Bagong yugto. Kabanata 45 Cheska 3 years later. "Oh my. Sorry po Manong Guard." Nakayukong sabi ko sa security guard ng kompanyang pinagOJT-han ko. Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko na namalayang may nabangga na pala ako. Muntik pa siyang matumba mabuti nalang at hindi iyon nangyari dahil kung nagkataon, maguguilty talaga ako habangbuhay. "Ma'am. Sa susunod po mag-ingat na po kayo." Tinanguan ko nalang ito at pilit nginitian. Nakakahiya. Bumuntong hininga muna ako bago tuluyang pumasok ng kompanya. This is it. Late na nga ako kahapon, late pa ako ngayon. Gusto ko nalang umiyak sa kaba. Sana wala iyon malditang head supervisor para pagalitan ako. Pinagalitan na nga niya kami ni Joreen nung isang araw, ayaw kong maulit ulit iyon. Daaaamn! Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng op

