Kabanata 44 Sana Panaginip Na Lang Nagising ako sa lakas ng kalabog sa pintuan namin ni Joreen. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas dos y medya palang ng umaga. Kumalabog din ang puso ko sa kaba. Biglang umakyat ang kaba sa buong katawan ko na parang nagising ang sestema ko. "Sino kaya iyan?" ramdam ko ang takot sa boses ni Joreen. Nakaramdam nadin ako ng takot. "HOY!" rinig namin sa labas ng pintuan namin. Lumaki ang mata ko. That's a very familiar voice. "Wait lang." tumayo si Joreen at dahan-dahan binuksan ang pintuan. Napalunok ako. Mas nanlaki ang mata ko nang biglang pumasok ang umiiyak na Roe na hindi ko maitsura ang mukha at sinampal ako ng napakalakas. Napahawak ako sa pisnge ko dahil parang namanhid ito bigla. "Dahil saiyo nadisgrasya si Kuya." Huminto ang mundo ko

