Candice POV
"The dark sky is so lovely tonight."
Hindi ko mapigilan puri sa nasisilayan ko ngayon. I am in my condo at 11 o'clock in the evening and decided to rest on the balcony.
Napaka tamihik ng paligid, tamang-tama para makapag muni-muni at mag isip.
I know dapat natutulog na ako dahil alam kong tambak na naman ako nang gawain bukas. But, this time parang buhay na buhay ang diwa ko. Instead kasi na mapagod ako sa mga nangyari at makatulog sa aking mga natuklasan, eh ito malaya ko pa rin sinisilayan ang mga bituin.
"Mabuti pa kayo dyan, kumikinang-kinang lang, at kahit ang dilim nang inyong paligid nagagawa nyo pa rin mag liwanag."
Hindi ko pa mapigilan pahayag na akala mo'y sasagot ang mga ito. Tahimik ko lang sinimoy ang hangin na dumadaplis saking mukha nang wala sa oras na alala ko ang moment namin ni nerdy sa cliff.
Lalo na ang sinabi nya sakin noon about her what if to those stars...
'Bruha, naniniwala ka ba 100% sa sinasabi nang mga scientist na ang stars ay gawa sa hydrogen at helium?'
'Yes, why not?'
'What if, kung meron din na hindi?'
'What do you mean nerdy?'
'Paano kung ang iba sa mga bituin na yan ay galing sa namayapang buhay?'
'Tsk, it’s not real Kim, you're too prone on those fiction.'
'Eh paano kung oo, diba ang astig lang!'
'Where is the amazing there? Ni wala pa ngang nag b-bigay na evidence na pwede mangyari yun.'
'Uy meron na ah!'
'Stop saying nonsense.'
'But I'm not! Sadyang di ka lang siguro na nunuod ng disney movie kaya di mo alam.'
'At ano namang connect yun sa pinag uusapan natin hah?'
'Alam mo ba yung movie na the princess and the frog?'
'No, I hate wasting my time into fairy tales.'
'Ang boring naman nang buhay mo bruha.'
'What!? Nag hahanap ka ba nang away?'
'Wala akong sinabi noh, pero back to the main topic. Yung movie kasi na yun eh isa sa mga proof na naniniwala sila na ang stars ay pwede rin gawa sa soul.'
'Nag s-simula ka na naman maging unrealistic, nerdy.’
'Hmm...well, I don't mind anyway, kung hindi man iyon maging totoo mas gusto ko pa rin maniwala sa kwento nila evangeline the stars and raymond the firefly.'
'Who's them?'
'One of the casts sa movie na iyon at ang dalawang proof na pwedeng gawa sa soul ang star'....
.......
"Then, are you looking to me right now, Kim?"
Siguro kung may tao lang ang nakakarinig sakin eh mapag kakamalan na akong baliw.
"I-is Neil with you? N-nasabi nya kaya ang mga gusto kong sabihin sayo?"
Ngunit imbis na alalahanin pa iyon mas nangingibabaw pa rin sakin ang unting-unting pag bigat nang aking damdamin, at saka ko lang namalayan na nakatakas na pala ang luha saking mata nang maramdaman ko ang pagka basa nang aking kamay.
" Right now, I believe you. S-so I hope you are looking at me...and v-visit me in my dream, I-If you got my message. "
Nahihirapan kong bigkas at wala sa oras napaupo sa aking pwesto habang takip ang nag h-hinagpis kong mukha.
At ang kanina lang na tahimik na paligid ay ngayon nahahaluan na nang aking pag hihinagpis, na para bang ito na lang ang aking paraan upang gumaan ang ilang araw ko nang mabigat na damdamin.
Mga ilang oras nang nakalipas ay saka ko lang naisipan pumasok sa loob, malamig na rin kasi ang simoy nang hangin at hindi na kaya pang sanggain nang suot kong dark blue lingerie na sinapawan ko lang nang aking silk robe.
Balak ko na sanang pumahiga sa aking kama kung hindi ko lang nahagip saking paningin ang music box na nasa aking study table.
