The man in my dreams

2044 Words
Nang makabalik na sila resort, dumiretso sila sa isang seafoods restaurant dahil sabi ni Samuel nandoon na daw ang lahat. Hindi na sya nagkomento pa at sumunod na lang rito. Hindi pa rin kasi mawala sa isip nya ang mga sinabi nito sa kanya kanina. “oh…hi!love birds!here!”napukaw ang atensyon ng lahat sa malakas na pagtawag ni Bryan sa kanila ng makitang paparating na sila sa kinaroroonan ng mga ito. Gustong lumubog ni Chelssey sa nilalakaran nila dahil sa kahihiyan. ‘dapat ba kailangang sumigaw?’sinamaan nya ng tingin si Bryan, nagpeace sign ito sa kanya at hindi na muling nakomento pa. Nang makalapit na sila sa mesa ng mga kaibigan nila pinaghila sya ni Samuel ng upuan, kinuha ni Samuel ang isang bakanteng silya at inilagay sa tabi nya. Napa ‘oh’ ang lahat sa ginawa ni Samuel.                    “ang dami mong utang na kwento sa akin”bulong ng katabi ni Chelssey sabay kurot sa tagiliran nya ,napadaing sa ginawa ng katabi kaya nilingon nya ito para sana pagalitan pero laking gulat nyang si Clarisse pala ang katabi nya. Hindi napansin ni Chelssey na magkatabi pala sila ni Clarisse ng upuan. Ngumisi lang ang bestfriend nya.  Napansin ni Samuel na napadaing si Chelssey kaya tiningnan ang dalaga, pero umiling lang ito sa kanya at nag umpisa ng kumuha ng pakain. Pero pinigilan nya ito at sya na ang kumuha ng pagkain para sa dalaga. Alam nyang allergic sa seafood si Chelssey kaya inihaw na isda at baboy ang nilagay nya sa plato nito. Nagpasalamat sa kanya si Chelssey at nag umpisa na itong kumain. Napansin ni Samuel na maganang kumain ang dalaga pero hindi ito tumataba. Habang kumakain ang lahat hindi maiwasan ang kwentuhan at tawanan. Tahimik lamang si Chelssey at nakikinig sa usapan. Paminsan minsan nakikisali din sya sa mga ito, naging tampulan sila ng tukso ni Samuel, mukhang baliwala lang iyon kay Samuel. Pakiramdam ni Chelssey nangamatis na sya sa pula ng mukha nya pero pinagtawanan lang sya ng mga kaibigan nila. Hindi na lang nya pinansin ang mag ito at nagpatuloy na lang sya sa pagkain.  Napagpasyahan ng lahat na magpahinga na pagkatapos nilang kumain, bukas na lang nila susubukan ang iba pang activities. Napagod ang lahat sa buong maghapon na paliligo sa dagat, sinubukan din ng mga ito ang snorkling at scuba diving.  Nagsipagabalikan na ang lahat sa kanya-kanyang villas na inuukupa para magkapagpahinga. Hindi tinantanan ni Clarisse  si Chelssey sa kakatanong, kung bakit sila magkasama ni Samuel. Hanggang sa makarating sila sa loob ng villa hindi pa rin ito tumitigil. Kaya wala ng nagawa si Chelssey kundi ang ikwento sa kaibigan ang nangyari. Mataman na nakikinig si Clarisse sa kwento nya.  “best magtapat ka nga sa akin,kayo na ba ni Samuel?” tanong nito ng makapasok na sila ni Clarisse sa loob ng villa.                      “hindi pa, pero sinabi nyang gusto nya ako.” umupo si Chelssey sa gilid ng kama. “ohh…so nagtapat na pala sya sayo?”malaki ang ngiti ni Clarisse habang nakatingin sa kanya.                    “oo?”kibit balikat nyang sagot sa kaibigan. “bakit parang hindi ka sigurado?”mapanuring tanong nya sa akin.                        “hindi ko alam best eh, naguguluhan ako.”malumanay na sagot ni Chelsseysa kaibigan. “huh?bakit ka naman naguguluhan?”kunot-noong tanong ni Clarisse sa kanya. Pati tuloy si Clarisse naguguluhan na rin. Hindi nya maintindihan si Chelssey.                        “bakit all of a sudden nagkagusto kaagad sya sa akin?matagal syang nawala at hindi nagparamdam sa atin, tapos ngayon bumalik sya at sabihin sa akin na mahal nya ako?hindi ko maintindihan best.”napakamot si Chelssey sa kanyang ulo. Kanina pa sya naguguluhan. “hinalikan ka ba nya?”tumango sya bilang pagsang ayon.                          “so kayo na?”umiling sya, hindi nya alam ang sagot sa tanong ng kaibigan. “best, nag I love you na sya sayo at nagkiss na rin kayo ibig sabihin nun may label na kayo. She mark you already. Kaya wala ng magtangka na manligaw sayo. At saka alam naman ng lahat na may gusto si Samuel sayo noon pa”gulat syang napatingin sa kaibigan. Tinaasan lang sya ng kilay ni Clarisse                        “ako lang ang walang alam?pano nangyari yun?”napaisip si Chelssey. “kasi po sa sobrang baliw mo sa pag ibig ky Russel hindi mo na alam kung ano ang nangyayari sa paligid mo. Wala ka na kasing ibang gina……..”naputol ang sasabihin ni Clarisse ng sininyasan sya ni Chelssey na tumigil.                        “wait!mukhang nabanggit nga ni Samuel na matagal na syang may gusto sa akin,”lumiwanag ang mukha ni Chelssey, ng maalala ang mga sinabi ni Samuel sa kanya kanina. “see! I told you!”sarkastikong sabi nito at nauna ng pumasok sa banyo. Siguro nga tama ito sa sobrang pagkabaliw nya ky Russel noon hindi na nya alam ang nangyayari sa paligid nya. ‘Pero noon yun hindi na ngayon wala akong nararamdam ky Russel maliban sa pagiging kaibigan.’ Hindi alam ni Chelssey kung paano nawala ang nararamdaman nya kay Russel. Pero mas nakabuti iyon kasi mas minahal nya na ang sarili ngayon at nakatutok na lang sya sa trabaho nya. Pagkatapos ni Clarisse maligo sya naman ang sumunod. Paglabas nya ng banyo nakita nyang may kausap ni Clarisse sa phone nito at parang ang seryoso talaga pinag uusapan nila. Nang makita sya ni Clarisse ngumiti ito sa kanya at nagpaalam na sa kausap.                               “sino yun,?mukhang seryoso ang pinag uusap nyo ah?”pero imbis nasagutin sya umiling lang ito sa kanya at hindi nagsalita. Alam nyang may problema ito ayaw man sabihin ni Clarisse nakikita nya sa mga mata nito. “kung ayaw mong magkwento,ok lang. Maghihintay ako,kung kaya mo ng ikwento ang lahat lahat,im all ears to listen.ok?”tumango ito sa kanya at niyakap sya ng mahigpit, niyakap din nya pabalik ang kaibiagan.                              “we broke up a month ago.”kumakalas sa pagkakayakap si Chelssey at tinitigan mabuti ang kaibigan, bakas sa mukha nito ang kalungkutan. “pwede mong sabihin sa akin ang nangyari.”umiling ito sa kanya.                            “hindi ko pa kaya best,”Tumango lang si Chelssey, naiintindihan nya si Clarisse. Alam nyang masakit ang pinagdadaanan nito. “it ok best, kapag ok ka na at handa ka ng magkwento, wag kang mag atubiling sabihin sa akin ang lahat.”tumango-tango ito sa kanya.                           “sige na, mauna ka nang matulog.”pinahiga nya ang kaibigan at kinumutan ito. She kissed her forehead. “saan ka pupunta?”hinawakan nito ang kamay nya.                      “magpapahangin lang ako saglit” “wag mo akong iwan best, please”pagmamakaawa nito. Humugot si Chelssey ng malalim na hininga at tinabihan ang kaibigan sa kama. Hinahaplos nya ang buhok nito. Naaawa sya sa kaibigan labis itong nasaktan sa paghihiwalay nila ng boyfriend nito. Isang masayahin na tao si Clarisse mabait ito sa lahat. Hindi lubos maisip ni Chelssey kung bakit nagawa nitong lokohin si Clarisse. “so ano na best?” basag ni Clarisse sa katahimikan               “ang ano?”kunot noong  tanong nya pabalik, nilingon nya ang katabi. “bakit hindi mo pa sinagot si Samuel?” she rolled her eyes to Clarisse‘her we go again’                  “akala ko nakalimutan mo na ang tungkol dyan.”mahina itong natawa sa sinabi nya. “paano ko makakalimutan, eh hindi pa ako tapos sa pagtatanong at wala ka pa ring binigyan na maayos na sagot.”pagmamalditang sabi nito sa kanya. This time magkaharap na silang nakahiga sa kama.                   “pakiramdam ko may bumabagabag sayo, ano yun?care to share?”pamimilit ni Clarisse sa kanya, walang nagawa si Chelssey kundi ang sabihin rito  ang totoo dahilan nya. “kasi nga, hindi ko alam kung totoo ba ang mga nangyayari o panaginip lang”                    “what!!?hello best nasa real word kaya tayo!”sarkastiko nito sabi, napalakas ang boses nito. “yeah I know, pero kasi…ahmm….naalala mo noong minsan naikwento ko sayo na pala akong nanaginip ng isang lalaki?yung lalaking…..”hindi sya nito pinatapos sa pagsasalita                   “yung lalaking mahal na mahal ka?”dugtong nito sa dapat sanang sabihin “oh my god!!dont tell me si Samuel ang lalaking tinutukoy mo?”tumango si Chelssey sa sinabi ni Clarisse. Napatakip ito sa bibig, at napabangon bigla sa kama.                       “ahh..….its destiny!!”nagulat si Chelssey sa biglang pagsigaw nito at nagtatalon pa sa kama. Kinilig ito sa kaisipang, Chelssey and Samuel are destined for each other. Natawa sya sa kabaliwan ng kaibigan nya. “shhh…shhh…hinaan mo nga yung boses mo,”saway nya sa kaibigan dahil sobrang lakas ng pagsigaw nito. Gabi na at baka may nakaistorbo sila sa ibang tao na nagpapahinga na.                           “so yung nangyayari sa mga panaginip mo?nagkatotoo na? anong gagawin mo?” tumanngo-tango sya. “I need to figure out things, kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang totoong laman nito.”sabay turo sa bandang dibdib nya.                          “but best try to think about it, kung si Samuel palagi ang laman ng mga panaginip mo, it means you have feeling for him. Hindi mo naman mapanaginipan ang isang tao kung hindi mo sya iniisip di ba? And one more thing what did you feel when he kiss you”Tumango lang sya rito, pero napaisip si Chelssey sa mga sinabi ni Clarisse. “so best how did you feel?no erase that,let me refresh it. did you feel something when he kiss you?like fast beating of heart or feel like your in heaven.?”patuloy nitong paliwanag sa kanya.                               “ahhmm..sort of”maikling sagot ni Chelssey. Napangiti si Clarisse at tinakpan ng unan ang mukha, habang nagsisigaw. Nang mahimasmasan ito seryosong tumingin sa kanya ang bestfriend nya. “then your inlove with him best, all you have to do is accept it to yourself and tell Samuel what you feel, just follow what your heart say and you’ll be happy. Alam kong hindi kanya sasaktan tulad ng ginawa ng lalaking yun sa akin. Don’t make things complicated, baka pagsisihan mo yan sa huli.”madadaming advice nito sa kanya. Baka nga tama ang bestfriend nya. All she had to do is to take the risk and whatever happens she wont regret it. Ang mahalaga sumubok sya, at baka magsisihan pa nya kung hindi nya sinubukan. Naliwanagan ang isip ni Chelssey sa sinabi ng bestfriend nya, napangiti si Chelssey, minsan may sense din pala kausap ang bestfriend nya. "gud nyt best" "gud nyt" magkatabing natulog sina Chelssey at Clarisse.  Samantala panay naman ang tingin ni Samuel sa celpon nya. Hindi nya mapigilan ang mapangiti kapag tinitignan nya ang larawan ni Chelssey na ginawa pa nyang wallpaper. Nakatingin ito sa sunset habang nakangiti, maganda ang pagkacapture nya sa picture ng dalaga. Nagulat si Samuel ng biglang may unan na dumapo sa mukha nya. Sinamaan nya ng tingin ang taong bumato sa kanya ng unan, pero tinawanan lang sya nito. “no doubt, your crazy bro”                   “yeah, crazy inlove with her.”he smirk. Humalakhak si Jo sa sinabi nya. Binato nya pabalik sa kaibigan ang unan pero nasalo ito ni Jo. Hindi pa rin ito tumitigil sa katatawa. Hindi na lang pinansin ang kaibigan at ibinalik nya ang tingin sa picture ni Chelssey, hindi nya maiwasang tignan ang mga labi nito. ‘Her lips taste so sweet’ Napakagat labi sya ng maalala ang ginawa nyang paghalik kay Chelssey.  “just don’t hurt her bro, she’s a special girl”napalingon si Samuel ng muling magsalita si Jo, this time seryoso na ang mukha nito, tumango sya bilang pagsang ayon. Hindi nya kayang saktan si Chelssey sobrang mahal nya ito. Handa syang gawin ang lahat para lang maging masaya ang babaeng iniibig.                 “everything to her are special”bulong nya at nagpasya na siyang matulog. Hinalikan nya muna ang picture ni Chelssey at niyakap ang celpon, bago ipinikit ang mga mata. ‘sa ngayon picture lang muna, sa susunod totoong si Chelssey na ang kayakap ko.’napangiti si Samuel sa naisip nya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD