Kinabukasan... Ay ito nakahilata pa rin ako sa aking higaan. nadapuan kasi ako ng sinat, hudyat kagabi. Kahit na inasikaso kami agad ni za yo, nang mabungaran kami neto na basa, kaso sa kasamaang palad ako lang ata ang naapektuhan, habang ang isa kong kasama ay wala man lang dinaramdam ngayon. Hays, ayaw ko pa naman sa lahat ng sakit ay yung sinat, dahil hindi man lang ako neto pinapayagan tumayo o hindi kaya patagalin tumitig sa isang bagay. Pero mabuti na lang ay matigas ang aking ulo, kaya kahit mag kandang hilo-hilo ako sa pag tayo ay sinubukan ko pa rin, sapagkat gusto ko na rin gumawa ng gamot para naman bukas ay mawala na ito. Kaso nga lang bago pa ako makarating sa aking table ay agad rin akong napadapa sa sahig dahil sa sobrang hina rin nang aking katawan. "Aghh, z-za yo" N

