bc

The Twist Of Fate (FATE series #3)

book_age18+
16
FOLLOW
1K
READ
sex
second chance
confident
CEO
drama
tragedy
bxg
campus
classmates
seductive
like
intro-logo
Blurb

FATE series #3

The Twist Of Fate

WARNING: 

This story contains mature themes and strong language that are not suitable for very young audiences. Read at your own risk. 

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
FATE series #3 The Twist Of Fate WARNING: This story contains mature themes, sensitive content (like volience, suicide and abuse) and strong language that are not suitable for very young audiences. Read at your own risk. NOTE: So many spoilers for the previous and next series!!! ***** "CONGRATULATIONS on your wedding." Nakangiting bati ko sa dalawang bagong kasal. Naroon sila sa aking hotel at doon nila napiling ganapin ang kanilang wedding reception. "Thank you, madam President. We're glad that we chose your hotel to achieve this topnotch experience. This hotel is the most popular and the most expensive hotel here in the Philippines." Napangiti lang ako. Sanay na akong mapuri ang aking hotel. Ilang beses ko na yung naririning pero hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang nagawa ko 'to, samantalang noon ay pinangarap ko lang naman ito. "Thank you." sagot ko. "Enjoy your stay here, my staff are all ready to assist and accommodate you. Best wishes to the both of you…" At nagpaalam ako sa kanila. Umakyat ako patungo sa penthouse at nagpahinga. Nasa ibabang floor naman nito ang office ko. It took 5 years bago ko naasam ang success na ito. Noong una kasi, maraming struggle ang nangyari sa hotel ko. Hindi kasi ito ganoon ka benta simula nung naitayo ito. Hanggang sa mapilitan akong ibenta ang hotel ko sa America at inilaan ko ang pera at atensyon ko dito sa hotel na ito. Hindi naglaon ay unti unti itong nakilala at dinarayo ng mga tao. Lahat naman kasi ay naroon na. It felt like natupad ko na ang lahat ng pangarap ko. Kumpleto na sana pero may kulang nga lang. Napabuntong hininga na lang ako. Pabagsak kong inihiga ang sarili sa malaking kama. Nakakapagod ang gabing ito. Walang pinagkaiba sa mga nagdaang gabi. Well, lahat naman ay nakakapagod para sakin. Dahil sinasadya ko iyon upang makalimutan ang kakulangan sa puso ko. Minsan nga iniisip ko, bakit di ko subukang mag-asawa? Naiinggit na nga ako sa mga kaibigan ko dahil masaya na sila sa napili nilang makasama habang buhay. Si Cat ay masayang masaya na sa piling ni Lance at ng anak nilang si Calla, short for Catherine Llanelli. By the way, napaka-sweet ng inaanak kong iyon. Bigla ko tuloy siyang na-miss. Hayyy… Parang gusto ko naring magkaanak… Pero paano naman ako bubuo ng pamilya gayong wala namang nanliligaw sakin. I mean, maraming umaaligid pero lahat sila ay s*x lang ang habol sakin. Ni hindi nga mga marunong manligaw or wala talaga silang amor sa panliligaw. Kahit sa edad kong ito, gusto ko paring suyuin ng lalaki. Hindi yung ang intensyon lang nila ay ang makuha ang bataan ko. Aaminin ko, hindi ako santa lalo na sa pananamit. Daring and bold pa nga akong magbihis kaya napagkakamalan akong malandi lalo na nung high school at colleges days ko. Pero hindi ibig sabihin niyon na nakikipagsex ako kung kani-kanino. Nakikipaghalikan ako oo, pero sa iisang tao ko palang naibibigay nang ilang beses ang katawan ko. Hindi pa ako nakakapagbihis at hindi ko namalayang nakatulog na ako. Kinabukasan, panibagong araw na naman. Dating gawi, babad na naman ako sa opisina ko. "Sheena, what are my schedules for today?" tanong ko sa sekretarya ko. "Madam, 10am po with the new investors. Then 2pm naman po with People's Talk channel." Tumango ako at ibinaling ang atensiyon sa mga pinapapirmahan niyang documents. Ilang minuto ang lumipas, nakatanggap ako ng tawag. Napangiti ako nang makita ang mukha ni Cat kasama si Calla. "Oh bes?" sagot ko. "On the way na kami dyan…" "What?" gulat na tanong ko. "Papunta na kami dyan. Ipag-reserve mo na agad kami ha." aniya sabay tawa. "Wow, ang demanding mo, kaloka ka." biro ko. "Ba't 'di agad kayo nagbook?" "Sus, sa laki ng hotel mo, 'di ko na kailangan magbook. Saka kung maubusan, e'di sa penthouse na lang kami, hahaha." Umikot ang mata ko at natawa na lang din. "Aba'y kung kasama niyo naman ang inaanak ko eh bakit hindi. Kasama niyo ba?" "Oo naman, ikaw pa. Excited na nga daw siyang makita ka." Napangiti naman kaagad ako. "Ahh, so sweet. Dahil dyan payag na akong sa penthouse kayo magstay." "Ano ka ba, I'm just kidding. Hindi papayag ang asawa ko. Baka daw pag nakita mo kaming naglalambingan ay mainggit ka, bwahahaha." "Tse!" natatawang singhal ko. Palagi niya talaga akong inaasar sa pagiging still single ko. Maya maya ay natapos ang aming pag-uusap. Muli kong inabala ang sarili sa pagtatrabaho. Di ko nga namalayang ilang oras na akong nakaupo sa swivel chair ko. Hanggang sa makarinig ako ng katok. "Come in…" "Ninang!" Nanlaki ang mata ko at natuwa nang makita ang pagpasok ni Calla sa opisina ko. "Calla…" agad ko siyang sinalubong ng yakap at halik sa pisngi. Nakaporma pa itong style princess sa pink niyang dress at headband na may korteng crown. "Baby, how are you?" "I'm fine po, ninang." "How about me?" nakataas ang kilay na tanong ni Cat. "Wala man lang hug o beso dyan?" I just smirked. "Haha, okay na ang inaanak ko. Nawala ang pagod ko dahil sa kanya." muli kong hinalikan ang bata sa cheek. She giggled. Napanguso lang si Cat. Napaupo siya sa upuan malapit sa table ko. "Akin nalang 'tong anak mo. Tutal magkakaroon naman siya ng kapatid." biro ko na nakatingin sa malaki niyang tiyan. 