ng isang perasong papel kay May. Mayamaya ay bigla na lang itong nagpakawala ng mahinang tili.
Nilingon niya kami at sumenyas sa papel.
"Guys, may nagpapa-request ng kanta. Mukhang magpopropose ata ito," ngiti-ngiting sabi ni May.
"Okay, game!" masayang anunsyo ni Dexter.
"Out of My League ang kanta," dagdag ni May at napatango naman kaming lahat.
Since na-practice naman nina May at Chase ang kantang iyon ay mukhang magdu-duet sila, maganda rin iyon para dagdag effect doon sa proposal ng nag-request.
"Hi everyone, so someone requested a song and he wanted me to read this short yet sweet message aloud," panimula ni May.
She cleared her voice and begun reading the note, "To the most beautiful girl who's siting next to me, thank you for being here with me tonight. Thank you for making this lovely evening even lovelier. You've heard me say those three words countless times and I hope you won't get tired of hearing it for never will I get tired of telling you and making you feel how much I love you. Let me take care of you. Let me prove myself worthy of you..." with feelings na basa ni May roon sa letter.
Bahagya pa itong napatili kaya narinig iyon sa mic. Saka siya nagpatuloy, "Macey, let me be your man."
Gulat na gulat ako nang marinig kong binanggit ni May ang pangalan ng babaeng kinaiinisan ko.
Marami namang Macey sa mundo, Reese.
Naramdaman ko ang pagtitig sa akin nina Chase at Mario, ang mga tanging nakakaalam sa banda ng love triangle namin nina Ross at Macey.
Seryoso akong tinignan ni Chase hanggang sa nalipat ang tingin niya sa isang table. Sinundan ko ang kanyang tingin at nahagip ng dalawang mata ko ang mga masayang ngiti ng dalawang taong nasa table na iyon.
Nahuli ako nitong nakatingin sa kanila, tatlong segundo lang siguro ang itinagal ng mga mata nito sa akin at kaagad namang ibinalik ang tingin sa katabing si Macey.
Kaya ko ba? Kaya ko bang maging bahagi ng proposal ng lalakeng mahal ko para sa babaeng gusto niya?
Can I really play my favorite song na ni-request ni Ross hindi para sa akin kung hindi para sa babaeng kinaiinisan ko? Kaya ko bang marinig ang "oo" ni Macey?
Kayo ko ba? Kakayanin ba ng puso ko?