Chapter 10: Secrets

3640 Words
Kitang-kita sa mukha ni Mr. Yuzon ang ngiti sa kanyang mukha nang muli niyang marinig ang paborito niyang awitin. Natuwa siya kay Denzel sa ginawang surpresa nito sa kanya. Samantala, napatitig naman si Denzel kay Katherine habang sinasambit ang ibang liriko ng awitin. Woah, my love, my darling I've hungered, hungered for your touch A long, lonely time Kinilig bigla si Arianne kaya naman kinikiliti nito si Katherine sa tagiliran. Si Gabriel naman ay tuluyang nawala kanyang ngiti sa mga labi. Nagsalin na lang din siya ng wine sa kanyang braso at kaagad ininom 'yon. Napansin din ito nina Patricio at Alfred. And time goes by so slowly And time can do so much Are you still mine? Napalakpak ang mga taong nanonood pati si Katherine at humiyaw pa ito. Maya-maya ay natapos kaagad ang performance ni Denzel. Bumalik siya sa dating inuupuan kung saan naroon rin sila Katherine. "Did you plan this together?" biglang tanong ni Mr. Rodelio kay Denzel. "Ako lang po. I'm just asked Katherine of what your favorite song is. She mentioned that you preferred, "Unchained Melody," paliwanag ng binata sa matandang lalaki. "Napaka-romantic! Parang noong kabataan ko pa nang hinaharana ko pa ang lola nila," pagtukoy ni Mr. Yuzon sa kanyang asawa na namatay ng dalawangpu't limang taon. "Napakaganda din ng boses mo, iho. Napakalamig." Napangiti ng todo si Denzel, "Thank you po, Sir Rodelio." "Thank you din dahil muli mong binuhay ang alaala namin ng aking yumaong asawa," pahayag ni Mr. Yuzon na may kaunting pag-flashback sa kanyang isipan. Maya-maya pa ay muling nagsalita ang MC upang mabigyan ang iba pang makapag-perform o makapagsalita sa gutna ng stage. Tumayo sa kinauupuan ang isang ginang na si Sonia Yuzon- ina ni Arianne. Nagpalakpakan ang mga tao. Mayroon pang sumunod na mga iba upag magpahayag ng pagbati at pasasalamat sa matandang lalaki. Sumunod, ang biglang pag-anunsyo ng MC ng kainan at sayawan para sa gabing 'yon. Kaya naman marami-raming tao ang pumunta sa gitna upang sumayaw. Tanging smooth at slow na love songs ang ipinatugtog gamit ang violin at guitar na background ng musika. Unang sinayaw ng dalaga kanyang lolo ng ganoong katagalan. Naupo na rin siya matapos si Arianne naman ang sumunod hanggang sa iisang anak na babae ni Mr. Yuzon na si Sonia. Mga ilang minuto pa ay may lalaking tumayo sa harapan ni Katherine- kanyang college bestfriend na si Denzel. "May I have this dance?" direktang pagyaya nito sa kanya na sumayaw. Kinilig si Arianne at napatulala naman ang iba nilang kasamahan particular kila Alfred, Patrick, Yael at iba pa nilang kasamahan. Maliban lamang kay Gabriel na tanging kalmado lang at walang reaskyon na bakas sa kanyang mukha. "Sure!" Nakangiting sagot ng dalaga sa binata saka siya tumayo at pumunta sa gitna upang sumayaw. Saktong pagtapak nila roon ay biglang nag-play ang song na "Perfect" by Ed Sheeran. Nag-slow motion ang paligid maging sa kanilang dalawa. Nakatitig lamang si Denzel kay Katherine. Nakangiti dahil natutuwa siyang masilayan muli ang kagandahan ng kanyang babaeng iniibig. Natutuwa rin siya dahil nakakasayaw niya ito. Isa sa unforgettable moment 'yon ng binata. "You