Unti-unti ko itong inabot at taimtim ko itong tinignan na hanggang ngayon ay basag pa rin, hindi na kasi nasagi saking isipan na ito'y ipaayos dahil sa maraming bagay na nag occupied saking utak.
Kahit naman ito ay basag eh tumutunog pa rin sya nang maayos, madaming beses ko na naririnig ito, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nag sasawa sa tunog nito.
Maayos na akong humiga sa kama bago ko pinatugtog ang aking hawak, nang mag simula nang lumabas ang tinig ay napapikit na rin ang aking mata at ninamnam ito.
Hanggang sa di ko namalayan na nahila na ako nang antok...
*********
"Good morning Dr. Candice you are beautiful as always."
Great.
Hindi pa nga nakakapag simula ang araw ko ay feeling ko sira na agad. I woke up early dahil sa alarm clock at hindi na ako natulog muli.
Kaya naisipan kong agahan na lang ang aking pag pasok upang makatikim nang favorite kong coffee, kaso pinag s-sisihan ko nang pumasok nang maaga. Kung alam ko lang na sa parking lot palang ay makikita ko na ang mukha ni freud, edi sana talaga nag jogging na lang muna ako.
"Thanks"
Maikli kong sagot sa kanya at binilisan ang aking pag lakad upang di sya makasabay sakin, pero ang mokong ay parang di nakaka ramdam na ayaw ko sa presensya nya, at naka ngising aso pa ito habang pinag titinginan kaming dalawa nang mga tao sa paligid namin.
That's why ayaw ko syang kasabay dahil another chismis na naman itong kakalat sa buong hospital. You know, hindi naman mawawala sa tao ang pagiging chismosa nila at pagiging magaling gumawa nang kwento, kaya itong kasama ko ay lumalaki ang ulo.
"Dr. Candice, I want you to have lunch with me."
"No, thanks."
"How about dinne---"
"Dr. freud, my schedule is full. So, I'm not available today."
Putol ko sa kanyang sasabihin at mariin itong tinignan upang iparamdam sa kanya na hindi ako interesado.
"Then, how about tomorro--"
"Also, in 10 yrs."
Putol ko ulit na ikinalaki talaga nang mata nya, sasagot pa sana sya pero agad ko na itong nilagpasan nang marinig kong tumunog ang aking phone.
"Hello?"
"Hello candice iha?"
"Mom! Ikaw pala yan, how are you miss na kita.”
Agaran kong pag ngiti nang marinig ko ang boses nang aking ina. Gosh, parang ngayon ko lang na realize na sobrang namiss ko ito.
" ayos lang ako iha, miss na miss na rin kita. Ikaw ba kumusta ka na?"
"I'm doing fine here mom, minsan napapa over time kapag maraming patients, Bakit po pala kayo napatawag?"
"About that Candice, I just wanted to ask kung may balak ka bang umuwi dito sa pilipinas for the occasion?"
"What occasion mom?"
Tanong ko pero parang natahimik sya, kaya wala sa oras napa tingin ako sa screen ng phone at kita ko na on-call pa rin naman ito.
"Hello mom?"
"Yes iha?"
"Ano pong occasion?"
"Ah right, I-its 3 years death anniversary ni kim."
Tila ako naman ang natahimik saking narinig at rinig ko pa ang pag tawag sakin ni mommy.
"o-oo nga pala, m-maybe next week mom, mag papa alam pa ako."
Respond ko nang magising ako sa ulirat, may iilan pa itong sinabi, pero hindi ko na naintindihan dahil sa isang word na lang naka focus ang aking isipan.
"Are you still there, iha?"
"Y-yes mom, but I think I have to go dahil duty ko na rin."
" Osige iha, text mo na lang ako kung kailan alis mo okay, mag iingat ka dyan. I love you."
"You too mom, I love you got to go, bye."
Nakangiti kong respond at sya na ang nag patay nang tawag.
"Dr. Candice"
Sakto naman ang pag lapit ni freud sakin matapos kong itago ang phone sa bag at nilingon sya.
"yeah, I need a day off."
Agad kong bungad sa kanya at taimtim syang tinitigan.