Niyaya ni Mr. Rodelio ang iilang taong mahalaga sa isang dinner. Balak niyang ipaalam ang tungkol sa nilahad sa kanya ni Warren.
"Alam kong first time natin kumain ng ganitong sabay-sabay," kanyang panimula saka uminom muna ng pineapple juice. "Nais ko lamang ipaalam sa inyo tungkol sa balitang nakalap ko."
Kahit isa sa kanila ay walang nais magsalita pa. Panay lamang lunok ng kanilang pagkain.
Napatitig ang matandang lalaki sa kanyang apo, "Katherine, tungkol sa'yo ang balitang ito."
Sandaling natigilan ang dalaga sa pagkain at ganoon din si Arianne.
"Ano po ang sa'kin, lolo?" Curious at walang kaideya-ideyang tanong ni Katherine.
Dismayado at malungkot ang expression ni Mr. Rodelio sa kanyang nalaman.
"Pupunta ang mga pulis dito bukas sa mansion. May arrest warrant silang dala base sa ebidensyang nakuha nila laban sa'yo." Hinihinay-hinay lamang niya ang nais sabihin. "Pero nabayaran ang judge sabi sa nag-report sa'kin kaya magiging walang saysay ang presenya at testimonya mo sa korte, Katherine."
Halos nagtinginan ang bawat isa at natigilan sa pagkain.
Halos di makapaniwala ang dalaga sa naging pahayag ng kanyang lolo, "Papaano po nangyari 'yon?"
"Maimpluwensya ding tao ang gumawa niyon sa'yo," tugon ni Mr. Rodelio.
"So, you knew them?" Nagmamaang-maangan lamang ang dalaga dahil nawawalan siya ng lakas ng loob sabihin sa kanyang lolo na kilala niya ang nasa likod ng issue ng paninira sa kanya.
Tumango ang matandang lalaki. "Mga taong nagpunta sa party ang gumawa niyon."
"Grabe! Ganoon na ba talaga sila kadesperada?" Biglang singit ni Arianne sa usapan. Hindi na rin niya mapigilan ang inis na nararamdaman.
"Ganid din kasi at makasarili," sabat naman ni Yael sa usapan.
"Tama ka Yael. Ganoon na talaga si Mrs. Lhorin. Kahit gaano pa kayaman hindi pa rin titigil hangga't di pa nakukuha ang gusto niya," pagsang-ayon naman ni Mr. Hidalgo.
"So, ano po gagawin namin lo?" tanong ni Katherine sa matandang lalaki.
"Sasabihin ko na lang kay Gabriel ang gagawin niyo bukas. Basta, maghanda lang kayo."
Nais pa sana ng dalaga magtanong sa kanyang lolo subalit nawalan na siya ng lakas ng loob. Tanging pagtango na lang ang naging sagot niya rito.
May ilang segundo nag-hesitate pa rin siyang nagsalita.
"Mukhang di naman maganda na takbuhan ko ang mga pulis, lo. Bakit di na lang ako mismo ang sumuko sa kanila? Tutal wala naman talaga ako kasalanan eh."
"Di mo naiintindihan apo," wika muli ni Mr. Yuzon. "Walang saysay ang pagsuko mo."
"Binayaran na ni Mr. Lhorin ang judge na may hawak sa kaso mo. Kahit anong gawin mong patunay sa korte mapapawalang bisa pa rin 'yon." Si Mr. Hidalgo na lang ang nagpaliwanag kay Katherine.
"Tama si Warren, apo. Kaya, sumunod ka na lang sa sasabihin ko. Ginagaawa ko 'to para protektahan ka. Hindi kita hahayaang mapahamak ng ganoon na lamang," muling pang saad ni Mr. Rodelio.
Pagkatapos nga ng kanilang usapan, nagsibalikan na rin sila sa kanya-kanyang pwesto. Tanging si Gabriel at Alfred lamang kanilang pinaiwan.
Nakipagkamayan si Mrs. Montes kay Mrs. Lhorin matapos matanggap ang pera. Nanlaki ang mata nito sa kanyang nakita sa loob ng briefcase.
"Sigurudahin mo lang na walang sinuman nakakaalam ang tungkol rito, Mrs. Sylvia," pahayag ni Melanie sa judge na may hawak ng kanilang sinampang kaso kay Katherine. "Siguraduhin mong makukulong ang babaeng 'yon para tuluyan nang masira ang reputasyon nito at maihiwalay na sa matandang niyon."
Nakataas lamang ang kilay ng dalawang magkapatid na tahimik lamang nakaupo sa sofa habang nakikinig sa usapan ng kanilang ina at nv judge.
"Makakasigurado po kayo lalo na napakaraming ebidensya dito at witness na nagpapatunay na may sala siya." Tuwang-tuwa naman ang bayaring judge dahil nakalikom nananam siya ng ganoong kalaking pera.
"Sinabi ni Mr. Rodelio na dadalo raw kanyang apo sa korte at handang harapin ang kasong nakatala sa kanya." Siguradong-sigurado na talaga ang ginang sa impormasyon niyang nakuha. Nakausap pa lamang niya kaninang umaga ang matandang lalaki.
"Magaling!" Natutuwang pahayag ng ginang na si Melanie kasabay ng pagtitig sa kanyang mga anak.
"Sa wakas, ako na ang tatanghalin na isa sa pinakamagaling na writer sa buong Pilipinas. Titingalain ng mga tao, dadami pa mga fan readers ko at followers sa facegram account." Confident na sabi ni Avril.
"Matutupad na ang pangarap mo, sis. Wala ka ng malupit na kakumpetensya. Deserve mo naman talaga 'yan. Kung nandito lang sana si lola matutuwa 'yon sa'yo." Compliment naman ng kanyang kapatid na si Alicia. "Nagkataon mayamam din kasi ang babaeng 'yon at malamang binayaran ng lolo niya ang entertainment industry at iba para sila ang mas sikat."
"Madali ko na lang din mapabagsak ang kumpanya ng lolo niyo lalo na nagsisilipatan na sa atin mga kasosyo niya." Humahalakhak pa ang mag-iina pagkatapos.
"Good job, Ma kung gan'on." Nanatili pa ring nakangiti panganay nitong anak sa labis na tuwa.
"Mapaghihiganti na natin ang lola niyo," sambit pa ni Melanie. Kitang-kita sa kanyang mukha kung gaano kasabik maghiganti sa kanyang ama na inabandona silang mag-iina. Dahil sa pag-iwan nito sa kanila, nakaranas siya ng matinding hirap at gutom.
"Gagawin ko ang lahat para masulit itong bayad. Sa dami ba namang ebidensya na ipinakita niyo sa'kin at syempre, 'yong witness niyo ay pagmamay-ari pa ng isang publishing company." Nakangiti lamang ang ginang na si Sylvia.
"Siya nga pala, Mrs. Montes kailangan na namin umuwi. Mag-aalas otso na pala ng gabi. Kita na lang tayo sa Korte sa Huwebes." Muli silang nakipagkamayan sa judge at diretso na ring lumabas sa bahay nito.
Nakarating na rin sila sa kanilang bahay. Kumakain na rin ng gabihan si Mr. Lhorin at tahimik lamang 'to.
"Saan kayo galing? Gabi na ah," sambit ng lalaki.
"Kay Judge Montes kami galing. Kinausap namin siya." Umupo muna sa sofa si Melanie habang nagtungo naman sa kanya-kanyang kwarto ang dalawa niyang anak.
Napabuntong-hininga ang kanyang asawa, "Di ba sinabi ko na sa'yo itigil niyo na 'to?"
"Bakit ako titigil, hon? Hangga't di ko nakukuha ang hustisya sa pagpapabaya sa amin noon ni Mama, hindi ako titigil."
Malakas na kinalampag ni Mr. Lhorin ang mesa. "Ang tagal na niyon, Melanie. Patay na si Mama. Di mo na dapat ipinag-aaksyahan ng oras at pera sa paghihiganti na 'yan," giit pa sa kanya ng asawa. Sinikap nilang umahon para namang makalimutan na ng ginang ang masalimuot nitong pamumuhay noon. "Maganda na ang buhay mo ngayon. Nakapagtapos na ng pag-aaral ang mga anak mo, ano pa ang hinihiling mo?"
"Di mo ako naiintindihin, Gardo. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang inabandona ng isang ama. Ni isang kusing walang inabot na tulong," giit pa ni Melanie.
Tumayo si Gregorio at muling kinalampag ang mesa, "Matagal na 'yon, Melanie. Nakaahon ka na sa hirap. Walang mangyayari sa galit mong 'yan," sabi pa niya. "Nang dahil sa paghihiganti mong 'yan halos napapabayaan mo na rin ang trabaho sa company at kumuha ka pa ng pera sa mismong back account natin para pangsuhol sa judge na 'yon."
"Pera natin 'yon, Greg kaya parehas tayo ang pwede mag-withdraw doon," aniya ng ginang.
"Oo pera natin 'yon pero ginagamit mo sa bwisit na walang katapusang paghihiganti na 'yan." Nagawang naihagis ng lalaki ang basong hawak niya kanina. Narinig ito ng nina Avril at Alicia.
"What's going on here, dad?" tanong kaagad ng kanilang panganay.
"Nag-aaway ba kayo?" sunod na tanong naman ng bunsong anak nito.
"Kayong dalawa..." Napunta sa dalawang dalaga ang tingin ng kanilang ama. "Itigil niyo na 'tong mga pinagagawa niyo."
"Why dad? Saka malapit na ma-checkmate ang kalaban?" giit ni Avril sa kanyang ama.
"Kita mo, Melanie? Kahit dalawang anak mo tinuruan nang mga kalokohan, tsk." Napangisi na lamang si Gregorio. "Wala naman kayo makukuha sa l*nt*k na paghihiganti niyo eh!"
"Di mo ba naririnig ang sinasabi mo, Dad?" muling saad ni Avril. "Ginagawa namin 'to para makabawi kay lola. Alam niyo naman siguro pinagdaanan ni Mama noon dahil iniwan sila ng kanyang ama."
"Matagal na, yon Avi! Sobrang tagal na," sambit ni Mr. Lhorin.
"Dad, di ka ba masaya na makukuha na namin ba dapat para sa'tin?" saad naman ni Alicia.
Napangiwi na lang din ang lalaki dahil napapansin niyang di mapipigilan ang anak. Naitanim na rin kasi ng kanyang asawa sa mga utak nito ang paghihiganti. Dahan-dahan na lamang siya umalis at nagtungo sa kwarto. Padabog niyang isinara anv pintuan nito.
"Hayaan niyo, anak. Darating din ang araw na tatangapin din niya lahat ng ginagawa natin. Bigyan lang natin ng mahaba-haba panahon ang papa niyo."
"Palibhasa di niya talaga nararamdaman ang naranasan niyo, Mama," sabi ni Avril.
"Kaya nga eh," si Alicia.
Mag-isa lamang nakaupo habang nakaharap sa kanyang laptop si Katherine. Napahugot siya nang malakas ng hangin dahil sa problema. Halos nasisira na ang kanyang reputasyon sa pangyayari. Hindi niya lang maintindihan kung bakit nangyayari ito sa kanya.
Sinarado sandali niya ang laptop saka nagtipa sa cellphone. Tinawagan niya si Denzel dahil kailangan niya ng makakausap.
Kaagad itong sinagot ng binata, "Hey, Kath! Bakit gising ka pa? Gabi na ah."
Nginitian niya lamang ang kaibigan, "Di kasi ako makatulog. Eh, ikaw ba't di pa natutulog?"
May ipinakita si Denzel sa kanya. Isang studio at musical instruments na makikita doon.
"Nagre-rehearse pa kasi kami ngayon," paliwanag naman kaagad ng binata.
"Ng ganitong oras?" Di makapaniwala si Katherine.
"Oo, kasi ala-sais na kami nakapag-start. Si Mrs. Buenaventura may pinuntahan pang appointment kanina kaya na-late ng dating." Pagtukoy ng binata sa kanyang talent manager.
"Ah kaya naman pala." Napansin rin nga ng dalaga ang ibang kasamahan nito na tila kumakain ng snacks.
"Eh, ikaw bakit di makatulog? Lalim na ng gabi oh. Bukas mukha ka ng panda niya." Nagtawanan pa ang dalawa.
"Mamaya na, gusto ko lang muna ng kakwentuhan." Napansin ni Denzel na may iba sa mukha ng dalaga.
Hindi tuloy niyang maiwasan ang magtanong, "Are you ok?"
Tumango lamang si Katherine kahit di kumbinsido si Denzel sa kanya. Hindi naman pinilit nito na magkwento dahil naiintindihan at iginagalang anf desisyon ng kaibigan.
"Buti na lang pala, tumawag ka naka-break kami. Kundi di ko masasagot ang tawag mo," sagot naman ng lalaki. "Kailangan namin mag-rehearse para sa concert namin next week. Sama ka?"
"May concert kayo? Di ko alam 'yan ah!" Wala talagang alam si Katherine dahil di ito nagkwento noong nakaraang araw.
"Sorry kung nakalimutan kong sabihin sa'yo, hehe." Natawa lamang si Denzel bilang reaksyon. "Ano, sasama ka? Oh nga pala bawal ka pala, tsk. Sayang."
Walang balak ang dalaga sabihin sa kaibigan ang tungkol sa napag-usapan nilang pagtakas bukas. Ayaw na niya itong paisipan pa at lalo nang busy ito sa paghahanda ng concert.
"Siguro, kung magiging normal na lamang na ang pamumuhay na meron ako. Pupunta ako sa concert mo," sambit lamang ng dalaga. Totoo naman 'yon. Kung nasa payak lamang kanyang pamumuhay mas ma-e-enjoy niya ang buhay nang may laya. Dahil sa katayuan niya, hindi niya talaga magagawa. Maraming tao ang nais humanting sa kanya anumang oras at lalo na ngayong may malaking issue na siya sa madla.
"Pwede naman 'yan kahit wala ka sa simpleng buhay na gusto mo maliban lang talaga kung luluwagan ang restriction sa'yo at konti ang taong magkaka-interest sa'yong dukutin ka," pahayag ulit sa kanya ni Denzel. "Ang ganda mo naman kasi. Nakakaakit." Kumindat pa ito sa kanya dahilan upang nag-iba siya ng tingin.
Napatingin sa relos ang binata," Malapit na kami mag-start at ikaw matulog na. Di maganda sa'yo ang magpuyat." Napakalambing at maalalahanin talaga ang binata. Swerte kung sinuman ang babaing makakatuluyan nito. Perfect ideal guy na siya sa isang babaing kaya siyang alagaan.
Minsan, sinisisi tuloy ni Katherine ang sarili kung bakit kay Gabriel pa siya nagkagusto at hindi sa taong matagal na niyang kaibigan. Nagkagusto pa siya sa taong may karelasyong iba.
"Sige pero hangga't di pa kayo nagsisimula, hindi pa ako matutulog." Nakanguso pang saad ng dalaga. Napangiti si Denzel sa ganoong itsura ng kaibigan. Naging slow motion iyon sa kanya kung paano nakausli ang nguso ng dalaga habang nagsasalita ito sa screen.
"She's so cute talaga that's why I love her." Bulong lamang ng binata sa kanyang isipan.
Pagkaraan ng ilang minuto ay biglang tinawag na siya ng kanyang kasamahan. "Magsisimula na kami. Paano 'yan? Matulog ka na ah," muling paalala nito kay Katherine.
"Have no choice kundi pilitin ang sarili na makatulog. Sige, good night na." Paalam na rin ng dalaga at ganoon rin si Denzel.
"Hay! Kailangan ko na talaga makatulog," sigaw ng dalaga sa kanyang isip. Nakatitig lamang siya sa bandang itaas ng kanyang kwarto saka unti-unti na niyang ipinikit ang mga mata hanggang sa nakatulog.
Pagkagising niya ay matinding liwanag na ang sumagi sa kanyang mukha kaya kaagad niyang hinarangan ito ng kamay. Napansin rin niya ang bahagyang paggalaw ng kanyang kama.
"Gising ka na pala, Kath. Good morning, sayo." Bati sa kanya ni Arianne na nakaupo lamang sa gilid ng kanyang kama.
"Kanina ka pa diyan?" tanong naman niya pabalik.
Tumango ito, "Oo, kanina pa kita pinagmamasdan matulog."
Nagulat naman si Katherine sa sinabi ni Arianne, "Totoo?"
"Yes, bakit?" Nagpipigil lamang sa pagngiti kanyang pinsan.
"Ibig sabihin alam mo kung ano itsura ko kapag tulog?" Nanalalaki pa rin mga mata ng dalaga sa sinabi ni Arianne. Sa kasarapan na rin ng kanyang tulog, di niya namalayan na pinapanood na pala siya nito.
"Oo. Huwag ka mag-alala. Maganda ka pa rin naman kapag tulog." Pang-aasar pa nito sa kanya. "Kahit tumutuloy na ang laway mo sa sobrang himbing ng tulog."
Kaagad kinuha ni Katherine ang salamin at tinignan ang sarili kung totoo sinasabi nito, "Joke lang, Kath!" Tinawanan pa siya ni Arianne.
"Buti ka pa tinanghali na ng gising. Ako napaaga, tzk!" reklamo naman niya.
"Kung alam mo lang kung gaano hirap makatulog kagabi..." Binalak ni Katherine na maupo lakang sa kama at sumandig sa headboard.
"Really?" Di makapaniwala si Arianne sa kanya.
"Kaya nakipagkwentuhan pa ako kay Denz kagabi," pagpapaliwanag ni Katherine.
"Ano naman napag-usapan niyo?" tanong muli sa kanya ng pinsan.
Naalala niya pala na di pa siya naliligo kaya naman kaagad siyang tumayo sa kama.
"Daya, ayaw sabihin." Nagtatampong saad sa kanya ni Arianne.
Kumuha ng mga damit si Katherine sa kanyang aparador. "It's just a random stuffs you know."
Mabilis siyang nagtungo sa banyo, "Mamaya na lang. Maliligo muna ako. Ang baho ko na."
Inihanda na rin ng dalaga kanyang mga dadalhin kung sakaling kailangan na nilang umalis.
"Hala, ngayon ka pa lang nagpi-prepare?" tanong ni Arianne nang may pagtataka.
"Medyo. Tinamad na kasi ako kagabi mag-ayos ng iba pa," sagot ni Katherine na abala sa pagsisilid ng kanyang laptop sa mismong bag pati charger nito maging kanyang cellphone.
Tinakpan niya lang muna ang computer. Kagabi, inalis na rin niya ang mga very important files dito kasama kanyang manuscripts. Nilagay niya karamihan 'yon sa isang online drive at ang iba naman ay nasa verbatim niya. Marami pang gamit na itinago ang dalaga na di naman niya dadalhin sa pag-alis. Itinago lamang niya 'yon sa isang safe na vault.
Nakapagkwentuhan silang dalawa ni Arianne ng dalawang oras hanggang sa biglang pumasok sa kanilang silid sj Alfred.
"Bakit, Kuya Fred?" tanong kaagad ni Arianne sa lalaki.
"Maghanda na kayo. Kailangan na natin makaalis hangga't wala pa mga pulis. Parating na mga 'yon sabi ni Sir Warren."
Nagtinginan saglit ang dalawang dalaga saka kanya-kanya na nilang kinuha ang gamit.
Nakalabas na pareho sila ng kwarto. Nakasalabong na nila ang iba pa. Mabilis silang naglakad patungo sa isang bakanteng lote na kung saan doon sila lalabas.
"Apo, mag-ingat kayo," saad ni Mr. Rodelio sa kanila nang makasalubong pa mga ito.
Tumango lamang ang dalawa dahil sa kaba na ring nararamdaman.
"Ingatan niyo sila nang maigi." Bilin pa ng matandang lalaki sa mga personal bodyguards na nakaalalay sa dalawa niyang apo. "Mr. Bustoz, ikaw ang mamumuno sa kanila kaya sa'yo halos nakasalalay ang kanilang kaligtasan."
"Copy po, Sir Rodelio," agarang tugon ni Gabriel rito. Sandali siyang napatitig kay Katherine.
"Sige, umalis na kayo. Kami na ang bahala rito at kami na lang magsasabi ng balita tungkol sa progress ng kaso," aniya ni Mr. Yuzon.
Napangiti lamang si Katherine. "Maraming salamat, Lo. Mag-ingat po kayo."
"Kayo ang dapat mas lalong mag-ingat. Sige na, sibat na. Malayo-layo pa ang magiging biyahe."
Naglakad na nga palabas ng mansion sila Katherine. Maingat lamang sila subalit may kabilisan dahil kailangan na di sila maabutan pa ng mga pulis kundi magkakaroon ng engkwentro.
Nang nakalabas na sila ng compound ay mayroong sasakyan nang naghihintay sa kanila roon. Mabilis silang sumakay at kaagad ding ipinaandar ang sasakyan.
Pabalik na sana si Mr. Rodelio sa kanyang opisina nang lapitan siya ng isa sa tauhan niyang nagbabantay sa loob ng mansion.
"Sir Delio, nariyan na po ang mga pulis!" sumbong nito sa kanya. Kalmado lamang siyang naglakad sa pinaka-main door ng kanyang bahay. "Sige, hayaan niyo lang sila pumasok," utos niya na kaagad namang sinunod.
Ayon nga pumasok nga ang mga pulis at nakasalubong niya ito.
Nilapitan siya kaagad- ang leader ng kanilang team. "Oh, Mr. Yuzon!" bati din nito sa kanya.