Kabanata 62 Mapanghusgang Labi Napangiti ako kay Stephen nang maabutan ko siyang nag-aayos ng kanyang neck tie na tila isang batang hindi alam ang kanyang ginagawa. "Mind helping me?"aniya na parang naiinis ng sobra. "Hindi mo na alam kung paano mag neck tie?" birong sabi ko dito, ngumuso lang siya at nakagat labi ako sa kanyang ginawa. He is so damn cute! Naka three-piece suit siya at pink ang undershirt niya at pareho kami ng kulay. Nanghiram ako kay Joy ng ganitong pink katulad ng kanya at mabuti nalang at mayroon siya. Isa itong tube-cocktail na hanggang tuhod. Simple cut lang ito at medyo pansin ang design nitong small beads sa gitna. Bibilhan sana niya ako ng damit pero umayaw na ako. Kahit noon paman, I l don't like him giving gifts to me kahit pa ano ang sasabihin niya. Mabuti

