Capri's POV
Kinaumagahan, nagising ako na mabigat ang pakiramdam. Dadalawin ko ang puntod ni Evan ngayong araw, kaya agad akong bumangon at naligo. Gusto kong makarating sa cemetery nang maaga, habang tahimik pa ang paligid.
Pagkatapos magbihis, naisip kong dadaanan ako mamaya sa office ni Daddy pagkatapos kung dalawin ang puntod ni Evan. Gusto kong ipaalam sa kanya na handa na akong magsimula ng training bilang successor niya.
Plano ko sanang mag-start after tomorrow, kaya kailangan ko na ring ayusin ang schedule at lahat ng dapat paghandaan. Sabi ni Daddy, magha-hire daw kami ng bago kong secretary at ako mismo ang mamimili kung sino ang kukunin ko.
Habang inaayos ko ang sarili ko, hindi ko maiwasang kabahan at maexcite sa parehong oras. Isang araw ng pagbisita, pagharap sa nakaraan, at pagsisimula ng bagong landas ang naghihintay sa akin.
Pagkababa ko, dumiretso agad ako sa dining area. Ako na lang ang kakain dahil pumasok na si Aqua nang maaga. Si Daddy naman ay nasa opisina na, habang si Mommy, ayon sa huling sabi niya, ay may pupuntahan kasama si Tita Alexa.
Tahimik akong kumain, sinusubukang ayusin sa isip ko ang mga dapat kong gawin sa buong araw. Pagkatapos kong dalawin si Daddy sa office niya, plano kong dumiretso sa shopping mall.
Kailangan ko ng ilang damit na magagamit ko sa mga susunod na araw. Marami naman akong dalang outfits mula America, pero gusto ko pa ring dagdagan lalo na ngayon na magsisimula na ako sa training. Gusto kong maging handa sa lahat, pati sa itsura ko.
Habang iniisip ko ang mga bibilhin ko mamaya, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting excitement. Matagal na rin mula nang huli akong nakapag-shopping dito sa Pilipinas.
Pagkatapos kong kumain, umakyat muna ako sandali para mag-ayos. Kinuha ko ang bag ko, inayos ang buhok ko, at sinigurong kumpleto ang phone, wallet, at keys. Pagbaba ko, ipapahanda ko na ang sasakyan ko.
Gusto kong ako mismo ang mag-drive ngayon. Alam ko namang may invisible bodyguard ako kahit na sarili kong sasakyan ang gamit ko, kaya hindi ako masyadong nag-aalala.
Ang importante sa akin ay maramdaman kong kontrolado ko ang araw ko at ang mga pupuntahan ko. Pagkababa ko, dumiretso ako sa garage. Pagpasok ko, agad kong nakita ang sasakyan ko.
Ito ang sports car na regalo nina Gemini at Daddy sa akin. Pinili ko ang Red Carbon Fiber and White Bugatti Chiron, ang mismong model na matagal ko nang hiniling kay Daddy noon, bago pa ako nakapagtapos ng pag-aaral.
Nang nasa New York pa ako, palagi akong pinapagamit ni Ate Gemini ng kahit alin sa mga kotse niya. Car collector siya, at literal na puno ng high-end cars ang garage niya sa kanyang mansion.
Minsan, lumalabas kami at magkaiba ang sinasakyan naming dalawa. Para kaming naghahabolan sa kalsada, natatawa habang nagkukwentuhan sa pamamagitan ng phone kahit magkatabi lang halos ang mga kotse.
Habang papunta ako sa Memorial Park sa Parañaque, napansin kong nakasunod sa likod ko ang sasakyan ng bodyguard ko. Sanay na ako roon. Hindi kami pwedeng magreklamo sa mga bodyguard na nakatalaga sa amin dahil malinaw ang kondisyon ni Daddy.
Gusto niyang lagi kaming ligtas, at iyon ang hindi namin kayang suwayin. Bago ako dumiretso sa cemetery, dumaan muna ako sa isang flower shop. Gusto kong mamili ng bulaklak para kay Evan.
Pagpasok ko, bumungad ang malamig na hangin mula sa aircon at ang mabangong halimuyak ng mga sariwang petals. Umikot ako saglit, tinitignan ang iba’t ibang bouquet.
Gusto ko sana ng simple pero elegante, yung bagay kay Evan. Kinuha ko ang puting rosas na may halong baby’s breath. Tahimik ko itong hinawakan habang iniisip kung ano ang sasabihin ko mamaya sa puntod niya.
Kahit ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin nawawala ang kirot tuwing naaalala ko siya. Paglabas ko ng shop, huminga ako nang malalim. Handa na ako. Ngayong hawak ko na ang bulaklak, mas ramdam ko ang bigat at kahalagahan ng pagbisitang ito.
I will close my chapter with Evan. Gusto ko nang mag-move forward, at kailangan ko siyang kausapin nang maayos, kahit sa puntod na lang niya. Alam kong maiintindihan niya ako.
At alam ko ring nasa tabi ko pa rin siya sa paraan na kaya niya, tahimik na nagbabantay at umaasang maging masaya ako.
Pagdating ko sa puntod ni Evan, marahan kong nilapag ang bulaklak.
Yumuko ako at nilinis ang paligid, tinatanggal ang mga dahong nahulog at alikabok sa lapida. Napansin ko ang isang bouquet ng sariwang bulaklak sa tabi. Kinuha ko ang maliit na card at binasa ito.
“I will always love you, kuya. From: Eira.”
Iyon ang nakasulat. Sandali ko iyong tinitigan bago ko ibinalik. Hindi ko na pinatulan, dahil kapatid naman siya ni Evan at natural lang na bumisita rin siya.
Umupo ako sa gilid ng puntod at huminga nang malalim. Tahimik ang lugar, at parang hinihintay ng hangin ang bawat salitang bibitawan ko. Doon ko sinimulan siyang kausapin, na para bang andoon lang siya sa harap ko, nakangiti at nakikinig tulad ng dati.
“Hello, Evan. Andito na ako ulit. Alam kong naghintay ka sa akin. Hindi ko kinaya ang pagkawala mo kaya umalis ako pagkatapos ng libing mo. Pasensya na kung para kang naiwan dito, mag-isa. Alam mo naman kung gaano kita kamahal, Evan, diba? Salamat sa lahat ng masasayang alaala natin. Totoong minahal kita, pero kailangan ko nang mag-move forward. Hindi kita makakalimutan, at palagi kang may lugar sa puso ko. Pero hindi ako uusad kung patuloy akong kakapit sa nakaraan natin. Sana maintindihan mo ako. Mahal na mahal kita, at sana gabayan mo ako kung nasaan ka man. Paalam, Evan. Hanggang sa muli.”
Yun ang huli kong sambit sa puntod niya. Mabigat man, alam kong kailangan ko itong gawin. Nahirapan akong tanggapin ang pagkawala niya, pero oras na para tumayo, huminga, at magpatuloy para sa sarili ko.
Sa pag-alis ko mula sa puntod, dala ko pa rin siya, pero hindi na ako nakatali sa sakit. Mas handa na akong harapin ang bagong simula.
Pagkatapos kong magsalita, tahimik lang akong nakaupo habang pinagmamasdan ang puntod niya. Ramdam ko ang kirot pero iba na ngayon ang nararamdaman ko.
Hindi na siya yung nakakadurog, kundi yung sakit na unti unting ko ng natatanggap ang nangyari sa kanya. Parang tinutulungan niya akung maka pag move forward.
Tumayo ako nang dahan dahan. Minsan natutulala pa rin ako sa pangalan niya sa lapida, pero ngayong araw, iba ang naramdaman ko. Parang for the first time in a long time, hindi na ako binabalot sakit. Mas malinaw ang isip ko. Mas magaan ang dibdib ko.
Pagbalik ko sa sasakyan, sandali akong tumingin sa rearview mirror ko. Namamaga pa ang mata ko pero ayos lang. Part iyon ng proseso para maka pag move forward.
Pinunasan ko ang luha ko, huminga nang malalim, at sinimulang i-start ang engine. Habang umaandar ang sasakyan ko palabas ng Memorial Park, naisip ko na ito na ang unang araw na totoo kong tinanggap ang nangyari kay Evan.
Hindi ko siya kakalimutan lagi siyang nasa puso ko. Pero hindi na ito hahadlangan papunta sa bago kong buhay.
May training akong sisimulan bilang Vice Chairman ni Daddy.
May responsibilidad akong kakaharapin. At higit sa lahat, may sarili akong landas na kailangan kong buuin.
Habang tumatakbo ang kotse ko sa highway, pakiramdam ko unti unting bumubukas ang pinto ng bagong kabanata. Hindi man sigurado ang lahat, pero kaya ko na. Iyon ang pinakaimportanteng bagay ngayon.
Pagdating ko sa main road, binuksan ko nang bahagya ang bintana. Pumasok ang malamig na hangin at tinangay ang bigat na matagal ko nang dinadala. Hindi man ganap na nawala, pero nabawasan na. Mas kaya ko na ngayon.
Habang papunta ako sa susunod na destinasyon ko sa office ni Daddy. Pagkatapos mag Shopping ako. Hindi ko maiwasang mapangiti nang bahagya.
Dati, hindi ko maisip na aabot ako sa puntong ito, yung kaya ko nang tanggapin ang lahat na free na ako sa sakit sa pagkawala ni Evan.
“Thank you, Evan,” bulong ko sa isip ko. Panahon na para harapin ang panibagong yugto ng buhay ko.