Candice POV It’s already 3 pm at nandito pa rin ako sa aking kwarto. Maayos naman akong nakauwi sa bahay kagabi kahit na walang humpay ang pag buhos ng luha ko sa gitna ng dagat, mabuti nga at walang masamang nangyari, lalo na't na d-distract ko rin ang bangkero sa aking pag singhot. At nang makauwi mabuti na lang ay tulog si mommy kaya hindi na ako nasalubong ng tanong. Tok Tok Tok "Candice, iha nandyan ka ba?" "What do you want mom?" "Anak, we need to talk privately. Can I come in?" Anas ni mom, gusto ko sanang tanggihan ito sapagkat wala akong gana makipag usap, subalit kung hindi ko naman ito gagawin baka mag duda sya. Kaya kahit labag sa kalooban kong tumayo sa aking pagka higa ay bumangon na ako upang pag buksan ko ng pinto si mommy. "Candice anak I'm glad...bakit ganyan

