"Naka tulala ka na naman." "Ikaw pala Shizue." "Sino pa ba, ako lang naman ang maganda mong asawa." Hindi ko mapigilan mapangiti sa sagot neto subalit hindi naman iyon nag tagal lalo na binabagabag pa rin ako nang aking isip about sa pakiusap ni kimo. Tila napansin naman ito ni shizue kaya napabuntong hininga ito sa harap ko. Alam na nya rin kasi kung ano ang dahilan kung bakit ako ganito. Mabuti na nga lang ay hindi sya naiirita sakin dahil parang mas mababae pa ako kung mag drama kaysa sa kanya. "Yung totoo bakit napaka bakla mo." "Grabe ka maka bakla, asawa mo pa rin ako." Depensa ko sa kanyang sinabi ngunit tinaasan nya lang ako ng kilay sa aking reaksyon. " hays, bakit kaya ikaw nakabihag sa puso ko?" "Grabe, ano bang problema mo bakit ka nananakit?" Hindi makapaniwala kong