6 months na kasi ito. Umikot lang ang mata ni Cat. "Mag-anak ka kaya ng sarili mong anak. Mag-asawa ka na kasi." "Tch! Sinong aasawahin ko dyan? Wala namang matinong lalaki dito." "Pano ka makakahanap, eh palagi kang babad sa opisina mo." Umismid lang ako. "Alangan namang magpaanak nalang ako. Siyempre mas gusto ko yung mahal ko at mahal ako." Napangisi siya. "Pano yan, wala naman dito ang mahal mo?" Sumimangot lang ako. Alam na alam talaga nito kung paano ako asarin. "Ninang, I'm hungry…" Napatingin ako kay Calla. "You're hungry, Baby? Me too. Sige, kakain tayo sa baba." binalingan ko si Cat. "Hoy buntis, nagugutom ang anak mo. Tara kain tayo sa baba." "Kayo na lang, ikaw na muna bahala sa anak ko." aniyang tumayo. Halatang pagod sa biyahe. "O sige tara sa elevator." Lumabas na kami ng aking opisina at nagtungo at sumakay sa elevator. Nang makarating kami sa floor ng kanilang suite ay inihatid na muna namin siya sa kanilang room. Saka kami bumaba ni Calla sa ground floor at naghanap ng makakainan. Nakahanap ako ng restaurant na magugustuhan ni Calla ang food. Well, pwede naman akong magpaluto sa big kitchen pero gusto kong ipasyal si Calla sa kabuuan ng hotel. Mabilis na kumilos ang mga personnel doon nang makita kami. "OMG, madam, bakit hindi niyo po ako tinawagan? Ipinaghandaan ko sana ang pagpunta niyo." namamadaling salubong sakin ng baklang manager ng restaurant. "Ayos lang, gusto lang namin matikman ang mga dishes niyo." nakangiting saad ko habang bitbit si Calla. "Siyempre naman madam, hindi niyo kayo magsisisi sa ihahain namin sa inyo. I'm sure magugustuhan rin iyon ng anak niyo." "Oh no, she's not my daughter. Inaanak ko ito." iling na sabi ko. "My bad, sorry madam. I thought she's yours." "It's okay. Can we have our table?" "Ah yes, dito po madam." dali dali siyang kumilos at iginiya kami patungo sa table na malayo sa ibang mga customer. Agad kong pinaupo si Calla sa upuan at inilapit ko naman ang sakin para maaalayan ko siya. Ilang minuto muna kaming naghintay bago dumating ang mga pagkain. Nang matapos iyong ihain ay agad kong binigyan si Calla. Marunong na itong kumain mag-isa kahit na makalat kaya naman hindi ko na kailangan pang subuan. "Do you like it, sweetie?" tanong ko sa kanya nang isubo niya ang unang potahe. Tumatango tango siya habang nginunguya ang pagkain. Napangiti naman ako at sinimulang tikman ang potahe. "Hmm.." usal ko nang masarapan ako sa dish na iyon. Well first time ko kasing kumain doon. Palagi lang naman kasi akong nagpapaluto sa kusina nang makakain ko. Ngayon lang uli naparami ang kain ko dahil kay Calla. Sino ba naman ang hindi gaganahang kumain kapag kasama mo ang napaka-cute na bata. Palagi pa siyang nakangiti kaya nakakawalang pagod. Buti na lang at hindi nagmana sa kanyang ama, tsk. Nang matapos kami ay nagpahinga muna kami ng ilang minuto bago lumabas doon. Naglalakad na kami patungo sa kids playground nang makita ko ang banquet manager ng hotel ko at may kausap siyang clients. "Joana.." tawag ko sa kanya saka lumapit sa mga ito. Nilingon naman ako nito. "Oh madam, tamang tama, we have a new client. Gusto nilang dito ganapin ang kanilang kasal haggang reception." Habang sinasabi niya iyon ay humarap ang mga kliyente sa amin. Ganoon na lang ang pagkagulat ko nang makilala ang lalaki. "Mr. Chavez, please meet the owner and the president of this hotel, madam Marie Laurie Zaavedra." Muntikan ko nang mabitawan si Calla sa pagkabigla ko. Napalunok na lang akong hindi makapaniwalang makita siyang muli. Pati rin siya ay nagulat pagkakita sakin. Hindi ko alam pero biglang nanginig ang katawan ko at nanghina. Lalo pa't biglang naging blangko ang mukha niyang nakatingin sakin. Agad akong nag-iwas ng tingin at yumuko. Bahagya kong nakagat ang ibaba kong labi para pigilan ang aking emosyon. Sa muli naming pagkikita, nanumbalik din ang mga panahong pinanghihinayangan ko. Hindi ko siya masisi kung bakit hanggang ngayon ay galit siya sa akin. Dahil nagawa ko siyang talikuran para lang matupad ko ang pangarap kong inaasam ko ngayon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
57.1K
bc

The Ex-wife

read
232.0K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
77.9K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
53.6K
bc

Hate You But I love You

read
62.7K
bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
24.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook