"Where do you plan to go, young lady?"
"Mag papa unwind lang."
Magiliw kong sagot saking kapatid nang lingunin ko ito. Sakto kasi ang pag dating nya sa papaalis pa lang na ako.
"At saan naman kaya ang lugar na yun? Sa Greece, Switzerland, Maldives?"
I chuckled, hindi ko naman sya mapipigilan sa pagka over react nya dahil lahat naman nang sinabi neto ay napuntahan ko na.
"None of the above kuya. But I was planning to unwind at the Paris next time."
Napapailing na niluwagan naman nito ang kanyang neck tie at lumapit na lang sakin upang hagurin ang aking ulo, senyas na wala na itong masasabi.
"Just take care on your journey bata, lalo na't ikaw ang princess namin."
Pabiro ko itong sinuntok sa kanyang tagiliran na ikinangiti nya lang. Tsk, this guy, once in a week na nga lang nauwi sa bahay ang lakas pa mang asar.
Naisipan ko na lang umalis bago pa ako tuluyan mapikon, pero nang hindi pa ako nakakalayo agad ulit ako napalingon sa kanya at sumilay ang maganda kong ngiti sa kanyang sinabi.
"By the way, do you need an extra allowance?"
Sabay pakita nito ng pera sa kamay nya.
"I would really love it!"
Natutuwa kong lapit at malugod syang binigyan nang halik sa pisngi. Kahit naman mapang asar tong kuya ko.
Ito naman ang sobrang magarbo mag bigay!
Maya POV
"Nandito na tayo sa wakas!!"
Masayang pahayag ni mateo habang ininat-inat pa ang kanyang katawan nang ito ay tumayo.
"Tara maya, dahan-dahan lang."
Alalay nito sakin nang ito ang unang bumaba. sinunod ko ito habang inabot ang nakaabang nyang kamay.
"Tuluyan ka na rin nakatapak sa lungsod maya, kumusta ang pakiramdam mo?"
Nakangiti nyang tanong habang magalang nya sakin kinuha ang aking gamit na hindi ko man lang namalayan dahil sa nakatutok lang ang aking paningin saking harapan.
"Sobrang ganda dito mateo"
Namamangha kong sabi na ikinatawa lang nang aking katabi. Limang buwan na rin kasi bago ako ulit nakatapak dito kaya ang daming nag bago.
Hindi pa sana maaalis ang aking atensyon sa paligid kung hindi ko lang naramdaman ang mainit na kamay ni mateo na nag kuha sa aking atensyon.
"Sigurado ako na mas mamamangha ka pa dito maya!"
Magiliw nitong pahayag na hinayaan ko lang sya sa pag hila sakin habang ang aking paningin ay taimtim lang nakatuon sa mag kahawak kamay namin.
Hindi ko mapigilan makaramdam nang kiliti saking tyan, lalo na ang bilis nang t***k netong aking puso nang maramdaman ko pa ang pag higpit na hawak ni mateo saking kamay, na tila ba'y ayaw nya akong pakawalan.
"Maya"
Pagkaraan nyang pag kuha sa aking atensyon, dahilan upang bumungad sakin ang maganda nyang ngiti.
"Tignan mo na ang paligid mo."
Kanyang pahayag kasabay ang malamyos na hangin na dumaan sa pagitan namin at parang instruction ito na aking sinunod.
Ganoon na lang ang pag laki nang aking mata at pag awang sa aking labi dahil sa sobra kong pag kamangha.
Tama nga ang sinabi ni mateo, mas maganda pa ito kumpara sa bumungad sa amin doon sa pampang.
"A-ang ganda..."
"Mas maganda ka pa rin."
Agad kong lingon dito, hindi nya rin siguro inaasahan ang kanyang sinabi kaya hindi neto mapigilan mapa mulahan nang mukha.
Lihim naman akong napangiti sa kanyang sinabi at binalik na lang ulit sa harapan ang aking paningin.
"Saan pala tayo mag sisimula?"
Pag hawi ko sa nakakailang na pakiramdam, naging epekto naman ito dahil bumalik na ulit ang kanyang ngiti at nauna na itong mag lakad sakin na akin lang sinundan.
"Sa ngayon, puntahan muna natin ang ating pag tutuluyan at bukas na bukas rin ay lilibutin natin ito lahat"
"Hindi na ako makapag hintay"
Halo-halong emosyon kong sabi habang palipat lipat ang tingin sakin paligid, Lalo na't ang mga tao dito ay halatang masaya sa kanilang ginagawa.
Pansin ko rin ang iba't ibang kasuotan nang mga tao dito na iilan ko lang nakikita sa isla bitwin.
Meron din ibang mga bagay na ngayon ko lang nakita, kaya di ko mapigilan ang aking kuryosidad.
"Nandito na tayo maya."
Tawag ni mateo at sabay kaming pumasok sa loob nang nag lalakihang gusali.
"Ang ganda naman dito at ang lamig"
Aking pahiwatig habang napatingin sa itaas nang may nakita akong malaking ilaw na nakalambitin at kumikinang pa ito.
"Hotel ang tawag sa pinasukan natin maya."
Paliwanag sakin ni mateo habang nag lalakad palapit sa isang magandang lamesa.
"Good morning, my reservation for two."
"Just wait for a moment sir"
Hinayaan ko lang si mateo sa kanyang ginagawa habang ako ay tahimik silang inoobserbahan.
Maya maya lang ay may binigay ang babae sa aking kasama na dalawang susi bago kami tuluyan umalis.
"Ito ang sa iyo maya."
Maingat na pag abot ni mateo sa hawak nya nang makapasok kami sa isang room at may pinindot ito agad na ikinasara nang pinto.
Balak ko pasana ito tignan nang maayos pero agad ako napahawak sa braso nang binata nang mapansin kong gumalaw ang aming pwesto.
"A-anong nangyayare?"
Tumawa lang naman ito sa aking sinabi at hinawakan rin ang aking kamay.
"Elevator ang tawag sa kinalalagyan natin ngayon maya, para lang itong hagdanan para makarating tayo sa ating palapag. Hindi nga lang natin gamit ang ating paa."
May ganito pala dito? Ang galing naman kaso parang nakakahilo.
Agad naman kaming lumabas ni mateo sa elevator at sinimulan na nyang libutin ang kanyang paningin na parang may hinahanap.
"Ah dito!"
Pinag masdan ko lang ito nang lumapit sya sa isang pinto, at napangiti nang tanging ang boses nya lamang ang rinig sa tahimik namin paligid.
"Buksan mo na ang pinto maya, gamit na binigay ko sayong susi."
Sinunod ko naman ang kanyang utos at binuksan ito. Hindi ko na naman ulit mapigilan m-mangha sa aking nabungaran nang kami'y makapasok.
"Maya, dito mo ilalagay ang iyong mga gamit at dito naman ang banyo. Sa ngayon mag papahinga muna tayo ah. Alam ko kasing nangangalay pa ang iyong katawan sa ilang oras natin pag upo sa bangka."
Tama sya at ramdam ko rin ang aking pag ka antok nang makaupo agad ako sa malambot na kama.
"Sige maya, katabi mo lang naman ang kwarto ko kaya katukin mo na lang ako kung may kailangan ka ah."
Paalam nito bago sya lumabas, isang tango na lang ang ibinalik ko at tuluyan nang humiga.
Napaka lambot naman nito kumpara sa hinihigaan namin na kutson sa isla bitwin, at nakakadala nang antok ang mabangong amoy sa paligid.
Ang huli ko na lang nasilayan bago ako tuluyan maka idlip ay ang kurtina na malayang hinahawi nang hangin...