Kabanata 2
Tanggap
"Yes!" Napasigaw ang katabi ko. Sobrang lakas ng sigaw niya kaya napalingon dito ang mangilang estudyanteng nakapaligid sa amin. Nakaramdam ako agad ng pag-akyat ng dugo sa hiya.
Kung hindi ko lang ito kaibigan ay pinaalis ko.
"Sorry Cheska! Masaya lang talaga ako. My Gosh! Finally!"
Hindi naging madali ang exam namin. Katunayan nga, mas mahirap pa ito sa inakala ko. Theories ang una, after that, you are going to apply the theories. It's not easy. Right after we know the result, diretso kami screening which is shooting, running and freestyle. We managed to impress the heads and that's our advantage.
Sobrang nagpapasalamat na lang ako at medyo kahiligan ko din ang mag laro ng basketball sa dati naming unibersidad ni Joreen. Naalala ko pa, defending champion ang college namin sa tatlong magkakasunod na taon tuwing may intramurals at school-wide p.e festivals dahil sa aming team ni Joreen. Hindi ko inakalang, sa pagkahilig ko pa lang ito, magbibigay kasiyahan ito sa akin sa kinabukasan.
Naibaling ko ang tingin ko sa grupo ng mga estudyante na masyadong malakas ang mga boses sa gitna ng court, una kong nakita ang lalaking kahapon ko pa napapansin. It's the same guy in that exam room again.
"Really boys? Pwedeng mag lunch with you. Please?" napataas ang kilay ko sa sinabi ng babae sa kanya. Ngayon ko lang napansin na matangkad pala siya.
Chick magnet huh? Napangiti ako ng mapait.
Okay lang naman mag landian pero sana naman sa tagong lugar, hindi iyong dito sa maraming tao.
Kinuha ko ang bag ko sa bleachers. Hindi ko na lang pinansin ang mga pawis sa buong katawan ko. Wala din naman akong extra tshirt na dala kaya wala akong choice kundi patuyuin na lang ang mga pawis kong ito.
"Sige na! Pumayag na kayo." Napalingon ulit ako sa lakas ng boses ng babae.
Agad na nasaksihan ng mga mata ko kung paano ipinulupot ng babae ang braso niya sa beywang ng lalaki. Ngayon ko lang din napansin ang kaputian niya. Defined ang muscles niya. Kitang-kita ko dito. He is wearing a jersey, therefore he is a BB player. Hindi ko makita ang nakalagay sa likod nito kasi may babaeng nakaharang. Iwinaksi ko ang pag-iisip ko.
"Please boys. Sandali lang naman."
Napangiwi na lang ako sa boses ng babae. Ang lakas pa na parang gusto niyang iparinig sa lahat ang mga salita niya.
Naibalik ko ang tingin sa lalaki. Minsan lang ako naaatrak sa isang tao sa isang tingin. Kaya siguro madaming babae ang lumalapit sa lalaking iyan dahil sa taglay nitong mga mata na naibagay sa medyo makapal nitong kilay. May mukha siyang maipagyayabang kung tatanungin man siya kung bakit lapitin siya ng mga babae.
Napatingin na lang ako sa ibang direksyon nang maikailang kanina ko pa pala siya pinagmamasdan.
"Let's go Joreen" because we need to go. Nagkakasala na ata ang utak ko ngayon. I don't want to be judgmental.
Wala kaming klase ngayon dahil wala kaming schedule sa araw ng lunes. At lahat ng subjects namin sa Tuesday to Saturday, ay hanggang 4:30 pm lang. Advantage sa amin yun since nag sisideline kaming dalawa ni Joreen.
Actually, pupunta kami ngayon sa isang fast food chain upang magtrabaho. Swerte kung sabihin ay tinawagan kami kahapon at sinabihang hired na kami. Kailangan ko talagang kumayod katulad ng dati. Back to square one kami at alam kong medyo iba ito ngayon.
Alam kong butas ng karayum ang dadaanin ko sa ngayon pero medyo nahimasmasan ang kabigatan ng puso ko dahil may scholarship na kami ulit. Pagbubutihan ko talaga ito at para manatili ito sa aking kamay.