Kasalukuyang binabaybay nila Katherine ang daan patungong hospital kung saan naka-confine kanyang lolo. Hindi siya mapakali na di nakikita ang tunay na kalagayan nito. Nang nakarating na sila ay napagdesisyunan nilang maghiwa-hiwalay dahil bawal sa ospital ang maraming bisita at baka mapagdududahan silang mga kriminal. Tanging sila Katherine, Arianne at Gabriel ang unang nagtungo sa kung saan naka-confine si Mr. Yuzon.
"Uy, Ma'am Katherine!" gulat na saad sa kanya ni Hilario. Isa sa assistant personal bodyguard ng matandang lalaki. "Di ba masyadong delikado para sa inyo ang lumabas ng ganito?"
"Alam ko pero gusto ko lang talaga makita si lolo. Kamusta siya?" tanong ng dalaga nang may kasabikan makita si Mr. Yuzon.
Ilang segundo bago nakapagsalita si Hilario, "Ayos naman siya kaso sabi ng doctor kailangan niya magpahinga. Sa tagal ng panahon, ngayon ulit siya inatake ng sakit sa puso," pagpapaliwanag ng lalaki sa kanila. "Paalala pa ng doctor kailangan ng iwasan na ng lolo mo ang mga bagay na nagbibigay sa kanya ng sama ng loob."
Napatango-tango ng dalawa bilang kanyang reaksyon sa nalaman. Naawa siya sa sitwasyon ni Mr. Yuzon. Matanda na rin ito para magkaroon ng masyadong alalahanin.
"Saan siya? Gusto ko makita si lolo..." Pakiusap ni Katherine nang mahinahon kay Hilario. "Kahit sandali lang mabisita namin siya at aalis man din kami kaagad."
"Sige po, Ma'am Katherine." Itinuro sa kanyang ng binata at hinatid na kung saan naroon si Mr. Yuzon. Nakahiga, may nakakabit na oxygen at binabantayan din siya ng tatlong bodyguard nito sa loob ng silid.
Dahan-dahang lumapit ang dalaga habang tinitignan niya ang kalagayan ng matandang lalaki. Bakas din sa mukha ni Arianne ang nararamdaman sa kanyang nakikita. Samantala, nanatili lamang na kalmado si Gabriel.
"Lolo..." Mahina subalit halos mangiyak-ngiyak na saad ni Katherine. Naupo siya sa gilid ng kama at muling tinititigan ito. "Kamusta kayo? Pasensya na kung nagawa naming lumabas ngayon dahil di po ako mapakaling di ka makita at malaman ang kalagayan mo."
"Huwag po kayo mag-alala, Ma'am Katherine at Ma'am Arianne. Gagaling din kaagad si Sir Rodelio. Sabi ng doctor malakas ang resistensya niya kayq magagawang labanan niya ang sakit," sambit ni Carlosin na siyang personal bodyguard din ni Mr. Yuzon. Sinang-ayunan din ito ng dalawa pa niyang kasamahan na sina Francis at Jonathan.
Apatnapung minuto silang nanatili roon hanggang sa napagdesisyunan nilang lumabas na ng silid. Kailangan nilang bumalik kaagad dahil nanatili pa rin delikado sa kanila ang gumala. Hinayaan muna nilang makapunta roon sila Alfred at iba para madalaw din kanilang amo. Nagkita na lamang sila sa isang waiting shade ng hospital.
Nilakasan ni Gabriel ang loob na kausapin si Katherine upang humingi siya ng tawad. Hindi niya matinis ngayon na manatili silang gano'n. Sanay na siyang nagkakausap sila ng dalaga.
"Pwede ba tayo mag-usap?" tanong kaagad ng binata. Nagsialisan kaagad kanilang mga kasama pati si Arianne.
Natigilan ang dalaga sa kanyang paglalakad. "Ano pa pag-uusapan natin?"
Napabuntong-hininga na si Gabriel. "I'm sorry." Tanging iyon lamang nasambit niya dahil inuunahan siya ng kaba.
