What now? Dumating na ang kinakatakutan ko. Papaslangin na nila ang taong mahal ko, ngunit hindi ako makaka payag, ano ba ang dapat kong gawin? Isa lang naman ang paraan eh yun ay itakas sya. Pero paano? Wala sa oras ako’y napahawak saking sentido nang maramdaman kong kumirot ito. Nag pahinga muna ako saglit at maya-maya lang ay pinag patuloy lang ang aking pag p-plano. Sigurado ba ako sa desisyon ko? Sobrang bilis nang mga pangyayari pero kung hindi ko naman ito susundin ay baka bukas wala na akong maabutan na kimo sa pag sapit nang araw. Mabilis akong lumabas sa aking kwarto at nag paalam kay mama nang mabilis. Mag tatanong pa sana ito ngunit hindi ko na sya hinayaan dahil ngayon ay hahanap ako nang ruta upang makatakas kami ni kimo dito. Para naman sumang ayon ang tadhana sakin da

