Kabanata 8
I Don't Belong
Dahil vacant kami 10:30 hanggang 1:30, naisipan naming tumambay nalang sa cafeteria kahit wala naman kaming bibilhin dito.
Isa at kalahating oras lang ang tinagal ng klase namin at panay lang ang talak ni Roe sa akin.
Mabuti nalang at hindi kami pinagalitan. Puro pagpapakilala lang naman ang nangyari kanina at sinabihan lang kami tungkol sa mismong subject kung ano ang makakasalamuha namin sa buong semestre.
May mga dumadaan sa harapan namin na nagdadala ng mga chips, burger at bottled coke.
Nagwawala ang tiyan ko tuwing nakikitang sumusubo ng pagkain ang mga estudyante dito.
Alas diyes palang ng umaga pero halos mapuno na ang cafeteria.
Dumating si Roe na may dalang limang burger at bottled drinks.
Nilamon agad ang utak ko ng pagtataka.
May kasamahan ba siyang pupunta dito? Lumipad ang isipan ko sa Kuya niya. Sana hindi iyon pumunta dito. I hate him!
Inilapag niya agad ang tray sa lamesa. Kinuha niya ang dalawang burger at inilahad niya iyon sa amin.
"Ate oh, at Joreen."
Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o ano. Hindi talaga ako komportable sa mga libre lalo na't may alam sila sa katayuan ng buhay namin.
May parte sa utak ko ang naiinsulto. Pero nilunok ko nalang iyon. Ayokong masaktan siya kapag hindi ko ito tatanggapin. Mukha pa naman siyang sensitive.
Dumating si Francis at nginitian niya ang katabi ko. Tumabi siya dito at kumuha ng burger.
Dumating naman ang taong ayaw ko sanang makita. Umupo siya sa tabi ni Roe at binigyan niya ito ng burger. Napairap na lang ako at napayuko.
Gutom ako at gusto kong kumain pero dahil nasa harapan ko ang lalaking ito, nawawalan ako ng gana.
"How's your first day, Joreen?" narinig kong malambing na sabi ni Francis dito.
"Okay lang. Introduction lang naman at puro lang chikahan." kaswal na saad naman ng kaibigan ko.
May bumangga sa upuan ko dahilan para mapasubsob ako sa lamesa.
"Sorry, Miss." hinarap ako ng lalaking bumangga sa upuan ko. May dala siyang tray. Medyo may katabaan siya pero maputi.
Nginitian niya ako at kinindatan. Lumaki ang mata ko sa ginawa niya at naningkit din kalaunan. Tiningnan ko ito nang masama pero nanatiling nakangiti ito sa akin.
Umupo siya sa tabing mesa namin. May mga kasamahan din siyang nakatingin sa akin at may kumaway pa.
"Hi, miss." Sabay nilang sabi. Napasimangot na lang ako sa kanila. I don't know them. Mga gago!
May narinig akong tumikhim malapit sa akin.
"Ate." Tawag ni Roe at nilingon ko siya.
"Gusto mo palit tayo ng upuan?" aniya sa akin. Gustung-gusto kong lumayo dito at makipagpalit nalang kay Roe pero ayokong makatabi ang Kuya niya.
Umiling na lang ako at hinayaan ang grupo ng mga lalaki.
May babaeng dumating at may dala itong tray na puno ng pagkain.
"Hi everyone! Hi guys" sabi nito at umupo sa tabi ko.
"May bago ata?" aniya at binalingan ako.
Naririnig kong tumatawa sina Joreen at Francis sa tabi.
"Yup. Si Ate Cheska at Joreen. Mga bagong friends namin."
Gusto kong tumutol sa sinabi ni Roe pero tumahimik nalang ako. Hindi ko alam kung kasama ba sa 'namin' ang Kuya niya.
"Hello! Ako nga pala si Cristina. I am their cousin. Friends na din tayo but I will never call you Ate kasi feeling ko, magkasing-edad lang tayo." sabi niya at saka tumawa ng mahina.
Nginitian ko naman siya sabay ng pagtawa niya. Para siyang pamilyar sa akin. Its like I saw her somewhere.
Tumayo siya at kinuha niya ang bakanteng lamesa sa likoran niya at ipinagtabi ito sa lamesa namin. Kumuha pa siya ng isa at tinulungan siya si Roe na kumuha ng mga upuan.
So, marami pa pala ang dadating? Sinu-sino naman? Kasali pa din ba kami dito?
"Kasya na ata tayo dito." sabi niya kay Roe.
Dahil nabago ang posisyon ng lamesa, nabago na din ang pwesto ko.
Magkatabi pa din kami ni Joreen at si Roe na ang nasa kabilang tabi ko.
May bagong dumating na naman at tatlong lalaki ito kasama ang isang babae.
"Brothers and Sisters!" bati nito sa lahat.
May dala silang supot ng pagkain galing sa kilalang food chain.
"We've got new?" nagtagpo ang mata namin sa lalaking medyo singkit.
"Ah, oo. Upo muna kayo. Ito pala si Ate Cheska at Joreen. Mga kaibigan ko. Sila naman ang mga pinsan ko." tumango lang ako dito at ngumiti ng pilit.
Sabay na tumango ang apat at lumapit ang babae sa akin.
Bigla niya akong niyakap at hinalikan sa pisnge. Halos manigas ako sa ginawa niya.
"Hi, Ate! Ako pala si Janessa. Welcome sa group!" aniya. Sinita niya si Roe sa tabi ko at pinalitan ito sa upuan.
Nakita ko namang napabusangot na lang ng mukha si Roe.
"Art here!" sabi nung medyo singkit.
"Martin." tipid na sabi ng lalaking naka bonnet.
"Ako naman ang pinakagwapo sa lahat. Rent" at kumindat pa siya sa akin.
Busy pa din si Joreen sa katatawa kasama si Francis.
Sinapak naman nung Art si Rent.
"Asa bro. Pareho lang tayo ng mukha." at saka ko pa napatantong, kambal pala siya.
Iba nga lang ang hairstyle nila. May pagkakulot si Rent. Clean cut naman si Art. Nagtawanan sila at nagsapakan ulit.
"Captain! Seryoso ata tayo ngayon?" ani Rent sa kay captain. Ano ba ang pangalan niya? Captain LS lang ang natandaan kong sabi ni Francis.
Nacurious tuloy ako bigla. Parang may kung ano sa sestema kong gustong malaman iyon ngayon mismo pero wala akong lakas ng loob para sabihin iyon sa kanino.
"O.A Bro, lagi naman iyang seryoso ah." singit ni Art.
"Ay oo nga pala. Nakalimutan ko tuloy" at humalakhak naman nang tawa si Rent.
Sampo kami lahat sa mataas na mesa at sumasakit ang ulo ko.
Ang dami kong nakilala ngayong araw at hindi ko alam kung maaalala ko pa ba yung iba.
Masyadong expose na ako sa lugar na ito.
Kung sa dating paaralan namin, si Joreen lang ang nakasama ko at konting kaklase na hindi ko madalas nakikita araw-araw tapos ngayon iba na.
"May wifi!" sigaw ni Rent at nagsilabasan naman ang mga Iphones nila.
Bumagsak ang tingin ko sa aking kamay na nakapatong sa bag ko.
Ngayon lang ako nahiya.
Isa lang ang napatanto ko. Hindi talaga ako nababagay sa lugar na ito.
"Kainan na!" sabi ni Francis and thank god, hindi na sila nagsarili ni Joreen.
Anong kakainin ko? Nakita kong share ng pagkain si Joreen at Francis.
Burger lang ang nasa kamay ko at bigay pa ito ni Roe. Mamaya pa ang lunch at wala akong pambili ng snack.
Napabaling ang tingin ko sa kay Captain LS.
Nakita kong nakatingin siya ng diretso sa akin at seryoso pa din ang mata niya.
Kumagat siya ng burger at mukha siyang galit. Whatever!
"Ate oh!" binigyan ako bottled drink ni Roe at may inilahad namang malaking chichirya si Janessa at Cristina.
Napalunok ako. Kahit masakit sa ego, tinanggap ko nalang.
This will be the last. Ayokong mabastos sila kapag hindi ko ito tinanggap.
Naninikip ang dibdib ko. This will be the last at iiwas na ako sa mayayamang tulad nila. I don't belong here.