Makalipas ang ilang araw eh naging mapayapa naman ang pag sasama namin ni za yo kayla aling mira, matsuri, Floyd at sora. Meron pa ngang iilang scenario na hindi na mahirap imbitahan si sora, kaya lagi siyang kasama ni za yo sa kung saang lupalop man sila pumunta. Si floyd at aling mira naman ay abala para sa pagkain namin araw-araw. Habang si matsuri ay sya ang panay buntot sakin. Bilang mahilig sya mag basa ng libro eh hinahayaan ko lang ito hiramin ang meron ako, minsan ay nag tatanong rin sya sa aking mga ginagawa, kagaya na lang ngayon, na abala ako sa pag susulat sa aking mga natuklasan tungkol sa mga bulaklak na aking pinitas. "Sa tingin ko itong bagay na hawak ko ang tinutukoy sakin ni tito." "Bakit naman po ate ri yu?' "Nakakapag pagaling kasi ang bulaklak na ito matsuri."

