Kinabukasan maagang umalis ng bahay si Chelssey, 8am ang fight nya papuntang Palawan. Pagkalipas ng ilang oras, nakarating din sya sa kanyang distinasyon. Nakakahilo man ang naging flight nya worth it naman, ng makita ng buong lugar. Pagdating nya sa resort, napaWow sya sa nakikitang kagandahan ng resort, nagcheck in na muna siya para makapagpahinga kahit saglit mamaya nya na lilibutin ang buong lugar. Humiga kaagad sya sa kama ng makapasok sya sa loob ng villa at iidlip muna sya sandali para mawala ang hilo nya sa biyahe. Nagising si Chelssey ng may nararamdaman umuyogyog sa balikat nya.
“best..gising na..nandoon na sila sa restaurant ikaw nalang ang hinihintay,” gising sa kanya ng ni Clarisse.
“hi best namiss kita”bumangon si Chelssey at niyakap ang bestfriend ng matagal ng nyang hindi nakikita.
“miss din kita best ngayon lang tayo nagkita ulit after a year,” niyakap din sya nito pabalik, dahil pareho silang busy sa kanya kanyang work. Hindi na sila halos nagkikita.
“ok!mamaya na tayo magkwentuhan naghihintay na sila sa resto, maligo kana at magbihis hihintayin kita sa baba ok?mwaah.. luv u best”bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya at tinulak sya papuntang banyo.
“ok luv u to best”
“magpaganda ka best nandoon si Russel, eh…..!”tukso nito sa kanya, umismid sya sa sinabi nito
“ewan ko sayo, best sige na! mauna kana maliligo lang ako saglit” at pinagtabuyan palabas ng pinto ang kaibigan.
Naligo lang sya saglit at nagsuot ng simpleng bestida with matching flat sandals. Paglabas ni Chelssey sa villa ng resort, nakita nya si Clarisse na may kausap na lalaki, hindi nya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanya. Nang mapansin ni Clarisse na paparating sya sa kinaroroonan ng mga ito, kumaway sa kanya ang kaibigan ngumiti sya at kumaway pabalik, napalingon naman ang kasama nitong lalaki, doon na nya nakilala ang kausap ng bestfriend nya, ngumiti sya rito.
Bigla namang lumakas ang t***k ng puso ni Samuel ng masilayan nya ang ngiti ni Chelssey. Hindi nya maiwasang titigan ito habang papalapit sa kinaroroonan nila ni Clarisse.
“oh my god!!Samuel? Samuel Perez?”bungad ni Chelssey sa kanya ng makalapit ito, niyakap sya nito nagulat man niyakap din nya pabalik ang babae sobrang namiss nya ito, he can smell her scent. ‘she smell so sweet’
“matagal din kaming walang balita sayo,kamusta ka na?” tanong nito ng bumitaw sa pagkakayakap sa kanya, pagkatapos kasi ng nangyari sa kanya noon, hindi na nagpakita si Samuel sa lahat dahil natatakot syang husgahan ng mga ito. Alam nyang nabalitaan ng mga kaibigan nya ang nangyari pero hindi sya nagsalita at nagpasyang magpakalayo-layo na lang para takasan ang madilim na bahagi ng buhay nya. Ngayon nalang ulit sya nagkaroon ng lakas ng loob para magpakita sa mga ito.
“ok lang gwapo pa rin,” ngumiti sya sabay kindat sa babaeng kaharap. Hindi agad nakasagot si Chelssey, bumilis kasi bigla ang t***k ng puso niya sa ginawang pagkindat sa kanya ni Samuel ,pinakiramdaman nya ang dibdib. ‘Bakit ganito ang nararamdaman ko?’parang may nakakarera sa loob ng dibdib nya sa sobrang lakas ng t***k nito,naguguluhan man pilit winawaksi ni Chelssey sa isipan ang naramdaman.
“baka naman mainlove kana sa akin nya hahaha…”kantyaw nito sa kanya, narinig nya ang mahinang hagikhik ni Clarisse,tiningnan nya ito ng masama.
“ewan ko sayo, kahit kailan talaga, wala ka paring pinagbago, Samuel pala asar ka pa rin.!”sabay hampas nya sa balikat ni Samuel.
“ok guys lets go!tama na ang landian,”napakunot noo si Chelssey sa sinabi ni Clarisse, pero nginitian lang sya nito at nauna ng maglakad sa kanila.
“naghihintay na sila sa resto, mamaya nyo na tapusin yan ok? Best… Samuel… tara na.”pahabol ni Clarisse at tumawa ng malakas habang papalayo sa kanila. Napailing nya sa sinabi ng bestfriend nya. Susunod na sana sya kay Clarisse, ng biglang hawakan ni Samuel ang kamay nya. Nilingon nya si Samuel, seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kanya.
“hmmm...bakit Sam may kailangan ka?”
“ahmm…pwede ba tayong mag usap mamaya?may sasabihin sana ako.” Tumango lang sya bilang pagsang ayon at sumunod ky Clarisse papuntang resto, kung saan naghihintay ang iba pa nilang kaibigan. Napaisip sya kung ano ang sasabihin ni Samuel sa kanya. ‘Gaano ba kaimportante ang sasabihin nito at kailangang sila lang dalawa?’ hindi maiwasan ni Chelssey ang mag isip.
Pagdating nila sa restuarant ng resort, sinalubong sila ng mga kaibigan nila. Nandito ang lahat kompleto silang magbabarkada, sina Russel, Kurt, Lorence, Bryan, Joy, Faith, Rome, Lie, Lanie, Rose, Grazie, Jo, Diane, Christine, at syempre silang tatlo, nina Samuel at Clarisse. Magkaklase silang lahat since highschool, palagi silang nagkakasundo sa mga trip na gustong puntahan at gagawin.
“hi guys,!graveh complete tayong lahat!” masiglang bungad ni Chelssey sa mga kaibigan.
“of course, basta si Clarisse ang mag aya walang makakatanggi, hahaha..!” malakas na tumawa si Bryan at nakipag apir pa sa katabing si Kurt. Napailing sya sa kabaliwan ng ma ito.
“come on! umupo na kayo, lets eat!”aya ni Kurt. Umupo si Chelssey sa pagitan nina Jo at Clarisse. Nginitian nya si Jo at kinamusta ito. Naging malapit sila dahil sa naging trabaho nila noon. Ngumiti lang ito sa kanya at tumango. Matipid talagang magsalita si Jo kahit noon pa mang naga aaral pa sila ng highschool.
“so, who’s work?”masiglang turan nya kay Jo.
“ganon pa rin.”tipid nitong sagot.
“alam mo best, matigas ang ulo ng isang yan, kahit anong pilit kong tumagil na sa trabaho nya, ayaw talaga paawat.”sabat ni Clarisse sa kanila.
“you know, that I love my job, Risse”mahinahon na sagot ni Jo. Palipat-lipat ang tingin ni Chelssey sa dalawa.
“yeah..yeah..whatever.”
“eh ikaw nga, ayaw pa rin iwan ang boyfriend mong manloloko.” Natigil sa pagsubo si Chelssey ng marinig ang sinabi ni Jo, nilingon nya ang kanyang bestfriend.
“totoo ba yun best?”hindi umimik si Clarisse, nagpatuloy lang ito sa pagkain.
“I saw his boyfriend, one time sa mall. He’s with another girl!”sabat naman ni Rome.
“what?!best?”nilingon nya ang kaibigan, nakayuko ito at patuloy lang sa pagkain.
“kausapin mo yang bestfriend mo Chelssey, hindi kasi yan nakikinig sa amin.”seryosong turan ni Rose kay Chelssey.
“so alam nyo ng lahat?how come na ako lang ang walang alam dito?!”tumaas na ang bosses ni Chelssey, hindi nya mapigilan ang magalit.
“Chelssey, will you please calm down?hindi natin yan dapat pag usapan dito, sa harapan mismo ng pagkain.”malumanay na sabi ni Faith. Humugot si Chelssey ng malalim na hininga.
“excuse me, magpapahangin lang ako saglit.”tumayo si Chelssey at lumabas ng resto. Kailangan nya munang pakalmahin ang sarili nya. She feel betrayed by her friend especially her bestfriend. Alam naman nito na isang tawag lang ni Clarisse sa kanya iiwanan nya ang lahat sa kaibigan. At hindi man lang nito sinabi sa kanya na niloloko na pala ito ng boyfriend nito. Napadpad si Chelssey sa malayong bahagi ng resort, may nakikita syang mga puno ng kahoy. Nagpasya syang umupo doon at magpahinga sa ilalam ng malaking puno. Hinubad nya nag kanyang sandal at umupo paharap sa dagat. She inhale deeply, ‘a breath of fresh’ she feel relax.
Bakas ang pag alala sa mukha ni Samuel ng umalis si Chelssey, mag isa itong umalis at wala man lang niisa sa kaibigan nila ang nagtangkang sundan ito. Kahit ang bestfriend nito walang ginawa. Tumayo sya para sundan ang dalaga pero pinigilan sya ni Jo.
“she can handle her self.”
“babalik din yun,”dugtong naman ni Bryan. At sumang ayon ang naman ang lahat sa sinabi nito.
“ok guys!lets finish our food and lets go swimming!”masiglang turan ni Russel. Napahiyaw ang lahat, pagkatapos kumain ng tanghalian, napagkasunduan ng lahat na maligo sa bench at i-enjoy ang activities na ino offer ng resort. Bumalik ang lahat sa kanya-kanyang silid para makapagbihis.
Matapos makapag isip,bumalik na si Chelssey sa resort dumeritso na sya sa room nila ni Clarisse. Pagpasok nya sa loob nakita nya ang kaibigan na nagbibihis. Naptingin ito sa kanya, lumapit sya sa bestfriend nya at niyakap ito ng mahigpit.
“im sorry best,”umiling si Clarisse sa sinabi nya.
“I should be the one to apologize best, hindi ko sinabi sayo na may pinagdadaanan ako. Natatakot lang ako best,”bumitaw si Chelssey sa pagkakayakap sa kaibigan at inakay ito paupo sa kama. Kita nya ang lungkot sa mukha ng kaibigan, naaawa sya rito. Clarisse is a very nice person at saksi sya kung gaano kabuti ang kaibigan nya. Hindi nya lubos akalain na magagawang lukuhin ng boyfriend nito ang bestfriend nya.
“ano ba talaga ang nangyayari sayo best?” hindi ito kumibo, nakayuko lang ito at humagulgol ng iyak. Niyakap ni Chelssey ang kaibigan, hinaplos ang likuran nito.
“best paano ko malalaman kung hindi ka naman nagsasalita?” umalis ito sa pagkakayakap nya patuloy pa rin ang pag iyak nito. Pinunasan ni Chelssey ang mga luha nito gamit ang kamay.
"its ok, kung hindi mo pa kayang sabihin, I’ll understand. But please wag ka na ulit maglilihim sa akin ok?”tumango lang ito bilang sagot. Alam ni Clarisse kung ano ang kayang gawin ni Chelssey. Nginitian ni Chelssey ang kaibigan.
“come on, lets enjoy the beach!forget about your bastard boyfriend.!”ngumiti si Clarisse sa sinabi nya. Umaliwalas na muli ang mukha nito. Alam ni Chelssey kung gaano nito ka gusto ang dagat, everyone love the beach except her, para sa kanya ang dagat ay silent killer. Ito ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang nag iisa nyang kapatid. Iniwanan niya muna ang kaibigan, para makapagbihis na sya. Naghahanap sya ng isusuot nya, ng marinig nyang magsalita ang kaibigan.
“best pansin ko lang, si Samuel panay ang tingin sayo,!”kunot noong tiningnan nya ang kaibigan.
“huh? Bakit?”nalilitong sagot nya rito.
“aba ewan ko, palagi ko syang nahuhuli na nakatingin sayo best,”nagkibit balikat lang ito sa kanya.
“baka naman guni guni mo lang yon.”pumasok na sya sa banyo at nagpalit ng damit nya. Napili nyang suotin ay black two piece na pinatungan nya ng maong na short short at see-through dress na abot hanggang binti. Tinali nya ang lampas balikat na buhok, tiningnan nya ang sarili sa salamin, inayos nya ang suot at ng makontento na sya, lumabas na sya ng banyo at inaya ang kaibigan na bumaba na.
“ang alam ko best, may gusto si Samuel sayo noong highschool pa tayo.”masiglang turan nito habang naglalakad sila papasok ng elevator. Nakakapit si Chelssey sa braso ng kaibigan.
“huh?!paano naman nangyari yon?eh palagi nga akong inaasar ng isang yon!”naguguluhang sagot nya sa kaibigan. Nagkibit balikat si Clarisse.
“maybe, its his way expressing his feelings.”umiling si Chelssey at hindi na nagsalita pa.
Paglabasnina Chelssey at Clarisse sa villa, nadatnan nila ang mga kasamahan na nagtatawanan at nagkakantyawan sa lobby ng resort. Sorbang ingay ng lahat, pinagtitinginan na ang mga ito ng mga taong dumadaan pero walang may pakialam sa kanila, ganito talaga sila basta magkasama, parang isang barangay na nag aaway ayaw paawat. Napangiti si Chelssey ng pumasok sa isip nya ang mga kalokohan nila noon.
Hindi maiwasan ni Samuel na tignan ang babaeng paparating sa kinaroroonan nila. Pakiramdam nya nagsoslowmo ang paglalakad nito. Bumilis ang pagtibok ng puso nya, na palagi namang nangyayari sa tuwing masilayan nya ang dalaga.
“bro baka matunaw yang tinitigan mo..”siniko sya ni Bryan, sinamaan nya nito ng tingin.
“what?!”maangmaangan nya rito.
“magtapat ka na kasi, para hindi ka na puro tingin lang.”dugtong ni Kurt.
“ewan ko sa inyo.”
“everyone knows, di ba guys?!”tumango ang lahat bilang pagsang ayon. Nag apir pa sina Kurt at Bryan, napailling na lang sya sa mga ito at hindi na nagkomento pa. Ibinalik nya ang tingin sa dalagang nasa harapan nya na ngayon, kausap ang mga babae nilang kaibigan.
Nang makompleto na silang lahat, nagpasya na silang pumunta sa beach. Mabuti na lang at hindi masyadong mainit ang panahon, siguradong mag eenjoy ang lahat sa paliligo. Pagdating nila sa dalampasigan, nag unahan ang mga ito pagpunta sa tubig at nagtampisaw doon. Habang si Chelssey ay naiwan sa dalampasigan at pinapanood ang mga kaibigan nya na masayang lumalangoy sa dagat. Nilibot ng tingin nya ang buong lugar, hindi nya maisawang mamangha sa nakikitang kagandahan ng paligid. Talagang inalagaan nya mga tao ang kagandahan ng lugar at pinanatiling malinis ang kapaligiran.
“wow!!!sobrang ganda!!”hindi nya maisawasang mapasigaw sa nakikita. Napangiti sya at nilanghap ang simoy ng hangin ‘hhmm..ang sarap ng simoy ng hangin, tama ang desisyon ko na sumama rito.’bulong nya sa sarili. Hinubad nya ang suot na tsinelas at umupo sa buhangin. Habang ineenjoy ang magandang tanawin.
“beautiful,” nilingon nya ang taong nagsalita sa likuran nya. It was Russel her highschool crush. Ngumiti sya at tumango bilang pagsang ayon sa sinabi nito. ‘Inferness sa isang to,wala paring nagbago ang itsura at pananamit, bahagyang man magmature ang features, gwapo pa rin’ bulong ng isip nya at pasimpleng pinasadahan ng tingin ang kaibigan.
“ang daming beaches na ang napuntahan ko,pero iba talaga ang Pilipinas,walang katulad, ikaw Chelssey?” dahil sa barko ito nagtatrabaho at palipat-lipat ng lugar ang barkong sinasakyan nito nakakapasyal si Russel sa iba’t ibang lugar sa mundo.
“nah..i don’t time para gumala at isa pa hindi rin naman ako marunong lumangoy katulad nyo. ”
“kung ganon pwede kitang itour kong gusto mo, at pwede rin kitang turuan lumangoy.”nakangiting turan nito sa kanya. Umiling sya para tanggihan ang alok ni Russel.
“no!wag na!abala pa ako sayo.”
“hindi ka abala sakin, im willing to teach you.”seryosong turan ni Russel kay Chelssey. Gusto ni Russel na mapalapit ulit sya dalaga. Simula kasi ng binaliwala nya ang pagtingin ang dalaga sa kanya noon, naging distant na ito sa kanya.
Nilingon nya ang kaibigan, nakatitig ito sa kanya. Nailang sa bigla sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Tumikhim si Chelssey at binalik ang tingin sa dagat. Sandaling katahimikan ang namayani sa kanila ni Russel bago ito nagsalita muli.
“gusto mo bang magtampisaw sa tubig?pwede kang sumama saakin,” umiling sya para tanggihan ang paanyaya nito.
“ok kaw ang bahala,if ever na magbago ang isip mo sabihin mo lang,my offer is always available basta ikaw..”nakangiting turan nito, at kinindatan pa sya. Napailing na lang sya at natawa rito. Tumakabo na ito papuntang dagat at lumusong sa tubig. Alam na alam ni Chelssey kung saan patungo ang alok na iyon ni Russel sa kanya, alam nya kung ano ang mga galawan nito noon pa man. Sa sobrang pagkaplayboy nito, parang nagpapalit lang ng damit kung magpalit ng babae. At hanggang ngayon ganon parin ito walang pinagbabago. ‘Hindi ako padadala sa mga tricks nya, ayokong mahanay sa mga babaeng iniwan at sinaktan nya.’ Hindi nya bibigyan ng pagkakataon si Russel na saktan ulit sya tulad ng ginawa nito, noong araw na sinabi nya sa binata ang nararamdaman nya rito. Pero noon yun, nakamove on na sya ngayon, wla na syang nararamdaman kahit katiting man na paggusto sa binata.
Habang nag eenjoy ang mga kaibigan ni Chelssey sa paliligo, napagpasyahan niya na maglakad –lakad sa dalampasigan at libutin ang isla. Tumayo na sya sa kinauupuan nya at nagsimulang maglakad, bago pa sya nakalayo, nahagip ng tingin nya si Samuel na umahon sa dagat at tumatakbo papunta sa kinaroroonan nya. ‘Infernes sa isang to, maganda ang hubog ng katawan, siguro alaga sa gym.’ Dahil sa nakatitig sya sa katawan nito, hindi nya napansin na nasa harapan na pala nya ang lalaki.
“mamamasyal ka??” bungad na tanong ni Samuel sa kanya
“oo eh, naisipan kong maglakad-lakad muna.” Hindi sumagot si Samuel kay Chelssey bagkus nakatitig lang ito sa dalaga. At dahil nakaramdam ng pagkailang sa mga titig ni Samuel, nagpasya siyang magpalam sa binata para ituloy ang balak nya. Ngunit nakailang hakbang palang sya mula rito ng hawakan ni Samuel ang kamay ni Chelssey. Pakiramdam ni Chelssey, may kuryenting dumaloy sa katawan nya ng dumampi ang kamay ng binata sa balat niya. ‘Oh. My. god!!nanaginip ba ako?’ pasimpleng kinurot ang ni Chelssey ang kamay nya. ‘Ouch!!!ang sakit!!!hindi ako nanaginip,its real.’Napukaw sa malalim na pag iisip si Chelssey ng magsalita si Samuel.
“samahan na kita,baka maligaw ka at magwala pa ang bestfriend mo,”sinabayan pa nito ng tawa.
“hintayin mo ako,kukunin ko lang ang t-shirt ko”dugtong nito,tumango sya at sinundan ng tingin ang binata. Gwapo din naman si Samuel, maputi ang balat at matangos ang ilong, may papupulang mga labi. Ngayon ny lang napansin ang angking kagwapuhan nito.
“lets go? At baka maabutan tayo ng dilim.”aya nito sa kanya, pinauna ni Samuel sa paglalakad si Chelssey nakasunod lang sya sa likuran nito. Tahimik lang silang naglalakad habang tinatanaw ang magandang tanawin. Napangiti si Samuel sa reaksyon ni Chelssey sa tanawing nakikita. Yan ang nagustuhan nya sa dalaga ang pagiging simple nito, madaling pasayahin. Hindi nya mapigilang mamangha sa dalaga. Napansin nyang magandang ang angulo nito kasabay ng sunset kaya kinuhanan nya ng litrato si Chelssey. Ginawa nyang wallpaper ng celpon ang nakuhang picture ng dalaga.
“wow!! Ang ganda!”hindi mapigilang sambit ni Chelssey. Kinuha ang aking celpon and take a photo, napansin rin nya si Samuel na kumukuha ng pictures.
“sobrang ganda…”malumanay din nyang sabi pero sa kay Chelssey sya nakatingin hindi sa sunset. ‘this is it’ humugot ng malalalim na hininga. Nakita nyang umupo ito sa buhangin, lumapit sya tumabi ng upo sa dalaga.
“Chels…”panimula nya.
“hmmm?”
“pwede ba kitang…maging girl....”naputol ang sasabihin ni Samuel ng tumunog ang celpon ni Chelssey. Sinagot nito ang tawag.
“hello best?”
“best nasaan ka?”pag aalalang tanong ng nasa kabilang linya.
“ahhm….naglakad lakad ng ako best.”
“mag isa?”
“nope magkasama kami ni Samuel.”
“ok”natahimik ang nasa kabilang linya. Magsasalita pa sana sya ng inagaw ni Samuel hindi ang celpon nya at pinatay ang tawag. He even turn it off before he give it back to Chelssey. Nagulat si Chelssey sa ginawa nito.
“pwede bang makinig ka mo sa akin?mamaya kana magreact kapag tapos ko ng sabihin ang lahat,ok?”naiinis na sabi ni Samuel. Hindi naman nagsalita si Chelssey at tumango lang bilang pagsang ayon.
“gusto kita Chelssey matagal na, I don’t know were its start. Basta nagising na lang ako isang umaga na gusto kitang makita palagi. Bumibilis ang t***k ng puso ko kapag umuupo ka sa tabi ko, sobrang galak ko kapag naririnig ko ang boses mo, lalong lalo na kapag tumawa ka. Kapag nakikita kita, buo na ang araw ko. Hindi ko lang masabi sayo dahil takot akong mabasted mo. I waited so long, for this day to happen na masabi ko sayo ang nararamdaman ko para sayo, ayokong sayangin ang oras na magkasama tayo ngayon, I love you,I want you to be my girlfriend” diretso at mahabang lintanya ni Samuel. Habang si Chelssey naman nakatulala at pilit iniintindi ang lahat ng mga sinabi nito sa kanya. ‘Did he just confess his feelings to me’ hindi makapaniwalng bulong ni Chelssey. Hindi nya alam ang gagawin last time she check their friends and now sinasabi nitong gusto sya nito? Mahabang pag iisip ang ginawa ni Chelssey, hindi nya alam kung ano ang isasagot kay Samuel.
“sinasabi mo bang gusto mo ako?”naguguluhang tanong nya kay Samuel.
“ganyan ka ba magreact kapag may nagtatapat sayo?”seryosong turan ng binata sa kanya.
“nope, hindi lang ako makapaniwala sa sinabi mo,”naguguluhan pa rin si Chelssey, hindi sya makapaniwala sa mga narinig mula kay Samuel.
“seryoso ako Chels” seryosong turan ni Samuel kay Chelssey, niyakap nya ang dalaga, ng bumibitaw sya tiningnan nya ito diretso sa mga mata. Bumaba ang tingin sa mga mapupulang labi nito, na parang iniinganyo syang halikan ito. Hindi nya napigilan ang sarili nya, may kung anong bagay ang nag uudyok sa kanya para tikman ang mga labi nito. Ginawaran nya ng magaan na halik ang dalaga, alam nyang nagulat ito sa ginawa nya, pero wala naman itong ginawa para pigilan sya. Pinagdikit nya ang mga noo nila matapos ng halikan si Chelssey
“I love you.”madamdaming sabi ni Samuel. Hindi sumagot si Chelssey. Naguguluhan sya at natatakot, hindi nya alam kung totoo bang ang sinabi at pinapakita ni Samuel. Hindi nya alam ang gagawin, pinakikiramdaman nya ang sarili malakas pa rin ang t***k ng puso nya, at mas lalo itong lumakas ng halikan sya ng binata, ‘ibig bang sabihin nito, gusto ko si Samuel?’ napukaw ang pagiisip ni Chelssey ng muling magsalita si Samuel.
“its ok, Chels im willing to wait kung kalian mo sasabihin na gusto mo rin ako,hihintayin ko ang araw na yun”ngumiti si Samuel kay Chelssey at niyaya sya nitong bumalik na sa resort dahil gumagabi na. Hinawakan ni Samuel ang kamay nya at ninakay sya pabalik sa resort. Nagpatianod na lang sya sa paghila nito sa kanya hindi pa rin maalis sa isip nya ang lahat ng sinabi ni Samuel, lalong-lalo na ang ginawa nitong paghalik sa kanya. Kailangan nyang pag isip ng mabuti ang mga bagay-bagay bago sya magdesisyon. Baka pagsisihan pa nya kapag nagkamali sya ng hakbang at maiwan syang luhaan sa huli.