really look so gorgeous, Kath." Napaka-sexy ang tinig na iyon ni Denzel na kung saan damang-dama niya ang pagmamahal para sa dalaga. Balak na rin niya mag-confess dito pero nauunahan siya ng kaba kaya hinayaan muna niyang lumipas pa ng ilang mga minuto. Kailangan niya makahugot ng lakas para umamin. "You too. Very handsome." Nakangiti ring sagot ni Katherine sa kaibigan. Gwapo naman talaga sa kanyang paningin si Denzel. Mas gwapo ito kumpara kay Gabriel pero napapatanong siya sa kanyang isip na bakit mas attracted siya sa kanyang personal bodyguard. Wala siyang maipaliwanag kung anuman nakita niya roon. Kung tutuusin na dapat kay Denzel nilaan kanyang puso dahil matagal na niya rin ito kilala at nakasama. Naging mabuti kanilang pagsasama. "Talaga?" Natatawa na kinikilig ang binata nang sabihin siyang gwapo. Maraming babaing fans na nagsasabi niyon sa kanya pero hindi siya affected. Tanging si Katherine lang nakagawa niyon sa kanya. "Oo naman. Ayaw mo ba sabihan kita ng gwapo?" Naniningkit mga mata ng dalaga sa kanyang pahayag. "Hindi naman sa gano'n!" Naiilang tuloy ang binata sa kanilang convo. "Tsk, Haze!" Dinig niya dahilan para lumagkit ang tingin niya kay Katherine. Ilang love songs na rin ang napatugtog hanggang sa lumipat naman sa kanta na "You're The Reason" ni Calum Scott. Nang mapunta na sa chorus ang song, sinubukan ni Denzel ilapit kanyang mukha sa dalaga. Wala siyang balak halikan ito. Nais niya lang titigan ang kaibigan nang malapitan pa. Si Gabriel ay nakaya ang ganoong eksena kaya naman muli siya nagsalin ng alak sa kanyang baso. "Easy lang brad, baka malasing ka." Pagpapaalala sa kanya ni Yael dahil katabi niya lamang ito. "Isasayaw mo pa si Ma'am Katherine, di ba? Nako baka mamaya na niyan amoy alak ka na. Sensitive pa naman pang-amoy niyon." Tinawanan lang siya nito at inakbayan siya sa balikat para sa konting comfort. "Matanong ko lang sa'yo, Sir Gabriel." Boses mula sa kanyang kanan- si Alfred. "Ikaw ba ay may gusto kay Ma'am Katherine?" Dahil sa tanong na 'yon ay bigla siyang nabilaukan kaya kaagad muna siyang uminom ng tubig. "Anong sinasabi mo?" Pagmamaangan pa niya sa mga ito. "Tsk, indenial pa si Boss Gabriel!" saad ni Yael sa kanya. "Hindi ako, indenial." Muli niyang pagtanggi sa dalawa dahil in the first place nagkabalikan na sila ni Hannah. Mahal niya ang girlfriend at wala sinumang babae ang makakahigit doon. Napakibit-balikat na lang si Alfred dahil sa di pa rin pag-amin ni Gabriel sa tunay na pagtingin nito kay Katherine. "Nagagandahan lang ako sa kanya." Pagdadahilan na lamang ng binata sa mga kasamahang bodyguards din. "Maganda naman kasi si Ma'am Katherine. Noon pa man eh." sambi ni Yael. "Pero magkaiba 'yon sa nagagandahan lang sa mayroong nararamdaman." Dagdag pa ni Alfred. "Ano nga ba 'yong sinabi ko kanina?" sagot ni Gabriel ng nakangisi. "Di ba nagagandahan, tzk!" Tumayo na muna ang binata sa kanyang kinauupuan para gumamit ng banyo. "Teka, saan ka pupunta?" tanong sa kanya ni Alfred. "Maglalakad-lakad lang!" Pagsisinungaling ng binata sa mga kasamahan. "Sige." "Tsk, iba talaga kapag pumapag-ibig," muli pang sambit ni Alfred at dinig iyon ni Yael. "Sinabi mo pa, brad." Pagsang-ayon