Chapter 12:Disagreement

3554 Words
"Kath, nagpupumilipit kasi siyang pumasok eh!" Di mapalagay na saad ni Arianne. Bakas kay Gabriel ang pagkainis sa kanyang nakita. "Bakit hinayaan mong magpapasok ng bisita dito, Miss Yuzon? Mayroon tayong library, dining room, salas." Kaya naman biglang nakatayo si Denzel sa kanyang kinauupuan. "He is my friend. Wala ka na do'n," matalim na pagsagot ni Katherine kay Gabriel. "Saka, lalaki siya at babae ka, Miss Yuzon. Paano mo hinayaan mo ang sarili na gawin 'to, ah?" giit muli sa kanya ng personal bodyguard. Tinaasan niya ito ng kilay at nilapitan si Gabriel. Pipigilan na sana ito ni Denzel subalit tumanggi ang dalaga. "Who are you para pangunahan ako sa kung sino ko patuluyin sa kwarto ko? You're just my bodyguard!" Tinamaan roon si Gabriel sa naging pahayag sa kanya ni Katherine. "Tama na 'yan, Kath. Much better doon na lang tayo sa library or sa salas niyo." Pilit na pag-aawat na lang nais gawin ni Denzel. Ramdam niya kung gaano pabigat ng pabigat ang tensyon ng dalawa. "Your personal bodyguard is right. Wala akong lugar dito. I'm sorry if lumampas na'ko sa boundaries." Dugtong pa muli ng binata sa kaibigan. "Pinoprotektahan ka lang niya, Katherine." Pagbibigay-linaw lamang ng binata subalit hindi ito nasunod. "Wala kang kasalanan, Denz. In the first place ako 'yong masusunod. Hindi siya," muli pang hasik ni Katherine. "At sinasabi mong protection? Di ako naniniwala diyan. He is just doing this for his own sake para maging bida siya sa harap ni lolo." Inawat na nga ng binata ang dalaga dahil para di na lumalala pa ang away sa pagitan ng dalawa. "Tara na, Kath. Huwag niyo nang painitan pa lalo mga ulo niyo. Just relax ok." Inalalayan na nga ni Denzel si Katherine na makalabas ng silid. "I'm sorry. Kakausapin ko na lang siya." Bilin na lang nito kay Gabriel. Pagkalipas ng limang oras ay pansamantalang nakatambay ang binata sa balcony. Malayo ang iniisip. Nabalik lamang siya ulirat nang lumapit sa kanya si Arianne. "Gusto mo siya di ba?" Nagulat si Gabriel sa naging tanong nito sa kanya. "No. Mayroon akong girlfriend." Pagsisinungaling pa niya sa pinsan ni Katherine. "Pero si Kath ang gusto mo, Sir Gabriel. Kitang-kita ko kasi kung gaano ka nagselos nang makita mong magkasama sila kanina ni Kuya Denz eh." Wala ng takas ang binata sapagkat huli na siya. Ganoon ba ka-obvious para mapansing nagseselos nga siya? "Alam mo, first time kong makita ng gano'n si Kath na magalit sa tagal namin magkasama," kwento pa ni Arianne sa kanya. "Hanggang ngayon mainit pa rin ang dugo niya sa'kin." Napabuga nang hangin si Gabriel. "Di ko alam kung bakit. Sinusubukan ko naman na maging nice na sa kanya para wala ng tensyon pero gan'on pa rin." "Nagsinungaling ka kasi sa kanya. Di mo kaagad sinabi ang totoo. Si Kath kasi ang tipong nagiging aggressive pagdating sa taong mahalaga sa kanya. Kitang-kita ko gaano siya magalit kanina eh. Kitang-kita ko rin noon kung gaano niya pilit na isinisisi ang sarili sa pagkamatay ni Tito Seb." Napalingon ng diretso si Gabriel kay Arianne matapos marinig ang pangalan ng kanyang ama. Hanggang ngayon wala pa siyang nakukuhang lead kung sino pumatay rito. "Tapos, heto dumating ka at nalaman niyang anak ka ng isang taong halos itinuring niyang ama at namatay rin dahil sa kanya. Siyempre iba mararamdaman niyon ni Kath kundi guilty sa sarili niya." Pilit na lamang mapigilan na maging affected sa mga pahayag ni Arianne sa kanya. Masasabing mas lumalalim pa ang nararamdaman niya para kay Katherine. Dati rati kapag magtatalo sila nito ay balewala sa kanya at ang mahalaga magawa niya ang trabaho higit sa lahat siya ang masunod. Pero sa nangyaring sagutan nila ng dalaga ay nasaktan siya sinabi na personal bodyguard lang siya nito. "Kahit ako natatakot na maging gano'n siya. Di ko siya masisisi kasi mahirap ang pinagdaraanan niya," muli pang saad ni Arianne. "Mahal mo siya di ba? Bakit di mo siya gawing suyuin para maging ok ulit kayo? Mas masaya din kasi makita na magkakasundo kayo ni Kath." "Mahirap 'yang sinasabi mo Arianne," kaagad na pagtanggi ni Gabriel. "May girlfriend ako. Ayaw kong saktan si Hannah. Miss Yuzon at ang lalaking kasama niya ay single din." "Walang mahirap kapag mahal mo di ba? Sige ka, pagsisihin mo 'yan. Di mo kita kung gaano ka-determined si Kuya Denz kay Kath?" Pagkukumbinse pa sa kanya nito pero napapaisip pa rin siya dahil ayaw magmukhang taksil kay Hannah. Kung anuman nararamdaman niya para kay Katherine ay isasantabi pa rin niya 'yon. Kahit anuman ang sabihin ay in a relationship pa rin siya sa ibang babae. Katatapos lamang kumain ng gabihan ay kaagad nagtungo si Katherine sa kanyang silid. Binuksan ang phone at napansin niyang maraming notifs ito. Binuksan niya isa-isa mga 'yon. Nakadagdag pa dissapointments nararamdaman niya ang mga rejections na natanggap pa mula sa iilang publishing companies. Wala ng sinumang nais tumanggap ng kanyang mga akda. Nagtungo na lamang siya sa facegram at bumungad naman ang mga samu't saring bad comments sa kanya. Maraming masasakit na salita pang sinambit mga netizens. Kesyo na magnanakaw siya ng gawa ng iba, gaya-gaya, pakitang-tao lang etc. Ganoon na lang kabilis siya husgahan ng mga tao na di muna inaalam ang buong katotohanan. Walang ganang binitawan ni Katherine ang phone at mulinng napabuntong-hininga, "How can get out of this! I'm so tired," sigaw niya sa kanyang isipan. Kaya napag-isipan niyang lumabas ng kwarto at nagtungo kay Arianne. Kararating lang nito dahil nakita niyang kakapasok lamang ng pinsan sa silid. "Oh, Kath!" Napansin niya kasi ang itsura nito. "Can we drink tonight?" Nagtaka naman si Arianne sa biglaang tanong sa kanya ni Katherine. "Ano ibig mo sabihin?" Naguguluhan niyang tanong. "Gusto ko uminom kahit ngayon lang. Samahan mo ako, Rian." Naupo si Katherine sa malambot na kama ni Arianne. "Don't worry ako na bahala mag-e-explain sa kanila after this." "Kath..." Nagdadalawang isip pa ito kung pagbibigyan pa kanyang pinsan. "Sige na, Rian. Please? Kahit ngayon lang. I just want to be happy temporarily." Wala ng nagawa si Arianne kubdi mapagbigyan ang hiling sa kanya nito. "Ok. Pupunta ako sa dining room para kumuha ng beer. Dito ka lang. Hintayin mo ako, ok?" Dahan-dahang tumango lamang si Katherine. Hindi nagtagal ay nakakuha kaagad si Arianne ng ilang pirasong tin can ng beer kasama ng pulutan. "Matanong lang kita, Kath, may problema ba?" Tanong ni Arianne na di pa sumusubok uminom. "Nothing." Pagsisinungaling naman ni Katherine kasabay ng mabilis na pag-inom niya ng alak. "Ahhh!" "Sigurado ka? Hindi ka naman magyaya ng ganito kung wala di ba?" Paunti-unti lamang sinubukan ni Arianne ang pag-inom ng nasa tin can. First time din niya uminom ng gan'on. "Wala. Gusto ko lang na maiba naman tayo ng gimik dito." Tumango na lang si Arianne sa naging sagot na iyon ng kanyang pinsan. "Ok, sige. Inom tayo. Cheers!" Ayon nga nag-inuman nga silang dalawa hanggang sa parehas ng lasing. Si Arianne ay bumagsak na sa kama nito habang si Katherine ay nagtungo na sa kanyang kwarto. Hihiga na sana ang dalaga sa kama nang napansin niya ang nasa bookshelf. Naalala niya kung ano meron doon. Kaya naman paluray-luray siyang naglakad at kinalikot anuman nakaukit rito. Kaagad bumukas ang shelf at muling bumungad sa kanya ang isang silid. Medyo madilim ang paligid at tahimik. Tanging reflection ng ilaw sa isang laptop sa di kalayuan. Sa sobrang pagtutok ni Gabriel sa screen ng computer, wala siyang kaalam-alam naroon sa presensya ni Katherine. Napansin niya lamang nang gumawa ito ng ingay. "Miss Yuzon, ano ginagawa mo dito?" Napansin rin ng binata na amoy alak ang babae na sa kanyang harapan. "Uminom ka ba?" Napansin ni Gabriel ang paraan ng paglalakad ni Katherine kaya di na niya nagawang ulitin ang tanong. "Sino nagsabing uminom ka? Bawal 'yan ah!" Nilapitan pa siya ni Katherine kaya napaatras din siya, "Di ba ikaw rin uminom?" "Lalaki ako, Miss Yuzon." Hindi mapalagay si Gabriel sa ganoong sistema. "So, kapag babae bawal uminom kahit beer?" Pumupungay-pungay pa ang mga mata ng dalaga. "Hindi magandang tignan." Mabilis na sagot ni Gabriel. Tinawanan lang siya nito, "You're so selfish! Alam mo ba 'yon?" "Anong sinasabi mo?" Hindi makapaniwala ang binata na sasanihin sa kanya iyon ni Katherine. "Hanggang ngayon sarili mo pa rin ang iniisip mo. Gusto mo ikaw parati ang masunod kahit di naman ikaw amo dito," giit pa sa kanya ng dalaga. Idinuro pa siya nito gamit ang hintuturo. "Gusto mo ikaw 'yong napapansin ni lolo para masabing magaling ka nga kahit sa pamimilit mo sa kagustuhang mong masunod, nakakasakit ka na ng damdamin ng iba." Lakas loob ng nilapitan ni Gabriel si Katherine at pilit na niya itong ihatid sa kwarto subalit mabilis na iniwaksi kanyang mga braso. "Miss Yuzon. Lasing ka na. Bukas na lang tayo mag-usap kung gusto mo." "Ayaw ko!" May kataasan na ang boses ng dalaga. Halata sa kanya ang lungkot at pagkabigo na nararamdaman. "Pati ba naman ito kokontrahin mo pa?" "Hindi sa ganoon. Di lang tayo makakapag-usap nang maayos na ganyan ka." Mahinahon pa rin si Gabriel habang nakikipag-usap kay Katherine. "Huwag mo ng itanggi, Mr. Bustoz. Sabihin mo, nais mo lang maging maganda parati impression sa'yo ni lolo bilang personal bodyguard ko," wika pa muli ng dalaga. "Kung tutuusin wala ka pa talaga napapatunayan sa'kin sa pagiging bodyguard mo. Mas nagmukha pang bodyguard si Denzel kaysa sa'yo. How many times na nagawa niyang sagipin ako na ikaw dapat ang gumawa." "Huwag mo kami ipagkumpara ng kaibigan mo, Miss Yuzon. Magkaiba kami." Pagpapaliwanag pa ni Gabriel na kahit ang totoo nasasaktan na rin siya sa sinasabi sa kanya ni Katherine. Makikitang matindi na rin ang nararamdaman niya para rito. Kung wala naman siya mararamdaman ay balewala lang sa kanya ang paghuhusga ng dalaga dahil sanay na siya. Nagtatrabaho na siya bilang undercover noon. "Nagkataon lang 'yon." Muli niya pang depensa. "Talaga lang ba? Halos lahat si Denzel ang nakakagawa. He saved my life. Di ko nga akalain na kaya niyang gawin mga ginagawa mo." Napasapo ng noo si Gabriel. "Please, Miss Yuzon. Itigil mo na 'to. Mas maiging matulog ka na." "Bakit iniba mo ang usapan? Ayaw mo bang marinig ang totoo?" Muli nanamang giit sa kanya. "Magkaiba kami, ok. Di mo alam kung gaano katindi pa ginagawa ko bilang NBI Agent. Nagkataon lang di ko nagawa 'yon. Sadyang nagkaroon ako ng pagkukulang. Kaya, please itigil mo na ang pagkukumpara sa'min. Isa lamang siya recording artist." "Mayabang ka rin noh?" Pang-uuyam pang sambit ni Katherine. "Wala na ako doon pero sinasabi ko sa'yo ang totoo. Mahirap ba sa'yo na tanggapin na nagkamali din ako? Bakit siya madali mong mapatawad pero ako hindi? Parehas lang din kami nagsinungaling sa'yo ah," giit din ng binata sa dalaga. "Dahil wala akong pakialam sa past niya. Magkaiba ang kwento niyo. Di naman mahalaga na ikwento pa ang tungkol sa naging ex-girlfriend or ex-boyfriend ng isang tao. Ikaw itong pilit na itago ang totoo. Di mo alam kung gaano ako nasaktan sa pagkawala ni Tito Seb at ngayon ikaw magtatrabaho ka bilang personal bodyguard ko?" Kitang-kitang sa mukha ni Katherine kanyang pagkainis kay Gabrielle. "Nilihim mo kasi ayaw mong mawala sa'yo ang trabaho? Di ba ang selfish niyon?" Mas lumapit pa ang binata sa dalaga at hinawakan ang mga braso nito upang mapatigil ito subalit mas lalo itong nagpupumiglas. "No. Bitawan mo ako, Mr. Bustoz!" sabi sa kanya. " "Makasarili ka talaga. Wala kang pakialam sa damdamin ng iba. Mabuti pa si Denzel iniisip ang damdamin ko." "Please, huwag mo kaming ipagkumpara." Pakiusap nanaman ulit ni Gabriel kay Katherine. Sobra na ang selos na nararamdaman niya. "Bakit ayaw mo? Para naman malaman kung gaano siya nagki-care sa'kin more than just a bodyguard." Tinititigan siya ni Katherine ng diretso. "Hindi mo alam how...." Natigilan ang dalaga nang bigla siyang ninakawan ng halik sa labi. Naramdam siya ng pagkagulat. Sa halip na tumanggi ay tumugon siya. Mababaw ang halik na 'yon subalit may katagalan. Nang natauhan ang dalaga, bigla niyang itinulak ang binata papalayo sa kanya. Huminga siya nang malalim bago napag-isipan ihakbang kanyang mga paa pabalik ng silid. Mabilis siyang pinigilan ni Gabriel subalit mabilis siyang umiwas sa binata, "Don't touch me!" Doon na siya tuluyang binitawan nito hanggang sa nakabalik na siya sa sariling kwarto. Hilong-hilo pa rin siya habang naglalakad palapit sa kama dahilan upang bumagsak na rito kanyang katawan. Nagising si Katherine sa mga lagabog sa kabilang kwarto maging sa boses ng isang babae- kanilang head maid na si Aling Anastascia. Biglang bumukas pintuan ng kanyang kwarto dahilan para bumangon siya. "Pambihira mga batang 'to oh!" Sermon niya agad. "Bawal uminom ng alak pero uminom pa rin, tsk." Napasapo na lamang ng noo ang dalaga sa kanyang narinig. Ngayon lang niya naalala na nakainom pala siya kagabi. Kumikirot-kirot pa rin sa sakit kanyang ulo. "Ugh!" daing niya upamg napansin ito ng matandang babae na may edad ng 65 years old. "Saan kayo kumuha ng mga alak?" tanong din sa kanya subalit wala siyang maisagot. "Nako, malalagot ako nito sa lolo niyo." "Huwag po kayo mag-alala. Ako na lang bahala magligpit ng kalat namin." Wala pang sa mood na tugon ni Katherine sa ginang. "I mean ako na lang bahala magpaliwanag kay lolo." "Mabuti naman kundi ako masesermonan ng lolo mo. Alam mo naman 'yon di ba?" Nakapameywang pa ito na bitbit pa mga bote ng beer. "Siya nga pala. Kailangan niyo na mag-ready ngayon dahil parating na ang lolo niyo galing ospital." Dahil sa pahayag ni Anastascia tila nagulat si Katherine at nawala kanyang hangover. "Pauwi na si lolo?" "Oo, Ma'am Katherine. Kaya, nandito ako para gisingin na kayo at makapaghanda na." Napahagilap tuloy ng tuwalya ang dalaga at nagtungo sa banyo. "Sige po, maliligo na ako," huling sabi niya bago nang tinalikuran ang head maid. "Aalis na ako, iha," paalam nito sa kanya hanggang sa dumiretso na palabas ng kanilang silid. Pagkalipas ng tatlong oras, dumating na rin si Mr. Rodelio sa mansion at masaya siyang sinalubong ng lahat. Niyakap siya ng dalawang apo na sina Katherine at Arianne. "Welcome back po, Sir Delio," sabay-sabay na wika ng mga maids at butler. "Mabuti po gumaling na kayo," saad naman ng ilang mga bodyguards na nakapalibot sa kanya. Mga ilang sandali ay nilapitan at niyakap naman siya ng kanyang mga apo pagkarating-rating lang din ng mga ito galing sa kanilang silid. "Lolo, sobrang na-missed ka po namin." Hindi mapakaling sambit ng dalawang dalaga. "Mabuti nakauwi na kayo." "Naiininip na kasi ako sa loob ng hospital dahil wala man lang safe na pwedeng puntahan," tugon pa ng matandang lalaki. Matapos ang pagbati ay nagtungo sila sa silid ni Mr. Rodelio kasama ang kanyang mga apo. "Sabi ng doctor kailangan ko pa raw magpahinga. Bawal pa ako magtrabaho kaya hanggang lakad lang dito sa mansion ang maaari kong gawin." Pinayagan siya ng kanyang doctor na magpahinga na lang mismo sa mansion dahil mas makakaiwas pa siya sa anumang masasagap na sakit at mas makakaiwas din siya sa panganib. "Sobrang na-missed ko talaga kayo lolo. Labis ang pag-alala ko kung ayos ka lang ba doon o hindi," sambit ni Arianne nang may labis na pag-alala. Napatitig naman siya sa gawi ni Katherine na nililibot ang paningin sa bawat sulok ng kwarto. "Katherine, apo. Pasensya ka na kung di ko sa'yo sinabi ang katotohanan," wika ng matandang lalaki nang may hinahon sa kanyang boses. "Kasalanan ko ang lahat." "Lo, huwag mo nang isipin 'yon. Aatikihin ka nanaman ng sakit niyo eh." Napaupo na lamang si Katherine sa malambot na kama matapos nagsawa na siyang kamamasid sa silid ng kanyang lolo. Buong buhay niya di pa siya nakakapasok rito. "Gusto ko lang humingi ng tawad apo," muling paliwanag pa ni Mr. Yuzon. "Nakalipas na po 'yon saka di naman tayo nakakasigurado kung anak mo ang babaing mangkukulam na 'yon." Napangiwi lamang si Katherine sa kanyang sinabi. Wala naman kasi siya pakialam sa mga 'yon since sa tingin niya ay gumagawa lamang ng g**o ang mag-iina. Hindi na nagsalita pa si Mr. Rodelio tungkol doon. Aminado siya sa kanyang sarili na anak iyon ng dating kasintahan niyang si Consolacion. Naging babaero siya noon na kung sinu-sinong babaing pinapaikot niya at kinakama. Subalit nang makilala nito si Amalia na lola nina Katherine at Arianne, ay nagbago kanyang pananaw at nagtino na rin sa isang relasyon. Di niya lang inaasahan na hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang kinakarma sa kanyang nakaraan. "Mas maigi kung ipasuri through DNA testing mga 'yon kung talagang anak mo sila," suwestiyon pa ni Katherine upang makasigurado na di lamang nagki-claim mga 'yon na isa pa silang Yuzon. "Huwag na apo. Masyadong aksayado sa oras at pera." Tumanggi kaagad ang matandang lalaki subalit iyon pa rin naman gagawin niya kapag bumuti kanyang lagay. "Huwag mo na masyadong intindihin 'yon apo. Masyado ka ng maraming iniisip lalo na sa kasong pagnanakaw na ibinibintang sa'yo." Napatingin naman ang dalaga sa kanyang lolo nang sambitin ang plagiarism issue. "Kapag bumuti na ang lagay ko. Gagawan ko ng paraan upang mapawalang bisa ang pagbibintang nila." "Lolo?" Naluluhang tugon ng dalaga. "Dapat ako po ang gagawa niyon? Papatunayan kong mali sila ng ibininintang sa'kin." "Di ganoon kadali apo. Malaking tao din ang kabangga mo." Napanganga si Katherine sa kanyang narinig. "Kung gayon kilala niyo po?" "Hindi pa sa ngayon pero sa tingin ko na maipluwensyang tao din sila." Napatitig naman sina Arianne at Katherine sa isa't isa na tanging silang dalawa pa lamang tunay nakakakilala kung sino ang salarin. Kailangan lamang talaga nang matibay ebidensya. Pagkatapos nilang makipag-usap sa kanilang lolo ay nagtungo muli sila sa kani-kanilang silid. Bigla na lamang umikit sa isip ng dalaga ang nangyari kagabi. Isang pangyayari na di niya matanggap at naging palaisipan sa kanya- ang pagnakaw sa kanya ng halik ni Gabriel. Napahawak siya sa kanyang ibabang labi at napapikit ng mariin. Na-imagine niya nang malinaw ang eksena na 'yon. "Impossible!" bulong niya sa isipan. "Di maaari. Mahal ni Gabriel ang girlfriend niya." Pilit na kinukumbinse pa niya sa sarili na wala lamang ang halik na 'yon. "Impossible. Tama, napaka-impossible." Katatapos lamang kumain nila ng lunch. Uupo na sana si Katherine sa harap ng computer nang biglang tumunog kanyang phone. Si Denzel pala ang tumatawag at naka-set ito sa video calling. "Hello!" agarang niyang sagot. "Hey, Kath!" Punong-puno sa energy ang binata. "Kamusta ka na?" "Heto ayos naman," sagot ng dalaga. "Si lolo nga pala nakauwi na dito sa bahay. Bakas sa mukha ni Denzel ang gulat at tuwa, "Really?" "Oo. Nakausap na rin namin siya but he still needs to rest," dagdag pa ni Katherine kasabay ang pagtanggo ng kaibigan. "Ah I see. Pupunta ako diyan tomorrow tutal Sunday naman na." Padadalhan niya iyon ng mga prutas at masusustansyang pagkain. "Sige. Sasabihan ko si Lolo bukas para alam niya. What time by the way?" "Its 10:00 in the morning. Ok lang ba?" Paninigurado muna ng binata baka mayroong time limit lamang ang pagbisita kay Mr. Rodelio. "Ok 'yan dahil kahit anong oras pwede since di pa siya makakapag-work pa," walang alinlangang sagot ni Katherine sa kaibigan. "Sige. See you tomorrow!" Ngayon nasa dining room sila Katherine, Mr. Yuzon at Denzel. Nakalapag sa mesa ang mga pagkaing dala ng binata. "Dami niyan iho ha! Pero, maraming salamat." Napangiti si Mr. Rodelio sa mga pagkaing nakikita niya sa mesa. "Walang anuman po, Sir Rodelio," aniya ng lalaki. Habang nagkukukwentuhan silang tatlo, si Gabriel naman ay palihim na nakikinig sa kanila. Napansim rin niya ang mga pagkaing dala ni Denzel. Tama nga si Arianne. Ganoon ka-determinado ito kay Katherine. Wala siyang laban dahil nakatali na siya sa isang relasyon. Tanging nararamdaman lamang ang magkakaroon ng koneksyon sa dalaga. Bahagyang nalungkot si Gabriel sa kanyang naisip kaya di na rin niya pinili pang magtagal doon. Kasalukuyan niyang binabaybay ang daan palabas ng mansion nang makasalubong niya si Yael. Nakangisi pa ito na tila may iniisip nanaman ng kalokohan. "Boss Gabriel nandito ka lang pala." "Bakit?" tanong kaagad niya sa kasamahan at pinilit na maging ok lang lahat sa kanya. "Niyaya ka sana namin maglaro ng baraha. May pustuhan 'yon. Gusto mo ba sumali?" "Oo, walang problema," walang patumpik-tumpik pang tugon ni Gabriel kay Yael. "Sige. Kukuha lang ako ng tubig sa ref." Naglakad nga papasok ng dining area ito. Napansin niya si Denzel kung paano niya ina-approach ang lolo ni Katherine. "Naks, ibang klase talaga si Sir Denzel!" komento niya matapos makalabas na ng dining area at dala ang isang pitsel na tubig. "Mukhang matatalo ka na bro!" "Baliw!" Pilit pa ring idine-deny ni Gabriel ang katotohanan na may pagtingin na siya kay Katherine. Naalala rin niya kung ano nangyari sa kanila isang gabi ng dalaga. Nagawa niyang nakawan ito ng halik. Di lang niya nakaya ang pagseselos sa kaibigan nito na parati silang ipinagkukumpara. Katatapos lamang magbasa ng dyaryo ni Mr. Rodelio. Nakaramdam na siya ng antok paunti-unti dahilan upang alisin na ang suot niyang eyeglasses. Hihiga na rin sana siya at papatiyin ang lamapara nang may biglang kumatok sa kanyang pintuan. "Good evening po, Sir Rodelio," bati sa kanya ng personal secretary na si Warren. May hawak din itong gadget. "Ano 'yon, Mr. Hidalgo?" Napasandal na lang ulit ang matandang lalaki. Binuksan ang ilaw sa buong silid gamit ang remote control sa halip na lampshade. "May bago pong balita!" Napatiwid pa kanyang pagkaupo sa kanyang narinig. "Tungkol po ito kay Miss Katherine."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD