Chapter16: UnexpectedVisitor

3169 Words
Napaawang ang bibig ni Katherine habang naglalakad palapit sa kanya ang matalik na kaibigan. "Denz, how did you know I'm here?" Labis pa rin ang pagtataka ng dalaga. "Hulaan mo kung paano?" Nakakalokong pang pahayag ng binata sa kanya. Pilit na hinuhulaan ni Katherine na kung paano natunton ni Denzel kanilang lugar. "Hindi ko alam eh." Tinawanan lamang siya ng binata. Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay natigilan si Gabriel sa kanyang nakita. Lalo siyang nakaramdam ng selos nang niyakap ng kanyang karibal si Katherine. Napaatras siya at di na binalak pang lapitan ang dalaga. "Hindi na importante kung paano ako nakapunta dito, Kath. Ang importante na makita at madamayan kita kahit sandali," pahayag ni Denzel habang nakayakap pa siya sa babaing mahal niya. "Dahil alam kong di madali ang pinadaraanan mo at alam kong kailangan mo ng taong makikinig sa'yo at ako 'yon." Nagulat naman ang apat nang bumalik si Gabriel sa kanilang silid. Tahimik at tila frustrated ang itsura nito. "Ano nangyari?" Pag-uusisa ni Patricio dahilan upang dumungaw naman si Yael sa bintana. Natigilan din ito. "Si Sir Denz pala nandito na." Nagtinginan sa kanya ang mga kasama. "Ikaw ang nagbigay sa kanya ng location natin?" sambit ni Alfred nang may pagkadismaya. Hindi dapat ipinapaalam kahit kanino kung nasaan sila. "Nako naman, Yael. Paano kung nasundan siya? Eh di yari tayo niyan." "Di ko naman talaga sana sasabihin kaso kinulit niya ako eh saka kung gaano naman siya ka-sincere kay Ma'am Katherine," paliwanag naman ni Yael. "Siguraduhin mo lang, Yael. Nako, kundi yari tayo kay Sir Rodelio pati sa mga pulis." "Ok ka na ba?" tanong ni Denzel kay Katherine. Kasalukuyan silang nakaupo sa buhangin. Pinapanood lamang ang bawat paghampas ng alon sa dagat. "Napansin ko talaga na sobrang pula na ng mata at ng ilong mo. I thought you cried earlier," muling sambit ng binata. "You have to be brave. Ok lang na umiyak ka paminsan-minsan to express your pain pero di ka susuko. You just trust the time na magbago ang lahat. Walang kasamaan na nagwawakas sa dulo." "Thanks, Denz," nakangiting saad ng dalaga. "You're here." "Ako pa ba? I'm your bestfriend since college, right?" Tumango lamang si Katherine. "Anong silbi ng pagkakaibigan natin kung tutunganga lang ako. You knew me on how much I value someone like you." Nagpapahiwatig na si Denzel sa nais niya iparating sa dalaga. Ito na ang time para mag-confess sa matalik na kaibigan. Matagal niyang itinago ang tunay nararamdaman para rito. Mga ilang sandali ay napansin nila ang unti-unti ng pagbagsak ng ulan kaya naman kaagad sila nagtungo sa mansion. Nakasalubong nila roon sila Yael at Patricio. "Hey, Sir Denzel," bungad ng mga ito. "Wala kang sinabi na ngayon na pala punta mo dito, tsk." "Walang suspense kung sasabihin ko," wika ni Denzel. "Tamang-tama naghahain na sila ng dinner. Kakain na rin tayo," sambit naman ni Patricio. "Meron pang isang kwarto sa itaas na pwedeng mong tulugan." Inihatid nga ni Yael ito sa mismong silid na kanyang tinutukoy. "Ok na 'to," komento ni Denzel. "Sige, mauna na kami ni Pat sa ibaba. Sunod na lang kayong dalawa." Iniwanan na nga sila roon kaya ipinagpatuloy nila ang usapan naudlot kanina. "Dito ka lang muna. Magbibihis lang ako saglit." Tumango lamang si Katherine. Maya't maya, nakalabas na ng banyo si Denzel. "Kath, can I ask you something?" Nilakasan na talaga niya ang loob para makapag-amin sa dalaga. "Yes, ano 'yon?" Magsasalita pa sana ulit ang binata nang biglang sumingit sa kanilang usapan si Gabriel. "Nakahanda na ang dinner." Seryoso lamang ang itsura nito habang nakatitig ng kakaiba kay Katherine pati kay Denzel. Hindi pa ito umaalis hangga't di pa sila tumatayo sa kinauupuan. "Mabuti pa, kumain na tayo. Mamaya na lang," naiilang na saad ng binata sa kaibigan. KINAUMAGAHAN. Niyaya ni Denzel si Katherine na mag-swimming sila kasama si Arianne. Tanging tatlo lamang sila. Si Gabriel ay magbabantay at magmamasid lamang sa kanila. Ganoon si Alfred habang naglalakad naman ang tatlo- Patricio, Yael at Charlie sa paligid. "Kukuha lang ako ng juice." Paalam naman ni Arianne matapos nila umahon sa tubig. "Sige, Rian. Thanks!" sagot ni Denzel. "Nag-enjoy ka ba?" tanong naman niya kay Katherine. "Yes. Tagal na rin 'yong huli tayo nag-swimming." "I'm glad you enjoy it. Atleast ngayon nakakangiti ka na." Tinignan ng binata ang dalaga diretso sa mata. Natigilan naman si Gabriel sa ganoong sistema. Napagalaw si Alfred sa dati niyang position at napatitig sa kanyang kasama. "Nauunahan ka na niya, tsk!" Bulong pa nito dahilan upang napabuntong-hininga si Gabriel at napainom ng tubig. Biglang hinalikan ni Denzel si Katherine sa noo dahilan upang napa-react ng todo si Yael at Patricio. Muntik naman mabitawan ni Arianne ang juice na dala-dala niya. "Ang sweet naman!" saad pa ni Yael. Binatukan naman siya ni Patricio. "Aray ko ah." Kaagad naman tumayo si Gabriel sa kanyang pwesto at naglakad na palayo. Hindi 'yon napansin nina Katherine at Denzel tanging sila Arianne, Yael, Patricio, Alfred at Charlie lamang nakakita. Umalis muna ang tatlo at sinundan ang kasamahan. "Heto na ang juice niyo saka sandwiches." Kunwari walang nangyari ang ginawa ni Arianne. "Thanks, Rian!" saad ni Katherine. "Teka, ano 'yong nakita ko?" tanong ng pinsan. "Ah, halik ng isang kaibigan tawag doon," paliwanag ni Denzel kay Arianne. "I saw your cousin not smiling so I kissed her forehead. Walang malisya doon." "Sweet naman at swerte ng magiging girlfriend mo kung nagkataon." Biglang nakaramdam ng pagka-guilty si Katherine sa sinabi ng kanyang pinsan. Naaawa siya sa matalik na kaibigan na walang ginawa kundi ang mahalin siya, alagaan at i-comfort. Denzel ay isa sa pinaka-ideal type na hinahanap-hanap ng isang babae. Subalit, hindi ito ang tinitibok ng puso ng dalaga. Natatakot siyang masaktan ito at mawala nang tuluyan ang kanilang friendships. Patuloy lamang sila sa kwentuhan at asaran pa hanggang nagtungo muli sa dagat upang mag-swimming. Sumakay din sila sa bangka upang humuli ng isda. Sa loob ng araw na 'yon ay marami silang nagawa at nag-enjoy silang tatlo. Si Gabriel ay di nagpakita pagkatapos niyon at tanging sila Alfred, Patricio at Yael ang bumalik roon upang magmasid sa paligid ng isla. Sumunod pang araw ay niyaya naman ni Denzel si Katherine na maglaro ng isang video game. Sa sala ang napili nilang lugar na tambayan. Maulan kasi sa labas ngayon. "Oh, Kath bakit mag-isa ka lang?" tanong ng binata nang di makitang kasama nito si Arianne. "Di makakababa si Rian ngayon. Masama kasi pakiramdam niya," tugon ng dalaga habang hinahakbang kanyang mga paa sa hagdan. Mayroon kasing dalaw kanyang pinsan kaya di magagawa nitong samahan sila. "Ah, ganoon ba?" tumango lamang si Katherine kasabay na pag-upo niya sa sofa. Napailing si Denzel at nilalakasan niya pa ang loob upang makapag-confess na sa kaibigan ng kanyang feelings. Tinititigan niya ito at kaagad siyang umiwas. "Do you know how to play this game?" tanong na lang niya. Isang laro na may inuugnay sa iba't ibang klaseng krimen tulad ng pagpatay, pagnakaw, pangagahasa at iba pa. Kailangan mahanap nila ang mga bagay na ginamit dito pati ang motibo ng killer. "Nakita ko lang siya sa isang app downloader dati pero di ko pa nilalaro," di siguradong saad ng dalaga. "Sige, tuturuan na lang kita kung papaano." Tinuruan nga siya ng binata. May mga puzzles din sa laro na 'yon per level na kailangan buuin. Tahimik naman pinagmamasdan sila ni Gabriel gamit ang laptop nito. Nakakabit na rin kasi sa kanya ang CCTV sa bawat sulok sa loob at labas ng bahay, maging sa ilang parte ng isla na malapit lamang sa kanila. Hindi maiwasan ng binata na makaramdam muli ng selos sa gano'ng eksena. Naagaw lamang sandali kanyang atensyon kina Yael at Alfred na nag-aasaran at nagkukwentuhan sa kabilang kama. Si Yael ay may hawak din itong laptop na kung saan nagmo-monitor din siya sa paligid ng bahay maging sa labas nito gamit ang CCTV. "Saan ba nagpunta 'yong dalawa?" tanong niya habang nakatitig lang sandali kanyang mata sa screen. Tapos napunta sa isang footage kanyang napansin na kung saan naroon sina Denzel at Katherine. Napatitig siya sa gawi ni Gabriel at napansin niyang napakaseryoso nito. "Ahm!" Pag-aagaw niya pa ng atensyon. "Anong meron?" tanong naman sa kanya ni Alfred na kanina pang kumakain ng sitsirya. Hinarap ni Yael sa kasama kanyang nakita. Natigilan din ito at napatitig din kay Gabriel. "Boss Gab, ayos ka lang?" tanong naman ni Alfred na hindi mapalagay. Palit tingin niya lamang kay Yael na may tila may iniisip nanamang kalokohan. Tumango lamang siya. "Ayos lang ako." Pagkukunwari lamang ng binata pero ang totoo ay di talaga siya OK. Alam naman 'yon ni Alfred dahil kitang-kita niya sa mukha ni Gabriel ang kalungkutan na nararamdaman. Hindi na siya nagtanong pa. Nagpatuloy na lamang sa pagkain ng sitsirya at pakikipag-usap kay Yael. "Baliw ka talaga, EL," saad na lamang niya sa kasamahan. Katatapos lamang nina Denzel at Katherine mula sa paglalaro ng isang video game sa pangalawang pagkakataon. Kaya naman huminto muna sila at saglit lamang umupo nang maayos sa sofa. "Na-enjoy mo ba?" tanong ng binata. "Oo naman," maikling tugon ng dalaga. Inayos muli ni Denzel ang sarili upang maghanda sa kanyang pag-confess kay Katherine. Sobrang lakas ng kabog niya sa dibdib dahil sa kaba na pilit niyang nilalabanan. First time niyang umamin sa isang babae tungkol sa kanyang nararamdaman. "Kath?" wika niya. "Mayroon sana akong itatanong sa'yo." Nanatili pa ring mino-monitor ni Gabriel ang usapan at ganap kina Katherine at Denzel. Halos di na magawang ikurap kanyang mga mata na nakatingin lamang sa screen. "Ano ba 'yon?" tanong naman ng dalaga. "Alam ko matagal na rin tayo magkaibigan since college pa hehe." Pagsisimula na ng binata. "We are happy doing things we want. We almost like a brother and sister na di magawang mapaghiwalay." Alam na alam na ni Katherine ang gagawin ni Denzel. Aamin na ito sa kanya kaya naman halos di na siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Samantala, si Gabriel naman ay di napigilan kaya kaagad siyang tumayo sa kama dahilan upang magtaka sina Yael at Alfred. "Boss Gab, bakit?" nagtatakang tanong ni Alfred sa kanya. "Wala naman." Bumalik sa pagiging kalmado ang binata. "May titignan lang ako sa ibaba." Dahan-dahan nang lumabas si Gabriel at di na pinakinggan pa ang sasabihin ng dalawa niyang kasama. "Hayaan mo na," sambit ni Alfred dahil ayon sa kanya ay personal lamang na concern iyon kaya di na rin siya nakapag-react pa ng todo. "Bakit?" tanong naman ni Yael. "Personal lang 'yon. Huwag na tayo makialam." Malayo-layo ang silid na iyon papunta sa salas na kung saan naroon si Katherine. Ang hagdanan ay malawak at mataas din kaya di rin kaagad makakababa ng ganoon kabilis. "Kath, matagal ko nang napag-isipan 'to upang magkaroon ng lakas ng loob. Hoping hindi rin ito maging dahilan para masira ang friendship natin." Mga ilang sandali ay hinawakan na ni Denzel ang palad ni Katherine saka nagsalita muli. "Kath, you know how much I love and care for you eversince we're teenagers. So, I'm here to ask a permission if I can be your boyfriend?" Ilang segundo pa bago nakasagot si Katherine. Nagulat siya sa ganoong confession ng kaibigan sa kanya. Nagpipigil lamang siya na tumulo ang luha kaya pinikit niya muna mga mata at dumilat. "You are someone na pangangarapin ng karamihang mga babae dahil you have a good heart. You're so generous lalo na sa'kin. I appreaciated that much but sorry na di pa ako handa pumasok sa isang relationship." Tumango-tango lamang si Denzel sa kanyang narinig. May bahagi sa kanya na pagkabigo at kalungkutan ngunit mas inisip niyang unawain at igalang ang desisyon ng kaibigan. Kahit masakit kailangan pa rin niya magpakumbaba lalo na mayroon silang magandang samahan simula pa noon. Ayaw niya iyon mawala. Kung anuman ang rejection na natanggap niya ay ayos pa rin. Kaibigan niya pa rin si Katherine at mananatili siya sa tabi nito kapag kailangan siya. Hingal na hingal si Gabriel sa kanyang pagmamadali. Naabutan pa naman niya iyon. Gumaan kanyang pakiramdam nang marinig niyang hindi sumang-ayon ang dalaga sa best friend nito. Mayroon siyang pag-asa pa sa dalaga pero di pa sa ngayon ang panahon para umamin. Pagkaraang ng ilang minuto ay napagdesisyunan muna ni Katherine na magtungo sa kusina upang dalhin ang mga gamit na pinagkainan nila. "Babalik ako kaagad," paalam niya. Nang makalayo na ang dalaga ay siyang pagdaan naman ni Gabriel sa salas. Natigilan ito nang magsalita si Denzel. "Do you like her?" Nilingon niya ang karibal at sumagot nang mahinahon. "No." Pagde-deny pa rin ng Gabriel. "I'm in a long distance relationship." "Really?" Di makapaniwalang wika ni Denzel. Huminga ng malalim si Gabriel," Nagsasabi ako ng totoo." "Why you look so defensive pagdating kay Kath? Noon pa kasi napapansin ko na sa'yo eh." Hindi mapigilan ni Denzel na magtanong. Gusto niya lamang malaman ang totoo. "Trabaho ng isang personal bodyguard niya ang protektahan siya. Gagawin ko kung ano sa ikabubuti ni Miss Yuzon." Direkta lamang tumingin si Gabriel sa kausap upang di mapansin na nagsisinungaling siya. "Talaga lang ba?" Sinisigurado talaga ni Denzel na walang gusto ito sa kanyang kaibigan dahil kundi kailangan niya pang pakipag-compete dito. Hihigitan niya pa lahat ng nagawa niya noon. "Well, kung ayaw mo maniwala ok lang. Wala kang kahati kay Miss Yuzon dahil wala naman talaga akong gusto sa kanya. I love my girlfriend at loyal ako sa kanya." Kinabahan si Gabriel sa mga linya na binitawan niya. Tama naman 'yon para di magduda pa sa kanya si Denzel. Di pwedeng malaman nito na may gusto siya kay Katherine dahil mas lalong masisira siya. Alam niyang maimpluwensya din ang karibal. Kapag nalaman nito na may pagtingin siya sa dalaga, baka ipa-investigate din siya nito. Iyon ang bagay na ayaw niya mangyari. Bago pa man 'yon kailangan na rin niyang makipag-usap kay Hannah at makipaghiwalay na ng pormal. Narinig ni Katherine kanilang usapan. Halos nanghina siya sa sinabi ni Gabriel. Para bang tinusok ng karayom kanyang puso. Pinunasan niya kaagad ang luhang tumulo sa kanyang mga mata. Nilakasan niya ang loob na sumingit sa kanilang usapan at magpanggap na wala siyang narinig at nakita. "What's going on here?" Tinignan niya ang dalawang lalaki. "Wala," mabilis na sagot ni Gabriel. "May itananong lang siya sa'kin- not too personal." Pagsisinungaling nanaman niya ulit. "Siya nga pala lalabas muna ako." Nakaalis na nga binata at di na niya hinintay pa ang susunod na sasabihin ng dalaga at ang karibal nito. Nilingon ni Katherine si Denzel, "Ano na napag-usapan niyo?" "Wala. Hindi naman importante 'yon." Mabilis siyang inakbayan ng binata. "Maglaro ulit tayo." Pinaupo nga ni Denzel ang kaibigan at iniharap ito sa kanyang laptop habang siya ay di pa rin mapalagay sa naging usapan nila ni Gabriel. Hindi pa rin niya magawang maniwala sa sinabi ng karibal. Nitong mga nakaraang ilang buwan ay napapansin niya talaga ang pagiging defensive nito kay Katherine pati paraan ng pagtitig nito. Hindi siya papayag. Lalaban pa rin siya sa huli hangga't may nakikita siyang pag-asa pa sa best friend niya. Pagsapit ng hapon, nagpapaalam na rin si Denzel kay Katherine dahil babalik na rin siya sa siyudad. Tapos na rin ang ilang araw na bakasyon na hininga niya sa kanyang manager. "Mag-iingat ka, Denz," wika sa kanya ng kaibigan. Ngumiti siya rito, "Ikaw rin. Huwag mo masyadong isipin ang mga problema. Nangangayat ka na oh." Bigla siyang hinampas sa balikat nito. "Totoo naman kaya?" saad ni Denzel habang nagpipigil siya ng tawa. "Kumain ka ng maraming pagkain at matulog ng tama." Natuwa naman si Katherine sa kakaibang pagmamalasakit sa kanya ng best friend. Hindi niya tuloy maiwasan malungkot dahil hindi ito pinili niyang mahalin. Kung madidiktahan din sana ang puso, bakit hindi? "Oo, gagawin ko 'yan." Ngumiti na lamang ang dalaga bilang sagot. "Be brave ok. Magkikita pa tayo at ayaw kong nakikita kitang ganyan ulit." Biglang hinalikan ni Denzel si Katherine sa noo nito. Nagulat naman sila Arianne, Alfred, Yael, Patricio at ganoon din si Charlie na natigilan sandali kalalaro ng mobile games sa phone niya. Si Gabriel naman ay halos di mapalagay sa kanyang kinatatayuan nang makita niya ulit ang ganoong eksena. Napalingon sa gawi niya si Denzel matapos halikan si Katherine sa noo. "Kath, aalis na'ko." Dahan-dahan siyang naglakad paakyat ng bangka. Tila ayaw na niyang umalis pa sa isla at manatiling kasama ang kaibigan. "Yan, alagaan mo siya para sa'kin." Kinilig naman doon si Arianne. "Masusunod, Kuya Denz." "Paano na aalis na'ko. See you soon na lang ulit." Nagpaalam na sila ng tuluyan sa isa't isa hanggang sa nakalayo na rin ang bangka sa kanilang kinaroroonan. Nanatili pa rin ang mata ng binata sa kanila lalo na kay Katherine. Ilang segundo pa bago maa nakalayo pa ang bangka na iyon. Kaya, naisipan na rin nila bumalik papasok ng mansion. "OMG, kinilig ako doon ah." Parinig ni Arianne habang naglalakad sila papasok ng bahay. "Tsk!" reaksyon ni Yael. "Si Ma'am Katherine ka ba?" "Pinsan ko naman si Kath at close kami kaya naman parang ako lang din 'yong sinabihan ni Kuya Denz ng ganoon." Tinawanan lamang silang ni Katherine na tahimik lamang kasama nila. Namula ang mukha ni Yael sabay nakaramdam ng selos. "Bakit di ba ako naging sweet sa'yo ah, Yan?" giit pa ng binata. "Malambing ba 'yong laging nang-aasarar? Tsk, tsk, tsk." Nagtawanan pa ang isa sa kanila roon at nagkaroon pa ng mga asaran. Mga ilang sandali ay nanahimik sila at napatitig kay Katherine at Gabriel. "Sana kahit 'yong dalawa dito mayroon man lang lambingan," singig naman ni Patricio. "Aray ko naman." Kaagad siyang binatukan ni Alfred. "Malabo 'yan, pre kasi sobrang lamig na ng panahon. Tara na at..." saad naman ni Yael. "Kahit kailan talaga puro kalokohan ang nasa isip ni El. Di ko alam kung ano nagustuhan mo dito Ma'am Arianne," pahayag naman ni Alfred. Sa kanilang pag-aasaran, tanging sina Gabriel at Katherine na lang ang naiwan roon. Magsasalita sana siya ng biglang hinimatay ang dalaga kaya kaagad niya itong sinalo. "Kailangan lang niya ng pahinga," wika ng binata na si Gabriel. "Mabuti pa, Miss Arianne magpaluto ka kay Aliciana ng masusustansyang pagkain para kay Miss Yuzon." "Sige po, Sir Gabriel." Nagtungo na nga si Arianne palabas ng silid. Hinayaan niya lang munang ang binata na magbantay sa kanyang pinsan. Tinititigan ng binata ito habang natutulog. Hindi siya nagsasawa at napapagod pagmasdan ang dalaga. Labis na rin ang awa kanyang nararamdaman para dito. Hindi na siya nakatiis ng dahan-dahan niyang hinalikan ang tungki ng ilong ni Katherine. Napapikit siya at sandaling naimulat kanyang mga mata. Napatitig sa labi ng dalaga. Natigilan siya doon saka inilayo ang sarili. Nagtiis siyang bantayan ito hanggang sa sumapit na ang gabi. Limang araw nang lumipas matapos ang pagdalaw ni Denzel kay Katherine. Nagising ang dalaga at buo kanyang pagtataka nang makita si Arianne na nagliliglit ng kanilang mga gamit sa silid. "Rian?" Dahan-dahan niyang tanong kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata. "What is going on here?" Kaagad siya nilingon nito, "Kath, magbihis ka na at aalis na tayo." Dahil sa gulat at pagtataka ay di maiwasan ni Katherine ang magtanong. "Why?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD