CHAPTER ONE

1440 Words
MARIE LAURIE SAAVEDRA “HI, AKO SI GERARD CHAVEZ, ang Mr. Pogi ng Q.C. Nice to meet you all!” Tumaas ang isang kilay ko habang tinititigan ang bago naming kaklaseng transferee. Sa galaw at pananalita niya ay halatang playboy siya. Mukhang mayabang, pero mayroon namang ipagmamayabang dahil gwapo siya at maganda ang pangangatawan. Kaya naman tinitilian din siya ng mga kaklase kong babae at bakla. Obvious din na masayahin siyang tao. Ngunit natigilan na lang ako nang dumako ang paningin niya sa akin at nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Bigla na lang niya akong kinindatan na ikinasalubong ng kilay ko. “Doon ka na maupo sa tabi ni Ms. Saavedra. She’s the president of this section.” Nagulat ako sa sinabi ni Mrs. Munticillo. Tinuro niya ako kaya naman napatingin muli sa’kin yung Gerard. Muntikan na akong sumimangot nang umangat ang gilid ng labi niya. “Mr. Lorente, magpalit na muna kayo ng pwesto ni Mr. Chavez. Mr. Chavez, go ahead and take your seat. Si Ms. Saavedra na ang bahalang mag-tour sa’yo sa buong school. Ms. Saavedra, is that okay with you?” “Y-Yes, Ma’am.” Naglakad na palapit sa’kin ang lalaki at umupo sa upuang nasa tabi ko. “Hi, Ms. President...” Napalingon ako sa kanya. Sobrang lapad ng ngiti niya na lihim kong nginiwihan. “Hi...” tipid ngiting tugon ko saka ibinalik sa harapan ang tingin. “I-tour mo ‘ko mamaya ha.” aniya pang hindi inaalis ang tingin sa’kin. “Sure.” sabi kong hindi siya nililingon. Ramdam ko parin ang titig niya sa’kin kaya lihim akong naiinis sa kanya. Mabuti na lang at nagsimula nang mag-lecture ang aming teacher kaya nawala ang ilang ko sa katabi ko. Kaya ayaw na ayaw kong maging presidente ng classroom. Ang daming responsibilidad. Ang totoo niyan, kaya lang naman nila ako binoto ay dahil ako daw ang mataray at matapang sa klase. Well, totoo naman. Lalo na sa mga lalaki, ayukong binabastos ako kahit na ganto ako manamit. Katulad na lang ng lalaking katabi ko. Subukan niya lang pagtrip-an ako, magkaka-black eye siya sa’kin. “LET’S GO, TOUR ME AROUND...” Biglang sumama ang tingin ko kay Gerard nang akbayan niya ako habang nakangisi. Kakatapos lang ng dalawa naming subject at may 40 minutes breaktime kami. “Ang kamay mo, Mr. Chavez.” masungit na turan ko. Agad naman siyang humiwalay sa’kin at pinagpagan kunwari ang balikat ko. Napailing na lang ako. “Follow me...” utos ko saka naglakad sa hallway. “Marie!” Napalingon ako. “Donna.” Natuwa akong dumating siya. Mas maganda kung kasama ko sila para ‘di ako mailang sa lalaking ‘to. Kasama niya si Ahmir. Mga kaibigan ko sila at nagkahiwalay lang kami ngayong grade 10 dahil nasa ibang section sila. “Saan ang punta mo? Hindi ka magi-snacks?” “Mamaya na. Tara, samahan niyo na lang akong i-tour itong kasama ko.” sabi ko saka bumaling kay Gerard. “Ah, Gerard, si Donna at Ahmir nga pala. Mga kaibigan ko. Guys, si Gerard, bago kong kaklase.” “Hello, Gerard, I’m Donna.” nakangiting pakilala ni Donna. “Hi, I’m Gerard. It’s so nice to meet you, Beautiful Donna.” Pareho kaming nagulat ni Donna nang kunin nito ang kamay niya at hinalikan. I almost rolled my eyes. Napakababaero niya talaga. Iiling iling na lang na napatingin sa’kin si Donna na ikinibit-balikat ko lang. “Ahmir pare.” Nakipagkamay din si Ahmir na tinanggap naman ni Gerard. “Gerard Pare, mag-syota ba kayo ni Donna?” Nakangiting umiling si Ahmir. “Hindi, pare. I’m taken.” “Oh, that’s good then.” ngising turan ni Gerard saka bumaling kay Donna. “Pwede kong pormahan si Donna.” Sabay kindat kay Donna. Napabuntong hininga ako. “Can we start now?” seryosong singit ko sa kanila. “Oh, sorry, babe.” ani Gerard. Nauna na akong naglakad sa hallway. “That is our locker room.” turo ko doon. “Later, we’ll ask the secretary kung anong available na cabinet para sa’yo.” “Okay.” tatango-tangong tugon ni Gerard habang nakapamulsa. Sunod naman naming pinuntahan ay ang Library. “Naku, hindi ako mahilig tumambay sa library. Pero kung may magagandang babae naman, why not?” aniya pang sinisilip ang loob. “Oy, may chicks.” Akma siyang papasok nang hilahin ko ang damit niya. “Mr. Chavez, kung hindi mo naman sineseryoso ang pag-tour ko sa’yo ay itigil na natin ‘to. Ikaw na lang bahala sa sarili mo!” inis ko siyang tinalikuran at naglakad. Sinundan naman ako nina Donna. “Oy, teka lang...” Humabol sa’min si Gerard at kamot ang ulong humarap sa’kin. “Sorry na Ms. President. I’ll be serious na, promise.” At nag-beautiful eyes pa talaga, hays. Napabuntong hininga na lang ako saka tumango. “Okay, tara sa Faculty room...” sabi ko muli at naunang maglakad. Itinuro at ipinakita ko sa kanya ang Faculty Room, Dean’s Office Gymnasium. At ang huli naming pinuntahan ay ang canteen kaya dumeretso na kaming nag-meryenda. “Dahil itinour niyo ako, ililibre ko kayo.” ani Gerard. “No, ayos lang Gerard. It’s my work to tour you around...” tanggi ko. “No, baby. I’ll treat you all.” Kumindat siya saka naglakad papunta sa counter. Nakagat ko na lang nang madiin ang aking ibabang labi dahil sa inis ko sa kanya. “I think he likes you.” natatawang saad ni Ahmir. Umiling ako kasabay ng pag-ikot ng aking mga mata. “Babaero lang talaga siya. Pati nga si Donna gustong pormahan. Well, malas niya. I’m not gonna fall for him. He’s a playboy.” “Ako rin noh.” segunda ni Donna. “Mahirap magkagusto sa playboy. Masakit sa ulo.” “Di ba?” pagsang-ayon ko kay Donna. Napabuntong hininga ako. “I wonder why he is transferred here. Baka marami siyang nalokong mga babae kaya siya tumatakas...” “Mga marites, ako ba pinagtsi-tsismisan niyo?” Nagulat akong napalingon kay Gerard. Hindi namin napansing naroon na siya. “Hindi ah. Bakit ka naman namin pagtsi-tsismisan?” mataray na tanggi ko saka lihim na sinamaan ng tingin si Ahmir na biglang bumingisngis. “Siyempre, sanay na akong pinag-uusapan, sa pogi ko ba namang ‘to.” pagmamayabang pa niya na inismiran ko na lang. “Oh, ito ang mga food niyo.” aniya saka inabot sa’min ang mga binili niya. “Thank you.” tipid ngiting pasasalamat ko sa halip na magreklamo dahil hindi iyon ang usual na kinakain ko. Aarte pa ba ako? Eh libre naman iyon. “KAYO kayo lang ba ang magkakaibigan?” maya maya ay tanong ni Gerard habang kumakain kami. “Yeah, just the three of us. Why?” tanong ko. “Isama niyo naman ako sa barkada niyo. Mabait ako.” aniya saka ngumiti na akala mo’y anghel, mukha parin namang manloloko ng babae. “Sure.” agad akong ngumisi. “But you have to follow our number 1 rule.” maya maya’y seryosong saad ko.” “Ano naman ‘yon, babe?” excited na tanong niya. “Don’t fall in love. Kahit kanino sa’min.” “Kahit kay Ahmir?” natatawang aniya na hinaluan din ng tawa ni Ahmir. “Oo.” seyoso lang na sagot ko. “What if ikaw ang magkagusto sa’kin?” hamon niya na itinaas-baba pa ang kilay. Obviously teasing me. I just smirked. Akala niya siguro hindi ko napaghandaan ang tanong na iyon. “I’ll just keep it myself.” kibit-balikat na tugon ko. “That’s the only thing you can do para hindi masira ang pagkakaibigan nating lahat.” Matapang ko siyang nilingon. “Well, Mr. Chavez, are up for the challenge? Bawal ang mag-syota o kahit pa mag-fling sa friendship na ito. Game ka ba?” “Game.” taas-noong sagot niya. Ngumiti ako. “Welcome to our circle of friends.” Sabay lahad ng kamay sa kanya. Nakangiti niya iyong tinanggap. Pero nawala ang ngiti ko at nainis muli nang hindi niya kaagad iyon binitiwan, sa halip ay pinisil-pisil pa iyon. “Gerard, ang kamay ko...” I gave him a deadpan look. Ngumisi siya at binitiwan din sa wakas ang kamay ko. “Welcome sa barkada, pare.” Nakipagkamay din si Ahmir at sinundan iyon ni Donna. “Salamat sa pag-welcome. I’ll promise you. I won’t let you hurt by anyone. Ganito lang ako, pero pagdating sa kaibigan maaasahan niyo ako.” Ewan ko ba pero napangiti niya ako. He maybe looks like a playboy and smug, but I think he’s kind. Tuloy ay naging interesado ako sa pagkatao niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD