Tuluyan na nag iba ang ikot nang mundo ko. Na kung dati-rati ay nasa trabaho ako nang pangingisda at pag katapos ay masayang uuwi sa bahay. Makikipag laro sa aking mag ina, makikipag tawanan, kwentuhan at anu-ano pa. Ngayon ay lagi na lang ako nauwi sa hapon, at sa gabi hanggang umaga ay nasa kwarto ako ni papa. Kahit halata na saking asawa ang aking ginagawa ay hindi ko pa rin kayang sabihin sa kanya ito, na kahit si kim ay panay iyak na lang dahil patuloy pa rin ang pag tataboy ko sa kanya, hindi dahil sa nawala ang pag mamahal ko dito kung hindi na g-guilty ako sa ginawa nang angkan ko sa nag mamay ari nang mata neto. Tinupad naman ni papa ang kondesyon ko, kaya kahit papaano ay kalamdo ang loob ko na nasa mabuting kalagayan ang aking mag ina. Subalit, tila maaga ata akong mapapauwi