ni Yael sa kanyang kanyang katabi rin na bodyguard din. "Medyo malabo din kasi kausap si Boss Gabriel, tsk!" "Tama ka nga pero sadyang ganyan talaga siya. Misteryoso." Napangisi na lamang din si Alfred sa kanyang sinabi saka uminom ng alak. And I'd climb every mountain And swim every ocean Habang nanatiling nagpi-play ang song ay muling binalak ni Denzel na mag-confess kay Katherine. Kanina pa sila nagkukwentuhan kaya naman gusto niya ibahin ang usapan. Just to be with you And fix what I've broken Bumulong siya sa dalaga upang marinig ang sasabihin, "Can I ask you something?" Pinaulit pa sa kanya 'yon ni Katherine ng dalawang beses dahil di ito marinig. Masyado kasing malakas ang sound ng music. Oh, 'cause I need you to see That you are the reason "Ah, sure. What is it?" sagot ng dalaga kay Denzel. Huminga nang malalim muna ang binata saka diretsong tumitig kay Katherine. "I'm just...." paputol-putol na pagsambit ng binata sa kanyang bestfriend. "I'm just want you to know..." Napalunok nanaman siya ng laway dahil halos nauubusan na siya ng lakas ng loob na umamin dito. "Katherine...." Napalinga siya sandali sa paligid. Sasabihin na sana niya nang biglang dumating si Gabriel. Tumitig ito kay Katherine, "Pinatatawag ka sa akin ng lolo mo. Ipakikilala ka raw niya sa mga business partners niya." Napalingon saglit ang dalaga kay Denzel senyas na nagpapaalam muna ito saglit. "Ok lang, Kath. Sige na, puntahan mo muna sila." Pilit siyang ngumiti kasabay ng biglang pagbitaw sa kanya ng kaibigan. "Babalik kaagad ako," sabi pa ni Katherine nang lumingon ito sa kanya ulit. Tumango lamang si Denzel bilang tugon. Kasalukuyang nakikipag-usap si Mr. Yuzon sa kanyang mga kasosyo nang dumating na kanyang apo na si Katherine kasama si Gabriel. "Oh, this is my grand daughter. Katherine Grace Yuzon. I mentioned her already in the stage but it's better na makilala niyo siya nang malapitan, right?" Pagpapakilala ng matandang lalaki sa kanyang apo. "This is her personal bodyguard, Luke Gabriel Bustoz." Nakipagkamayan ang dalaga sa mga ito pati si Gabriel, "Hello, nice to meet you po." "Good evening," simpleng pagbati ng binata sa mga business associates ni Mr. Yuzon. "She will be the next CEO of the company. Syempre, di na tayo bumabata at tumatanda na tayo kaya naman lahat ng aking pinaghirapan ay mapupunta sa taong higit na pinagkakatiwalaan ko." Pagtukoy pa nito kay Katherine na nanatili lamang na nakangiti kahit naiilang siya kaharap ang ganoong klaseng tao. Maya-maya pa ay dumating na rin si Arianne at ipinakilala ito sa mga business partners. Natuwa naman ang dalaga subalit bakas sa kanya ang kaba na nararamdaman. Nakarating na rin ang mag-iina na sila Avril, Alicia at Melanie sa isang selebrasyon. Hindi kaagad sila nakapasok sa loob dahil sa restrictions ng security at wala silang anumang invitational card mula sa celebrant. Inutusan lamang ng mga ito ang tauhan para makapasok sa loob mismo ng hotel. Inabot ng trenta minutos bago sila nakapasok doon. Niligaw kasi ng kanilang mga tauhan ang nagbabantay doon. Ngayon, dahan-dahan na silang naglakad papasok ng hotel. Halos maraming tao kaya nagsisiksikan ang karamihan. Galing sa C.R si Katherine kaya siya lamang ang mag-isang naglalakad pabalik sa kanilang pwesto. Balak sana siyang samahan ni Gabriel subalit tumanggi siya. Hindi pumayag ang binata sa kanyang gusto. Tanging ginawa niya lang ay takasan ito dahilan ng kanyang pamamawis ng mukha. Sa pagbaybay ni Katherine pabalik sa kanyang kinaroroonan kanina ay napatigil siya sa kanyang nagkita. Hindi siya maaaring magkamali sa napansin ng kanyang mga mata. "Avril?" gulat niyang tanong at sinundan niya ang mga ito. "Wala talaga silang patawad!" Naiinis niyang bulong sa sarili habang habol-habol pa niya sila Melanie, Avril at Alicia. Hinarangan ni Katherine ang daraanan nito at tinignan niya mula paa hanggang ulo. "What are you doing here?" tanong pa niya. "Can you please let this this party end first bago kato manggulo? Birthday ng lolo ko ngayon. Huwag niyo sanang sirain." Pakiusap pa niya subalit sarkastikong ngiti lamang ang iginawad sa kanya. "Tsk, sino ka iha? Para pigilan kami?" sambit ni Melanie na nakataas pareho ang kilay. "Igalang niyo naman sana ang may birthday. So please lang huwag kayo gumawa ng anumang eskandalo?" "Igalang? Hahaha!" natatawang reaksyon ni Avril. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" "Alam ko ang sinasabi ko. Nangugulo lang kayo sa kaarawan ni Lolo Delio," paliwanag pa ni Katherine subalit hindi naging sapat 'yon. "Hindi mo naiintindihan," giit ni Avril sa kanya. "Don't worry malalaman mo rin." Napakunot ng noo si Katherine sa kanyanf narinig. "What are you talking about? Sa totoo lang kayo 'yong walang galang dahil ninakaw niyo ang isang literary work ko." "Opps! Nagbibintang ka na. Mayroon ka bang puweba? Kasi kundi pwede ka naming kasuhan ng libel ngayon," hasik sa kanya ni Alicia. "Mabuti pa maglakad na tayo," awat ni Melanie sa dalawang anak na babae. Niyaya na lamang niya itong maglakad patungong stage subalit pinigilan siya ni Katherine. Nakaagaw ito ng atensyon sa lahat ng tao roon. "Umalis na kayo dito bago ako tumawag ng security," sabi ni Katherine sa mag-iina. "What's going on here?" biglang pagsingit ni Denzel sa kanilang usapan. Nankaki ang mga mata ni Avril at napabusangot ito nang makita muli kanyang ex-boyfriend. "Haze?" Nilingon rin siya ng binata subalit sinamaan lamang ng tingin. "Avril, ano ginagawa mo dito?" napatanong si Denzel sa kanyang nakita. Napatitig siya kay Katherine na matalim na nakatingin sa mga babaing kaharap niya. "Kilala mo siya?" Tumango ang dalaga, "Writer din siya." "Oh sis! Kaya naman pala, nakipaghiwalay sa'yo," sambit ni Alicia sa kanyang kapatid. "You have no idea kung ano kami ni Haze noon?" pahayag naman ni Avril nang may pang-iinis. "Stop it now, Avril!" sigaw na sa kanya ni Denzel dahilan para mapatulala si Katherine. "Bakit, takot kang malaman niya ang totoo?" muling saad ni Avril. Samantala si Melanie at Alicia ay tuwang-tuwa sa kanilang ginagawa lalo na nakakaagaw na sila ng atensyon. "Ano ibig sabihin nito, Denz?" Hinarap ng binata si Katherine. Napapikit siya bago muling nagsalita, "She is my ex-girlfriend. Matagal na 'yon. Siya unang nanligaw. I gave her a chance baka mag-work pero hindi. Umabot lamang ng tatlong buwan ang relationship namin," kwento ni Denzel nang may kaba sa kanyang dibdib. Naging sila noon ni Avril two years ago pa. Pumayag lamang siya makipagrelasyon sa dalaga para maranasan niya ang magkaroon ng jowa pero na-realize na napakarami ng red flags nito para pa manatili kanilang relasyon. Sa huli, si Katherine pa rin kasi talaga ang gusto niya. "It's not true, Haze. You're lying!" giit ni Avril. "Maniwala ka sa'kin, Kath," pakiusap ng binata sa kanyang best friend. "I trusted you, Denz kaysa sa sinasabi ng mag-iinang ito. Sa ginawa nila sa'kin sa novel ko, paano kong pagkakatiwalaan ang mga explanations nila?" Muling nilingon ni Katherine si Avril, kapatid nito at ina. "Wala akong pakialam sa past niyo. It happened already." Bakas sa mukha ni Avril ang inis kaya naman muling dumaldal ang ina nito upang patuloy pang sirain ang gabi. "Nasaan na si Papa? Ilabas niyo sa'kin ang lolo niyong nang-iiwan ng responsibilidad!" "Anong sinasabi niyo?" giit ni Katherine sa kanila. Tinawanan lamang siya ni Alicia na sinang-ayunan lamang ng kapatid na si Avril, "Tsk, kawawang nilalang walang kaalam-alam na matagal na pala siyang niloloko ng matandang mangloloko na 'yon at pati ng lalaking 'to." Turo nito kay Denzel. "Itigil niyo na'tong kahibangan niyo!" Nakikita na sa mukha ni Denzel ang pagkayamot sa mag-iina. Na dati ay parating maaliwalas kanyang mukha dahil parating nakangiti ay ngayon napalitan ng poot. "Hindi mo ba alam, insan?" Muli pang sambit ni Alicia nang may pang-uuyam pa. "Nababaliw na kayo!" sigaw sa kanila ni Katherine. "Bakit di mo tanungin si tanda para magkaalam na? Mabuti pa ituro mo na siya sa amin, Miss Yuzon," wika ni Melanie at kinuha nito ang microphone para mas nakaagaw ng atensyon pa sa mga tao. Bago pa man magsalita ang ginang ay kaagad na dumating si Mr. Rodelio. Natigilan siya sa kanyang nakita. Napatitig din siya kina Arianne at Katherine. "Hello, Papa happy birthday! Long time no see." Binati ng ginang ang itinuturing niya raw ama kasabay ng paglapit pa niya rito. "Hindi kita kilala. Sino ka?" Natigilan si Melanie kanyang narinig. "Napakagaling niyo talaga mag-pretend na di niyo alam, ah?" wika pa niya. "Ako lang naman nag-iisang anak mo kay Consolacion." Hindi pinahalata ni Mr. Rodelio na napitlag din siya sa kanyang narinig na pangalan. "Wala akong natatandaan?" Nagmamaang-maangan pa siya habang si Katherine ay nagpapalit ang tingin sa kanya at sa ginang. "Grabe, matapos mong buntisin ng isang gabi hindi mo na maalala? Siya nga pala inabandona niyo rin kami ni Mama noon. Wala man lang binigay na sustento at pagbisita sa kanya di mo rin nagawa." Kitang-kita sa mukha ni Melanie ang galit nararamdaman niya kay Mr. Yuzon. Kaya, ganoon na lamang ang gusto niyang makuha lahat ng nasa matandang lalaki. "What are you talking about?" Biglang singit ni Katherine ang usapan. Tinaasan siya ng kilay nina Avril at Alicia. "Lolo, tell me. Is this true?" "Kawawang paboritong apo!" Humalakhak si Melanie bilang reaksyon. "Walang kaalam-alam tungkol sa lolo niyang babaero!" "Melaine, tumigil ka na!" Pagpupumigil ni Mr. Yuzon sa kanyang anak upang unti-unting ma-confirned ni Katherine ang totoo. "Huwag mo pakinggan ang sinasabi niya, Kath. Mabuti pa pumasok na kayo sa mansion," utos niya subalit kaagad nagsalita ang ginang. "Miss Yuzon, hindi mo alam kung gaano kasama ang lolo mo?" May halong panunuya pa ang naging pahayag ni Melanie. "Stop it now!" Sigaw ni Mr. Yuzon. "Lolo, tell us the truth," aniya ni Katherine na nais niyang malinawan sa katotohanan. "Lolo..." "Huwag mo sila pakinggan. Mabuti pa pumasok na kayo sa loob ng bahay now!" Dumating pa ang isang anak ni Mr. Rodelio na si Sonia Yuzon. Bakas sa mukha niya ang pagtataka nang makita sila Melanie at mga anak nito. "Papa, sino sila?" Sinamaan niya ng tingin ang half-sister nito. "Totoo ba, Lolo na kadugo pa namin sila?" singit naman ni Arianne sa usapan. "Narinig ko ang usapan niyo, Papa!" sambit muli ni Sonia na habang inaalalayan pa siya ng kanyang asawa. "Ako lang naman bastarda na anak ng iyong ama, Mrs. Rivera?" wika muli ni Melanie dahilan upang tanungin siya nito. "Anak? Saka, paano mo nalaman ang pangalan ko?" Labis ang pagtataka ni Sonia sa kung paano nalaman ng babaing 'yon kanyang buong pangalan. "I have my own private investigator that's why..." sagot ni Mrs. Lhorin. "Pinaimbestiga mo kami for what? Di mo ba alam invading privacy 'tong ginagawa mo?" giit pa sa kanya ni Sonia. "Tumigil na kayo..." Naguguluhan na si Mr. Rodelio sa ganoong pagtatalo. "Melanie, umalis na kayo. Huwag niyong hayaan na masira 'tong party please lang." Naging kalmado na rin siya kabila ng tension. "Papa, talaga bang magkapatid pa kami ng babaing 'yan? Sumagot ka! We need to know truth, please." Halos mangiyak-ngiyak na rin si Sonia sa ganoong rebelasyon. Hindi niya akalain na nagkaroon sila ng kapatid sa labas. Huminga nang malalim ang matandang lalaki. No choice na siya kundi sabihin pa rin ang totoo. Tumango siya bilang tugon. "I'm sorry, Sonia." "Why, Papa?" saad ni Mrs. Lhorin. "It's a mistake. Hindi ko alam na magbubunga 'yon. But trust me minahal ko ang Mama niyo." Pagtukoy ni Mr. Rodelio sa yumaong asawa. "Playboy ako niyon pero nang makilala ko si Felicidad, nagbago ang pananaw ko." Dahan-dahan na paliwanag niya sa kanyang anak at mga apo. Hindi makapaniwala si Melanie maging mga anak nito. "Nagsisinungaling kayo!" giit ni Alicia. "Sinungaling. Iniwan mo sila habang pinagbubuntis si Mama. Pinabayaan mo siya." Alam ni Mr. Rodelio na nagkamali siya noon pero labis na niyang pinagsisihan kanyang nagawa. Marami rin siyang naging pagkukulang at kasalaban maging sa ina ni Katherine. Matanda na siya ngayon at kailangan na niyang itama ang nakaraan. Biglang lumitaw rin sa usapan si Gabriel na walang alam sa nangyayari dahilan upang mas natuwa pa ang mag-iina. "Hey, nandito rin pala anak ni Sebastian ah! Grabe ka talaga, Papa," sambit ni Melanie upang mabaling sa kanya ang tingin ni Katherine. "Umalis ka na, Melanie. Kung gusto mo ng pera ibibigay ko." Pagdepensa ni Mr. Yuzon. "Gabriel pakihatid mo na si Katherine sa mansion." Akmang hahawakan na siya ni Gabriel nang biglang pumiglas ang dalaga. "Tito Seb?" Humalakhak pa ang ginang, "Di mo rin alam?" "Kawawa naman pala siya!" Nakangising saad ni Avril. "Di niya alam na ang personal bodyguard na ipinalit ay anak lang naman ni Sebastian Bustoz na itinuring mo rin parang ama." Nanginginig ang buong katawan ni Katherine sa kanyang narinig. Sinamaan niya ng tingin si Gabriel. "Grabe ka, Papa. Ginamit mo pa talaga ang mag-ama na 'yan para masunod at magawa lahat ng gusto mo," dagdag pa ni Melanie. "Di ba siya sana pakakasalan ni Solemn pero nagmatigas ito at sumama sa babaerong ama ni Miss Yuzon? Di ba nagalit ka ng time na 'yon at itinakwil mo sila?" "Walang katotohanan ang sinasabi mo, Melanie." Pagde-deny pa ni Mr. Yuzon dahil ayaw na niya alungkatin pa ang nakaraan. "Sino ang sinungaling sa'tin ngayon, Papa?" Sinensyasan na ni Mr. Rodelio kanyang mga tauhan na palabasin na ang mga unexpected at walang kwentang visitors nila. "Di mo rin alam 'yon, Miss Katherine. May love triangle pa lang nagaganap sa pagitan ng magulang mo at sa itinuring mong ama?" Patuloy pa rin ang ginang sa panunulsol habang hilang-hila na sila palabas ng compound. "Don't touch me!" Sigaw nina Alicia at Avril. "Di totoo 'yan." Pilit na lang tumatanggi si Katherine sa kanyang narinig. "Magkaibigan lang sila ni Mama." "Magkaibigan nga ba o magka-i-ibigan?" "Palabasin niyo na 'yan!" Muling utos ni Mr. Rodelio sa mga tauhan. "Teka, di pa ako tapos!" Sigaw ni Melanie na patuloy na nagpupumiglas subalit di niya ito kinaya. Nang makaalis na ang mag-iina ay kaagad namang inatake sa puso si Mr. Yuzon. "Lolo..." sambit ni Katherine sabay na umalalay sa matandang lalaki. "Lolo." "Tumawag kayo ng ambulansya, bilis!" utos kaagad ni Warren na personal secretary ni Mr. Yuzon. Dumating kaagad ang ambulansya at kaagad inilapat doon ang katawan ng matanda habang habol-habol pa ito ni Katherine. Kaagad siyang pinigilan ni Warren. "Dito lang po, Ma'am. Di po kayo pwede sumama. Balitaan ko na lang kayo sa kalagayan niya." Pagkatapos, niyon umandar na ang sasakyan papalayo sa kanilang compound habang si Katherine ay halos di mapakali sa kanyang kinatatayuan. Napagdesisyon nang ihatid na lang muna ito sa kanyang silid upang makapagpahinga. Natulala lamang si Gabriel sa nangyari at halos di makapagsalita. Nabunyag na ang tungkol sa kanyang pagkatao na matagal niyang itinatago. "Aalis na muna ako, Kath. If you need someone to talk to nandito lang ako," sambit ni Denzel sabay hinalikan nito sa noo ang kanyang babaing iniibig. Napansin din 'yon ni Gabriel na naka-antabay pa rin sa CCTV camera ng silid ng dalaga. "Ok, I have to go now. Good night," huling kataga sabay na inalalayan si Katherine sa paghiga nito sa kama. Pinatay niya ang ilaw nito at naglakad na palabas ng silid. Bago pa man siya makalayo ay nag-iwan muna siya ng isang mensahe para sa dalaga. "I love you, Kath." Pagkatapos, nagtungo na siya palabas ng mansion. Samantala, si Gabriel naman ay lihim na binuksan ang lagusan patungo sa silid ni Katherine. Maingat lamang siya pumasok. Tumitig siya sa mahimbing na tulog ng dalaga. Labis ang kalungkutan kanyang nararamdaman dahil di niya na alam kung muli pa silang magkakasundo ni Katherine matapos nitong malaman ang totoo. Bago pa man niya lisanin ang silid ay nag-iwan din siya ng mensahe sa dalaga. "Patawad, Miss Yuzon. Hindi ko hangad na saktan ka ng ganito. Sana mapatawad mo pa rin ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD