Kabanata 7

1150 Words
Kabanata 7 Friends Seryoso niya akong tinitignan. Nakakuyom pa din ang palad ko. Biglang tumahimik ang paligid namin. Hindi ko magawang lingunin sila dahil katulad niya, hindi ko din maialis ang paningin sa kanya. Lumipad ang isipan ko sa kung saan-saan. Naghahanap ako ng pangyayari para magalit siya sa akin pero wala akong mahanap. Hindi kami magkaibigan. Hindi namin kilala ang isa't isa. I don't even know his name. "Okay? What is happening here?" dumating bigla si Coach at pumagitna siya sa amin. Naibaling ko ang tingin kay Coach na ngayon ay nakatingin sa akin. Umiwas siya ng tingin at tiningnan naman niya yung isa. Seryoso pa din siyang nakatingin sa akin at para siyang galit na galit. "Villacier, anong kaguluhan ito?" Tanong ni Coach sa kanya. Bumaba ang tingin ko at nakita kong nakakuyom din ang palad niya. Hindi ko talaga alam kung ano ang nagawa ko sa kanya. Bigla siyang tumalikod at umalis. Pumunta siyang bleachers at uminom ng tubig. Nilapitan siya ng mga kasamahan niyang lalaki. Nilingon ulit ako ni Coach. "What happened, Quintosse?" aniya sa akin na nakataas ang kilay. Mabuti nalang at napigilan ko ang luha ko. Nagkibit balikat lang ako tinalikoran si Coach. I don't know what happened to him at bigla na lang niya ako sinigawan. Lumapit ako kay Joreen na nakatayo malapit sa likoran ko. Malungkot pero medyo galit ang mata niya. Hinawakan niya agad ang dulo ng damit ko. Inilapit niya ang mukha sa akin at marahan niya akong tiningnan sa mata. "Hanap tayo ng water fountain?" mabuti na lang at hindi na niya ako tinanong tungkol sa nangyari. Alam ni Joreen kung sino ako at ano ang nakakapanghina sa damdamin ko. Alam din niyang sensitive ako sa sigawan. Tinanguan ko siya at hinawakan niya ang kamay ko. Lumabas kami sa gym at naghanap ng fountain. Dahil bago palang kami dito, kailangan namin ng tulong. "Excuse me." ani Joreen sa babaeng dumaan sa harap namin. May dalawa itong kasama. At pareho silang may eye glasses. Nilingon nila kami. "Uhm, magtatanong sana kami if saan ang mga water fountain dito." mahinahong sabi ni Joreen. "Ah, bago kayo ano? Well. Pwede kayong dumeretso sa daan na iyan. Nasa harapan ng xerox machine. Marami pa pero yan ang pinakamalapit so far." ani ng babae. Napansin kong matatangkad pala siya katulad namin at may pagka-kikay. "Ganun ba? Salamat ha." si Joreen ulit. Hindi ako palasalitang tao. "No probs. Ako nga pala si Desiree, ito naman si Mae at Nona. You can always approach us if you need a guidance. We are everywhere." nakangiti niyang sabi. Sabay namin siyang tinanguan ni Joreen at nagpasalamat ulit. Sana ganoon lahat ng tao sa mundo. Approachable. Hindi yung basta-basta nalang naninigaw. Halos maubos namin ang tubig sa sobrang panunuyo ng lalamunan namin. Para akong nabusog agad kahit hindi pa ako nakakain ng agahan. Dali-dali kaming bumalik dahil 10minutes lang ang break. Napatingin ako sa malaking digital clock sa gilid ng gym. 7:54 AM pa. Maaga pa pala pero maraming estudyante na ang nakikita namin. Mukha agad niya ang nakita ko pagkapasok namin. Seryoso pa din ito at nagbabangga pa din ang kilay niya. Dinaanan ko nalang siya ng tingin at umaktong hindi siya nakita. "5 minutes left!" sigaw ng babaeng may bangs. Mahilig ata siyang sumigaw. "Hey!" napatigil kami ni Joreen sa paglalakad. Bigla kaming nilapitan ng apat na babae. "Hey din." ani Joreen. "Ako nga pala si Chy Tan, dalawang taon na akong varsity player." sabi ng babaeng medyo skinny. She looks familiar like I saw her somewhere. Tama! Siya nga iyong narinig namin ni Joreen na nagsalita tungkol sa scholarship noong nakaraang araw. "Ito naman si Gracey Del Puerto, Riz Lacsama at Nice Onyo. Mga bago din sila katulad niyo at welcome sa Team." Nanglambot ang puso ko. Ngayon lang ata kami kinausap at iwinelcome. Diretso warm-up kami kanina at wala man lang pagpapakilala ang naganap. Kaya medyo nagulat kami at nasiyahan at the same time. Sabay kaming napangiti ni Joreen. "Salamat! Ako si Joreen. Ito naman si Cheska! At sana maging kaibigan tayo." masiglang sabi ni Joreen sa apat. "Salamat." iyon nalang ang nasabi ko. "So, Cheska. Kami na ang hihingi ng tawad sa ginawa ni Captain. Ganoon talaga siya at mainitin ang ulo. " ani Chy. Hinanap naman ng mata ko ang Captain-kamo sabi niya. Nakita ko siyang nakaupo sa gilid at may bottled-water siyang hawak. Bumalik ang tingin ko kay Chy at tinanguan nalang siya. Kung galit siya at mainitin ang ulo, sana wag niya akong idamay. Inosente ako at wala akong ginawang masama sa kanya. Nagpatuloy kami. Nag praktis kami sa 2-points shooting at free-throw. Kami lahat. Tig-iisa kami ng Basketball Ring. Sa kaliwa sa mga Boys, at dito naman sa kanan ang sa amin. Nang matapos kami, halos mapigaan ng maraming tubig ang Tshirt ko sa pawis. Kasama ko sina Joreen, Chy, Gracey, Riz at Ice sa washing room. Panay ang pag-uusap nila sa maraming bagay at nakikinig lang ako. "..tapos akalain mo, makakapasok pala kami dito. haha. Ang saya lang di ba?" sabi ni Riz habang nanghihilamos. Kinakausap niya si Joreen sa repleksyon ng salamin sa harapan namin. "Kami nga din, ah. Isa lang ang ibig sabihin nun, matatalino talaga tayo at magagaling." medyo tumaas pa ang boses ni Joreen. May biglang pumasok na kasamahan namin at sabay silang tumawa. "That is the spirit girl. Matalino tayong lahat at magaling. Whoo!" Nalaglag ang panga ko sa biglang singit ng I think mga players na matagal nadin dito katulad ni Chy. "Go Girls! Go Blazing Phoenix!" at napuno ng hiyawan ang wash room. ** "Mababait pala silang lahat, Ches. Except lang ni girl bangs." sabi ni Joreen habang naglalakad kami papuntang first class namin. Yes. Mababait nga sila. Pinakilala nila ang mga sarili sa amin kanina sa Wash Room. Panay din ang ngiti at tawa namin kasi may nagsample pa. Sobrang saya lang. Kadalasan sa kanila ay nasa final year na at graduating. Lima lang kaming bago. Tinanaw ko ang COR ko. 9:00-10:30 Logic and Ethics. Building 41. Halos lahat ng subjects namin ay minors lang at 24 units lang kami. Since irregular, malaya kaming magdesisyon sa kukunin naming subject basta hanggang 24 units lang talaga. Tinanaw ko naman ang school map. Nasa tabi lang pala ito ng University Gym. "Wrong way tayo." sabi ko kay Joreen na nakatingin din sa School Map niya. "Tama ka nga." bumalik kami sa dinaanan namin. Lakad-takbo ang ginawa namin dahil ayaw naming malate lalo na at first day. 41-505. Oh hell. Fifth floor pala ito. Damn it! Mabuti nalang at may elevator kaya agad kaming nakarating. Halos lahat ng mata nasa amin pagkapasok namin sa Room. Naghanap kami na mauupuan at nakakita kami ng dalawang upuang bakante sa harapan. Dali-dali kaming pumunta doon at umupo. Saktong pag-upo namin, dumating ang may kaliitang propesor. "Psst." napalingon ako sa gilid ko at nakita ang nakangiting Roe. lc3Rfkt=
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD