Chapter-06

1499 Words
Capri's POV Habang nasa daan ako, napansin kong may sumusunod sa akin. Maliban sa security team ko na nakasakay sa itim na bulletproof CUV, may isang puting sports car na nakapuwesto sa likuran nila. Hindi ko gusto ang mga ganitong eksena kaya agad kong dinial ang number ni Dindo, isa sa mga security guard ko. “Dindo, can you check at the back? There’s one sports car following us,” utos ko. “Ok, Ma’am. Right away. Mauna na po kayo, ma'am. Tatawagan ko rin ang nasa unahang convoy ninyo,” sagot niya nang mabilis. Ganito talaga kami kapag lumalabas. Kahit kami mismo ang nagda-drive ng sariling kotse, lagi kaming may convoy sa harap at likod, kami magkakapatid man o pati parents namin. Lumaki kaming may ganitong setup kaya hindi na bago sa akin ang gantong higpit ng seguridad. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho habang ang grupo ni Dindo ay humiwalay ng kaunti para sundan at i-assess ang puting kotse. Ilang minuto pa at nakarating na ako sa Sull-Dubios Tower. Pagkababa ko, agad akong sinalubong at pinalibutan ng mga security guard. Malamang na-inform na sila ni Dindo tungkol sa suspicious vehicle na sumusunod sa akin. Pag-akyat ko sa floor ng opisina ni Daddy, sinalubong ako ng secretary niya. “Welcome, Miss Capri,” bati niya. “Thank you, Nox.” Ngumiti ako. Siya ang anak ng dating secretary ni Daddy. Nang nag-retire ang mama niya, siya ang pumalit. Katulad ni Tito Massimo na halos buong buhay ay nanilbihan kay Daddy. “How is your mother?” tanong ko. “She is well, Miss Capri,” maayos niyang sagot. “That’s good to hear. My Daddy is inside?” “Yes, Miss Capri. Kasama si Maxwell.” “Ok, then I’ll go inside.” “Yes, Miss Capri. They’re actually waiting for you.” Dumiretso ako papasok sa opisina ni Daddy. Pagbukas ko ng pinto, una kong nakita ang seryosong mukha ni Maxwell. Napatigil ako ng bahagya. Hindi ko alam kung bakit pero palagi niya akong kinikilabutan sa paraan ng pagtitig niya. Lumapit si Daddy agad. “You okay, baby? Right?” tanong niya, halatang nag-aalala. “Yes, Daddy. Sino raw po ba ang sumusunod sa amin kanina?” tanong ko, sinusubukang gawing steady ang boses ko. “Dindo said the sports car disappeared while they were tailing it. Wala rin daw itong plate number,” paliwanag ni Daddy. Kinabahan ako. Tumigil ang mundo ko for a second. Who could that be? tanong ko sa sarili ko. Hindi ako makahanap ng sagot na hindi nakakatakot. “It’s better if, from now on, you will be with Maxwell all the time,” sabi ni Daddy, diretso at walang pagdadalawang isip. Napakurap ako. What? Maxwell? Why him of all people? Lalo lang akong kinabahan sa ideyang lagi ko siyang makakasama, lalo na sa mga tingin niyang hindi ko maintindihan. “But I want to go shopping after this, Daddy. Alangan namang isama ko pa siya,” reklamo ko, halos pabulong pero may diin. “Ok. But make sure you bring more security guards,” sagot niya, firm pa rin pero may compromise. “Ok, Dad. That would work,” sagot ko, kahit may konting inis. Mas mabuti na yun kaysa si Maxwell ang kasama ko buong araw. Hindi ko maiwasang mapatingin ulit kay Maxwell. Tahimik lang siya pero ramdam ko ang presensya niya. At mas lalo akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba. Hindi ko alam kung dahil sa banta ng puting kotse, o dahil sa mismong taong nasa harap ko ngayon. Pero isang bagay ang sigurado. Something is changing. And things are about to get complicated. “By the way, tomorrow you will be coming with us. You will be the one initiating the interview for your secretary,” sabi ni Daddy habang inaayos ang mga papeles sa mesa niya. “Ok, Dad. But if you don’t mind, I want Nox. Just let him work for me,” sagot ko, may kasamang ngiti. “No way,” natatawa niyang sabi. “Magiging sayo rin siya eventually. I want to retire someday, baby. So you need to work hard para mapahinga na ako.” Umirap ako pero may halong lambing. “Hmmp… ok, fine. Let’s see tomorrow.” “Don’t worry. For the time being, Maxwell will be there to assist you,” dagdag pa niya. Napahinto ako. Right. Nabaggit na nga niya dati na si Maxwell ang magtuturo sa akin hanggang maging gamay ko na ang lahat para sa posisyon bilang Chairman. Hindi ko man maipakita, pero medyo kinakabahan ako sa ideyang iyon. Iba ang presence ni Maxwell. Tahimik pero mabigat, parang lagi siyang nakabantay sa mga kilos ko. Alam ko namang kaya ko ang trabaho. Kahit noong nasa America ako, si Gemini mismo ang nagtrain sa akin. She was impressed with how fast I learned. Tinuruan niya ako how to deal with people, how to handle pressure, how to read a room, how to run a business without losing yourself. Kaya nga mas mabilis akong naka-move on kay Evan. Hindi dahil nakalimutan ko na siya, pero dahil ginamit ko ang pagkakataon iyon para buuin ulit ang sarili ko. Oo, naiisip ko pa rin siya. Minsan bigla na lang sumusulpot ang memory niya. Pero hindi na ako nasasaktan tulad ng dati. Now, standing in front of Daddy and Maxwell, naramdaman kong mas malinaw ang direksyon ko. May takot pa rin, may duda, pero mas malakas ako kaysa noon. Handa na akong humarap sa position na ibibigay ni Daddy. And sabi pa niya I will start dealing with people, at siya na lang daw ang hahawak ng formal transactions. Baka nga raw after one month sa bahay na lang siya magtrabaho. Hindi naman ako tutol dahil deserve na deserve na niyang magpahinga. Actually, sa tatlo nilang magkakaibigan, si Daddy na lang ang pumapasok pa rin sa office. Si Tito Gino’s position as Chairman was succeeded by Kuya Cassian, and also Tito Geller was succeeded by Kuya Max. Si Daddy dapat si Gemini ang maging successor niya. Kaso may sarili namang itong negosyo. Gemini was the Chairman of her own company. Si Aries is a model, and although she started her own business, she took it as a pleasure project lang dahil hilig niya talaga magluto. Then me, I just graduated and was going through a heartbreak, kaya medyo natagalan bago ako para maging suceesor niya sana. Pero ngayon, I’m ready to start. Umabot na ako ng tanghali sa office ni Daddy kaya doon na rin kami nag-lunch. Nag-order na lang si Nox para sa pagkain namin. Pagkatapos namin mag-usap ni Daddy, nagpaalam na ako sa kanya para mag-shopping. Kailangan ko rin ng mga bagong isusuot lalo na’t magsisimula na ako sa training ko. Sinabihan ko rin siya na pag nakapili na ako ng aking secretary, pwede na akong magsimula after one to two days. Tumango lang siya, halatang masaya na mag sisimula na ako Paglabas ko ng opisina ni Daddy, sinalubong ako ng limang security guard. “Miss Capri, kami po ang sasama sa inyo,” sabi ng team leader nila. Tumango lang ako at ngumiti nang magaan. “As much as possible, gusto ko sana medyo malayo kayo. I just want some space habang nagsho-shop,” paliwanag ko habang naglalakad palayo sa opisina ni Daddy. Sanay naman sila sa ganito, so they nodded and kept a respectful distance. Akala ko lima lang ang kasama ko, pero andoon din pala ang anim na tao mula sa team ni Dindo. Kasama si Dindo, isang dosena ang bodyguard ko. Pagdating ko sa mall, bago pa man ako pumasok sa mall nila Ate Maxime, tinawagan ko muna siya. She already knew I was coming. Pagpasok namin sa VIP entrance, may nakaabang agad na dalawang babae na assigned to assist me. Iba kasi ang section ng luxury brands sa mall nila. May sarili silang VIP wing para sa high-end shoppers, lalo na sa mga celebrity at clients na ayaw ng crowd. The theme of their mall is like a shopping mall in Dubai and Europe, super elegant and modern. Umabot ako ng limang oras sa pagsho-shopping. Ang dami kong nabili, as in hindi ko napansin ang oras. Good thing marami akong security guards to carry all the bags because I honestly lost count. Kasalanan ng magagandang designs, hindi ako nakapagpigil. Bago pa man ako umalis ng mall, tumawag si Ate Maxime. “Mag-dinner tayo sa restaurant ni Kuya Carl. Nagpa-reserve na ako,” sabi niya. “Okay, Ate. Papunta na ako,” sagot ko. Kaya dumiretso na ako sa restaurant ni Kuya Carl. Pagdating doon, sinabihan ko ang ilang guards na doon na lang sila maghintay sa kotse. Dalawa lang ang nagpaiwan sa may entrance para magbantay habang nasa loob ako. Habang naglalakad ako papasok ng restaurant, napangiti ako nang bahagya. After everything that happened today—stress, suspicion, shopping, at kung ano anong plano—this dinner felt like the break I actually needed. And honestly, I could use a warm meal… and a familiar face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD