Kabanata 1
"Congratulations! And now, you are officially enrolled." nakangiting sabi ng isang faculty sa amin. I can't help but to smile too. Tama nga sila, after each storm, there will be a rainbow. Don't count the damages that the storm has made in your life; instead, count how many times you tell yourself that you can get through it, because you will.
Na kahit ang ibig sabihin pa nito ay magsimula ka ulit sa pinakamababa ay okay lang. Ang importante, may pag-asa ka uli'ng hinahawakan.
"Thanks Ma'am."Masayang sabi namin ni Horeen sa kanya. Sobrang gaan ng puso ko. Maraming minors ang nacredits dito since magkapareho lang daw ang course description sa kabila at dito sa Mindanao University of Science and Technology. Isang public university ng syudad kung saan halos 1/4 lang ang babayarin namin dito kumpara sa kabila.
Kahit balik 1st year college ulit kami ay iniisip na lang namin ang pagkakataong makapagsimula ulit.
Masigla ang sinag ng araw at napatingin ako sa mga punong kahoy na sinadyang ipagtabi-tabi ng kung sino man ang nagtanim nito dito. Para na din akong nasa probinsya namin sa sarap ng ihip ng hangin. Hinayaan ko na lang na liparin nito ang buhok kong may kahabaan na.
"What's good thing about being a Varsity Player is that our tuition fee is free." pareho kaming napalingon ni Joreen ng may biglang nagsalita sa aming likoran. Kita ko ang mga matatangkad na babae na nag-uusap. May isa pang nakashorts lang na parang player ata ng paaralan.
"Talaga? Anong requirements?" tanong nung babaeng morena.
"Simple lang, Gracey. Be serious, be concentrate, be hardworking, focus on the game and bring pride and honor to your school." Sagot niya na may halong kakisigan sa boses.
Napatingin ako kay Joreen at parehong nanlaki ang aming mga mata. Ramdam kong huminto sa pag-ikot ang mundo... Scholarships!
It's like hearing a miracle in a hopeless land.
Gusto kong magtanong o sumingit sa kanilang pinagusapan pero alam kong hindi tama baka kung ano pa ang masabi nila sa akin. Totoong mas mura ang unibersidad na ito pero mas giginhawa pa din kami ni Joreen kapag may Scholarship!
"Talaga Chy? O sige ba! Saan ba pwedeng lumapit diyan?" tanong naman ng babaeng maputi.
"Nasa school gym lang si Coach, Riza. Pwede niyo siyang lapitan. Mabait yun."
May biglang humigit sa kamay ko dahilan para muntik na akong madapa sa sahig. Kinaladkad ako ni Joreen at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
"Teka nga." hinihingal kong sabi sa kanya saka siya huminto.
"We need that scholarship Ches. We need that." seems like our minds are really connected. I smiled to her as a sign of approval.
Binuksan ko ang school map na binigay ng babae kanina sa opisina.
Nakita kong nasa LRC Building kami ngayon. I trace up the school gym at malapit lang ito kung saan kami nakatayo ngayon.
Nagsimula kaming maglakad habang binibigyan ko ng direksyon ang kaibigan ko.
Una akong pumasok sa school gym dahil na rin sa excitement. Napatingin ako sa librong hawak ko. Binuksan ko ito at nilagyan ng bookmark para hindi ako mawawala sa susunod na pahina kapag babasahin ko na ito.
Bigla akong siniko ng katabi ko dahilan para muntik nang mahulog ang libro ko. "Mamaya na iyan," Sinimangutan ko siya. Hindi naman niya ako kailangang sikohin.
Muntik na akong madapa nang apakan ko na ang court nila dahilan para mapamura ako sa isipan. Napakakintab lang ng sahig at ang linis na parang bago lang pinagawa.
Nagsimula kaming maglakad at huminto kami sa harapan ng lalaking may malaki ang tiyan na may katandaan ang mukha.
Nakangiti siyang tiningnan kami. Joreen took one step closer to him and smiled.
"Good morning sir, coach po ba kayo dito?"
"Yes beautiful ladies, how may I help you?" napaatras ako nang marinig ang boses niya. Sobrang buo at lalaking-lalaki at nakakatakot. Matangkad din siya pero mas kapansin-pansin ang malaki niyang tiyan. Iwinaksi ko na lang ang iniisip ko ngayon at itinuon ang buong atensyon sa coach.
"Uhm, plano sana naming sumali ng varsity para scholarships." diretsahang sagot ni Joreen. Nakita namin ang pagkabigla sa mukha ng Coach.
"Talaga? Marunong kayo?" para akong nainsulto sa ibinigay niyang mukha sa amin. "If given a chance to be part of your team, Sir, we will show how that word is truly defined. We are good with team working and our minds are open for you possible constructive criticism" hindi ko mapigilang sabihin iyon sa kanya. Lumundag ang puso nang unti-unting nagkurba ng ngiti ang labi niya.
"I'm impressed. You're a smooth talker, young girl. Well then, kailangan niyo lang mag-take ng exam, written exam regarding basketball. At kapag nakapasa kayo, deritso kayo sa last and final stage for screening. And if you manage to impress us, kasali na kayo agad and officially part of the team and one of schools scholars."
Napakagat labi na lang ako sa pagpipigil na sumigaw sa kasiyahan.
Pagkatapos naming inapproach ang coach, pinapunta muna niya kami sa university clinic at pinacheck-up. Bumalik din kami agad nang makuha ang resulta. Ginabayan niya kami sa exam room para makapag exam. Sobrang saya ng pakiramdam ko. Sana makapasa kami pareho ni Joreen. We really need this scholarship para hindi na kami mahirapan sa pagtatrabaho araw-araw.
**
Tahimik ang lugar at may mga lalaking dumadaan ng tahimik. Lahat sila malalaki ang bag at may mga water container silang dala. Basa ang buhok nila at mga damit. Siguro, galing sa laro ang mga ito.
Una akong natapos at kasunod ko si Joreen. Sabay naming ibinigay ang test paper sa lalaking hindi ngumingiti na kanina ko pa napapansing panay ang titig sa akin. Malagkit ang tingin niya na para niyang pinag-aaralan ang bawat galaw ko. Tinaasan ko siya ng kilay at tinapunan ng tingin.
May biglang lumapit sa kanya at nakita ng dalawang mata ko kung paano siya hinalikan ng babae sa pisnge habang nanatili ang malagkit niyang titig sa akin.
Napailing na lang ako at kinuha ang bag na dala ko kanina. Sabay kaming lumabas ng exam room habang talak nang talak si Joreen sa tabi ko tungkol sa mga questions sa exam.
"Hindi ko alam ang sagot sa number 67, ches. What is the normal body mass index? May sagot ka doon?"
"Nakalimutan ko ang normal BMI kaya hindi ko na lang sinagutan." Sagot ko dito.
"Pareho pala tayo."
So this is college for the second time...
Minsan, ang akala nating malapit na tayo sa finish line ay hanggang akala lang pala. Sinusubok tayo ng tadhana at kung iiyak ka na lang sa tabi, ay pagtatawanan ka lang nito.
Totoong may choice ang lahat ng tao. Kahit ang pagsagot ng yes at no ay choice na din siya. Kahit ang pananahimik at pagsasalita ay choice din.
Hindi ko laro ang bumitaw na lang. Kapag sa tingin ko ay magagawa ko pang ilaban ang buhay ay gagawin ko. Sa paglilipat unibersidad namin ngayon, gagawin ko ang lahat na ito na talaga ang huli. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito. Sana lang walang sisira sa pag-aaral ko.