Chapter 15: Confrontation

3031 Words
Sandali lamang tumitig si Gabriel kay Katherine. Nagawi kanyang mata sa ilong ng dalaga hanggang sa labi nito. Hindi na siya nagdalawang isip na nakawan ito ng halik. Labis ang pagkagulat ng dalaga sa nangyari. Sa halip, napapikit siya ng mata upang tugunan ang halik ng binata. Mga ilang sandali lang ay nilayo na ni Katherine ang sarili kay Gabriel. Hindi siya mapakali. "Matutulog na 'ko." Naiilang pang saad nito saka naglakad na palayo sa kubo. "Hindi pa nga tayo tapos mag-usap," wika ni Gabriel na tila na nasiyahan pa siya sa ganoong eksena. Napangisi lamang ang binata sa nangyari. Tinawanan niya ang naging reaksyon ng dalaga matapos niyang halikan ito sa labi. Sa pangalawang pagkakataon, nagdampi kanilang mga labi. Kay Katherine lamang niya iginawad 'yon na kahit matagal na rin silang magkasintahan ni Hannah. Magkaibang spark ang nararamdaman para sa dalaga kumpara sa kanyang girlfriend. Simula pa lang niya maramdaman iyon kay Katherine halos di na siya mapakali at halos mabaliw na rin sa selos sa kaibigan nitong si Denzel. Kakaiba ang naidulat ng dalaga na iyon sa kanya. Matindi na talaga ang kanyang kasalanan kay Hannah. Niloloko na niya ito. Kaya't kapag bumalik na talaga sa normal, kakausapin niya ito at aaminin ang totoo. Hindi niya sinasadya ang magtaksil sa kasintahan. Sadyang nahulog lang talaga ang loob niya kay Katherine na di malamang dahilan. "Uy, brad! Saan ka galing?" tanong ni Alfred kay Gabriel matapos makita nitong kakapasok lamang sa kanilang silid. "Nagpahangin lang." Pilit na itinatago ng binata ang kanyang reaksyon kanina. "Talaga?" Hindi magawang maniwala ni Alfred. "Iyon nga." Napangiti lamang ng nakakaloko ang kasamahan sa naging sagot ni Gabriel. "Sige, matutulog na'ko. Good night." Nahiga na lang ang lalaki at di nagtanong pa. KINAUMAGAHAN. Halos sabay-sabay silang kumain ng breakfast. Napansin ni Patricio na di pa rin nagkikibuan sina Katherine at Gabriel. "Wala bang pag-asa na magkasundo kayo?" tanong niya pa. Tila walang narinig si Katherine. Tahimik lamang siya na kumakain. Napabitaw naman ng kubyertos si Gabriel upang uminom ng tubig. Sariwa pa sa kanya ang nangyari kagabi kung paano nag-response rin si Katherine sa kanya. "Di ba dati ok naman na kayo?" sambit ulit ni Patricio. "Hirap lang kalimutan ang ginawa ng taong nagsinungaling tungkol sa kanyang sarili. Hindi gano'n kadali." Nakapagpaliwanag pa rin si Katherine sa nais niya sabihin. Nagtinginan lahat sa kanya pati kay Gabriel na tuloy-tuloy na lamang sa pagkain. May bahagi sa kanyang puso na naging apektado siya sa sinabi ngayon ni Katherine. Akala niya ok na ang lahat matapos niyon. Pagkalipas ng isang oras, naisipan ng dalaga na tumambay sa pangpang ng dagat. Tumitig siya sa di kalayuan. Mayamaya ay may tumabi sa kanya. Si Gabriel. Hinawakan nito kanyang kanang kamay para di makatakas. "Di na ba talaga tayo magkakasundo?" tanong sa kanya ng binata. "Friends na tayo dati eh." Lumingon aa kanya si Katherine, "Hindi tayo friends. Sina Denz at Rian lang kaibigan ko." "Ibig sabihin, joke mo lang 'yon?" Halos di matanggap ni Gabriel ang pagbawi ng dalaga sa pangako nito sa kanya. "Wala akong naalala na naging magkaibigan tayo," sabi pa ni Katherine. "Ano pa ba dapat kong gawin para mapatawad mo ako, Kath?" Nabigla ang dalaga sa kanyang narinig. Tinawag siya nito sa kanyang palayaw na dating Miss Yuzon ang tawag naman sa kanya. "Or Grace na lang?" "Stop it, Gabriel," iritang tugon ni Katherine. "Hindi ako titigil, hangga't di tayo magkakausap. Hangga't di mo ako pinapansin, hangga't di tayo nagiging magkaibigan ulit," giit ng binata. Masyado na rin siyang