Sobrang sarap pala sa pakiramdam nang maamin mo sa iyong sarili ang tunay mong nararamdaman. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung masabi ko kay kimo ang laman nang aking isip at puso, na ngayon ay pangalawang linggo na namin na relasyong patago. Normal pa rin naman ang lahat nang nangyayari saming paligid ni kimo at may dumagdag lang naman nang kakaunti. Kagaya na lang nang pag nakaw nya ng halik kapag nag kaka ruon kami ng chance na kami lang mag isa at minsan naman ay pasimple ako nitong hihipunan na ikinagugulat ko na lang talaga. Kahit papaano ay ayos lang naman sakin iyon, basta ba ay hindi kami mahuhuli. Kaso nga lang hindi ko maitatanggi na kahit mahinhin ito sa una ay may tinatago pala itong kalokohan sa katawan. Hindi ko na nga alam ang gagawin kapag sa tuwing dumadalaw