Ewan ba sa kanya na kung bakit nakakaramdam pa siya ng gano'n dahil sanay na siya at dahil di dapat nangingibabaw sa kanya ang emosyon. Pero bakit ngayon para siyang nanghihina sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib.
Hindi pa rin siya nililingon ni Katherine. "Iyon lang ba sasabihin mo?" Malamig na pahayag ang muling bumungad kay Gabriel. First time niyang makita ng gano'n ang dalaga lalo na mas kilala ito sa pagiging masayahin, palabiro at sa pagiging matigas na ulo. Ngunit ngayon, parang di na niyang magagawang makapagsalita nang maayos dahil sa malamig nitong boses.
"Gusto ko lang mag-sorry dahil di ko nasabi sa'yo ang totoo," muling paliwanag ni Gabriel subalit hindi naging sapat iyon sa dalaga.
Ngayon hinarap na siya ni Katherine at tumitig sa kanyang mga mata. "Sana noon pa lang sinabi mo na."
Tinalikuran na ng dalaga ito subalit sandali siyang natigilan nang magsalita pa si Gabriel.
"Gano'n ba kahirap para tanggapin ang pagkakamali ko? Pero bakit..." Huminto saglit ang binata dahil napansin rin niyang naging unfair sa kanya si Katherine. "Ang lalaking 'yon napakadali mo lang patawarin kahit tinago din niya ang dating relasyon sa babaing nanggulo sa birthday ni Sir Rodelio?"
Sa halip na sagutin iyon ng dalaga ay mas pinili niyang naglakad na lamang pabalik sa kanyang silid. Ayaw na muna niyang kausapin ang binata. Mas labis siyang nasaktan sa ginawa nitong paglihim kaysa sa ginawa ni Denzel sa kanya na itinago ang dating relasyon nito kay Avril. Mahal na niya kasi si Gabriel kaya siya ng nasasaktan ng gan'on. Masakit naman talaga kapag ang taong mahal mo ay naglihim sa'yo. Wala siyang kaalam-alam na anak pala ito ng kanyang Tito Sebastian. Kaya pala gano'n na lang na pakiramdam niya na pamilyar siya sa kanyang personal bodyguard sa tuwing tumititig siya sa mga mata nito. Wala siyang alam ang personal bodyguard ngayon ay ang anak ng taong itinuring niyang ama noon. Kaya labis na lamang ang panlulumo ni Katherine sa nalamang katotohanan.
Napasamo muli ng noo si Gabriel at bumalik na lang din kanyang silid. Masyado na siyang napapraning dahil di malaman kung bakit ganito kanyang nararamdaman. Kung bakit masyadong big deal ang pagbalewala sa kanya ni Katherine. Samantala, hindi na 'yon parte ng kanyang trabaho na dapat di siya apektado.
Kinabukasan ay nag-impake muna ng mga gamit si Gabriel. Balak na muna niyang umuwi sa kanila sa probinsya. Nami-miss na rin nito ang pamilya at gusto na niyang makita si Hannah. Halos magtatatlong buwan na siyang di umuuwi. Nakapagpaalam na rin siya kay Sir Warren na mawawala muna siya ng limang araw bago bumalik.
Sa kabilang dako naman ay masayang nagkukwentuhan ang mag-iina na sila Melanie, Avril at Alicia.
"Sa wakas, nagawa na natin siraan silang lahat." Tawang-tawa na sambit ni Melanie.
"Yeah, Mama. Dahil dyan eh magkakaroon na ng lamat bawat isa kanila ngayon. Kumbaga, di na pagkakatiwalaan ang bawat isa kaya mas madali natin mababawi ang para sa atin at kay lola," saad naman ni Avril nang may pagsang-ayon sa sinabi ng kanyang ina.
"Malamang nagkakagulo-g**o na sila ngayon," nakaismid pang tugon ni Alicia.
"Maganda para mas madali pang maisakatuparan ang susunod na plano," aniya muli ni Avril na siguradong-sigurado na siya na malulupig nila ang pamilyang Yuzon.
"Lalo na, nasa ospital ngayon ang matanda." Napailing kay Melanie ang panganay nitong anak.
Natigilan sandali ang dalaga, "Totoo ba 'yang narinig ko?"
Tumango lamang ang ginang bilang tugon at may kasunod pa itong halakhak.
"Napakagaling pala natin umakting, Mama. Very effective!" Napalakpak naman si Alicia sa kanyang nalaman. "How did you get that info, anyway?"
"Syempre sa mga tauhan natin." Pagbibida pa ni Melanie sa kanyang mga anak.
Nababakas sa kanilang mukha ang determinasyon na makuha ang yaman ng mga Yuzon. Gagawin lahat upang makahiganti at makuha ang lahat para sa kanila.
"Patikim pa lang, 'yan pero halos mabaliw na si Katherine," wika ni Avril nang may abot ang ngiti hanggang tainga.
"Sinabi mo pa, Sis! Halos mangiyak-ngiyak na siya kagabi sa natuklasan niya," tugon naman ni Alicia. "Look, she really have no idea that guy is your ex-boyfriend."
Napahalakhak muli si Avril, "Now, Haze lied to her. Nakakatuwa lang. Kahit itinuring niyang kaibigan nagawang maglihim sa kanya. Amazing!"
"Anyway, may balak ka pa bang makipagbalikan sa kanya?" Pag-iiba ni Alicia ng usapan. "Did you still love him?"
"Maybe no? Pero magagamit din natin siya sa mga plano natin." Buong tiwala sarili nilahad ni Avril ang naiisip na plano para sa susunod na hakbang.
"Yes, you're right my dear daughter. We can use him against Yuzon family," pagsang-ayon ni Melanie sa suwestiyon ng kanyang anak.
Sabay-sabay muli silang humalakhak kasabay ng pag-angat ng kanilang baso na may lamang alak.
Isang selebrasyon para sa naging successful plan nila laban kina Katherine at Mr. Rodelio.
Kaharap ngayon ni Gabriel ang kasintahan na si Hannah. Niyaya niya itong kumain sila sa labas at mamasyal. Naroon sila sa isang restaurant at nasa kalagitnaan na sila ng pagkain.
Nagkukwento ang dalaga sa kanya subalit wala rito ang kanyang isip dahilan para mairita si Hannah.
"Hey, Luke! Nakikinig ka pa ba?" Bakas sa itsura ng babae ang pagkainis. Kanina pa siya nagkukwento pero di naman pala nakikinig sa kanya ang kasintahan. "May problema ba?"
Binagsak nito ang kamay sa mesa upang gumawa ng sandaling ingay. Nakaagaw iyon ng atensyon sa ibang tao sa loob ng restaurant pati si Gabriel nagulat din.
"Ahm, ano nga ulit 'yon?" Napatitig na rin ang binata kay Hannah.
"Tsk! Akala ko man lang nakikinig ka diyan." Pagtataray pa sa kanya ng girlfriend.
"Sorry. May iniisip lang," paliwang ni Gabriel.
"Oo, halata nga eh. Tungkol saan nanaman ba iniisip mo?" May kalakasang tinig na tugon ni Hannah sa binata.
"Sa trabaho lang pero ayos naman. Walang problema," muling paliwanag ni Gabriel.
"Minsan na nga lang tayo magkita, Luke. Bakit di mo magawang bitawan ang trabaho mo kahit ngayon lang. Akala ko ba kapag magkasama tayo, ako lang iisipin mo?" Damang-dama sa boses ni Hannah ang pagkainis sa ganoong sistema ng kanyang kasintahan. Naiisip niya tuloy kung tama pa ba na makipagbalikan pa siya rito?
"Sorry, talaga babe! Di na mauulit, ok?" Muling nagpapaliwanag si Gabriel upang mapakiusapan ang dalaga.
Pagkatapos nila kumain ay nagtungo pa silang dalawa sa isang parke at muling nagkwentuhan. Pero bago 'yan bumili muna sila ng dessert na kakainin habang tumatambay sa lugar.
"Ano nga pala 'yong kinukwento mo kanina?" tanong ng binata ulit. Mabuti na lang nawala na ang pagkairita ng girlfriend. Pinagbigyan siya nito at nagawa niyang makinig sa mga kwento ni Hannah tungkol sa trabaho nito bilang photographer at painter.
Nang magagabi na ay kaagad na hinatid ni Gabriel si Hannah sa bahay nito bago nagpaalam at nagtungo pabalik ng kanilang bahay.
Pagkapasok pa lang niya ay sinalubong na siya ng kanyang ina na katatapos lamang gawin ang gawaing bahay.
"Nandiyan ka na pala, Gabriel. Kamusta ang date?" Bungad sa kanya ng ina. Umupo ito sa sofa at ganoon rin siya.
"Ayos po, Mama. Dami kong na-missed base sa mga kwento sa'kin ni Hannah," tugon ng binata.
"Mukha nga kasi ilang beses 'yon nagtatanong sa'kin kung kailan ang balik mo eh. Pero nang sinabi kong uuwi ka pinaalam ko kaagad sa kanya," sabi muli ng kanyang ina na si Elena.
"Oo, kasi grabe magtampo si Hannah tsk," aniya ni Gabriel kung gaano kairitahin kanyang girlfriend kapag di siya pinapansin nito.
Pagkatapos ng sandaling kwentuhan ay nagpunta muna si Gabriel sa kanyang silid. Huminga nang napakalalim at napatitig sa sarili sa salamin. Napapansin niya kasi kanyang pagbabago sa nararamdaman sa girlfriend. Nagi-guilty siya dahil tila nagtataksil siya rito.
"Simpleng paghanga lang 'yon, Gab!" sabi niya sa sarili habang nakaharap pa rin sa salamin. "Si Hannah pa rin ang mahal mo. Wala sa pananaw mo ang mangloko at manakit ng damdamin ng mga babae."
Pagsapit ng alas-otso ay kumain na rinnsila ng gabihan nang biglang tumunog ang cellphone ng ina ni Gabriel.
"Hello, Lea napatawag ka?" sagot kaagad ng ginang sa panganay na kapatid na babae ni Gabriel. Si Leanne. Ang unang nag-asawa sa kanilang dalawa pagka-graduate. Kaya, simula namatay kanilang ama siya na ang kumayod para sa pamilya matapos makagraduate. Walong taon siya nag-aral niyon at itiniis lahat para makapagtapos.
"Mama, pupunta kami bukas diyan para makasama at makita naman si Gab habang bakasyon niya pa," sabi pa ng kapatid na babae.
"Sige!" mabilis na pagsang-ayon ng ina sa kanyang panganay na anak.
"Magdadala kami ng pagkain diyan. We can celebrate para makapag-bonding naman tayo," saad pa ni Leanne.
"Walang problema," walang gatol na sagot ni Elena. Humarap ito kay Gabriel, "Bukas pala pupunta dito ang ate mo. Maghahanda daw tayo bukas. Kaya, papuntahin mo na rin dito sa Hannah."
"Sure, Ma. Ite-text ko kaagad siya."
Kinaumagahan, ay abala silang naghahanda ng pagkain para sa simpleng bonding ng pamilya. Saktong alas-diyes ang pagdating ni Hannah sa bahay nila Gabriel.
"Maupo ka, babe!" sabay alok nitong tumungo sa salas. "Sandali lang magbibihis muna ako."
Pagkaraan pa ng ilang oras ay dumating na rin ang ate ni Gabriel na si Leanne kasama ang asawa at anak nito. Nagbeso-beso muna silang lahat bago sinimulan ang simpleng salo-salo.
"Kailan ka pa dumating, Gab?" tanong sa kanya ng kapatid na bitbit na dalawang taong gulang na bata.
"Noong Martes pa lang," mabilis na sagot ng binata rito. Napatangu-tango lamang ang panganay na kapatid.
Nagkwentuhan pa silang lahat habang kumakain sa hapag hanggang sa napag-usapan na ang tungkol sa kanilang kasal.
"Iyong wedding niyo kailan ba hehe?" Na-e-excite na sabi ni Leanne kay Gabriel dahilan napatitig siya sa kanyang girlfriend.
Nilunok niya muna ang laman sa kanyang bibig bago nagsalita, "Pinaghahandaan pa namin sa ngayon 'yan."
"Yes, Ate Lea. Mas maganda na pinaghahandaan ang kasal." Kapansin-pansin sa mukha ni Hannah ang di pa kasiguraduhan sa ganoong desisyon.
"Hindi naman po kami nagmamadali. Darating din kami diyan sa tamang panahon," paliwanag muli ni Gabriel habang pilit niyang di maging awkward kanyang magiging impression sa mga kamag-anak.
"Nako, dapat magplano na kayo ah. Tumatanda na rin kaya kayong dalawa eh." Sa naging pahayag ni Leanne ay dahilan upang sitahin siya naman siya ng kanyang ina.
"Huwag mong pangunahan ang kapatid mo, Lea. May sariling desisyon si Gab ay si Hannah. Hayaan mo sila kung kelan nila balak mag-asawa."
Tama nga naman ang ginang sa kanyang sinabi. Mas maigi talagang ipinaghahandaan ang ganoong klaseng mga bagay para walang pagsisihan pa sa huli.
"Ok lang, Ma. Mas mabuti na lang din pinaalala sa'kin ni Ate Lea baka kasi naiinip na rin itong si Hannah," pabiro pang tugon ni Gabriel dahilan para mas lalong mailang ang girlfriend nito at magtawanan ang ilan sa kanila.
"Ayiee!" pang-aasar naman ng kapatid pa niyang babae na sumunod sa kanya. Si Lorielyn- na kasalukuyan nang nag-aaral sa kolehiyo.
"Na-e-excite na rin ako maging abay din ulit," sabat naman sa usapan ng pinakabunso sa kanilang magkakapatid na si Larry.
Kaya naman mas lalong lumakas ang tawanan sa isa't isa habang sinasalo ang araw na 'yon bilang bonding ng isang pamilya.
Pagkatapos ng salo-salo ay inihatid muna ni Gabriel si Hannah sa bahay nito.
Nagulat na lang ang binata nang bigla siyang hinalikan siya ni Hannah sa kanang pisngi.
"Mag-iingat ka..." sabi ng dalaga bago tuluyang nakapasok ng kanilang bahay.
"Good bye, babe. See you," kanyang huling saad bago naglakad na palayo sa tahanan nila Hannah.
Napawi ang ngiti ng binata sa kanyang labi nang pumasok sa isip naman niya si Katherine. Napabuntong-hininga siya bago tuluyan siyang nagmaneho ng kanyang motorsiklo.
Pagkarating niya sa bahay ay kaagad siyang nagpahinga sa silid. Kaninang maingay ay napalitan muli ito ng katahimikan.
Binuksan ni Gabriel kanyang facegram account at biglang nag-notify ang gc ng kanyang kasamahan sa mansion. "Team Seryoso" ang pangalan ng kanilang group chat. Na-mention nito kanyang pangalan sa gc.
Yael: Boss @Gabriel. May ipapakita kami sayo.
May pinadala ngang litrato kanyang kasamahan. Larawan nina Katherine at Denzel 'yon. Biglang napakunot kanyang noo sa nakita.
Yael: Selos yarn?
Alfred: Baliw ka talaga.
Patricio: Hala, ba't mo sinend?
Gabriel: Paano nakapasok siya sa loob ng silid ng mga babae?
Yael: Ano pa? Pinadalhan kami ng mga pagkain dito sa mansion.
Patricio: Ibang klase talaga si Denzel. Todo effort para kay Ma'am Katherine.
Yael: Sinabi mo pa.
Gabriel: So, pumayag pa rin kayo?
Alfred: Actually, si Sir Warren nag-allow sa kanya.
Yael: Nako msy naaamoy na'kong nagseselos dito tsk!
Gabriel: Baliw. Ilusyon niyo lang 'yon!
Patricio: Pero boto naman ako kay Sir Denzel kung sakaling maging sila ni Ma'am Katherine.
Yael: Pat, ano sinasabi mo dyan?
Patricio: Alam ko sinasabi ko.
Yael: Baliw, may masasaktan! Sira ka talaga.
Gabriel: May girlfriend ako guys kaya ilusyon niyo lang 'yang nasa isip niyo.
Yael: Weh?
Gabriel: Send ko dito sa GC pics naming dalawa?
Walang alinlangan na ipinasa nga sa GC ni Gabriel ang larawan kung saan magkasama sila ni Hannah.
Gabriel: Kanina 'yan habang nagdi-date kami.
Patricio: Meron na pala jowa 'yong tao, Yael. Sisiraan mo pa silang dalawa.
Gabriel: Sige guys, iwan ko muna kayo dito.
Umalis na ng group convo ang binata. Sinave niya ang pics na 'yon sa kanyang phone at muling tinititigan si Katherine kasama ang best friend nito.
Tinignan niya ng diretso ang mukha ng dalaga dahilan upang mas bumilis ang t***k ng kanyang puso. Kung nagawa man niya magsinungaling sa mga kasamahan pero sa kanyang sarili ay hindi. Unti-unti nang maliwanag sa kanya ang tunay nararamdaman sa dalaga. Sino ba naman kasi na lalaki na di magkakagusto sa tulad ni Katherine? Mabait at masayahing tao ito. Naalala niya kung gaano siya ka-thankful sa dalaga na ibalik siya nito sa pagiging bodyguard. Kung di dahil sa kanya maaaring wala siyang trabaho ngayon.
Isa si Katherine na bukod tangi para kay Gabriel na di niya maitatanggi pa. Napakadaling mahalin. Naging amo lamang siya niyo ngunit halos napakalaki nitong naitutulong sa kanya na sa halip si Hannah ang gumagawa nito. Sa tagal na rin ng relasyon nila ng kasintahan never pa niyang maramdaman na supportive ito sa kanya. Oo mas sweet ang girlfriend kumpara kay Katherine. Pagdating sa pagsuportang moral ay di naman niya ito maramdaman na kadalasan siya pa mismo ang gumagawa noon kay Hannah. Ayaw sanang ipagkumpara ang dalawa subalit may naghuhudyat sa kanya na isipin 'yon.
Muling nakabisita si Denzel kila Katherine. Sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang nakatungo sa napakaganda at laki ng silid ng dalaga.
"Mukhang masyado mahigpit ang security system ng gadget na ginagamit ni Avril. Di namin magawang ma-hack ni Nina kahit anong possible ways gawin namin." Pagtukoy ng binata sa kung paano ginagawa ang proseso upang matukoy ang access ng dating ex-girlfriend. "I can't believe pati itong pagnanakaw ng isang literary works nagawa niya rin? Ibang klase. Hindi na siya 'yong babae na nakilala ko dati."
"Siguro, di mo lang siya nakilala ng husto," tugon ni Katherine habang kinakalikot din niya ang laptop. Balak pa kasi niya magpasa muli ng manuscripts mula sa ibang publishing company.
"Probably!" pagsang-ayon ng binata. "Tutal ilang buwan lang naman naging kami that time. First of all, siya pa unang nanligaw sa'kin. Baliktad, hahaha." Hindi maiwasan ng binata ang di matawa sa ganoong attitude ng dating kasintahan. "I'm just trying if magwo-work at magkakaroon na talaga ako ng serious relationship pero nauwi sa maagang hiwalayan."
Napalingon saglit ang dalaga sa kinauupuan ng kaibigan, "Pero bakit ka nga pala nakipag-break sa kanya?"
Napakibit-balikat lamang si Denzel sa kanyang pagsagot, "Masyadong clingy and always seeking for attention which makes me turned me off. Ayaw ko talaga 'yong masyadong pinangungunahan ako sa lahat ng bagay at parating dikit ng dikit. Alam mo ba 'yon?"
"Yeah, I knew it. Dati mayroon tayo naging classmate katulad niyan. Lalaki nga lang siya." Pagdaragdag pa ng dalaga sa kwento ng binata sa kanya.
"If I love the person, di ko kailangan maging clingy. I'm just give her what she really needs- hindi 'to patungkol sa financial needs and material things, ah. Something na mararamdaman niya that I love her more than the way she is."
Napatangu-tango naman si Katherine dahil napasasang-ayon siya sa sinasabi sa kanya ng kaibigan. Nakita niya talaga kung gaano ka-determined sa kanya si Denzel kahit walang kasiguraduhan. Para sa kanya ang kaibigan ay ang tipo na di magsasawa na magmahal hangga't kaya niya at hangga't may nakikitang pag-asa. Parehas silang single so mas malaki pa ring pag-asa. Feelings niya para kay Gabriel ay walang kasiguraduhan since kitang-kita niya kung gaano kamahal nito ang kasintahan.
Marami pa silang napag-uusapan ni Denzel kaya naman di siya madali maburyo kapag kasama ito. Kahit mapa-small talks and deep talks kayang sabayan ng binata.
"Di talaga maka-access!" biglang sabi nito nang muling nag-fail for the fiftth attempt. "I'm sorry, Kath. But I will promise mahuhuli natin sila. Prove to the public that you're innocent."
"You don't have to say sorry, Denz. It's not your fault, ok? You're doing this to help because you feel how so much hard I write then now it is claiming by anyone else," pagpapaliwanag nang mahinahon ng dalaga sa kaibigan.
Masyado na ring maraming naitulong ang binata sa kanya. Ayaw na niyang ma-pressure pa ito ng todo dahil baka iyon maging dahilan pa upang masira ang career ni Denzel.
"Pero, Kath. We're friends, right? Kilala mo'ko." Patuloy pa rin ang kaibigan sa pagmamatigas.
"Oo, I know Denz pero hindi mo pwede lahat maging responsibility," muling giit ni Katherine rito.
Pagakatapos niyon ay muli silang tumutok sa monitor ng computer. Mabilis na magbago ang mukha ni Katherine sa kanyang mga nakita. Rejections mula sa sampung publishing company na inapplyan niya. Mas lalo siyang nawalan ng pag-asa sa pagsusulat. Ganoon na lamang kabiilis upang masira ang imahe niya sa pagiging manunulat. Kahit sa dating pinasahan niya ng stories ay ni-reject din kanyang manuscript.
Kaagad napansin ito ni Denzel nang napalingon sa kanya, "Hey, Kath!" saad nito at lumapit sa kanya. "Why?"
Napatitig ang binata sa screen ng laptop ni Katherine. "Balang araw, ma-e-enlightened din sila sa katotohanan. We have to get more concrete evidence to prove na ikaw naglikha ng akda na 'yon."
Sinusubukan ng kaibigan pakalmahin ang dalaga na nagpipigil lamang ng lumuwa. Kitang-kita niya ang labis na pagkalungkot at pagkabigo nito sa nangyari.
Sa ganoong sitwasyon nila ay kaagad bumukas ang pinto ng silid ni Katherine. Niluwa nito sina Arianne at Gabriel.
Napalinga-linga lamang kanyang pinsan habang si Gabriel naman ay maipinta ang itsura nito.
"What are you doing here?" wika ni Katherine na halatang nagulat sa biglaang pagpasok ng kanyang personal bodyguard sa kwarto nito.