Maayos naman kaming nakarating ni sora sa tabing ilog, pero kahit ganoon ay hindi ko pa rin maiwasan maging alisto dahil baka may malaking aso na naman ang dumating o hindi kaya ibang mabangis na hayop na naman. Para tuloy akong nasa action movie kung kumilos, yung tipong hindi mapakali ang aking ulo tapos bago umabante ay kailangan hahawain ko muna ang mga hibla ng damo. "A-ah RI yu." "Asan! Asan ang aso!?" Agad kong lingon kay sora habang hinanda na ang hawak-hawak kong kahoy. Mabilis rin naman itong napalingon sa kanyang paligid bago nya tinuon sakin ang kanyang tingin. "W-walang aso RI yu." "Eh bakit mo ako tinawag?" Mataray kong tanong, hindi nya ba alam kung gaano nangatog ang tuhod ko nang tawagin nya ako? Akala ko naman may nakamasid na ulit samin. "M-mag papaalam lang sana

