"Isa syang warrior!" Nag nining-ning ang dalawang mata na pahayag ni za yo. Alanganin naman akong napangiti sa sinabi neto, sapagkat klaro naman sa itsura nya na may sarili na naman syang mundo. Ewan ko ba, pwede lang naman sabihin na may angking lakas ang katabi ko dahil literal na hindi sya warrior. May warrior ba na sumusunod sa nakakabata sa kanya? Diba wala, kaya ewan. sabagay dun naman masaya ang kapatid ko, hahayaan ko na lang sya sa kagustuhan nya. "Ate ri yu, totoo bang warrior pala si ate sora?" Kalabit naman sakin ng isa at nang lingunin ko ito eh tila nag r-reflect ang expression ngayon ni za yo sa mukha ni matsuri. Wala tuloy sa oras napakunot ang aking noo at napatingin kay sora na ngayon ay wala rin naman alam sa nangyayari. "S-sa tingin ko?" Para naman naging magan