nahihirapan na pilit nilalayo ng dalaga ang sarili sa kanya. "We are not friends, Gab!" tanggi pa rin ni Katherine. "Kung may dapat akong ihingi ng sorry sa pagtatago ko ng katotohanan, I am sorry," paliwanag pa ni Gabriel. "Kung nagawa kong halikan ka, I'm sorry." Natigilan si Katherine sa huling sinambit ng binata sa kanya tungkol sa paghalik nito sa kanya. Ibig sabihin laro lamang 'yon sa binata? "How dare you hurt someone like me, Gabriel!" sigaw niya. "Mas nasisiyahan ka pa ba na may sinasaktan ka ng tao paulit-ulit? How selfish you are!" "Hindi ko sinasadya. Gusto ko lang talaga pansinin mo lang ako." Hindi pa rin kaya ni Gabriel ang umamin sa kanyang tunay nararamdaman. Sa ngayon, hindi pa pwede dahil nakatali pa siya sa ibang babae. "Ganoon lang? Paano naman ako na sinaktan mo ng paulit-ulit? You lied to me na akala ko na you are a good person." Bakas na sa mukha ng dalaga ang sakit na nararamdaman. "You didn't know how I blame myself when tito died and here you are. Nagtatrabaho ka as my bodyguard? Para akong sinaksak ng tiyan ng maraming beses nang malaman kong anak ka na Tito Seb." "Wala akong planong paghigantihan ka. Gusto ko lang pagbigyan ang kagustuhan ng lolo mo. Malaki ang utang na loob namin sa kanya." Pagpapaliwanag ni Gabriel kay Katherine. "Itinuring ko siya na para kong tunay na ama at sobrang sakit nang mawala siya nang dahil sa akin. Ngayon dumating ka at nalaman ko na ikaw anak niya, sobrang sakit sa parte ko. Nang namatay siya sarili ko parati ang sinisisi ko noon, hindi mo ba alam? Because of that feeling guilty, nakaranas ako ng anxiety and depression," kwento pa ni Katherine. "Alam ko, naikwento sa akin ng lolo mo nangyari pero natuwa akong naging ok ka pa rin sa kabila ng lahat." "Sa tuwing nakikita ka, bumabalik 'yong masakit na alaala sa buhay ko." Tumulo na rin ang luha ng dalaga na kanina pang pinipigilan. Pinahid iyon ng binata gamit kanyang daliri. "Huwag kang mag-alala, kapag naging normal ang lahat aalis ako sa pagiging bodyguard mo." Dahil doon natigilan si Katherine. Nalungkot kanyang puso sa narinig. "Iyon naman talaga gusto mo di ba, Kath? Ang lumayo na si Gab sa'yo?" bulong niya sa sarili. "Sa ngayon hangga't hinahanap ka ng mga pulis, di kita hahayaan. Kahit anong pilit mo sa akin lumayo dahil nasasaktan ka, hinding-hindi kita iiwan. Dahil ipinangako ko sa sarili 'yon." Halos di mapakurap ng mata si Katherine. Masyado siyang naguguluhan ngayon kay Gabriel. "Bakit ganito siya magsalita?" tanong niya uli sa sarili. "Eh di kaya? Pero, impossible naman ata niyon. May mahal si Gabriel na iba- iyon ang girlfriend niya na si Hannah." Napayuko siya saglit at pumasok sa isipan niya ang first time na pagnakaw ng halik nito sa kanya at noong kagabi. "Bakit ganyan ka magsalita? Hindi ka ganyan dati, ah," sambit niya sa binata. Napangisi lamang sa kanya ang si Gabriel. "Ganito naman talaga ako lalo na sa mahahalaga sa'kin. Isang kaibigan na turing ko sa'yo, Kath." Mga ilang sandali pa ay may tumawag sa binata. Si Derick. "Dito ka na muna." Iniwan na nga siya nito mag-isa nang may labis na pagtataka. Inaamin ni Katherine na gusto niya si Gabriel pero sa nakikita niya ngayon di niya alam kung ano ba talaga. Gusto niya ang binata kung bakit ganoon siya nasasaktan. Mahalaga sa kanya ang binata pero masakit lamang tanggapin na hanggang doon lamang sila. Ilang araw pang lumipas matapos ang confrontation nangyari sa pagitan ni Gabriel at Katherine. Halos napapaisip pa rin ang dalaga ang biglaang paghalik sa kanya ng binata. Dalawang beses na 'yon. Laro-laro lang ba sa kanya ang kanyang nararamdaman? Bumababa ng hagdanan si Katherine upang maglakad-lakad sa isla. Masyado na siyang naiinip sa loob ng bahay. Natigilan lamang nang tawagin siya ni Alfred. "Nandito na pala kayo, Ma'am Kath!" Bungad nito sa kanya. "Gusto ka raw makausap ng lolo mo." Mabilis na nagtungo ang dalaga sa isang screen ng desktop. Kita niya roon mukha ng kanyang lolo na nakangiti sa kanya. "Lo!" aniya ng dalaga. "Sa wakas, napatawag po kayo." "Kamusta ka na diyan, apo?" tanong ni Mr. Rodelio. "Ayos lang po ako." Hindi niya inamin na nabo-bored na talaga siya. "Mabuti naman kung ganoon." "Ano na po balita diyan, Lo?" Ilang segundo pa nakasagot ang matandang lalaki. "Nalaman na namin kung sino ang nagpasimuno ng g**o nakaraan sa mall noong mga araw na gumala kayo." Dahil doon ay napalapit si Gabriel sa monitor ng computer pati si Alfred. "Umamin na 'yong lalaki nagtangka sa'yo," pahayag ni Mr. Yuzon. "Wala na ngang iba gumawa niyon kundi mga Lhorin na umatend ng birthday party ko." "Sabi ko na nga ba!" sambit ni Gabriel. "Ano motibo nila kung bakit ako gusto nila ako dukutin?" tanong naman ni Katherine. "Alam mo na kasagutan doon, apo." Napaisip naman ang dalaga sa sinabi ng kanyang lolo. "Sa kayamanan?" Napangisi lamang siya. "May karapatan pa ba sila sa mana?" "Hindi ko sa kanila ibibigay ang mana." Siguradong-siguradong saad ni Mr. Yuzon. "Totoo po bang pinsan pa namin sila, Lo?" singit naman ni Arianne sa usapan. "Di naman mahalaga kung pinsan niyo sila o hindi. Ang sinasabi ko lang sa inyo lang mapupunta mga 'yon." "Pero lolo, hindi nila ako tinitigilan. Nawala na sa'kin ang writing career ko pati aking reputasyon dahil sa pag-iinterest nila ng mana," pagpapaliwanag naman ni Katherine. Dahil sa mana nga na matatanggap niya mula sa kanyang lolo halos sirain na ng mag-i-ina na 'yon kanyang public appearance sa mga tao. Maraming fans ang nawala sa kanya. Ilang beses na ring ni-reject mga manuscripts niya online. "Hindi mo na lang kailangan ipagpatuloy pa ang pagiging writer mo. Mas maiging mag-focus ka na bilang bagong CEO ng ating company, apo. Ang reputasyon malilinisan muli natin 'yan kapag na-expose na sa mga tao ang katotohanan," mahabang-habang wika ng matanda. "Kaya nga, pinasok ko si Gabriel bilang personal bodyguard mo para protektahan ka. Ngayon, nauunawaan mo na kung bakit ko siya kinuha." Nagtinginan silang dalawa ng binata ngunit kaagad tumitig sa computer. "Matanda na ako apo. Kailangan mo ng ihanda ang sarili sa isang malaking responsibilidad pati sa magiging sitwasyon. Magtiwala ka lang sa akin, Katherine." Mga ilang sandali pa ay natapos na rin pag-uusap ng dalaga at ng kanyang lolo. "Buti pa kayo nakakapag-access ng internet." reklamo pa ni Katherine. "Samantala ako, walay." "Para lang 'to sa security mo, Miss Yuzon," sagot ni Gabriel. "Mahirap na matunton tayo ng pulis. Mas maigi na walang iba nakakaalam na iba pa kung nasaan tayo." "Yeah, pero sobra akong naiinip ako sa buhay kong 'to. Di ko na alam kung ano pwede kong gawin parang libangan," wika ni Katherine. "Hinahangad ko na nga eh sana naging ordinaryong tao lang ako. Simpleng namumuhay lamang sa bansanng 'to." Naglakad na lamang pabalik ng silid ang dalaga. Sinundan na rin siya ni Arianne. "Kath, hintayin mo ko." Napahilamos na lamang sa sarili si Gabriel. Di niya maiwasan maawa sa kalagayan ng dalaga. Kahit siya di niya ito magawang tulungan, di niya magawang mapasaya ito at mapangiti. Tuwing magkikita at mag-uusap pa lang sila nito, nagiging iba na mood nito sa kanya. "Uy, hindi pa ba kayo nagkakabati ni Sir Gabriel?" tanong bigla sa kanya ni Arianne. "Hindi ko alam, Rian." Humiga na lamang sa kama ang dalaga. "Ano ibig mong sabihin?" Naguguluhan na tanong ng pinsan sa kanya. "Di ko alam kung alam kung paano ko siya tuluyan mapapatawad lalo nang malaman kong anak pala siya ni Tito Seb." Nanatili lamang nakapikit mga mata ni Katherine habang inaalala niya mga araw na naging ok sila ni Gabriel. Napamulat lamang siya ng mata nang pumasok sa isipan niya ang pagdampi ng kanyang mga labi sa labi ng binata. "Ahh!" Bigla niyang sigaw dahilan upang magtaka si Arianne sa kanya. "Bakit, Kath?" Tumayo ang dalaga mula sa kanyang kama. "Wala. Sige, lalabas muna ako." saka siya iniwan nito sa kanilang silid. "Ano nangyayari doon?" Di mapalagay na tanong ulit ni Arianne sa sarili. Kasalukuyang nakatanaw sa bintana si Gabriel nang napukaw ng atensyon niya ang imahe ni Katherine sa pampang ng dagat. Wala siyang balak sundan roon. Dito lang siya at tahimik niya lamang pagmamasdan ang dalaga. Maya't maya tumawag sa kanya si Hannah gamit ang isang messaging app. Sinagot niya ito kaagad habang nakatanaw pa rin siya kinaroroonan ng babaing nagpapatibok ng kanyang puso. "Hello, Hannah," mahinahon lamang niyang tugon. Tinignan naman siya ng nakakaloko ng mga kasama. "Bakit ngayon ka lang sumagot sa tawag ko, Luke?" Iyon kaagad ang bumungad sa kanya. Natagalan pa siya bago nakasagot muli nang makita niya si Katherine na umiiyak mag-isa. "Sorry, sobrang busy lang ako." Pagsisinungaling pa ni Gabriel ngunit ang totoo sinadya niyang di kausapin ang girlfriend dahil nagi-guilty na siya rito. Hindi na siya naging loyal gaya noong ipinangako niya sa sarili at maging sa ama niya. Narinig niya ang pagkairita ng girlfriend sa kabilang linya, "Di ba pinag-usapan na natin 'to, Luke na bibigyan natin ng time for each other kahit ganyan ka sobrang busy?" "I know pero sorry pa rin kung di ko natupad. Alam mo naman ang trabaho ko di ba?" "Ganyan na lang parati ang dahilan mo kapag tatawag ako sa'yo or text. Hindi ko na masabi kung mahalaga ba ako sa'yo, Luke. All the time I was hoping na mabigyan mo ako ng time to spend with you," muling reklamo sa kanya ni Hannah. Nakikipag-usap siya kay Hannah habang kanyang mga mata ay nakatitig kay Katherine. Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak. Gusto man niya ito samahan subalit di niya magawa. Ayaw rin naman niya babaan ng telepono ang girlfriend. "Hannah, ginagawa ko 'to para sa'tin sana maintidihan mo," pakiusap niya. "Bukas, pupunta ako sa restaurant na pinupuntahan natin dati. Inimbitahan ako kuhanan ng litrato ang isang client na kumausap sa'kin noong isang araw. Kaya, naisipan ko rin na magkita tayo. Nami-miss na kita, Luke at ganoon na lang panay tawag ko sa'yo." Ilang segundo bago nakasagot si Gabriel. "Babe, sorry wala ako ngayon sa syudad. May vacation kami ng amo ko sa malayong lugar." Dahan-dahan niyang paglalakad upang di mabigla ang kasintahan. "Ah, saan? Pupuntahan kita." "Malayo 'to, Hannah. Next time na lang, please?" Natagalan din bago nakasagot ang girlfriend. "Ayaw mo ba ako makita, Luke?" May halong lungkot sa boses ng babae. "Hindi sa gan'on. Wala talaga kami sa siyudad ngayon." Kahit gugustuhin man niyang puntahan ang kasintahan upang kausapin na ito nang maayos, hindi naman niya magawa takbuhan kanyang trabaho sa isla at hindi niya kayang iwanan sa ganoong sitwasyon pa si Katherine. Mapanganib. Ayaw na niya maulit pa ang nagawa niyang kapabayaan noon sa dalaga. Buhay nito ang kapalit kapag umalit siya. "Bakit di mo na lang aminin ang totoo, Luke na ayaw mo ako kausapin at makita?" Naiirita na ring saad ni Hannah sa kanya. "Napapagod na ako sa ganitong set up natin." "Ssshhh." Inalo niya ito subalit patuloy pa rin ang babae sa pagrereklamo. Napapikit na lamang si Gabriel upang humaba pa kanyang pasensya kay Hannah. Noon pa man siya ang madalas nag-a-adjust sa kanila. Inuunawa niya ito dahil mahal niya pero ngayon parang naririndi na rin siya at napapagod. "Hannah, please understand naman oh. Di ko magagawa ang gusto mo. Mayroon akong trabaho na dapat kong bantayan." Pagkatapos niyon, binababaan na siya ng telepono. Nakatitig siya sa gawi ni Katherine. Naroon pa rin siya. "Panahon na siguro para aminin mo na ang totoo," saad ni Alfred. "Hindi naman kasi tama na dalawang babae ang pwede mong mahalin, brad." "Di ko nga alam sa sarili kung bakit ganito. Kung bakit nagkagusto pa ako sa kanya? Di ko ginusto na di ako naging tapat na sa girlfriend ko," pahayag ni Gabriel. Ngumisi sa kanya si Yael. "Sino ba naman kasi di ma-i-inlove kay Ma'am Katherine? Noon pa man marami na nagkakagusto sa kanya." "Siguro, mas mabait si Katherine kaysa sa girlfriend mo?" wika naman ni Patricio. Binatukan naman siya ni Alfred, "Aray!" "Sira ka kasi," sambit nito kay Patricio. "Wala naman sa pag-uugali 'yan na kung sino mas mabait iyon na pipiliin mong mahalin na. Sadya napamahal ka lang kay Ma'am Katherine," pagpapaliwanag niya kay Gabriel. "Hindi sa kagandahan kung bakit gustung-gusto siya ng lalaki noon? Kundi sa kabutihang puso. Kita niyo naman kung gaano patay na patay sa kanya si Sir Denzel." Napangisi si Yael sa kanyang sinabi. Napansin naman iyon ni Gabriel ang pagiging determinado ng lalaki kay Katherine. Kaya ganoon na lang din nararamdaman niyang selos sa ngayon kapag nakikita niyang magkasama ito. "Di naman talaga siya basta mabait." Napatitig sa kanya ang apat at gulat mga ito. "Bakit?" Nagtatakang tanong niya. "Iyon ba ang dahilan kung bakit nahulog ang loob mo sa kanya?" tanong naman uli sa kanya ni Alfred. Hindi tumango at nagsalita si Gabriel tanging paggalaw lamang ng kanya ulo ang naging reaksyon. Napatingin nanaman siya sa gawi ni Katherine na nanatili pa rin sa paghikbi. "Lalapitan ko pa ba siya o papanoorin ko lang siya dito?" saad ng binata sa kanyang isip. "Ano, Boss Gabriel," aniya ni Patricio. "Mahal mo na ba?" "Bakit di ka makasagot diyan?" tanong naman ni Yael. Kumunot ang noo nito nang mapansin na nasa malayo ang atensyon ng kasamahan. "Uy!" Nagtinginan silang apat. Kanina pa nila kasing napapansin ito na seryoso kung dumungaw sa bintana. Hindi na nagdalawang isip ang isa sa kanila na silipin kung ano iyon. "Kaya naman pala, tsk!" sabi ni Patricio. "Nako, mukhang matindi na rin tama mo sa kanya ah." "Bakit di mo na lang puntahan?" singit naman ni Yael. "Kailangan ngayon ni Ma'am Katherine na magko-comfort sa kanya at ikaw 'yon, brad." Tinapik naman siya sa balikat ni Alfred at tinanguan lamang siya ni Charlie. "Tapos, tayo naman maghanap ng chicks sa labas." Pang-aasar pa ni Patricio. "Baliw!" tugon sa kanya ni Yael. "Saan naman kayo makakahanap niyon dito? Eh private na isla 'to." Di na nga nakatiis si Gabriel na hindi lapitan si Katherine kaya iniwan na niya ang mga kasamahan sa kanilang silid. Napagdesisyunan na rin ni Katherine na bumalik na rin sa loob ng mansion lalo na napansin niyang maitim na ang langit. Nababadya ito ng malakas na ulan. Dahan-dahan siyang tumayo at inayos ang sarili. Pinunasan ang mukha na basang-basa na kanyang luha. Naglalakad na sana siya nang napansin niyang may papalapit na isang bangka sa di kalayuan. Nagtaka siya roon at kinabahan. Nabuo kanyang kuryosidad sa gitna ng takot na nararamdaman. Sa halip na umiwas, lumapit pa siya sa kung saan titigil ang bangka. Malayo-layo pa ito kung saan siya naghihintay. Mga ilang sandali ay buo kanyang pagtataka nang nabatid niya kung sino ito. "Denzel?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD