ZERRA NICOLE'S POV Dumating ang ika-28 ng hulyo, araw ng anibersaryo. Papasok pa lamang ako sa bulwagan nang makita ko na sobrang dami ng tao. Kasabay ko ang kaibigan kong si Ara at si Ell habang nakakapit ito sa braso ng asawang si Marcus. Kasama rin namin kanina si Dave dahil ito ang date ni Ara. Humiwalay lamang ito dahil tinawag ito ng Mommy ito. Napansin ko na parang balisa si Mommy Annika kanina at parang hindi ito makatingin sa akin. Mukhang nagtatalo pa ito at si Dave. "Ang ganda mo Niks, super bagay sa'yo ang gown mo," masayang saad pa ni Ara. Napangiti naman ako rito. Nagpaganda talaga ako ngayon dahil ang sabi ni Dave ay may surprise daw sa akin si Drake. Actually kahapon ko pa hindi nakikita ang boyfriend ko at ni hindi ako nito inayang maging date. Kaya ito, wala akong kas

